LOGIN𝘏𝘦𝘭𝘱
Umaga. Maaga na naman ako bumangon para paglutuan si Lolo, kahit may sama pa rin ang loob ko sa kaniya dahil sa mga plinaplano niya ay naroon pa rin ang pag-aalaga ko sa kaniya. Hindi ko nga ata kayang magalit sa kaniya, kahit na ano pa mang ilihim o iplano niya sa aking hindi ko papayagan ay ‘di ko matitiis na huwag siyang paglutuan. Isang presensya ang naramdaman ko, hindi ko nalang pinansin dahil baka isa sa mga kasambahay iyon. Pinagpatuloy ko nalang ang paghahalo sa sopas na niluluto ko. “Magandang umaga, senyora ko,” nakakasira ng araw ang boses ni Noel. Isang matalim na tingin ang ginawad ko sa nagliliwanag niyang ngiti. “Pwede ba, Noel. Ang aga-aga pa, huwag kong sirain ang umaga ko.” Mahina siyang natawa, sabay nakangusong lumapit sa akin. “Ako kaya ang pinaka magandang bungad sa umaga mo, senyora ko. Anong ginagawa mo?” Dumungaw siya sa niluluto ko at halos mahigit ko ang aking paghinga, dahil ilang dipa nalang ay mahahalikan na naman niya ako. Napaiwas ako ng tingin, baka makita pa niyang naiilang ako sa ginagawa niya at para ring umiinit na naman ang pisngi ko. “Wala ka bang mata? Kita mong hawak ko itong kawali, magluluto ako, alangan namangmagdadasal hindi ba? At pwede ba…kung mang iinis ka mamaya na, hindi pwedeng sumama ang mood ko dahil nagluluto ako,” halos hindi ko na marinig ang tono kong pagalit, pero nauuwi sa pagiging mahinhin. “Sige, may sopresa ako sa ‘yo mamaya. Tiyak ako matutuwa ka,” hindi siya nakipag matigasan. Bigla akong nakuryoso kaya’t napalingon ako sa kan’ya at iyon na ata ang pinaka mali kong nagawa, halos mahahalikan ko na siya. “A-Anong supresa?” Hindi ko alam saan ko hinugot ang lakas ng loob na magsalita pa. Parang wala lang sa kaniya at natatawang lumakad palayo. “Senyora ko naman, surprise nga eh tapos sasabihin ko ngayon. Ikaw talaga ang hilig mo kong pasayahin.” Kumindat siya at naiwan akong nakatulala na naman sa pwestong inalisan niya. Ano bang nangyayari sa akin at kung ano-ano ang nangyayari sa akin kapag nasa paligid siya. Hindi maganda ang epekto niya. Bumalik ako sa ginagawa at pinagpatuloy ang pagluluto lalo pa at ilang minuto lang ay pumasok si Manang upang sabihin na gising na si Lolo, pero hindi raw makakasabay sa pagkain dito sa hapag. Tinubuan naman ako ng pag-aalala, dahil baka nagkaroon siya ng sakit lalo pa at parang napaka dami niyang inaasikaso tungkol sa negosyo o sa kasal naming lahat. Hindi mawala-wala sa utak ko ang sinabi ni Noel kaninang umaga na kahit tirik na tirik ang araw ay pumunta ako sa hardin upang hanapin sila. Ramdam ko ang pagtulo ng pawis sa aking noo at pisngi. Mabuti nalang ay nagdala ako ng payong at panyo. Kanina pa ako palinga-linga sa paligid, per ni anino niya ay hindi ko makita. Wala rin akong marinig na maingay, siya lang naman kasi sa mga ang hardiner ang madaldal at parang walang katapusan ang saya. “Asan na kaya iyon? May sasabihin daw tapos hindi nagpapakita,” Kinagat ko ang labi ko at mahinang napapapadyak ang paa. Inip na inip na ako at pansin ko rin ang mga mapagmatyag na mata ng mga hardinero rito. Siguro ay nagtataka kung bakit nasa labas ako at akala mo nanonood ng sine kung makatambay. “Sino pong hinahanap ninyo senyora?” Lumingon ako sa likod at isang lalaki ang nagtanong sa akin. Parehas ng damit niya ang mga nakikita kong suot ni Noel, simpleng puting pantaas na long sleeve tapos pants na maluwang, ang kaibahan lang ay kapag si Noel ang nakikita kong magsuot ay may kakaibang emosyon akong nararamdaman. Na parang bagay na bagay sa kaniya ang ganoon at dahil din sa pumuputok niyang braso kaya nagiging hapit ang damit niya at niyayakap ang buong katawan niya. Napakurap-kurap ako at nakita kong naghihintay ng sagot ang binata. Nakakahiya. “S-Si Noel…nasaan?” “Ay si Noel ho? Nasa palengke ho sa bayan kasama si Ligaya,” Bigla akong nakaramdam ng hindi maintindihang inis at tumaas ang isang kilay. “Sinong Ligaya?” “Isa ho sa mga kasambahay rito. Nobya ho ata ni Noel,” Ang kaninang inis na nararamdaman ko ay biglang naging galit. May nobya pala siya tapos ay magpapakasal sa akin? Ibig sabihin dahil nga siguro sa pera ang dahilan. Pasabi-sabi pang hindi niya kailangan ang pera ng pamilya namin. Edi ano palang dahilan? Para ipagmayabang? “Paano mo nasabing nobya? Sinabi ni Noel sa iyo?” mataray kong saad. Kita ko ang paglunok ng lalaki. “A-Ah h-hindi po. H-Hinala lang po n-namin, d-dahil madalas silang m-magkasama.” Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko. Kung ganoon pampalipas oras ako? O nagtatagal lang siya kapag andiyan si Lolo sa tabi? Ayos din pala ang isang iyon. Napairap ako sa kawalan, dahil akala ko pa naman… “Sige aalis na ako.” Nagsimula akong maglakad, pero hindi pa man nakakalahati ng hakbang ay narinig ko ang sigaw ng lalaki. “Ay sandali ho, seyora! Ayan na ho pala sila eh. Noel! Si senyora hanap ka!” Napalingon ako at nakita ko nga si Noel na may hawak na bayong at hindi lang iyon ang nakaagaw ng atensyon ko. Ang babaeng kasama niya ay maputi, balingkinitan, maiksi ang buhok na itim—hanggang leeg, pati ang labi mapupula rin. Magandang babae. Nobya nga niya. Lumiwanag ang mukha niya. “Oh! Senyora k-. Senyora!” Kumunot ang noo ko. Iniba niya ang tawag sa akin? Bakit? Kas nandiyan ang tunay? Ano ‘to ako ang kabit? Mahina akong napailing at inismiran siya pagkatapos ay dire-diretsong umalis ng hardin, hindi pinansin ang malakas niyang pagtawag sa pangalan ko. Bahala ka riyan. “Senyora sandali! Bakit ang bilis mo maglakad?!” rinig kong tanong ni Noel. Kanina pa ‘yan naghahabop at sunod nang sunod sa akin. Pagkatapos kong umalis ng walang sinasabi sa hardin ay bigla siyang sumulpot, ako naman ay hindi siya pinapansin. Bakit ko siya papansinin? Nalaman ko na ang totoo. Sigurado na akong may magiging dahilan na ako. Huminto ako at humarap sa kaniya. “Pwede ba, Noel. Ayoko ng gulo at pang-iinis mo ngayon.” Lito siyang tumingin sa akin. “Ha? May ginawa ba ako? Akala ko hinahanap mo ako.” Turo pa niya sa sarili. Peke akong tumawa. “Sino namang nagsabing hinahanap kita? Inaalam ko lang kung ginagawa mo ba ang trabaho mo, dahil baka prente kang nakaupo at nag-aasal mataas.” Akma akong aalis ngunit nagawa niyang higitin ang braso ko, pero hindi iyon madiin, nandoon pa rin ang lambot sa paghawak niya. “Sandali senyora, hindi kita maintindihan. Galit ka ba? May ginawa ba ako? Ano bang ginawa ko? Pasensya na kung meron man,” Inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko, umiwas ng tingin at mahinang nagsalita. “Anong gusto mong sabihin kanina?” Nagsalubong ang kilay niya. “Kanina?” Halos masampal ko ang noo ko. Inuuna kasi ang babae niya, nakakalimutan tuloy. “Argh! Kaninang umaga, may sasabihin ka.” Mukhang naintindihan naman niya ang ibig kong sabihin at tumango. “Ahhh…ayon lang pala. Payag na ako…” Ako naman ngayon ang kumunot ang noo. Wala naman akong sinabi kaninang umaga sa kaniya, dahil hindi rin naman ako nagtanong. Hindi ko maintindihan ang sinasabi ng isang ito. Baka naman nang-aasar ulit? Mukhang nakita naman niyang hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Tumawa nang mahina at ngumiti sa akin. “Tutulungan kita na hindi matuloy ang kasal. Ano bang plano mo?” Para akong biglang nabingi sa sinambit niya. Pumapayag na siya? Tutulungan niya ako? Dahil ba sa nobya niya? Bakit bigla akong nakakaramdam ng kirot sa dibdib? Hindi ko rin magawang sagutin siya at naiwan akong nakatingin lang sa mga mata niyang naghihintay ng kasagutan ko.𝘏𝘦𝘭𝘱Umaga.Maaga na naman ako bumangon para paglutuan si Lolo, kahit may sama pa rin ang loob ko sa kaniya dahil sa mga plinaplano niya ay naroon pa rin ang pag-aalaga ko sa kaniya. Hindi ko nga ata kayang magalit sa kaniya, kahit na ano pa mang ilihim o iplano niya sa aking hindi ko papayagan ay ‘di ko matitiis na huwag siyang paglutuan. Isang presensya ang naramdaman ko, hindi ko nalang pinansin dahil baka isa sa mga kasambahay iyon. Pinagpatuloy ko nalang ang paghahalo sa sopas na niluluto ko. “Magandang umaga, senyora ko,” nakakasira ng araw ang boses ni Noel. Isang matalim na tingin ang ginawad ko sa nagliliwanag niyang ngiti. “Pwede ba, Noel. Ang aga-aga pa, huwag kong sirain ang umaga ko.”Mahina siyang natawa, sabay nakangusong lumapit sa akin. “Ako kaya ang pinaka magandang bungad sa umaga mo, senyora ko. Anong ginagawa mo?”Dumungaw siya sa niluluto ko at halos mahigit ko ang aking paghinga, dahil ilang dipa nalang ay mahahalikan na naman niya ako. Napaiwas ako ng
𝘗𝘭𝘢𝘯Siya ang unang nakapasok sa kusina, habang ako ay nakasunod lamang at nasa likuran niya. Ewan ko bakit ba ako sumama sa kaniya, hindi naman ako sumasabay sa mga trabahador. Hindi sa ayoko, pero iba kasi ang pagkain nila, sa pagkain namin ni Lolo. Iba rin ang lugar kung saan sila kumakain. Porket alam ng mga kasamahan niyang magpapakasal kami ay hindi sila nagtaka na wala ito ngayon at kasama nilang kumakain? “Manang, ano pong ulam?” sambit niya, inakbayan si Manang. Walang galang talaga ang isang ito. Tinuro naman ni Manang ang mga nakatakip. “Ito kaldereta at sinigang.”Si Noel kinalimutan atang kasama niya ako at bunuksan ang mga kaldero, inilapit pa ang mukha at napapikit. Masarap siguro? Mukhang napansin ako ni Manang at nanlaki ang matang tumingin sa akin. “Oh ikaw pala senyorita. Ano pong ginagawa niyo rito?”Sasagot na sana ako, kaso inunahan ako ng lalaki. “Sabay kaming kakain, nang.” ngingiti niyang sabi. Kumunot ang noo ni Manang sa narinig. Kahit ako nagtatak
𝘍𝘪𝘯𝘥Mabilis akong umalis nang malaman ko ang desisyon ni Lolo. Hindi ko alam ang pumasok sa isip niya at uyon pa talag ang naging desisyon niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at ang buong kalamnan ko ay nararamdaman ko ang pangangatog. Wala ang isip ko sa nilalakaran at hinahayaan ko nalabg ang mga paa na dalhin ako sa kung saan man nito nais. At nakita ko nalang ang sarili kong nasa veranda ng mansyon. Pinikit ko ang aking mata at dinama ang simoy ng hangin, nililipad na ang buhok ko, pati ang bestida kong mahaba ay napapaangat, ngunit hindi ko inalintana, gusto ko lang huminga nang malalim at makapag-isip. “Bakit ba ayaw mong magpakasal sa akin? Gwapo naman ako, hindi ka na lugi,” narinig ko mula sa aking likuran ang hardinero—si Noel. Inayos ko ang sarili at binigyan siya ng matalim na tingin. “Pwede ba, siraulo lang ang magpapakasal dahil aksidenteng nahalikan. Hindi ko alam bakit pinapalaki iyon, aksidente lang ang nangyari!” galit kong saad sa kan’ya. Tatawa-tawa n
𝘔𝘢𝘳𝘳𝘪𝘢𝘨𝘦“Handa ka bang panindigan ang ginawa mo?” nagulat ako sa biglang tanong ni Lolo. Andito kami ngayon sa loob ng silid-aklatan at nakaupo sa mahabang sofa, habang si Lolo naman ay nakaupo sa sofa na nasa gilid habang nasa likuran niya ang lawyer niya. Hindi ko alam bakit ba sinasabi ni Lolo iyan. Akala ba niya ito ang unang beses na mahalikan ako at umaasta siyang buntis ako ngayon na kailangan panindigan?“Lo, ano bang sinasabi niyo? Anong paninindigan? Bakit naman kailangan niya akong panindigan?” alma ko sa kan’ya. Nanlilisik ang mga matang tumitig sa akin si Lolo, “Pwede ba, Frederica! Hindi pwedeng hayaan ko lang na may lalaking humalik sa iyo, baka malaman pa ng mga kakilala ko at akalain nilang pinapabayaan ko ang mga apo ko!”Napahawak ako sa aking sentido, dahil sa mahaba niyang sinabi. Minsan talaga ay nakakalimutan kong over protective siya sa amin. “Lo, hindi naman ito ang unang halik ko. Hayaan niyo na.” napatingin silang lahat sa akin at napahawak nalan
𝘒𝘪𝘴𝘴 “Manang, hindi pa ho ba kumukulo ang takure?” tanong ko kay Manang Wilma, isa sa mga pinagkakatiwalaan naming kasambahay. Nagluluto kasi ako kaya’t sa isang kalan ay nakasalang ang takure, para sa mainit na tubig at nang makapagtimpla ng kape ni Lolo. Ako ang nag-aasikaso ng agahan namin, dahil ayaw niyang gumagawa ako ng gawaing bahay. Ito nalang ang magagawa ko para naman hindi ako biglaang ma-stroke. Habang hinahalo ang niluluto ay nakita ko sa gilid ng aking mata si Manang na binuksan ang takip ng takure—-hindi na kasi gumagawa ng matinis na ingay dahil sa katandaan, tapos ayaw pa ni Lolo bumili ng bago, dahil noon pa mang nabubuhay si Lola ay ito na ang gamit. Lumingon sa akin si Manang. “Opo, senyora. Tawagin ko na po ba ang senyor?” Tango na lamang ang naging sagot ko kay Manang, dahil tumalikod din ako upang kumuha ng sandok at mangkok. “Napaka sarap mo talagang magluto, Frederica,” halos mapangiwi ako nang banggitin ni Lolo ng buo ang ngalan ko. May palay







