Share

Chapter 4

Author: Gvmuxxeervi
last update Last Updated: 2026-01-21 16:00:17

𝘗𝘭𝘢𝘯

Siya ang unang nakapasok sa kusina, habang ako ay nakasunod lamang at nasa likuran niya. Ewan ko bakit ba ako sumama sa kaniya, hindi naman ako sumasabay sa mga trabahador. Hindi sa ayoko, pero iba kasi ang pagkain nila, sa pagkain namin ni Lolo. Iba rin ang lugar kung saan sila kumakain. 

Porket alam ng mga kasamahan niyang magpapakasal kami ay hindi sila nagtaka na wala ito ngayon at kasama nilang kumakain? 

“Manang, ano pong ulam?” sambit niya, inakbayan si Manang. Walang galang talaga ang isang ito. 

Tinuro naman ni Manang ang mga nakatakip. “Ito kaldereta at sinigang.”

Si Noel kinalimutan atang kasama niya ako at bunuksan ang mga kaldero, inilapit pa ang mukha at napapikit. Masarap siguro? 

Mukhang napansin ako ni Manang at nanlaki ang matang tumingin sa akin. “Oh ikaw pala senyorita. Ano pong ginagawa niyo rito?”

Sasagot na sana ako, kaso inunahan ako ng lalaki. 

“Sabay kaming kakain, nang.” ngingiti niyang sabi. 

Kumunot ang noo ni Manang sa narinig. Kahit ako nagtataka at sumama ako sa binata. “Ha? Eh iba ang ulam ni senyorita. Ikaw talagang bata ka, senyorita kukuhanin ko ho ang ulam ninyo.” Pumunta siya sa tapat ng refrigerator at binuksan iyon. 

Parang napakahirap isautak ng nangyayaring ito sa akin. Ikakasal ako, tapos mahahanap na siya. Sinong pipiliin ko ngayon? Ang pamilya ko ba? Magsasakripisyo ba ulit ako? 

Paano naman ako? Kung hindi ko pipiliin ang kasiyahan ko, maganda ba ang kalalabasan ng lahat ng ito? Mararamdaman ko rin kaya ang naramdaman ko noon kay—

Tunog ng dalawang daliri ang nagpagising sa akin. “Huy! Ayos ka lang?” 

“Bakit?”

Gumuhit ang kulubot sa noo niya. “Anong bakit? Para kang hangin, kanina pa nasa harap mo iyang pagkain, hindi mo pinapansin. Ayaw mo ba? Ipagluluto kita.”

 

Tatayo na sana siya pero natigil ng magtanong ako. “Marunong ka?”

 

“Aba! Minamaliit mo ata ako! Nakakahiya man pero maski si Gordon Ramsay mahihiya sa pagluluto ko,” pagmamayabang niya, tinapik pa ang naglalakihang dibdib. 

Mas hindi ko naiwasang magtakha, dahil sa sinabi niya. Kakaiba talaga ang isang ito…

“Kilala mo si Gordon Ramsay?” 

“Senyora ko, may telebisyon ho kami at uso ho sa amin ang internet,”

Kahit na…kung tatanungin ko ang ibang kasamahan niya ay sigurado akong hindi nila ganoong kakilala ito. Telebisyon? Sa pagkakaalam ko ay wala namang telebisyon sa kubo ng tiyo niya. Kaso baka sa iba rin naman kasi siya nakatira. 

Masyado na ata akong nagiging masama, dahil iniisip kong ignorante sila sa ibang bagay. Iba na ang panahon ngayon, accessible na ang lahat sa internet. Ako nalang itong pinaglipasan ng panahon. 

“Sorry…” pagpapakumbaba ko. 

Nagtakha siya. “Ha? Bakit? Ahhh hindi ako galit. Pero ano nga? Ipagluto kita.” Tumayo na siya at nagsimulang maghanap ng maaaring lutuin sa akin. 

“Bakit mo ako ipagluluto?” puno ng kuryusidad kong tanong. 

Humarap siya sa akin, sabay ngumiti. “Kasi ayaw ng mapapangasawa ko ng ulam, para rin malaman mo na swerte ka sa akin.”

Tumagal ang titig ko sa kan'ya. Ayan na naman ang kakaibang sensasyong nararamdaman ko sa kaibutaran. Parang may paru-paro na pinipilit kumawala. Pasimple ko ring hinawakan ang pisngi ko, dahil parang umiinit na. 

Bakit naaapektuhan ako sa mga sinasabi nitong si Noel. 

Umiling ako. “Hindi na, ayos na ito. Baka lagyan mo pa ng gayuma.”

Bumalik siya sa pagkakaupo at ngumisi sa akin, dinantay pa ang kaliwang braso sa mesa. “Senyora ko, hindi ko kailangan ng gayuma para magkagusto ka sa akin. Kasi sa gwapo ko palang, mahuhulog ka na.”

“Mas gusto ko pang mahulog sa bangin.” Inirapan ko siya. Napakahangin talaga. 

Sa likod ng pagsusungit ko ay may ngiting nais kumawala na tinatakpan ko lang ng masungit na maskara. Kung ano-ano siguro ang napapanood nito at ganiyan ang mga sinasabi. 

“Huwag naman, ayokong maging byudo,” hirit niya. 

Nagsimula kaming kumain at ngayon alam ko nang sa hapagkainan lang suya tumatahinik at tumitikom. Seryoso nga ang mukha niya at minsan kumukunot pa ang noo, tapos tatango-tango sa pagkain. 

Sarap na sarap sa luto ni Manang. Mas masarap akong magluto kay Manang, pero hindi niya na dapat malaman iyon. Baka mas lalong hindi makawala. 

Bigla namang pumasok si Lolo at lahat kami nagulat ng makita ang isa’t-isa. Hindi niya inaasahang makikita niya ako na may kasamang ibang lalaki, bukod sa kaniya. 

“Oh! Sabay kayong kakain?” hindi nakatakas sa mga tenga ko ang saya sa tono niya. 

“Pinilit niya po ako.” Parang batang nagsusumbong kong itinuro si Noel. 

Kaso hindi naman tumigil ang isa sa pagkain at walang pakielam sa pagsusumbong ko. 

Uminom ng tubig si Noel. “Senyor, sasabay rin ho ba kayo?”

Tumango si Lolo at umupo sa tapat namin. “Anong senyor? Lolo nalang din ang itawag mo sa akin.”

 

Bumusangot ang mukha ko sa narinig. “Lo, hindi niyo siya apo. Trabahador siya rito, tama lang po ang senyor.”

At mukhang hindi nagustuhan ni Lolo ang sinabi ko at pinanlakihan ako ng mata. 

 

“Frederica, kailan ka pa naging bastos? Mapapangasawa mo na siya, kailangan maging mbait ka sa kaniya at isa pa siya ang magiging tatay ng mga anak ninyo,”

Tila huminto ng panandalian ang paligid, dahil sa narinig ko. Bakit ba ganiyan ang mga lumalabas sa bibig ni Lolo? 

Ngumuso si Noel. “Kaya nga, senyora ko. Magiging mabuting asawa at ama ako, kaya huwag mo na ako awayin…”

Patago kong hinampas sa ilalim ng mesa ang binti niya. “Hoy! Tumigil ka ha, sumasawsaw ka pa. Huwag mong gatungan si Lolo,” mahina kong saad upang hindi marinig ni Lolo. 

Mukhang hindi naman narinig, dahil nagsasandok ito ng kakainin niya. 

Sa loob ng mahabang katahimikan ay si Lolo mismo ang bumasag dito. 

 

“Siya nga pala…Kailan niyo balak ganapin ang engagement party?” halos mapaubo ako sa narinig. 

 

Kusa kong naibaba ang kubyertos. “Ano, Lo? Kailangan pa ba no’n?”

Parang hindi makapaniwala si Lolo sa itinanong ko at lumaki pa ang mata pati ang bibig ay natikom. 

Wala namang masama sa tanong ko. Hindi naman na kasi siguro kailangangang malaman ng buing mundo na ipapakasal niya ako, dahil sa simpleng dahilan…na hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan.

“Aba oo naman, kailangang mamanhikan ng pamilya nitong si Noel sa atin.” Itinuro niya si Noel na tahimik lamang na kumakain. 

Kumunot ang noo ko at sandaling binalingan si Noel na parang walang naririnig. “Huwag na po kaya…sa kasal nalang tayo…mag focus.”

“Pero Frederica, ikaw ang unang—”

“Lo, huwag na ho natin siyang pilitin. Simpleng pamamanhikan nalang po, wala rin naman po kaming kakayahan para magdagdag sa party party na ‘yan. Pero mamamanhikan po ako, respeto po sa pamilya ni senyora ko,” pagputol ni Noel sa ano pa mang sasabihin ni Lolo. 

Kita kong ubos na rin ang kinakain niya at parang mahigpit ang pagkakahawak niya sa baso. 

“Senyora mo?” may himig ng kasiyahan sa tono ni Lolo, kaya gumuhit ang kunot sa noo ko. 

“Opo, ang senyora ko…” ngingiti-ngiting sambit ni Noel. Hinayaan ko nalang dahil baka mas lumalim pa ang usapan at bumalik nalang ako sa pagkain. 

Pagkatapos kumain ay iniwan na kami ni Lolo at ilang segundo palang ang nakakalipas ay pumihit ang katawan ko patungo sa kan’ya. 

“Gusto mo ba talagang magpakasal?” seryoso kong tanong.

Sandali pang kumunot ang noo niya, pero agad ding nawala at tumango. “Oo naman.”

Ramdam ko naman na walang pangbubuska o pang-aasar sa tono niya kaya pinagpasya kong magtanong ulit.

“Bakit ako? Bakit sa akin?” Halos ituro ko na ang sarili ko para lang ipakita sa kaniya na ako iyong tinatawag nilang ‘matandang dalaga’ na suguradong walang magnanais. 

Mahina siyang natawa, sumilay ang ngiti sa mapupulang labi. “Bakit naman hindi,”

Huminga ako ng malalim. “Kung dahil lang sa mayaman ako—”

“Hindi pera ang habol ko sa ‘yo. Kaya kitang buhayin…ang magiging mga anak natin. Pero hindi mangyayari iyon kung hindi ikaw ang babaeng makakasama ko pang habang buhay,” may diin ang bawat pagbigkas niya. Ang kanina’y masayang mata, napalitan ng inis at lungkot, sigurado siyang lungkot iyon. 

Ang sama ata ng sinabi ko, pinagsisihan ko tuloy. Napatungo ako at parang biglang may boses na narinig, dahil sa mga huling sinambit niya. ‘Babaeng makakasama ko pang habang buhay’ tinig ng isang binata ang narinig ko. Isang mapait na alaala ang dala ng mga katagang iyon. 

“Ayos ka lang?” Nagbalik ako sa kasalukuyan, dahil sa boses ni Noel. 

Kumurap ako at nag-iwas ng tingin ng makita ang pag-aalala sa mga mata niya. “Alam mo bumalik ka na sa trabaho mo at…mag pla-plano na ako.”

Natigilan man ay hinayaan nalang niya ako at tumango. “Kapag kailangan mo ng tulong, handa akong tumulong sa ‘yo.”

Bumalik ang tingin ko sa kaniya at diretso sa mga mata niya atensyon. “Paano kung plano kong itigil ito. Tutulong ka?” Hinahamon ko siya. Sinusubukan ang lakas at tapang sa puso. 

Hindi siya kumurap, hindi siya nagpadaig sa titig ko. “Lahat ng gusto mo susundin ko, senyora. Kahit ano, basta para sa kasiyahan mo. Mauuna na po ako.” 

Mabilis siyang lumabas ng kusina at ako naman ay hinabol ang papalayong bulto niya. Seryoso siya. Ngunit hindi nakatakas sa akin ang emosyong nakita ko sa mga mata niya. Lungkot at kabiguan. 

Ano bang dahilan at gusto mo ako?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Thorns of the Past (Playful Fate Series #1)   Chapter 5

    𝘏𝘦𝘭𝘱Umaga.Maaga na naman ako bumangon para paglutuan si Lolo, kahit may sama pa rin ang loob ko sa kaniya dahil sa mga plinaplano niya ay naroon pa rin ang pag-aalaga ko sa kaniya. Hindi ko nga ata kayang magalit sa kaniya, kahit na ano pa mang ilihim o iplano niya sa aking hindi ko papayagan ay ‘di ko matitiis na huwag siyang paglutuan. Isang presensya ang naramdaman ko, hindi ko nalang pinansin dahil baka isa sa mga kasambahay iyon. Pinagpatuloy ko nalang ang paghahalo sa sopas na niluluto ko. “Magandang umaga, senyora ko,” nakakasira ng araw ang boses ni Noel. Isang matalim na tingin ang ginawad ko sa nagliliwanag niyang ngiti. “Pwede ba, Noel. Ang aga-aga pa, huwag kong sirain ang umaga ko.”Mahina siyang natawa, sabay nakangusong lumapit sa akin. “Ako kaya ang pinaka magandang bungad sa umaga mo, senyora ko. Anong ginagawa mo?”Dumungaw siya sa niluluto ko at halos mahigit ko ang aking paghinga, dahil ilang dipa nalang ay mahahalikan na naman niya ako. Napaiwas ako ng

  • Thorns of the Past (Playful Fate Series #1)   Chapter 4

    𝘗𝘭𝘢𝘯Siya ang unang nakapasok sa kusina, habang ako ay nakasunod lamang at nasa likuran niya. Ewan ko bakit ba ako sumama sa kaniya, hindi naman ako sumasabay sa mga trabahador. Hindi sa ayoko, pero iba kasi ang pagkain nila, sa pagkain namin ni Lolo. Iba rin ang lugar kung saan sila kumakain. Porket alam ng mga kasamahan niyang magpapakasal kami ay hindi sila nagtaka na wala ito ngayon at kasama nilang kumakain? “Manang, ano pong ulam?” sambit niya, inakbayan si Manang. Walang galang talaga ang isang ito. Tinuro naman ni Manang ang mga nakatakip. “Ito kaldereta at sinigang.”Si Noel kinalimutan atang kasama niya ako at bunuksan ang mga kaldero, inilapit pa ang mukha at napapikit. Masarap siguro? Mukhang napansin ako ni Manang at nanlaki ang matang tumingin sa akin. “Oh ikaw pala senyorita. Ano pong ginagawa niyo rito?”Sasagot na sana ako, kaso inunahan ako ng lalaki. “Sabay kaming kakain, nang.” ngingiti niyang sabi. Kumunot ang noo ni Manang sa narinig. Kahit ako nagtatak

  • Thorns of the Past (Playful Fate Series #1)   Chapter 3

    𝘍𝘪𝘯𝘥Mabilis akong umalis nang malaman ko ang desisyon ni Lolo. Hindi ko alam ang pumasok sa isip niya at uyon pa talag ang naging desisyon niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at ang buong kalamnan ko ay nararamdaman ko ang pangangatog. Wala ang isip ko sa nilalakaran at hinahayaan ko nalabg ang mga paa na dalhin ako sa kung saan man nito nais. At nakita ko nalang ang sarili kong nasa veranda ng mansyon. Pinikit ko ang aking mata at dinama ang simoy ng hangin, nililipad na ang buhok ko, pati ang bestida kong mahaba ay napapaangat, ngunit hindi ko inalintana, gusto ko lang huminga nang malalim at makapag-isip. “Bakit ba ayaw mong magpakasal sa akin? Gwapo naman ako, hindi ka na lugi,” narinig ko mula sa aking likuran ang hardinero—si Noel. Inayos ko ang sarili at binigyan siya ng matalim na tingin. “Pwede ba, siraulo lang ang magpapakasal dahil aksidenteng nahalikan. Hindi ko alam bakit pinapalaki iyon, aksidente lang ang nangyari!” galit kong saad sa kan’ya. Tatawa-tawa n

  • Thorns of the Past (Playful Fate Series #1)   Chapter 2

    𝘔𝘢𝘳𝘳𝘪𝘢𝘨𝘦“Handa ka bang panindigan ang ginawa mo?” nagulat ako sa biglang tanong ni Lolo. Andito kami ngayon sa loob ng silid-aklatan at nakaupo sa mahabang sofa, habang si Lolo naman ay nakaupo sa sofa na nasa gilid habang nasa likuran niya ang lawyer niya. Hindi ko alam bakit ba sinasabi ni Lolo iyan. Akala ba niya ito ang unang beses na mahalikan ako at umaasta siyang buntis ako ngayon na kailangan panindigan?“Lo, ano bang sinasabi niyo? Anong paninindigan? Bakit naman kailangan niya akong panindigan?” alma ko sa kan’ya. Nanlilisik ang mga matang tumitig sa akin si Lolo, “Pwede ba, Frederica! Hindi pwedeng hayaan ko lang na may lalaking humalik sa iyo, baka malaman pa ng mga kakilala ko at akalain nilang pinapabayaan ko ang mga apo ko!”Napahawak ako sa aking sentido, dahil sa mahaba niyang sinabi. Minsan talaga ay nakakalimutan kong over protective siya sa amin. “Lo, hindi naman ito ang unang halik ko. Hayaan niyo na.” napatingin silang lahat sa akin at napahawak nalan

  • Thorns of the Past (Playful Fate Series #1)   Chapter 1

    𝘒𝘪𝘴𝘴 “Manang, hindi pa ho ba kumukulo ang takure?” tanong ko kay Manang Wilma, isa sa mga pinagkakatiwalaan naming kasambahay. Nagluluto kasi ako kaya’t sa isang kalan ay nakasalang ang takure, para sa mainit na tubig at nang makapagtimpla ng kape ni Lolo. Ako ang nag-aasikaso ng agahan namin, dahil ayaw niyang gumagawa ako ng gawaing bahay. Ito nalang ang magagawa ko para naman hindi ako biglaang ma-stroke. Habang hinahalo ang niluluto ay nakita ko sa gilid ng aking mata si Manang na binuksan ang takip ng takure—-hindi na kasi gumagawa ng matinis na ingay dahil sa katandaan, tapos ayaw pa ni Lolo bumili ng bago, dahil noon pa mang nabubuhay si Lola ay ito na ang gamit. Lumingon sa akin si Manang. “Opo, senyora. Tawagin ko na po ba ang senyor?” Tango na lamang ang naging sagot ko kay Manang, dahil tumalikod din ako upang kumuha ng sandok at mangkok. “Napaka sarap mo talagang magluto, Frederica,” halos mapangiwi ako nang banggitin ni Lolo ng buo ang ngalan ko. May palay

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status