Share

Kapitulo 1.2

Bigla na lamang akong napahinto sa kalagitnaan ng aking paglalakad nang may kamay na humablot sa pulsuhan ko. Pero, wala akong panahon upang sayangin ang oras ko at mag- atubiling lingunin siya. Ang alam ko lang lalaki siya base sa boses at presensya niya sa aking likuran. I was about to pull my hands off from his, ngunit inunahan niya ako nang magsalita siya. Nanatili lang ang tuwid na tingin ko sa labas ng simbahan. Sa labas kung saan hindi ko mahagilap ang sinag ng araw, sa halip ay nagtatago sa lilim ng ulap dahilan upang maging makulimlim ang buong paligid. Siyang tunay nga naman, maging ang panahon nakikisabay sa kabiguan at pagdadalamhati ko. Ngunit hindi ko rin naman inaalis and kadahilanang marahil ay hapon na at malapit ng dumilim. 

"Hindi ko alam kung ano ang kwento sa takbo ng iyong buhay ngayon, but God is good. God...He has reasons for everything. Magtiwala at maniwala ka lang Sakaniya." he told. Sa halip na maliwanagan ako, mas lalo lang dumilim ang paningin ko sa mga salitang pinakawalan niya. I removed my wrist savagely out his grasp and without uttering any word, I headed away from him, away from the church. A sudden rush of anger ran in my blood. How could those f*cking words escaped from his mouth na para bang pinapalabas niya na kahit anong sama ang ginawa ng Diyos sa buhay natin, sa huli mabuti pa rin Siya at dapat pa rin natin Siyang patawarin at pagkatiwalaan. Kahibangan! Kung iyon naman pala ang depinisyon ng 'mabuti', ano pang silbi ng libo- libong mga batas at mga kulungan upang magparusa sa mga taong nakagawa ng kasalanan? 'God has reasons for everything ', I remembered him saying and that's a f*cking crap! Ano namang dahilan Niya? Ah, Pisti! Whatever His reasons or His good intentions to let this happen won't change the fact that I loathe Him and I sworn, this would endure deep- seated. Rinig ko pa ang pagtawag niya na sinusundan ako sa aking likuran. Mas dinoble ko pa ang bilis ng aking paghahakbang, hangang sa tuluyan na akong nakalabas ss entrada ng simbahan. Ito na ang huling tapak at tuntong ng mga paa ko rito. Itaga man sa bato.

"Miss, sandali..." Sa halip na alayan siya ng katiting na interes, nagtuloy- tuloy akong pumasok sa loob ng aking kotse. Ngunit, gayon na lamang ang pagtataka ko nang bigla siyang mapahiyaw makaraang pabagsak kong isinara ang pinto ng sasakyan. 

"Ah!" 

"F*ck!" Mariin na pagmura ko at padabog na pumanaog muli sa sasakyan. Naiiritang hinarap ko siya na hindi magkaundagagang hinihipan ang kamay nito na natatakpan naman ng isa pa niyang kamay. Hindi ko tuloy malaman kung totoo bang naipit ang kamay nito or arte lang ng kumag na ito.

"Hoy! H'wag mo akong inaartehan, ha? Ano, naipit ka ba talaga o papansin ka lang?" anas ko. Nakita ko ang pag- iling niya na tila ba ay nanginginig pa ito. What's wrong with him? Muling nalaglag ang tingin ko sa kamay niya at nahahalata rito ang pamumula kahit pa itinatago niya ito. Napagtanto kong hindi nag- iinarte ang kumag na ito at naipit nga talagang tunay siya sa pinto ng aking sasakyan. Kahit saang anggulo, may kasalanan pa rin ako sa natamo niya. Dahil doon, mas lalo lang napatiim ang aking bagang. 

" Ano bang utak ang mayroon ka at ginawa mo ang isang katangahan na masasaktan ka lang naman pala? Estupido!" bulyaw ko sakaniya. Ngunit, kapansin- pansin ang pamumutla ng mukha nito at nanginginig ang mga kamay niya. Ikinatagpo iyon ng aking kilay, kaya naman lumapit ako sakaniya at marahas na hinablot ang kamay nitong naipit na mahigpit niyang hinahawakan. Tumambad sa akin ang mga bahid ng dugo sa palad at mga daliri niya. When I looked at him, his face was awfully pallid. Wait, what does this jerk afraid of? Blood? Ah, Pisti! Bakit kasi hinarang- harang pa niya ang kamay niya? Anong pumasok sa kokote ng hinayupak na ito?

"Tsk. H'wag mong sabihing natatakot ka sa dug-- Hoy! Hoy, gising!" Hindi ko na natuloy pa ang sinasabi ko nang bigla na lamang siyang mawalan ng malay- tao. Anak ng nanay mo naman oh! Nahimatay pa ang loko at ang masaklap, sa akin pa siya bumagsak. Muntik na akong mawalan ng balanse, dahil sa bigat nito, kung kaya naman sa inis ko ay itinulak ko siya. Humandusay ito sa semento na para bang natutulog lang. Bahala siya. Ang dami ko ng problemang pasan, ayoko ng dagdagan pa ng isang tulad niya. Inayos ko ang aking damit atsaka tinalikuran siya. Pumasok ako sa loob ng sasakyan at pinaandar na ito, leaving him. I should ignore him, right? Yes, I should. Pero, habang palayo nang palayo ang sasakyan ko at paliit nang paliit siya, habang ninanakawan ko ng tingin sa side mirror, binabagabag naman ako ng aking konsensya. What if mabangga siya ng sasakyan, habang wala siyang malay- tao? O di kaya'y damputin ng mga kidnapper at kunin ang mga laman- loob nito at ang katawan niya ay itatapon sa ilog o worst, pagtadtadtarin? Damn! Cliche though, but possible. Konsensya ko iyon!

Kaagad aking pumreno at marahas na napabuntong- hininga bago pihitin ang manibela pabalik sa kinaroroonan ng lalaking aking iniwan. Nakakabwisit. Ano bang pakialam ko sa estrangherong lalaking iyon? Pisting konsensya, nang- uusig. I climbed off the car and stomped angrily through him. Kung anong sitwasyon niya nang iwan ko, walang nagbago. I used all my strength to lift him up and dragged his unconscious body inside the passenger seat. Pisti! Para akong nakapatay ng tao sa ginagawa kong paghila sa kaniya. Gayon na lamang ang pagbuga ko ng malutong na mura makaraang maibagsak ko ang katawan niya sa loob ng sasakyan. Pisti! Parang hihiwalay ang buto ko sakaniyang bigat. Nang maiayos ko na ang posisyon niya sa pagkakaupo sa passenger seat, saka ko lang isinara ang pinto sakaniyang gilid. Kapagkuwan, umikot ako at nagtuluy- tuloy na sumilid sa driver's seat.

I sighed in exasperation when my gaze fell upon his unconsciousness. Ang kaninang namumutla niyang mukha, subsided now, yet traces of beads of sweat were running down on his forehead. Nilakasan ko naman ang aircon ng kotse, kapagkuwan ay kumuha ako ng medicine kit sa aking bag. Inobliga kong gamutin ang naipit niyang kamay. Tinapalan ko ng band- aid ang natamong sugat ng palad nito. Maliit lang naman iyon at hindi rin gaano karami ang dugong inilabas nito, pero kung makapagreact ang lalaking ito kanina, para namang ikakamatay niya. Buti nga at nahimatay lang at hindi natuluyan. Makaraang matapos kong gamutin ang sugat niya, nakapagtataka na hanggang ngayon hindi pa rin ito nagigising. Tinapik- tapik ko ang pisngi nito, papunta na nga sa sampal, ngunit wala pa ring reaksyon ang kumag. Mahimbing pa rin ang pagtulog niya, habang nakasandig ang ulo sa bintana ng kotse. Bahala na. Kung hindi pa talaga siya magigising, I would just drop this jerk elsewhere at doon niya malayang itutuloy ang kaniyang pagtulog hanggang mag- umaga pa kung gusto niya. Gambala siya sa buhay ko sa mga oras na ito. Pero, saka ko na gagawin after I'm done with my own agenda. Muli kong inistart ang sasakyan at pinaharurot patungo sa lugar kung saan sinasabing nagtatagpo ang dalawang magkaibang mundo- ang langit at lupa, ang buhay at kamatayan.

 " In the beginning was the Word and the Word was with God, and the Word was God. He was in the beginning with God" 

                                                    [ John 1: 1-2]

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status