Share

Kapitulo 5.1

Medyo marami- rami ang order ng mga bulaklak ko ngayong araw, dagdagan pa na marami rin ang nagpapadeliver kung kaya naman ala- singko imedya na ng hapon at papalubog na ang araw nang matapos kami.

Nakakapagod man, ngunit ito yung uri ng pagod na masarap sa pakiramdam at kaysarap namnamin, sapagkat mahal mo naman ang iyong ginagawa.

Pagkatapos kong mailigpit lahat ng mga gamit ko, napagdesisyunan ko na dumiretso ako pauwi ng bahay. Bitbit ang bag ko, lumabas na ako ng opisina, pero gayon na lang na napatigil ako sandali sa tapat ng revolving door at bumaling sa aking kanan.Nahagilap kasi ng mga mata ko ang kaisa- isahang bouquet ng white tulips sa Reservation Rack.

Lumakad ako palapit doon at dinampot ang bouquet na mukhang hindi ito naisama kanina sa pagdedeliver.

Napakibit- balikat na lang ako.

Nakasulat naman doon ang address kung saan ito idedeliver at tutal malapit lang rin naman iyon, naisip kong ako na lang ang magdedeliver nun.

Makar

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status