Share

Kapitulo 3.2

Pagkarating ko sa bahay, sumalubong agad sa akin ang mga yakap ni John. Kung gaano kahigpit lumingkis ang mga braso niya, tila ba'y labis at lubos itong nag- aalala sa akin at marahil, kanina pa ako hinihintay na dumating. Ngunit, hindi ako tumugon at nanatili lang sa magkabilang gilid ang aking mga kamay.

"Nag- aalala ako sa'yo, Psalm," sabi nito at ramdam ko ang sagad sa butong sinseridad sa boses niya.

"I'm okay," matamlay kong tugon at kumalas sa yakap niya. I stepped back and swerved my gaze to avoid colliding with his worried eyes. He should not do this to me. He does not deserve a woman like me, because he's way too perfect and I am a f*cking  dispensable.

"Saan ka nanggaling, Psalm? I've called and texted you myriad time, yet you weren't answering."

"Pagod ako, John. I'm so f*cked- up and I sorely in need of respite. Please, give me solitude." I told him

" Sure, but I'll stay, " giit nito. Why could he be so recalcitrant? Para talaga siyang langaw.

"Umalis ka na. Wala kang mapapala sa akin."

With that, umalis na ako sa harapan niya at tinungo ang hagdan. Hindi naman na ito umangal at hinayaan na lamang ako.

John is my fiance, not that I want to, but I need to betroth him. In fact, we used to be a lover for 12 years, but even relationships have its brevity of existence. Although, matagal na kaming break, hindi ko naman kayang hindi panindigan ang sinumpaan kong pangako sa mga magulang ko na siya lang ang katangi- tanging lalaki na maghihintay sa akin sa harap ng altar at papakasalan ko. Sa mga panahong iyon, mahal ko pa si John nang ipangako ko iyon sa kanila, hanggang sa maengaged kami, but a break- up happened. Namatay na lang si Dad na walang kaalam- alam tungkol sa nangyaring hiwalayan sa pagitan namin ni John. Bago mangyari ang aksidente, my Dad told me, he wanted to see me with John having a happy married life as well as having a happy family. So, I promised him. Wala ring alam ang Mama ni John at wala rin siyang balak na sabihin o ipaalam sa kaniyang ina, dahil sa nalalabi na lang nitong buhay gayong may kanser ito sa dugo. Only to see us John being together, her heart overwhelmed with happiness and she felt entirely contented and secured. Para bang dahil sa aming dalawa ni John, naeextend ang buhay niya at nadedelay ang kaniyang kamatayan. So, who are we to hinder our parents' happiness if their happiness is us? Tutal, wala na rin naman ng saysay pa ang buhay ko, kaya go with the flow na lang ako. Stick to the plan. Bakit pa ako magmamahal ng iba, kung mayroon naman ng nakatakda para sa akin? It's not about the love anymore, but a promise I have to comply with. Promise is a committed responsibility and I should not break the seal of confession. This is a promise I sow, I will reap whatever fruit it bears in the end. 

Pagkarating na pagkarating ko sa aking kwarto, nangangapang humakbang ako patungo sa kama. Agad na binagsak ko ang nanghihinang katawan at hindi ko mapigilang mapaungol nang madama ang lambot at haplos ng higaan sa aking likuran. Tila mga kamay iyon na humahagod at umaalo sa aking likod at mga brasong bumabalot sa nanghihina at pagod kong katawan. Inabot ko ang isang unan at maiging yumakap rito, kasabay ng pagsiksik ng aking katawan. My head is aching too hard and as minute flies, it only swelled like hell. Dahil ba ito sa pagpapaulan ko kanina? Ugh. Possible and likely. Mabuti pa nga'y itutulog ko na lamang ito.

Nagising akong ginagapang ng lamig ang aking buong katawan. Unti- unti akong nilulukob ng lamig na ito at hindi naglaon, naramdaman ko nalang ang panginginig ng katawan ko. Dahan- dahang iminulat ko ang aking mga mata at ang sumalubong sa akin ay ang umiinog na kisame ng kwarto, ngunit masyadong malabo ang paningin ko upang masiguro kong kisame nga ba iyon. I flapped my eyelids twice to erase the bluriness hindering my eyes to have a clear sight. Nang magkaroon ng liwanag ang mga paningin ko, saka ko napansin ang nakabukas na bintana sa beranda dahilan upang magsayawan ang mga kurtina. Naririnig ko ang malakas at nakakatakot na tunog ng hangin sa labas. The nipping wind seemed to freeze me to death. Bumangon ako sa kabila ng mabigat kong ulo at nanamlay kong katawan. I was able to drag myself shakily to my feet and went towards the veranda. Humampas sa mukha ko ang mala- yelo sa ginaw na bugso ng hangin. Hindi ko mapigilang mapayapos sa aking katawan, sapagkat nanunuot at sumasagad sa balat ko ang lamig nito. It's funny how my body is scalding, but I'm shaking with cold. Napahawak ako sa salamin ng bintana at akma na itong iislide pasara, when my eyes caught ahead a lone figure standing in the middle of the road. Strangely though, but it all seemed to me, nakatitig siya sa direksyon ko. Or I was just only hallucinating? Sinubukan kong ipilig ang aking ulo at ipikit ang mga mata at sa muling pagmulat ko, umaasa akong namamalikmata lang ang balintataw ko, pero nandoon pa rin siya at nararamdaman kong nakatitig sa aking direksyon. Even the moon seemed to appear late, it's blinding light didn't prove me wrong from what I saw. There was really a man, not too far away, looking at me. And he's not just a man, dahil nakikilala ko siya.

"Mesiah..." I breathed. His all- white garb made me assume that it was him. Yet, now I'm confuse. Honestly, it was a bizarre, dahil sa kabila ng nakakasilaw na liwanag ng buwan, hindi ko maaninag ang kaniyang mukha. Marahil nga ay naghahalusinasyon lamang ako na siya ito, dahil bumase lang ako sa suot niya na kawangis ng kay Mesiah. Damn! Why on earth that guy crept on my thought? Bigla na lamang ay kumirot ang ulo ko na ikinapikit ng aking mga mata, dahil para bang mabibiyak ito sa sobrang sakit. It was as though the pain is throbbing. Perhaps, it's a reminder na I should get back to rest now. As I opened my eyes, gayon na lamang ang pagsinghap ko sa gulat nang tumambad sa paningin ko na wala ng nakatayong tao sa gitna ng kalsada. Kumisap- kisap pa ako ng mga mata baka nagkamali lang ako, but there was emptiness already suffocating the place. I tried to wander my gaze to look around, yet I found nothing, absolutely nothing even a glint of his shadow. Ang tanging namamayani lang sa mga oras na ito ay ang nakakahindik at nakakatindig- balahibong alulong ng aso sa di- kalayuan. Peculiar, yet I divested myself of wondering about him. Why would I even wonder a mere stranger?

Isinara ko na ang bintana at bumalik na kalaunan sa kama. Nang mahagip ng paningin ko ang grandfather clock, it's already three o' clock sharp in the morning. They say, strange things happen at this hour. Hindi ako naniniwala doon, but what had happened awhile ago, perhaps it could be deem true. But, I still believe there are things occur coincidentally and one of them is what happened earlier.

However, few minutes awake, I lay again in agony. It's a new day, even the sun could not be discern over the horizon yet. This is my first morning mourning. Nasanay kasi ako na tuwing umaga, pinupugpog ako ni Dad ng halik to wake me up. But, now, no kisses, no Dad. It's painful bleeding and it's too much to take. Then, without preamble, my stubborn eyes dissolved in tears sincerely and faster once more. Damn! Marahil, ipapahinga ko na lang ito till I lose track of this dragging pain. I was hoping the next time I got to open my eyes, my wounded heart already mend and healed. How I wish, the next time I woke up, I'm already through with all these turmoils and burden my heart and soul carrying. Would that be possible?

" Yet you do not know what tomorrow will bring. What is your life? For you are a mist that appears for a little time and then vanishes."

                                             [James 4: 14]

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status