Share

Kapitulo 2.1

Glooming darkness swallowed up the whole place. There was light nowhere to be seen. Even the sky, it seemed as though it had conspired with the night. Stars were lackluster just as how the bulky moon shed its emitted light underneath the clouds. What a perfect setting for someone like me who wanted to be alone at this moment- at this particular moment that I am profoundly assailed with affliction and lamentation. There was a complete hush of silence till a cold breezing air interrupted it. I couldn't help, but to enfold my own body and to curled up more. Sa puntong ito, narealize ko na sarili ko na lang ang aasahan kong aakap sa akin. I leaned closer to my father's grave and feel as though they were real that his palms caressing my back and my hair. Then, it dawned upon me para pala akong hibang sa pag- iisip ng bagay na iyon. A hollow laugh escaped from my mouth- hollow, because there was no happiness filling in it. Nang muling umihip ang hangin, mas malakas at mas malamig kumpara kanina, hindi ko na napigilang mapahikbi, habang inaalala ko ang masasayang araw na kapiling ko pa ang aking ama. 

My Dad was a busy person, dahil may- ari siya ng isa sa mga namamayagpag na kompanya sa buong bansa, pero sa kabila ng mga busy niyang schedules and business whatsoever, hindi pa rin niya nakakalimutan ang responsibilidad niya bilang ama. Hindi nito nakakalimutang may anak siya. Hindi niya rin nakakaligtaan na bigyan ako ng oras at atensyon. He's, for me, an epitome of an imperfectly perfect father. Naaalala ko pa nga ang huling labas naming dalawa, since Dad and I were used to hang- out, travel, and going on vacations together. A night before he died, nagkayayaan kaming dalawa na pumunta sa Bar, not because he closed the deal with one of the well- known investor and not also because I had a successful branched out of my business, so we should really have to celebrate it, but it was just so happened out of the blue. We went to the Bar for no specific reason. Uminom kaming dalawa at nagpaunahan pa sa pag- ubos ng bente- singkong baso ng tequila sunsrise. Sa ilalim ng maugong at nakakaindak na musika, sumayaw kaming dalawa ng boogie at cha- cha kahit pa parehas na kaliwa ang aming mga paa. Nakakatawa nga, dahil pareho na kaming lasing na dalawa, kung kaya para na kaming baliw na mag- ama sa gitna ng dance floor. We forgot na hindi lang kami ang tao sa loob ng Bar. We had joy and we had fun. I thought, it was the best and perfect night with Dad. Yet, truth hurts, in the midst of life there is death and in the midst of joy there is sorrow. I never thought, the next day mawawalan na ako ng ama. I wasn't prepared for his sudden loss, 'cause all my life, I lived having Dad behind and beside me. If only I knew his days were numbered and his time was brief, I should have spent every aeon, every minute, and every second of my pulse and breath creating more memories to cherish with him before he gone. That was my greatest regret. My Mom died, due to a car accident when I was fourteen and now, Dad died for the same reason. I knew, I could testify how much they loved each other, kaya hindi ko tuloy maiwasang mag- isip na they ganged- up to leave me. But, of course, they never did that against me. Ang pagkamatay nila ay pakana ng isang makasarili at mamamatay- taong Diyos na sa kabila ng lahat, sinasamba pa rin ng mga tao. 

Ang kaninang ingay na nagmumula lamang sa ihip ng hangin ay napalitan bigla ng malakas na pag- ugong ng kalangitan. Malakas na kulog ang bumalot at sumira ng kapayapaan sa sementeryo. Napansin ko pa ang pagkidlat ng langit na tila ba patay na puno ang gumuhit rito. Sa kabila nun, hindi ako nagpatinag. Hindi ako natatakot, sa halip ay nasasabik akong bumuhos ang ulan at lunurin ako hanggang sa hindi na ako makaahon pang muli. I reached for my mother's grave na katabi lang ng puntod ni Daddy and sobbed even more harder and perpetual. I hate my parents for leaving me too early, yes I do, but funny how I love them deeply, eradicate it. Gustung- gusto kong sumama sa kanila, gustung- gusto ko, dahil mabuti pa sila, masaya na kung saang dako man sila naroroon.

Nasa kalagitnaan ako ng aking pagtatangis nang maramdaman ang presensya ng taong tumabi sa akin. Gamit ang mga palad ko, pinunasan ko ang mga luhang tumakas sa aking mga mata. Ayaw kong may makakita sa akin na umiiyak. Kahit na madilim ngayon, ayaw ko pa ring may makaalam. 

" Umiyak ka lang. Iiyak mo lang lahat ng kasawian mo, dahil kahit ang Panginoon ay umiiyak rin kapag nasasaktan. May pakiramdam rin Siya tulad mo. May puso rin gaya mo." So, gising na pala ang tukmol na ito and here he is again, breaking to me how good his f*cking God is. Maybe, sakaniya lang naging mabuti ang Panginoon, kaya ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay pawang kabutihan lamang ng tinutukoy niyang Panginoon.

" Magkaiba tayo ng kinikilalang Diyos. Kung ang Diyos mo ay kabutihan lagi ang dulot sa'yo, pwes kabaligtaran iyon sa akin. Kaya nga, wala na akong Diyos na kinikilala ngayon," mapait na pahayag ko.

"Iisa lang tayong lahat ng Diyos. Nagkakaiba- iba man ng pangalan, pero iisa lang silang lahat. Hindi nais ng Diyos na masaktan ka"

"Pero, sinaktan na nga Niya ako! Sinaktan na ako ng lintek na Diyos mo! Nasasaktan na nga ako! Ngayon mo sabihing hindi Niya intensyon na gawin sa akin ito?! Dahil p*t*ng*na...w-winasak ako ng Diyos mo." Hindi na naiwasang mapagaralgal ang boses ko sa mga huling salita na aking ibinato, sapagkat tuluy- tuloy nang nagsisipagbagsakan ang mga butil ng nag- uunahan kong luha sa mga mata ko. Muli na naman akong napahagulgol at hindi lang ako nag- iisa, dahil nakisama pa ang panahon sa pagkasawim- palad ko ngayon. Bigla na lamang bumuhos ang masaganang ulan na sinasabayan pa ng mapanghamong ingay sa dakong itaas. Pagak akong natatawa, habang nakatingala at sinasalo ang malamig na buhos ng ulan. Hindi ko matukoy kung alin ba ang luha at alin ba ang ulan na bumabagsak sa aking mga pisngi. Pero, ito ang hangad ko. Ito ang pagsamo ko sa mga sandaling ito. Sana hindi na tumigil pa ang ulan.

" Ulan, nakikiusap akong lunurin mo na ako, dahil wala akong nakikitang may silbi pa ang bawat paghinga ko. Gusto ko na ring mawala," pananambitan ko sa gitna ng ulan at aking pagluha.

" Miss, halika na. Malamig ang ulan. Basang- basa ka na, oh." pang- uudyok ng lalaking katabi ko, habang hinihila ang aking braso. I didn't mind him. Sa halip, iwinaksi ko ang kamay niya. Wala akong pakialam if I'll get drenched or cold. Ang mahalaga, kapiling ko ang mga magulang ko in this hour of torment. Being literally alone is the most devastating torment than the cold. I heard, albeit the downpour, his weighty and conceding sigh, then he loosened his grip.

"Sasamahan nalang kita at mananatili sa tabi mo hanggang ang ulan ay tumila. Nagbabakasakaling kahit papa'no maramdaman mong hindi ka nag- iisa," aniya. I never countered back, pero dahil sa sinabi niya, nawalan nalang bigla ako ng lakas upang itulak siya palayo. I don't need anyone to stay by my side when I wanted to be alone, but I thought, maybe, just maybe, being alone with a stranger would be a different taste of feeling. Kaya, hinayaan ko siya. There was a streak of lightning occured. It never lasted for long, in fact, it never reached a seconds of three, but, despite of its transiency, it never did escape my notice how our shadows were reflected on the ground. Two lone shadows that were perfect strangers.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status