Share

Kapitulo 4.1

Mabilis na umusad ang panahon. Halos hindi ko namalayan ang matuling paggalaw at pag- ikot ng mga kamay ng orasan. Parang natulog lang ako noong isang araw, paggising ko nasa ibang taon na ako. Nagising na lang ako isang araw na iba at bagong taon na ang nakasulat sa kalendaryo. Ugh. Bakit naman ganun? Where on earth the time gone? Maybe, I was just too absorbed with work, with my business kung kaya hindi ko napansin na sa bawat paglipas ng araw at gabi, pawakas nang pawakas ang taon at panibagong yugto ang mulg na namang sisibol upang bumangon at magpatuloy sa buhay. 

Isang taon na mahigit magmula noong mamatay si Dad at sa loob ng lumipas na taon, masasabi kong kahit papaano, kahit na hindi pa ganoon kabuo ang paghilom ko mula sa malalim na sugat na natamo ng puso ko, unti- unti ay naghihilom ako at nabubura ang hapdi at kirot nito. Aminado ako na mahirap ang bumangon kapag araw- araw ay nilulunod ka ng nakakapaslang  na katotohanang mag- isa ka na lang sa buhay at mahirap labanan ang nananakal at nanlulupig na kalungkutan na miski sarili mo ay hindi mo makakapitan. Pero, sa kabila ng lahat, nakaya ko. Siguro nga masasabi kong nakaya ko, dahil heto ako humihinga at buhay pa.

Gaya nga ng pangako ko noon, 'magpapatuloy ang buhay ko na nabubuhay ayon sa takbo ng mundo at hindi kontrolado ng kahit na sino' at masasabi kong napatunayan ko iyon, dahil nagawa ko. With all honesty, I am still in a continual pain, yes, but I rose over it. Dahan- dahan, natutunan kong tanggapin at yakapin na mag- isa na lang ako, hanggang sa nadatnan ko na lang ang sarili na nasasanay na. Nakaya ko ang lungkot. Nakaya ko ang mag- isa at mananatili akong ganoon habambuhay. Perhaps. 

Pagkatapos kong maligo at magbihis, agad na rin akong bumaba at dumiretso sa garahe. As I hopped in the car, I manipulated the steering wheel and drove off abruptly, leaving the house and heading through the flower shop, which is my business. I was in the middle of driving nang maramdaman ang paghilab ng aking tiyan. Umingay ito just to let me be reminded na kahapong tanghali pa ako last na kumain at wala ng laman ang aking tiyan. Napatingin ako sa aking relong pambisig at 8:39 pa lang naman ng umaga. Maaga pa naman at wala namang magagalit sa akin kung sakali man na malate ako, 'cause I am the boss of my own business and in my own right. I decided to pull the car on the side of the road and dismounted right away. 

Nasa tapat ako ng isang shop na halos o hindi naman lahat ay gusto ito, pero if you ask me, 7- Eleven is close to my heart. Aside sa pagiging convenient ng store na ito when talked about foods and beverages, my Mom and Dad once told me na dito sila unang nagkita, nagkakilala, nagkamabutihan, at di- naglaon, nauwi sa kasalan at nabuo ako. Sa totoo nga niyan, if my pellucid memory didn't get me wrong, dito sila palaging nagcecelebrate ng kanilang anniversary as a couple, at the same time, ng kanila ring wedding anniversary. This exactly where the  place is. 

Makaraang nasa loob na ako ng 7- Eleven, agad akong umorder ng paborito kong asadong siopao at isang cup ng mainit- init pang Kapeng Barako na amoy pa lang ay tuluyan ng nagising ang aking diwa. Tumungo na rin ako palabas ng 7- Eleven pagkatapos kong magbayad ng lahat ng pinamili ko sa counter. Ipit- ipit ng aking kili- kili ang siopao na hindi ko na pinabalot at hawak naman ng isang kamay ko ang kape, samantala nasa isang kamay ko naman ang aking cellphone. Habang sumisimsim ako ng kape at nag- iiscroll sa aking cellphone patungo sa kinaroroonan ng nakaparada kong kotse, bigla naman at hindi inaasahang masangga ang siko ko nang may dumaan sa aking gilid.

Napatda ako sa aking kinatatayuan at napaawang ang bibig sa pagkagulantang nang sandaling tumapon sa akin ang lahat ng laman ng cup ng kape. Maligamgam naman na iyong kape, ngunit, pisti, kahit na ay mainit pa rin iyon sa balat. Wala man lang akong narinig na paghingi ng tawad galing sa kung sino mang lapastangan na sumagi sa akin. O baka naman ay hindi niya alam ang kalapastanganang ginawa niya sa akin? Pisti! Sandali ring hindi ako nakagalaw sa aking kinatitindigan, pero nang mahimasmasan ako nag- aapurahang tumakbo ako papasok sa loob ng aking kotse.

"F*ck!" malutong na mura ko, habang pinupunasan ang nadale ng kape sa pagbuhos nito sa katawan ko. At kung minamalas ka nga naman, dirty white pa ang kulay ng suot ko. Pisti! Nakakapisti talaga! Kumalat iyon sa aking damit na para bang mapa ng kung anong planeta ang nakaguhit doon. Naman oh!

I wanted to start the day right, but someone clumsy and stupid just ruined it in a matter of a blink of an eye. If only I knew na ito lang rin naman pala ang mapapala ko sa pagpunta ng 7- Eleven na ang plano lang naman ay bumili ng siopao at kape upang maibsan ang gutom ko, sana hindi na lang ako pumunta at sa iba na lang ako bumili. All I need is to have a delicious breakfast, pero ibang agahan ang natikman ko. Impiyernong agahan. Boyset!

Habang abala ako sa pagpupunas ng damit ko, bigla namang tumunog ang hawak- hawak kong cellphone. Nang tingnan ko ay Neri iyong tumatawag, ang aking sekretarya. 

" Hello. Yes?" bungad ko, as soon as I hit the answer button. 

" Good morning po, Miss E!" magiliw naman niyang bungad sa akin sa kabilang linya. Tss.

" Walang good sa morning ko, Neri, okay?" may timpla ng iritasyon sa sinabi ko, sabay irap sa kawalan.

Sige nga, sino bang hindi iinit ang ulo kapag natapunan ka ng kape? Kahit ata santo, madedemonyo sa galit. Marahas na lamang akong napabuntong- hininga at sinikap na ikalma ang kumukulo kong dugo.

" Anyways, is anything the matter?" pagbabalik ko ng atensyon sa aking sekretarya. Kumuha pa ako ng wipes at pinahid sa namantsahan ng kape kong damit at pinilit iyong burahin. Pisti! Ang dungis- dungis ko ng tingnan having these stains in my clothes. Para akong batang yagit, dahil hindi lang damit ko ang nahagip, maging ang white pants ko rin.

" Nandito na po yung inimport niyong Gar fish, Miss E. Kararating lang po, " aniya.

Hearing what she said, made my lips twitched. Somehow, I allowed myself to be partially mollified due to the fact na dumating na rin, at long last, ang Gar fish na inimport ko pa galing Thailand. Sabi nila na ang Gar fish raw ang isang klase ng isda na napakarare at dahil nga mahilig ako sa mga rare and exotic na mga bagay, hindi ako nag- atubiling bumili ng ganoon kahit na, oo, may kamahalan. Aside sa kagustuhan kong maangkin ang mga Gar fish na iyon, I am a hundred percent sure na they would go perfectly well with the Infinity pond I have built in my shop. 

Nasa kalagitnaan kami ng diskusyon ni Neri nang may kumatok sa pinto ng aking kotse. Hindi ako nagbigay ng atensyon o nagbaling man lang ng saglit na sulyap, dahil batid ko na kung anong klase ng nilikha ang kumakatok na iyan.

Who would that be? Wala nang iba kundi isang hampaslupa at  pulubi na naman iyan na malamang sa malamang ay manghihingi ng salapi. Well, nasanay naman na ako- nasanay na ako na hindi sila binibigyan ng pansin sa tuwing nanghihingi sila sa akin, na para bang ang mga kagaya nila ay hindi nag- eexist sa buhay ko. I don't and won't give alms to the poor. Poor has to suffer. They should not be tolerated and just give what they want and need. 

Naputol na ang tawag sa pagitan namin ni Neri and I slid the phone back on my pocket. Muli na namang umingay ang pinto ng sasakyan ko sa mga katok ng kamay na nagmumula sa kung sino. Hindi ko pa rin iyon pinansin, bagkus ay inistart ko ang engine ng aking sasakyan. Kailangan ko ng makarating sa shop kaagad, ora- mismo, dahil nasasabik akong masilayan ang mga Gar fish ko sa personal. Mahigit dalawang linggo rin akong naiinip na naghintay bago ko sila makita at opisyal na akin na talaga.

" Miss, siopao mo..." 

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status