Share

Kapitulo 4.3

Pagkarating namin sa Hospital room ni Tita Mirasol ay agad na tumambad sa harapan namin ang malakas na halakhak nito, habang nagpapakitang- gilas sa pagsasayaw ang Personal nurse nito na siyang kinuha ni John upang mag- alaga sa Mommy niya.

Since, si John ang namamahala sa kompanya ni Dad, mahirap para sa kaniya na mabigyan nang buong- buong atensyon at oras ang kaniyang ina, kaya kahit masakit man sa loob niya na sa halip siya ang mag- aalaga sa kaniyang ina, wala siyang ibang magagawa kundi ang ipalaga ito sa iba.

Gayunpaman, sinisikap pa rin naman niya kahit papaano. Wala naman na kasing mapagkakatiwalaang iba si Dad, bukod kay John, kung kaya sa kaniya niya ipinagkaloob ang posisyon bilang CEO. Sigurado naman ako na nasa mabuting kamay ang kompanya, dahil subok na ni Dad si John. Matalino rin siyang tao at wais pagdating sa negosyo, kaya wala akong duda kay John. Alam kong hindi niya bibiguin si Dad, dahil kapag ginawa niya iyon, para na rin niya akong binigo.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status