Share

Her Vengeance Kabanata 7

Author: Docky
last update publish date: 2026-10-26 19:51:41

Yael’s POV

“I’m done, let’s talk now—”

Napatigil ako sa pagsasalita ng makita kong halos nakahiga na ang katawan ni Hana sa sofa at ang marahan niyang paghinga. Nanginginig siya at halos mamaluktot para yakapin ang sarili, agad akong napatayo sa swivel chair at inabot ang remote para hinaan ang aircon.

Hinubad ko rin ang suit jacket ko para ipatong ‘yon sa katawan niya, kung masama ang pakiramdam niya ay bakit hindi man lang siya nagsabi at nagpunta pa rito?

Naalala ko ang mga pinagsasabi ko ka
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Tiny Cupid: Helping Daddy Catch Mommy   Her Vengeance Kabanata 12

    Hana’s POVPinanood ko lang si Yohan na magsimulang umikot-ikot sa mga nakadisplay na mga pagkain, hindi niya magawang itigil ang sarili sa iisang stall. Gustuhin ko man na bawalin siya ay may iilan na rin na mga customers ang dumating, idagdag pa ang seryosong titig sa akin ni Yael.Paulit-ulit akong tumikhim para bawasan ang kabang nararamdaman ko, hindi ko maintindihan kung bakit sobrang seryoso ng tingin niya sa akin na parang pilit binabasa kung ano man ang tumatakbo sa isipan ko sa mga oras na ‘to.“A-Anong gusto mo na pagusapan natin, bakit kailangan mo pa dalhin kami rito para lang makausap ako?” Naiinis ko na saad, kahit ang totoo ay labis-labis na ang kaba na nararamdaman ko.“Hana, sabihin mo, anak mo ba si Yohan?” Seryoso niyang tanong habang humahakbang palapit sa akin, agad naman akong napahakbang paatras. “Bakit hindi mo agad sinabi na may anak ka na?”Bumuka ang bibig ko ngunit walang salitang lumabas doon, hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kaniya. Gusto

  • Tiny Cupid: Helping Daddy Catch Mommy   Her Vengeance Kabanata 11

    Yael’s POV“Talaga po?” Excited niyang tanong at tuwang-tuwa na tumingin kay Hana. “Mama, ayos lang po ba sa’yo na kumain ako ng chocolates?”“H-Hah?” Naguguluhan na tanong niya at nagpalipat-lipat ang tingin niya sa akin at kay Yohan. “P-Pero kararating lang natin dito, hindi ka p’wedeng sumama sa kaniya, kakakilala lang ninyong dalawa…”“Mama, mukha siyang mabait at mayaman, isa pa ay kasama siya ni Tito Larry. Sa tingin ko ay hindi naman niya ako ibebenta o ang lamang loob ko para magkapera,” sagot niya kay Hana na ikinalaglag ng panga ko ng ilang segundo ngunit agad na natawa sa mga salitang binitawan niya.“Of course not, I won’t sell you,” saad ko at ginulo ang buhok niya.Malapit ako sa mga bata, pero iba yata ang humor ng batang ‘to. Mukhang magkakasundo kami dahil parang iisa ang takbo ng isip namin, siguro nga ay kung magkaedad kami ngayon ay maging magkaibigan pa kami dahil sa kalokohan na dala naming dalawa.Hindi niya inalis ang kamay ko sa buhok niya, hinayaan niya lang

  • Tiny Cupid: Helping Daddy Catch Mommy   Her Vengeance Kabanata 10

    Yael’s POV“What’s bring Mr. Miller to our small office today?” Nakangiting salubong sa akin ni Ross pagpasok ko palang sa opisina niya, kung gaano kalawak ang ngiti na nakapaskil sa labi niya ay ganoon naman ang inis na nararamdaman ko.Ang sabi ko sa sarili ko ay titigilan ko na si Hana, pero ‘to ako, hindi pa nawawala ang sakit ng ulo ko dahil sa hangover dahil sa kalasingan kagabi ay andito na agad ako sa Ross companya para makita siya.“Dalawang beses akong nanghingi ng dokumento sa opisina, oo at pinapadala ninyo ang kailangan ko tungkol sa project pero ang problema ay hindi nasasagot ang tanong ko ng maayos kaya andito ako para…makausap ka ng personal,” sambit ko at tumingin sa paligid.“Oh, really?” May laman niyang tanong at ngumisi. “Para makausap ako ng personal, pero nasa harapan mo na ako pero bakit mukhang iba yata ang gusto mong makita at makausap?”“W-What?” Hindi makapaniwala kong tanong, anong ibig niyang sabihin. “Hindi ko alam ang ibig mo na sabihin, Mr. Ross. Ikaw

  • Tiny Cupid: Helping Daddy Catch Mommy   Her Vengeance Kabanata 9

    Hana’s POV“Hindi mo na ako kailangan na samahan para sunduin si Yohan, Larry. Alam kong busy ka sa mga ginagawa mo, mag-taxi na lang kaming dalawa,” nahihiya kong saad.Kagagaling lang niya sa paglalaro ng golf, ngayon ay pinag d-drive niya ako papunta sa school para sunduin si Yohan. Sobra-sobra na ang ginagawa niya, kahit sabihin pa na magkaibigan kami ay alam kong lagpas na sa linya ang mga naitutulong niya sa aming mag-ina.“Hana, talaga ba na paguusapan ulit natin ‘to? Sabi ko naman sayo, bilang ninong ni Yohan at kaibigan mo, gusto ko kayong tulungan.” Marahang sambit niya at saglit na sumulyap sa akin at muling tumingin sa daan. “Hindi lang siya basta anak ng empleyado ko, kundi anak mo siya, Hana kaya mahalaga siya.”May kung anong humaplos sa dibdib ko pero agad ko na pinagsawalang-bahala kung ano man ‘yon, ngumiti lang ako at hindi na nagpilit pa na h’wag na akong ihatid. Tahimik lang kaming dalawa hanggang makarating kami sa dapat ng gate ng school, nagsisimula ng maglabas

  • Tiny Cupid: Helping Daddy Catch Mommy   Her Vengeance Kabanata 8

    Yael’s POV“You chose him over me?” Pigil ang sarili kong suntukin ang salamin sa harapan ko habang pinapanood na umalis ang kotse ni Ross palayo sa building ng kompanya ko.Ganoon ba talaga sila kalapit sa isa’t-isa na handang iwan ni Ross ang mga business partners niya habang naglalaro ng golf para lang sunduin si Hana rito?Simpleng secretary, sinong niloloko niya?Walang boss ang iiwan ang lahat para lang sa simpleng secretary niya, habang si Hana naman ay hindi man lang nagdalawang-isip na umalis dahil lang naghihintay sa kaniya ang boss niya sa labas?“Mr. Miller, nakita kong umalis na si Ms. Woods… tapos na ang meeting ninyong dalawa?” Nagtataka ang mukha niyang tanong. “Ayos ka lang ba?”“Bakit hindi ako magiging okay, ano naman kung umalis siya?” Sarkastiko kong tanong. “Mukhang masyado kang maraming free time, kailangan mo pa ng trabaho?” Seryoso kong saad sa kaniya na agad niyang ikinaatras at umiling.“K-Kinakamusta lang kita, Sir! Mag lunch kami ng ibang secretary, kung m

  • Tiny Cupid: Helping Daddy Catch Mommy   Her Vengeance Kabanata 7

    Yael’s POV“I’m done, let’s talk now—”Napatigil ako sa pagsasalita ng makita kong halos nakahiga na ang katawan ni Hana sa sofa at ang marahan niyang paghinga. Nanginginig siya at halos mamaluktot para yakapin ang sarili, agad akong napatayo sa swivel chair at inabot ang remote para hinaan ang aircon.Hinubad ko rin ang suit jacket ko para ipatong ‘yon sa katawan niya, kung masama ang pakiramdam niya ay bakit hindi man lang siya nagsabi at nagpunta pa rito?Naalala ko ang mga pinagsasabi ko kanina at agad na nakaramdam ng pagsisisi, siguro ay masama na ang pakiramdam niya una palang ngunit masyado ko rin siyang pinush kanina dahilan para mas lumala ang nararamdaman niya.“Hana,” bulong kong tawag sa kaniya at marahan na hinaplos ang namumula niyang pisngi, limang taon na ang lumipas ng huli ko siyang nahawakan at nalapitan ng ganito kalapit. Ngayon ay sobrang lapit ko sa kaniya, p’wede ko siyang hawakan, at titigan ng hindi siya nagrereklamo at hindi ko kailangan na magpanggap na baw

  • Tiny Cupid: Helping Daddy Catch Mommy   Kabanata 4 Her First Dance

    Myla’s POVKabado man ay dahan-dahan kong inangat ang palad ko para tanggapin ang alok ni Raven. Unang lapat pa lang ng balat ko sa kaniya ay pakiramdam ko’y makukuryente ako. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito na lang ang epekto niya sa akin. Parang…parang hindi ito ang unang beses na na

  • Tiny Cupid: Helping Daddy Catch Mommy   Kabanata 3 Father and Son

    Myla’s POVHinawi ko ang mahaba at medyo kulot kong buhok. Ipinaskil ko rin ang pinakamatamis kong ngiti sa labi ko at humakbang palapit kay Mr. Coast. Binuka ko ang bibig ko para kunin ang atensyon niya ngunit nang maunahan niya ako ng tingin ay agad na umurong ang dila ko. Mabilis akong napaiwas

  • Tiny Cupid: Helping Daddy Catch Mommy   Kabanata 2 The Target

    Myla’s POV “Keep your head high, don’t look down!” Rinig ko ang maliit na boses ni Aleron mula sa earpieace na suot ko. Nakatayo ako ngayon sa entrance ng isang engrandeng open party sa isang malawak na resort. Puno ng mga tao ang paligid at halos lahat ng mga naroon ay may suot na magagandang da

  • Tiny Cupid: Helping Daddy Catch Mommy   Kabanata 1 Kidnapping His Ideal Mommy

    Myla’s POVMahigpit kong hinawakan ang sling ng bag ko habang ang hakbang ko ay unti-unti na ring bumibilis. Kahit anong gusto kong lumingon sa aking likuran ay pinilit kong panatilihin ang paningin ko sa aking harapan. Hindi naman na ‘to ang unang beses na may sumusunod sa akin. Ilang araw ko nang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status