Share

Chapter 004: Selos

Author: Dragon88@
last update Last Updated: 2025-01-12 15:54:05

“8:30 ng gabi.

Tahimik akong nakaupo dito sa may terase ng aming bahay at matiyagang hinihintay ang pagdating ni ninong Vincent.

Panay ang hampas ko sa aking mga binti dahil sa mga lamok na walang tigil na kumakagat sa balat ko. Nakasanayan ko na ang maghintay dito sa terase araw-araw, dahil bata pa lang ako ay lagi ko na itong ginagawa.

Pero, sa pagkakataong ito ay hindi na ito katulad ng mga nakaraang paghihintay ko, dahil ramdam ko ang matinding lungkot.

Tatlong araw na Kasi ang lumipas simula ng huli kong nakita at nakausap si Ninong Vincent, at iyon ay noong araw na mangyari ang halikan sa pagitan naming dalawa. Pagkatapos nun hindi na siya nagpakita pa sa akin.

Although nagtetext naman siya sa Daddy ko pero ramdam ko na iniiwasan niya ako. Marahil, nagalit siya sa ginawa kong panghahalik sa kanya.

I swear, hindi ko talaga sinasadya, at hindi ko rin alam kung ano ba ang pumasok sa utak ko at ginawa ko ang bagay na ‘yun.

Kung alam ko lang na iyon ang magiging dahilan ng pagbabago nang pakikitungo niya sa akin, dapat hindi ko na lang ginawa.

Kusang bumalong ang mga luha ko na kaagad ko namang hinawi. Itinaas ko sa upuan ang aking mga paa, saka malungkot na niyakap ang dalawang tuhod ko. May apat na oras na akong naghihintay dito, baka hindi na naman siya uuwi.

Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako nagdesisyon na tumayo na. Pakiramdam ko ay parang may mga kadena ang aking mga paa, napaka bigat ng mga ito at kay hirap ihakbang.

Subalit, nakaka dalawang hakbang pa lang ako ng marinig ko ang tunog ng makina ng sasakyan ni Ninong Vincent. Kilala ko ang tunog nito kaya alam ko na siya ang parating.

Hindi nga ako nagkamali ng hula, dahil makalipas ang ilang segundo ay humimpil ang sasakyan sa tapat ng gate nang bahay ni Ninong Vincent.

Nagliwanag ang mukha ko ng bumaba si ninong Vincent mula sa kanyang kotse. Napakagwapo talaga ng ninong ko lalo na ngayon. Nakasuot siya ng pang office attire, pero sa pagkakataong ito ay napakaganda ng tela ng kanyang suit, mukhang mamahalin.

Binuksan niya ang gate, bago muling sumakay sa kanyang kotse. Nang tuluyan na niya itong naipasok sa loob ng bakuran ay saka pa lang ako nagmamadaling umalis sa aking kinatatayuan. Sabik na lumapit ako kay ninong Vincent na ngayon ay kasalukuyang bumababâ sa kanyang kotse.

Ngunit, nang nasa likuran na ako ng sasakyan nito ay biglang natigil ang mga paa ko sa paghakbang. Natulos ako sa aking kinatatayuan ng bumaba ang isang magandang babae mula sa kabilang bahagi ng sasakyan.

Sabay pa na lumingon sa akin ang dalawa, habang ako ay parang wala sa sarili na nakatitig lang sa mukha ng magandang babae.

Nagsimula sa marahang paghakbang ang aking mga paa palapit sa aking ninong. Mukha namang mabait ang babae dahil ngumiti siya sa akin, pero bakit ganun? Bakit pakiramdam ko ay tila isang kaaway ang tingin ko sa kanya sa kabila ng magandang ngiti niya sa akin?

Kusang tumigil ang mga paa ko sa tabi ni ninong Vincent. Umangat ang mga braso ko at yumakap ito sa katawan ni ninong habang ang mga mata ko ay nanatili sa mukha ng babae.

Ewan ko ba kung ano ang nangyayari sa akin, dahil nagmukha akong isang bata na ipinagdadamot ang laruan sa kanyang kalaro.

Naramdaman ko ng ipatong ni ninong Vincent ang kanang braso niya sa aking balikat, maging ang paglapat ng kanyang mga labi sa ulo ko.

“Tara, bakit nasa labas ka pa? Bakit hindi ka pa natutulog, may pasok ka pa bukas?” Seryosong tanong nito sa akin, nagmukha itong tatay na nanenermon sa kanyang anak.

“Sino siya, Nong?” Curious kong tanong na binalewala ang tanong niya sa akin.

“I’m Lisha, Vincent’s girlfriend.” Ang kasamang babae ni Ninong ang sumagot sa tanong ko habang ang mga mata niya ay matiǐm na nakatitig sa mukha ko. Bumaba ang mga mata nito sa mga braso ko na nakayakap sa katawan ng ninong ko.

Bigla na lang bumigat ang puso ko, at halos pigil ko na rin ang aking paghinga.

Bakit nasaktan yata ako sa aking narinig? Parang bigla akong natauhan sa inasta ko. Hindi na ako bata, at nasa tamang edad na rin ako para malaman ang tama sa mali. Bata pa lang ako ay iminulat na ni Daddy ang aking kaisipan kung ano ang dapat at hindi dapat gawin ng isang babae.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Bigla kong naisip ang pagkakaiba namin ng babaeng kaharap ko. Siya ang girlfriend, kaya dapat alam ko kung saan ilulugar ang sarili ko sa buhay ng ninong ko.

“S-Sorry..” ani ko bago mabilis na bumitaw mula sa pagkakayakap sa katawan ng ninong ko. Hindi ko alam kung para saan ang sorry na ‘yun, pero mukhang nauunawaan naman ng babae ang ibig kong sabihin—iyon ang nakikita ko sa kanyang mga mata.

Humakbang ako palayo kay Ninong saka matamis na ngumiti sa kanila, habang si ninong Vincent ay tila naguguluhan sa akin—nagtatanong ang mga mata nito.

“Ilang araw ka na kasing hindi umuwi kaya naisip ko lang na baka may nangyaring masama sa sayo. But since na mukhang okay ka naman, panatag na ang loob ko.” Ani ko sa pinasiglang tinig. Pagkatapos kong sabihin ang bagay na ‘yun ay nakangiti na binati ko ang babae saka mabilis silang tinalikun.

“Tara!” Tawag sa akin ni Ninong Vincent, ngunit nagpatuloy lang ako sa mabilis na paghakbang. Kahit anong pigil ang gawin ko sa sarili ko ay hindi ko pa rin makontrol ang matinding tensyon na nararamdaman ko. Kaya kulang na lang ay takbuhin ko ang pintuan ng aming bahay.

“Tara!” Muling tawag sa akin ni Ninong Vincent bago ko pa tuluyang maisara ang pinto. Nakita ko pa nga na palapit ito sa pintuan kaya naman para akong nasa isang nakakatakot na eksena at nagmamadali na inilock ang pinto.

Paglapat ng likod ko sa dahon ng pinto ay saka ko pa lang pinakawalan ang hangin na naipon sa dibdib ko. Ngayon ko lang napagtanto na kanina ko pa pala pigil ang aking paghinga, kaya naman hingal kabayo na ako ngayon.

Bigla akong nakaramdam ng hiya sa sarili ko, because I realized na hindi na tama itong ginagawa ko. Isang malungkot na ngiti ang lumitaw sa mga labi ko at nagsimula na akong humakbang patungo sa aking silid. Magmula sa araw na ito ay kailangan ko ng baguhin ang sarili ko at dapat na kong dumistansya sa ninong Vincent ko.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • To Serve And To Protect Your Heart   Chapter 035: “Puro ka na lang si Alona!”

    “Huh…” “kringgg!!!”kasabay ng pagpapakawala ko ng buntong hininga ay ang pagtunog ng alarm clock mula sa aking cellphone. 5 o’clock na ng umaga at kailangan ko ng bumangon upang asikasuhin ang aking mga alaga. Nanghihina na bumangon ako mula sa higaan at pinilit na tumayo upang maligo. Buong magdamag kasi na hindi ako nakatulog, dahil sa kakaisip sa nangyari sa pagitan namin ni Ninong Vincent. Hanggang ngayon kasi ay ramdam ko pa rin ang mga labi nito sa labi ko. Kay tagal kong pinananabikan na muli siyang mahagkan at mayakap pero hindi sa ganitong paraan.Nakaramdam ako ng lungkot ng maalala ko kung gaano niya akong kinasusuklaman.Nanlulumata na pumasok ako sa loob ng banyo habang isa-isang hinuhubad ang suot kong pantulog.Medyo gumaan ang aking pakiramdam ng dumaloy ang malamig na tubig sa aking katawan. Nang magawi ang tingin ko sa salamin ay nang haba ang nguso ko ng makita ko ang nanlalalim kong mga mata. Tanda ng kakulangan sa pagtulog. Mabilis na tinapos ko ang paliligo,

  • To Serve And To Protect Your Heart   Chapter 034: You will pay for this…

    “Babe, kailangang paalisin mo ang inaanak mong ‘yan dito. Malaking gulo ang nilikha niya, at hindi magiging panatag ang loob ko hanggat nandito sya sa Mansyon.” “I don't know how long I've been standing here on the balcony, habang nakatanga sa kawalan. Bumalik lang sa reyalidad ang aking kamalayan ng marinig ko ang nakikiusap na tinig ni Alona.Pagkatapos ng nangyaring gulo kanina ay umakyat ako dito sa silid ko. Hindi ko na namalayan na sumunod pala sa akin si Alona, at ngayon ay hindi ito tumitigil sa pagkumbinsi sa akin na paalisin dito si Tara sa Mansion. Honestly, nabigla talaga ako at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na bigla itong susulpot sa mismong pamamahay ko. Kay laki ng kanyang pinagbago, she’s a woman now, at wala na ang inosenteng Tara na inalagaan ko ng mahabang panahon. She’s become more beautiful na talagang kay hirap para sa akin na alisin ang mga mata ko sa maamo nitong mukha. Muling kumudlit ang kirot sa dibdib ko ng manariwa ang sakit na nilik

  • To Serve And To Protect Your Heart   Chapter 033: Paninindigan…

    “Pagkatapos na matulala sa mukha ng isa’t-isa ay dumilim ang ekspresyon ng mukha ni Vincent. Mas lalong humigpit ang hawak niya sa braso ko, hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang pagdaan ng sakit na may halong poot mula sa kanyang mga mata. At ngayon ay malaya kong nakikita ang matinding pagkamuhi nito sa akin—ang labis na kinatatakutan ko. Bumigat ang dibdib ko, pakiramdam ko ay nalipat sa akin ang matinding sakit na idinulot ko sa kanya. “What are you doing here?” Tiǐm ang bagâng na tanong niya sa akin. Bhagya pa niyang inangat ang braso ko kaya naman nakaramdam ako ng sakit. Nanginginig ang kanyang kamay, at nag-iigtingan ang kanyang mga bagâng. “I-I’m sorry…” sa mahinang tinig ay kusa itong nanulas sa bibig ko habang diretsong nakatitig sa kanyang mga mata. Nais kong ipabatid kung gaano kong pinagsisisihan ang mga nagawa ko. Pero sa nakikita ko ay mukhang sagad sa buto ang galit niya sa akin. Sandali siyang nanahimik, ilang segundo na nakatitig lang siya sa aking m

  • To Serve And To Protect Your Heart   Chapter 032: ang pagkikita…

    “Nakakagigil, at matinding pagpipigil ang ginagawa ko ng mga sandaling ito. Nanginginig na ang laman ko habang ang dibdib ko ay marahas na nagtataas-babâ. Hindi ito basta makikita sapagkat pilit kong kinokontrol ang aking emosyon. Paano nagagawang saktan ng babaeng ito ang isang inosenteng bata? Sa tingin ba n’ya ay hahayaan ko na masaktan niya ito sa mismong harap ko!? Pwes! Nagkakamali sya, dahil hindi ako papayag. Ngunit, nang sumagi sa aking isipan na isa akong Yaya sa pamamahay na ito at malaki ang posibilidad na mapalayas ako dito sa Mansion ay biglang kumalma ang galit na nararamdaman ko. Kung patuloy kong kakalabanin ang babaeng ito ay mas lalo ko lang ilalagay sa alanganin ang mga bata. Dahil sa isipin na tumatakbo sa aking isipan ay kusang lumuwag ang pagkakahawak ko sa braso ni Alona. Hanggang sa tuluyan ko na itong binitawan. “P-pasensya na po, hindi ko”— “Pak!” Isang malutong na sampal ang naging sagot nito, hindi lang ‘yun, sinundan pa niya ito ng isa p

  • To Serve And To Protect Your Heart   Chapter 031: Sino ang babaeng ito…

    “Wake up, Sweetheart.” Malambing kong wika habang isa-isang dinadampot ang mga laruan na nagkalat sa sahig. Lumitaw ang magandang ngiti sa aking mga labi ng makita ko na dahan-dahang nagmulat ng kanilang mga mata ang magkapatid. Nasa iisang silid lang sila pero hiwalay ang kanilang mga kama. “Mommy…” mas lalong lumapad ang ngiti ko ng marinig ko ang malambing na boses ng mga batang ito. Sa tuwing tinatawag nila akong mommy ay ibayong kilabot ang gumagapang sa aking dibdib. Iyong pakiramdam na kay hirap na ipaliwanag, basta ang alam ko ay masaya ako. Nakakainspired ang mga batang ito. Kung minsan ay hindi ko maiwasan na humiling sa Diyos na sana ay anak ko talaga sila. “Kailangan nyo ng bumangon kundi malilate kayo sa school.” Paalala ko pa, sabay dampot sa blanket ni Princess at maayos itong tinupi. Natawa ako ng tila excited na bumangon ang magkapatid at nag-uunahan na lumapit sila sa akin at saka mahigpit na yumakap sa bewang ko. Natatawa na binuhat ko silang dalawa upang dal

  • To Serve And To Protect Your Heart   Chapter 030: Mommy/Yaya

    “Who told you to stay here? Go to your room! Ayoko ng maingay!“ asik ni Alona kay Princess, dahilan kung bakit tumalim ang tingin sa kanya ng batang si Nicolai. Mula sa inosente nitong isipan ay nagagalit siya dahil sa hindi magandang pagtrato ng kanyang tita Alona sa kanyang kapatid. Bakit kailangan nitong magalit sa kanyang ate gayong tahimik lang naman silang gumagawa ng kanilang mga homework dito sa salas? Sa huli ay naisip din ni Nicolai na sadyang ayaw nito sa kanila. And besides, hindi na ito bago dahil malimit silang bulyawan ng kanyang tita Alona. Nahintakutan na tumayo kaagad si Princess gayundin ang kapatid nito. Nanginginig ang mga kamay ng bagong Yaya ni Princess na dinampot isa-isa ang mga gamit ng kanyang mga alaga. Walang ingay na pumanhik sila ng hagdan, maging ang mga katulong ay nanatiling tahimik at nakayuko sa isang tabi—naghihintay sa kung anuman ang iuutos ni Alona. “Until now ay wala pa rin ba kayong napili?” Supladang tanong ni Alona sa kanyang assistan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status