Share

CHAPTER 2

Author: June
Pagkauwi ni Karina, tahimik siyang naupo sa sofa ng sala habang nakatitig sa cellphone niya. Nagniningning pa rin sa screen ang numerong katatapos lang niyang tawagan.

Unti-unti nang humuhupa ang galit at sakit na bumabalot sa kaniya, ngunit kailangan niyang harapin ang realidad.

Hindi sapat ang simpleng paglayo kay Benjamin.

Kailangan niya ng pera.

Si Benjamin ang sumasagot sa buwanang gastusin ng kanyang ama sa ospital. Umaabot iyon sa halos kalahating milyong piso bawat buwan. Halos mawalan ng lakas si Karina sa bigat ng katotohanang iyon.

Hindi niya kayang bayaran iyon mag-isa.

Nanginginig ang mga daliri niyang nag-scroll sa contact list hanggang sa huminto siya sa isang pamilyar na pangalan.

Professor Dela Cruz.

Dating research supervisor niya sa graduate school.

“Professor Dela Cruz? Si Karina po ito. Karina Delfin.”

Pilít niyang pinatatag ang boses, pero bahagya pa rin iyong nabasag.

“Karina?” Gulat na gulat na sagot ng matanda sa kabilang linya. “Diyos ko, ayos ka lang ba? Tatlong taon na tayong hindi nagkakausap mula nang magpakasal ka.”

Mariing kinagat ni Karina ang ibabang labi hanggang malasahan niya ang mala-kalawang na lasa ng dugo.

“Professor…gusto ko po sanang bumalik sa research team. Alam ko pong biglaan ’to, pero kailangan ko po ng trabaho.”

“Of course!” walang pag-aalinlangang sagot nito. “Isa ka sa pinakamagagaling kong estudyante. Groundbreaking ang thesis mo sa molecular biology. May kompanyang naghahanap ngayon ng senior researcher. Maganda ang offer nila. Bakit hindi mo subukan?”

Napapikit si Karina habang bahagyang gumaan ang dibdib niya.

“Salamat po,” mahina niyang bulong. “Sobrang naa-appreciate ko po ito.”

“Don’t mention it,” sagot ng propesor. “Sayang talaga at iniwan mo ang research team pagkatapos mong magpakasal. Pero ang mahalaga ay babalik ka na. Kailan ka nga pala puwedeng magsimula?”

“As soon as possible po sana.”

“Sige. Ako nang bahalang umayos ng lahat.”

“Salamat po, prof.”

Pagkababa ng tawag, may maliit na sinag ng pag-asa na umilaw sa loob niya.

Kaya niya ito.

Kaya niyang iwan si Benjamin.

Kaya niyang buuin muli ang sarili niyang buhay.

Pumasok siya sa kuwarto nilang mag-asawa at nagsimulang mag-impake. Mala-makina ang kanyang bawat galaw habang nagtitiklop ng damit at inilalagay sa kanyang maleta.

Sa loob ng aparador ay nakasabit pa rin ang magkapareha nilang pajama na binili nila noong honeymoon nila sa Paris.

Sa ibabaw ng dresser ay naroon ang maliit na angel figurine na inuwi nila mula sa Italy.

Nakakabit pa rin sa dingding ang mga larawan nilang nagtatawanan sa tabing-dagat habang naghahalikan sa ilalim ng papalubog na araw.

Bawat gamit ay tahimik na nagpapaalala ng dating tamis ng kanilang pag-ibig.

Pero ngayon, bawat isa ay parang kutsilyong paulit-ulit na tumatarak sa kanyang puso.

Paano siya naging ganoon kabulag?

Paano niya hindi napansin ang mga senyales?

Binuksan niya ang drawer ng dresser para kunin ang ilan niyang personal na gamit.

Kumikinang doon ang wedding ring niya, tila ba pinagtatawanan siya.

At doon niya nakita iyon.

Ang marriage certificate nila.

Nanginginig ang mga kamay niyang kinuha iyon bago dahan-dahang binuksan ang unang pahina kung saan naroon ang isang larawan..

Dalawang inosenteng mukha ang bumungad sa kaniya.

Masayang-masaya.

Punong-puno ng pangarap.

Napakaliwanag ng ngiti niya sa larawan na halos hindi niya matiis tingnan. Samantalang si Benjamin naman ay tila hindi maitago ang sobrang kaligayahan sa mga mata nito.

August 23.

Tatlong taon na ang nakalipas.

Alas kuwatro pa lang ng umaga ay nakapila na sila sa National Statistics Office.

Halos hindi mapakali si Benjamin noon sa sobrang excitement.

“Karina, mag-asawa na talaga tayo,” paulit-ulit nitong wika habang nagmamaneho. “Pakiramdam ko eighteen ulit ako. parang noong una kitang makita sa chemistry class ni Professor Santos.”

Nang iabot ng staff ang marriage certificate, kitang-kita niya ang panginginig ng mga kamay ni Benjamin habang maingat niya iyong tinatanggap, na para bang isang marupok na salamin na maaaring mabasag anumang oras.

Namumuo pa noon ang luha sa mga mata nito.

“Karina… asawa na talaga kita,” nanginginig nitong bulong habang halos mabasag sa emosyon ang boses. “I swear mamahalin at poprotektahan kita habang buhay. Ikaw ang lahat sa akin.”

Pinaniwalaan niya ang bawat salita.

Akala niya soulmate sila.

Habambuhay.

Pero ngayon…

Tahimik niyang tinitigan ang masayang ngiti niya sa larawan.

Bago pa man siya tuluyang maluha, narinig niya ang pamilyar na tunog ng sasakyan mula sa ibaba.

Biglang tumigil ang tibok ng puso niya.

Bumukas ang garage door.

Sunod-sunod na yabag sa hagdan ang kanyang narinig.

“Honey, I’m back!”

Masigla at kaswal ang boses ni Benjamin mula sa ibaba.

Biglang sinakal ng kaba ang dibdib ni Karina.

Mabilis niyang isinilid pabalik sa drawer ang marriage certificate. Nagmamadali niyang pinunasan ang mga mata bago pilit inayos ang mukha.

Bukas pa ang pinto ng kuwarto.

Hindi puwedeng makita ni Benjamin ang mga maleta.

Palapit nang palapit ang yabag nito hanggang sa tuluyang bumukas ang pinto.

Agad lumiwanag ang mukha ni Benjamin nang makita siya.

Walang anu-ano ay niyakap siya nito mula sa likuran.

Dati, iyon ang comfort place ni Karina. Sa mga bisig ng kanyang asawa.

Ngayon, gusto niyang masuka.

May ibang amoy sa balat ni Benjamin.

Matamis na vanilla shower gel.

Malinaw na naligo ito sa ibang lugar bago umuwi.

“Did you miss me?” malambing na bulong ni Benjamin sa tainga niya. Mahinahon ang kanyang tinig na para bang pusang katatapos lang kumain.

Nanigas ang buong katawan ni Karina.

Pilít niyang pinigilan ang sariling itulak ito palayo.

“Saan ka nanggaling?”

“I’m sorry, babe. Sobrang busy ko sa trabaho kahapon na nakatulog ako sa office.” Napakadali para kay Benjamin ang magsinungaling. “Na-miss ko tuloy ang anniversary natin.”

May inilabas itong maliit na jewelry box mula sa bulsa ng jacket nito.

“But look what I got you to make up for it.”

Binuksan nito ang kahon.

Isang napakagandang diamond necklace ang nasa loob. Kumislap ang mga bato sa ilalim ng ilaw ng kuwarto at nagkalat ng bahagharing repleksyon sa dingding.

“Beautiful, right?” puno ng pagmamalaking sabi ni Benjamin. “Turn around. Ako ang magsusuot sa’yo.”

Parang robot na sumunod si Karina.

Dahan-dahang hinaplos ng mga daliri ni Benjamin ang leeg niya habang ikinakabit ang kuwintas.

Malamig ang sensasyong dulot nito sa kanyang balat. .

Mabigat.

Nakakasakal.

“Perfect.” Napaatras si Benjamin para pagmasdan siya. Halatang nasisiyahan ito sa nakikita. “Birthday party ni lolo bukas. Ang buong Del Valle family ay pupunta roon. Kapag isinuot mo ’yan, siguradong ikaw ang pinakamagandang babae sa party.”

“Kailangan ko bang pumunta?” walang buhay na tanong ni Karina.

Gusto na lang niyang tumakas.

Lumayo sa lahat ng konektado sa Del Valle family.

“Of course. You’re my wife.”

Tinitigan siya ni Benjamin nang tila totoong nagmamahal.

Yumuko ito para halikan siya ngunit mabilis siyang umiwas.

“Mag-shower ka muna,” malamig niyang sabi habang iniiwas ang mukha.

Tumango si Benjamin na parang walang napansing mali.

“Good idea. Buong araw akong nagtatrabaho.”

Kumuha ito ng damit bago pumasok sa banyo.

Ilang segundo lang, bumukas ang shower.

Unti-unting lumusot ang singaw mula sa ilalim ng pinto.

Biglang nag-vibrate ang cellphone ni Karina.

Napatingin siya sa screen.

Facebook message.

Biglang nanlamig ang buong katawan niya.

Isang larawan ang nasa screen.

Isang babae.

Suot nito ang kuwintas na kaparehong-kapareho ng nasa leeg niya ngayon.

Punô ng love bites at gasgas ang maputing balat nito. Hanggang leeg at dibdib lang ang kuha ng litrato, ngunit sapat na iyon para mawasak si Karina.

May mensahe sa ibaba ng larawan.

[Maganda ba ang kuwintas? Ako mismo ang pumili niyan para sa’yo.]

[Iyan ang suot ko habang naghahalikan kami kagabi.]

[Sabi ni Benjamin, bagay na bagay daw sa akin.]

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Too Late, Ex! Rejected Me? Now I’m Your Aunt   CHAPTER 50

    Agad na lumitaw ang malinaw na pulang marka ng sampal sa mukha ni Benjamin. Kitang-kita ang bakas ng limang daliri ni Karina sa maputla niyang pisngi.Hinawakan niya ang nasaktang bahagi at tumingin kay Karina nang hindi makapaniwala. Unti-unting sumiklab ang galit sa kanyang mga mata.“Sinampal mo ako?!” umalingawngaw ang boses ni Benjamin sa bakanteng corridor ng ospital, puno ng gulat at galit.Diretsong tiningnan siya ni Karina, nanginginig sa matinding galit ang dibdib niya.“Bakit hindi kita sasampalin? Ikaw na lalaking makapal ang mukha!!”“Ikaw na nga ang nang-cheat, ikaw pa ang may gana na siraan ako sa ama ko?” Nanginginig ang boses niya, pero bawat salita ay puno ng poot. “Benjamin Del Valle, nakakadiri ang pagkatao mo! Kinamumuhian kita!!”Lalong nagliyab ang galit ni Benjamin. Bigla siyang lumapit at mahigpit na hinawakan ang balikat ni Karina, saka siya marahas na isinandal sa malamig na pader.“Walang hiya?” halos magdikit ang mukha nila. Ramdam ni Karina ang hininga niy

  • Too Late, Ex! Rejected Me? Now I’m Your Aunt   CHAPTER 49

    Tumango lang si Ram sa narinig at nagwika, “Naiintindihan ko.”Napaka-walang emosyon ng tono niya, na para bang ordinaryong report lang ang pinakikinggan. Pakiramdam tuloy ni Stanley ay parang nasayang lahat ng effort niya para roon.“May meeting ka rin ppo ng alas-diyes, video conference sa Germany,” paalala ni Stanley.“Mm.” maikling sagot ni Ram. Pagkatapos ay ibinalik niya ang atensyon sa mga dokumento sa mesa.Kaya tahimik na lumabas si Stanley sa opisina.Bandang tanghali, pumasok si Karina sa employee cafeteria ng Polaris Technology na may halong kuryosidad. Pagbukas pa lang niya ng glass door, natigilan siya sa kanyang nakita.Hindi ito ordinaryong cafeteria ng kumpanya. Para itong high-end restaurant. Malawak ang espasyo, maliliwanag ang floor-to-ceiling windows, at elegante ang disenyo. Ang mas nakakagulat pa ay ang menu…mula Chinese na kung pao chicken, Italian mushroom cream soup, Japanese sushi, hanggang Thai curry, halos kumpleto ang pagkain mula sa iba’t ibang bansa.“Ba

  • Too Late, Ex! Rejected Me? Now I’m Your Aunt   CHAPTER 48

    Sa isang pasilyo ng ospital, hawak ni Kian ang isang mamahaling hospital bill habang mahigpit ang pagkakunot ng kanyang noo. Sobrang laki ng gastos sa operasyon at lampas na ito sa inaasahan niya. Kahit naibenta na nila ang bahay ng pamilya, kulang pa rin sila ng malaking halaga.Biglang tumunog ang cellphone niya, at narinig niya ang boses ni Lily sa kabilang linya, halatang nagmamadali.“Kailan mo ba balak kumilos?!”Tumingin si Kian sa napakalaking hospital bill sa kanyang kamay bago sumagot sa mabigat na boses. “Sa mga susunod na araw.”Sa kabilang linya, ngumiti si Lily, halatang nasisiyahan. “Mabuti. Tandaan mo, bilisan mo at huwag kang mag-iiwan ng kahit anong bakas.”“Alam ko ang gagawin ko,” sagot ni Kian.Pagkababa ng tawag ni Lily, isang malamig at madilim na kislap ang lumitaw sa kanyang mga mata. Planado na niya ang lahat. Kapag nagtagumpay si Kian sa pagpatay kay Karina, tatawag siya nang anonymous sa pulis para pareho silang mamatay sa pinangyarihan. Sa ganitong paraan,

  • Too Late, Ex! Rejected Me? Now I’m Your Aunt   CHAPTER 47

    “Hindi mo trabahong diktahan kuna ano ang dapat o hindi ko dapat gawin,” Malaman ang bawat salitai ni Ram. Wala itong puwang sa anumang pag-aalinlangan.Ramdam ni Stanley ang mapanganib na presensyang bumabalot sa hangin kaya tahimik siyang umatras ng dalawang hakbang para bawasan ang kanyang presensya.Namula sa galit si Benjamin. Umumbok ang ugat sa kanyang noo. Mula pagkabata, palagi na siyang natatalo ng tiyuhing ito sa pamilya man o sa negosyo. At ngayon, kailangan niyang panoorin na parang wala siyang magawa habang tila may interes ang tiyuhin niya sa kanyang asawa. Isang matinding dagok ito sa kanyang pride.Subalit hindi natinag si Ram. Sa halip, lalo pa siyang nanindigan. “Isa pang pagkakamali at mawawala ka sa posisyon mo bilang general manager ng Del Valle Group.”Parang mabigat na palakol ang tumama sa dibdib ni Benjamin sa mga salitang iyon. Alam niyang hindi nagbibiro ang kanyang tiyuhin. Sa impluwensiya at kakayahan ni Ram, hindi magiging mahirap para rito na alisin siya

  • Too Late, Ex! Rejected Me? Now I’m Your Aunt   CHAPTER 46

    Nang makita ang ngiti ni Karina, lumapit sina Ram at Stanley sa babae. Si Stanley ang unang bumati kay Karina. “Tingnan mo nga naman, Miss Karina. Dito ka rin pala kakain ngayong gabi.”“Oo nga eh, may plano ako kasama ang kaibigan ko,” magalang na sagot ni Karina. Sandali siyang sumulyap kay Ram.Naramdaman ni Stanley ang bahagyang pagbabago sa atmosphere kaya agad siyang nagsalita, “Tamang-tama talaga. Miss Karina, kukunin ko lang ang sasakyan. Pwede bang ikaw na muna ang bahala sa boss namin? Medyo marami siyang nainom ngayong gabi.”Tiningnan ni Karina si Ram. Kahit namumula ang pisngi nito, malinaw ang mga mata at matatag ang tindig nito. Sa unang tingin, hindi ito mukhang lasing. “Parang hindi naman…” sabi niya nang may pagdududa.“Ganyan talaga ang boss namin. Kahit lasing siya, ganyan pa rin siya.” mabilis na paliwanag ni Stanley. “Pero marami talaga siyang nainom. Baka delikado kung maiwan siyang mag-isa.”Naalala ni Karina kung paano siya iniligtas ni Ram sa Montana City, k

  • Too Late, Ex! Rejected Me? Now I’m Your Aunt   CHAPTER 45

    Nang marinig ni Benjamin ang mga salita ni Karina, agad siyang naginhawahan. Basta hindi nito nalaman ang naging pagtatalik nila ni Roxanne sa kanyang opisina, lahat ay maayos na.Agad siyang umarteng nakakaawa. Ang kanyang salita ay puno ng kasinungalingan. “Karina, nagkakamali ka. Matagal ko nang binlock si Roxanne. Siguradong ibang number ang gamit niya para tawagan ako.”Nagpatuloy si Benjamin sa pagsisinungaling nang walang pag-aalinlangan. Ang ekspresyon niya’y parang batang inaapi. “Hindi ko nga siya pinayagang makipag-dinner sa akin. Wala rin akong nireplyan sa messages niya. Maniwala ka sa akin.”Nakaramdam si Karina ng matinding pagkasuklam sa sobrang husay nitong magsinungaling. Ang lalaking ito ay kayang magsinungaling nang walang kaba o hiya. Lahat ng mga salita niya ay nagtutunog totoo. Gustong-gusto na niya itong barahin subalit pinigilan niya ang kanyang sarili. Ayaw niyang malaman ni Benjamin ang tungkol sa mga ebidensyang kinakalap niya.“Whatever,” malamig ngunit pil

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status