Share

CHAPTER 3

Author: June
Biglang sumama ang pakiramdam ni Karina.

Agad niyang tinanggal ang kuwintas sa leeg niya. Walang pag-aalinlangan niya iyong ibinato sa basurahan ng kuwarto. Kumalansing ang mga diyamante nang tumama sa bakal na basurahan.

Mabilis siyang pumasok sa guest bathroom at binuksan ang shower.

Dumampi sa balat niya ang napakainit na tubig, ngunit wala siyang pakialam.

Dali-dali niyang kinuha ang shower gel at desperadong kinuskos ang leeg at katawan niya. Kailangan niyang alisin ang lahat ng bakas ni Benjamin.

Lahat ng alaala ng paghawak nito.

Namula ang balat niya sa sobrang lakas ng pagkuskos, ngunit pakiramdam niya marumi pa rin siya.

Naiisip niya ang kuwintas na nakasuot din sa leeg ng babaeng iyon.

Nai-imagine niyang gumagalaw iyon habang nasa ilalim ng katawan ni Benjamin ang babaeng iyon.

Biglang sumikdo ang sikmura niya.

Maya-maya, bumukas ang pinto ng banyo.

Nakatayo roon si Benjamin habang nakatitig sa kaniya sa kabilang salamin ng shower door. Dahan-dahang bumaba ang tingin nito mula sa basa niyang buhok pababa sa kanyang mga balikat, saka sinundan ang mga patak ng tubig na dumadaloy sa makinis niyang kurba.

Bumigat ang paghinga ni Benjamin.

Nagliyab sa pagnanasa ang mga mata nito.

“Karina…you are so beautiful,” paos nitong bulong.

Narinig ni Karina ang boses nito at agad na binalot ng tuwalya ang sarili. Lumabas siya ng shower room. Nang maisip niyang baka ganoon din ang tingin ni Benjamin sa babaeng kasama nito kagabi, muli siyang nasuklam.

“’Wag kang lalapit sa akin.”

Napaatras siya ng ilang hakbang, pero papalapit na si Benjamin.

“Baby, what’s wrong?” Tinaas nito ang kamay para hawakan ang pisngi niya, ngunit mabilis siyang umiwas.

Hindi sumuko si Benjamin.

Sa halip, hinila siya nito papunta sa dibdib nito.

Dahan-dahang gumapang ang mga kamay nito sa likod niya sa ibabaw ng tuwalya, saka unti-unting bumaba.

“Karina… I want you tonight,” bulong nito sa tainga niya. Mainit ang hininga nito laban sa balat niya.

Biglang nanigas ang katawan ni Karina.

Sinubukan niyang kumawala, ngunit mas malakas si Benjamin.

Humawak ang isang kamay nito sa dibdib niya habang ang isang kamay naman ay dahan-dahang dumudulas pababa sa kanyang hita.

“Let’s make a baby,” puno ng pananabik ang boses ni Benjamin. “Magiging maganda ang anak natin. Imagine, a little girl carrying your eyes.”

Parang binuhusan ng yelo ang buong katawan ni Karina.

Biglang sumagi sa isip niya ang larawang ipinadala ng babaeng iyon.

Ang parehong mga kamay na humahawak sa kaniya ngayon ay gumala rin sa katawan ng ibang babae ilang oras pa lang ang nakakalipas.

Biglang sumabog ang galit at pagkasuklam sa dibdib niya.

“Lumayo ka sa akin!”

Buong lakas niyang itinulak si Benjamin.

“Benjamin, pagod ako! Huwag ngayon!”

Napaatras si Benjamin, halatang nagulat sa biglaan niyang galit.

Napatitig ito sa mukha niya habang nababalot ng pagkalito ang ekspresyon nito.

“Honey, I’m sorry.” Puno ng guilt ang boses nito. “Hindi kita dapat pinilit. It’s just that I really want to make love to you tonight. Mahal na mahal kita.”

Huminto ito sandali habang pinag-aaralan ang kanyang mukha.

“Fine. If you are not ready to become a mother yet, puwede naman tayong maghintay.”

Habang pinagmamasdan ang mukha ni Benjamin na puno ng pasisisi, gumulo ang emosyon sa dibdib ni Karina.

Tatlong taon siyang naging maalaga at mabuting asawa nito.

Hindi niya maikonekta ang lalaking nasa harapan niya ngayon sa lalaking nakita niyang kasama ng ibang babae kagabi.

Pero malinaw ang katotohanan.

Ang mga litrato.

Ang mga mensahe.

Ang kuwintas na nasa basurahan.

Ilang minuto pa at nahiga na sila ni Beenjamin. Nakatitig sa kisame si Karina habang mahimbing ang pagtulog ni Benjamin sa tabi niya.

Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang masasakit na eksenang natunghayan kahapon..

Hindi siya nakatulog hanggang madaling-araw.

Kinabukasan, bakas ang pagkabalisa noong nagdaang gabi sa mga mata ni Karina. Mukha siyang pagod at walang buhay nang makita ang sariling repleksyon sa salamin.

“Honey, okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Benjamin. “You look exhasuted. Baka gusto mong magpahinga muna ngayon.”

Umiling si Karina.

“Ayos lang ako. Kailangan nating maghanda para sa birthday party ng lolo mo.”

Habang pumapasok sila sa gate ng Del Valle family estate, biglang humarurot lampas sa kanila ang isang itim na Rolls-Royce.

Diretso itong huminto sa harap ng pangunahing entrance.

Nakasulat sa plate number:

RAMON-1.

Biglang humigpit ang hawak ni Benjamin sa manibela.

Dumilim agad ang mukha nito.

“Si Tito Ram…” mahina nitong bulong.

Si Ramoncito “Ram” Del Valle ay tiyuhin ni Benjamin at bunsong anak ni Don Richard Del Valle. Kahit anim na taon lang ang tanda nito kay Benjamin, matagal na nitong kinatatakutan ang tiyuhin.

Tumanggi si Ram na sumali sa kanilang family business at nagtayo ng sarili nitong kumpanya.

Ngayon, limang beses na mas malaki ang halaga ng kumpanyang iyon kaysa sa Del Valle Group of Companies.

Kilala si Ram sa business world bilang matalino, walang awa, at mapaghiganti.

Noong nakaraang taon, narinig ni Ram si Benjamin na nagsasalita nang masama tungkol sa kanya sa isang business dinner.

Bilang kaparusahan, tinanggihan ni Ram ang partnership na sana’y magdadala ng daan-daang milyong kita sa Del Valle Group.

Ipinarada ni Benjamin ang kotse sa likod ng Rolls-Royce.

Pagkababa ni Karina, sumabit ang mataas niyang takong sa graba ng driveway.

Nawalan siya ng balanse at muntik nang matumba paatras.

Ngunit bago bumagsak sa lupa, may malalakas na brasong sumalo sa baywang niya, sabay kabig papalapit sa matigas at matipuno nitong dibdib.

Napatingala si Karina.

Tumambad sa kaniya ang pares ng malalalim at maiitim na mata.

Matangkad ang lalaki at may nakaka-intimidate na presensya. Mukha itong nasa dalawampu’t siyam na taong gulang.

Matalim at halos perpekto ang mga features nito.

Matangos na ilong.

Malinaw na jawline.

Matitigas na cheekbones.

Suot nito ang fitted dark gray suit na lalong nagbigay-diin sa malapad nitong balikat at matipunong pangangatawan.

Sigurado siyang si Ram Del Valle ito.

“Careful,” mababa at malalim nitong sabi. May bahagyang pag-aalala sa magnetikong boses nito.

Sandaling natulala si Karina sa mga mata nito.

Biglang lumapit si Benjamin sa kanila, halatang namumula ang mukha sa selos.

Marahas nitong hinablot ang kamay ni Karina palayo kay Ram.

“Thank you, Tito ,” malamig nitong sabi habang pilit na kinokontrol ang galit.

Hinila niya si Karina papunta sa manor entrance.

Pagkalayo nila ng ilang hakbang, yumuko si Benjamin malapit sa tainga niya.

“Karina, alam mong ayokong lumalapit ka sa ibang lalaki,” madiin nitong bulong. “Especially, kay Tito Ramon.”

Halos matawa si Karina sa kaplastikan nito.

Ito ang lalaking kagabi lang ay nasa kama ng ibang babae, pero ngayon ay nagseselos dahil kinausap siya ng tiyuhin nito.

“So mas gusto mong mapahiya ako at matumba sa harap ng buong Del Valle family estate gano’n ba?” malamig niyang sagot.

Agad umurong si Benjamin.

“Honey, hindi iyon ang ibig kong sabihin. Ayoko lang na may maling isipin ang mga tao.”

Hindi na siya pinansin ni Karina at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Napakagara ng Del Valle family manor.

Mula sa engrandeng foyer hanggang sa naglalakihang crystal chandeliers.

Pero walang anumang saya ang naramdaman ni Karina habang naroon siya.

Pagpasok nila sa living room, agad silang tinawag ng lola ni Benjamin na si Mariana habang nakangiti nang malapad.

“Karina, Benjamin! Dumating na kayo!”

Huminga nang malalim si Karina bago pilit ngumiti nang magalang.

Anuman ang galit na nararamdaman niya para kay Benjamin, nirerespeto pa rin niya ang mga lolo’t lola nito.

Napakabuti sa kanya ni Don Richard.

“Hello po, Lolo. Hello po, Lola,” magiliw niyang bati.

Lalong lumiwanag ang mukha ni Mariana habang pinagmamasdan sina Benjamin at Karina.

Sa kabilang banda, matagal na nitong pinipilit ang anak na si Ram na mag-settle down.

“Come and sit beside me,” wika ng matanda habang tinatapik ang sofa.

Nang makaupo sila, siya namang pagpasok ni Ram sa living room.

Agad nagbago ang ekspresyon ni Mariana at napalitan ng dismaya.

“Tingnan mo si Benjamin,” matulis nitong sabi kay Ram. “Maayos ang kumpanya niya at may napakaganda pang asawa. I have a feeling that they will give me a great-grandchild soon.”

Lalong tumigas ang boses nito.

“How about you? You’re almost thirty, and you’re still single. Kapag wala kang dinalang girlfriend sa susunod na family gathering, huwag ka nang magpakita rito!”

Saglit na napatingin si Ram kay Benjamin bago muling bumaling kay Karina.

Bahagyang umangat ang gilid ng labi nito.

“You’re right, Mom,” mahina nitong sabi.

“She’s very beautiful.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Too Late, Ex! Rejected Me? Now I’m Your Aunt   CHAPTER 50

    Agad na lumitaw ang malinaw na pulang marka ng sampal sa mukha ni Benjamin. Kitang-kita ang bakas ng limang daliri ni Karina sa maputla niyang pisngi.Hinawakan niya ang nasaktang bahagi at tumingin kay Karina nang hindi makapaniwala. Unti-unting sumiklab ang galit sa kanyang mga mata.“Sinampal mo ako?!” umalingawngaw ang boses ni Benjamin sa bakanteng corridor ng ospital, puno ng gulat at galit.Diretsong tiningnan siya ni Karina, nanginginig sa matinding galit ang dibdib niya.“Bakit hindi kita sasampalin? Ikaw na lalaking makapal ang mukha!!”“Ikaw na nga ang nang-cheat, ikaw pa ang may gana na siraan ako sa ama ko?” Nanginginig ang boses niya, pero bawat salita ay puno ng poot. “Benjamin Del Valle, nakakadiri ang pagkatao mo! Kinamumuhian kita!!”Lalong nagliyab ang galit ni Benjamin. Bigla siyang lumapit at mahigpit na hinawakan ang balikat ni Karina, saka siya marahas na isinandal sa malamig na pader.“Walang hiya?” halos magdikit ang mukha nila. Ramdam ni Karina ang hininga niy

  • Too Late, Ex! Rejected Me? Now I’m Your Aunt   CHAPTER 49

    Tumango lang si Ram sa narinig at nagwika, “Naiintindihan ko.”Napaka-walang emosyon ng tono niya, na para bang ordinaryong report lang ang pinakikinggan. Pakiramdam tuloy ni Stanley ay parang nasayang lahat ng effort niya para roon.“May meeting ka rin ppo ng alas-diyes, video conference sa Germany,” paalala ni Stanley.“Mm.” maikling sagot ni Ram. Pagkatapos ay ibinalik niya ang atensyon sa mga dokumento sa mesa.Kaya tahimik na lumabas si Stanley sa opisina.Bandang tanghali, pumasok si Karina sa employee cafeteria ng Polaris Technology na may halong kuryosidad. Pagbukas pa lang niya ng glass door, natigilan siya sa kanyang nakita.Hindi ito ordinaryong cafeteria ng kumpanya. Para itong high-end restaurant. Malawak ang espasyo, maliliwanag ang floor-to-ceiling windows, at elegante ang disenyo. Ang mas nakakagulat pa ay ang menu…mula Chinese na kung pao chicken, Italian mushroom cream soup, Japanese sushi, hanggang Thai curry, halos kumpleto ang pagkain mula sa iba’t ibang bansa.“Ba

  • Too Late, Ex! Rejected Me? Now I’m Your Aunt   CHAPTER 48

    Sa isang pasilyo ng ospital, hawak ni Kian ang isang mamahaling hospital bill habang mahigpit ang pagkakunot ng kanyang noo. Sobrang laki ng gastos sa operasyon at lampas na ito sa inaasahan niya. Kahit naibenta na nila ang bahay ng pamilya, kulang pa rin sila ng malaking halaga.Biglang tumunog ang cellphone niya, at narinig niya ang boses ni Lily sa kabilang linya, halatang nagmamadali.“Kailan mo ba balak kumilos?!”Tumingin si Kian sa napakalaking hospital bill sa kanyang kamay bago sumagot sa mabigat na boses. “Sa mga susunod na araw.”Sa kabilang linya, ngumiti si Lily, halatang nasisiyahan. “Mabuti. Tandaan mo, bilisan mo at huwag kang mag-iiwan ng kahit anong bakas.”“Alam ko ang gagawin ko,” sagot ni Kian.Pagkababa ng tawag ni Lily, isang malamig at madilim na kislap ang lumitaw sa kanyang mga mata. Planado na niya ang lahat. Kapag nagtagumpay si Kian sa pagpatay kay Karina, tatawag siya nang anonymous sa pulis para pareho silang mamatay sa pinangyarihan. Sa ganitong paraan,

  • Too Late, Ex! Rejected Me? Now I’m Your Aunt   CHAPTER 47

    “Hindi mo trabahong diktahan kuna ano ang dapat o hindi ko dapat gawin,” Malaman ang bawat salitai ni Ram. Wala itong puwang sa anumang pag-aalinlangan.Ramdam ni Stanley ang mapanganib na presensyang bumabalot sa hangin kaya tahimik siyang umatras ng dalawang hakbang para bawasan ang kanyang presensya.Namula sa galit si Benjamin. Umumbok ang ugat sa kanyang noo. Mula pagkabata, palagi na siyang natatalo ng tiyuhing ito sa pamilya man o sa negosyo. At ngayon, kailangan niyang panoorin na parang wala siyang magawa habang tila may interes ang tiyuhin niya sa kanyang asawa. Isang matinding dagok ito sa kanyang pride.Subalit hindi natinag si Ram. Sa halip, lalo pa siyang nanindigan. “Isa pang pagkakamali at mawawala ka sa posisyon mo bilang general manager ng Del Valle Group.”Parang mabigat na palakol ang tumama sa dibdib ni Benjamin sa mga salitang iyon. Alam niyang hindi nagbibiro ang kanyang tiyuhin. Sa impluwensiya at kakayahan ni Ram, hindi magiging mahirap para rito na alisin siya

  • Too Late, Ex! Rejected Me? Now I’m Your Aunt   CHAPTER 46

    Nang makita ang ngiti ni Karina, lumapit sina Ram at Stanley sa babae. Si Stanley ang unang bumati kay Karina. “Tingnan mo nga naman, Miss Karina. Dito ka rin pala kakain ngayong gabi.”“Oo nga eh, may plano ako kasama ang kaibigan ko,” magalang na sagot ni Karina. Sandali siyang sumulyap kay Ram.Naramdaman ni Stanley ang bahagyang pagbabago sa atmosphere kaya agad siyang nagsalita, “Tamang-tama talaga. Miss Karina, kukunin ko lang ang sasakyan. Pwede bang ikaw na muna ang bahala sa boss namin? Medyo marami siyang nainom ngayong gabi.”Tiningnan ni Karina si Ram. Kahit namumula ang pisngi nito, malinaw ang mga mata at matatag ang tindig nito. Sa unang tingin, hindi ito mukhang lasing. “Parang hindi naman…” sabi niya nang may pagdududa.“Ganyan talaga ang boss namin. Kahit lasing siya, ganyan pa rin siya.” mabilis na paliwanag ni Stanley. “Pero marami talaga siyang nainom. Baka delikado kung maiwan siyang mag-isa.”Naalala ni Karina kung paano siya iniligtas ni Ram sa Montana City, k

  • Too Late, Ex! Rejected Me? Now I’m Your Aunt   CHAPTER 45

    Nang marinig ni Benjamin ang mga salita ni Karina, agad siyang naginhawahan. Basta hindi nito nalaman ang naging pagtatalik nila ni Roxanne sa kanyang opisina, lahat ay maayos na.Agad siyang umarteng nakakaawa. Ang kanyang salita ay puno ng kasinungalingan. “Karina, nagkakamali ka. Matagal ko nang binlock si Roxanne. Siguradong ibang number ang gamit niya para tawagan ako.”Nagpatuloy si Benjamin sa pagsisinungaling nang walang pag-aalinlangan. Ang ekspresyon niya’y parang batang inaapi. “Hindi ko nga siya pinayagang makipag-dinner sa akin. Wala rin akong nireplyan sa messages niya. Maniwala ka sa akin.”Nakaramdam si Karina ng matinding pagkasuklam sa sobrang husay nitong magsinungaling. Ang lalaking ito ay kayang magsinungaling nang walang kaba o hiya. Lahat ng mga salita niya ay nagtutunog totoo. Gustong-gusto na niya itong barahin subalit pinigilan niya ang kanyang sarili. Ayaw niyang malaman ni Benjamin ang tungkol sa mga ebidensyang kinakalap niya.“Whatever,” malamig ngunit pil

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status