Partager

74:

Auteur: Hiraya_23
last update Date de publication: 2026-10-21 18:41:30

Ilang minuto pa akong nanatiling nakaupo sa silyang iniwan ni Reiner, nakatitig sa malaking pintuang kakasara lamang sa likuran nila ni Zeke.

Tahimik na naman ang executive suite.

Walang tunog ng keyboard o pang-aasar ni Reiner.

Napabuntong-hininga ako at tumayo, hindi puwedeng nakaupo lang ako rito habang iniisip kung gaano karami ang hindi ko alam tungkol sa asawa ko.

Napatingin ako sa mga dokumentong nakakalat sa sahig.

Damn it!

Dahil sa kalokohan namin kanina, parang dumaan ang isang maliit
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Dernier chapitre

  • Too Late, She's My Wife Now   105:

    ARMEA’S POINT OF VIEWKinabukasan, muntik nang mabasag ang katahimikan ng bahay dahil sa sigaw ng babaeng kahit sa panaginip ko ay ayaw ko nang marinig.“Nasaan siya?!”Napatingin ako kay Reiner na kararating lang mula sa study. May hawak pa siyang cellphone at bahagyang nakaluwag ang necktie niya. Pero sa unang sigaw pa lang, nagbago na ang mukha niya.“Stephanie,” sabi niya, malamig.Hindi ko agad naintindihan kung bakit siya narito. Akala ko tapos na ang lahat—tapos na ang kaso ni Richard, wala na akong kailangang patunayan, at wala nang dahilan para may sumugod sa bahay namin.Pero nang bumukas ang pinto ng foyer at makita kong halos nanginginig sa galit si Stephanie habang sinusundan ng dalawang security personnel, alam kong may ibang uri ng gulo akong haharapin.Nakatutok ang mga mata niya sa akin.“Ikaw!” Halos tumalsik ang boses niya. “Ikaw talaga ang may ganang magpa-kulong sa asawa ko?”Napatigil ako. Sa asawa ko.Hindi ko alam kung mas nagulat ako sa salitang iyon o sa kato

  • Too Late, She's My Wife Now   104:

    ARMEA’S POINT OF VIEWHindi ko inakalang maririnig ko ang pangalan ni Richard sa isang courtroom na hindi na ako ang nanginginig sa bawat pagbigkas nito.Maaga pa lang ay nakaupo na ako sa tabi ni Reiner sa loob ng sasakyan.Nasa kandungan ko ang bag ko, at kahit paulit-ulit kong sinasabi sa sarili na tapos na ang pinakamahirap na bahagi, hindi ko mapigilang pisilin ang strap nito sa pagitan ng mga daliri ko.Sa labas, tuloy-tuloy ang pagdaan ng mga sasakyan. Ordinaryo ang umaga para sa lahat ng taong hindi kailangang harapin ang lalaking minsang nagmukhang buong mundo nila.“Look at me, Wife.”Dahan-dahan akong lumingon.Nasa tabi ko si Reiner, nakasuot ng itim na suit na halos palaging nagpapamukha sa kaniya na walang anumang bagay sa mundo ang kayang gumalaw nang hindi niya pinapahintulutan. Pero nang dumapo ang tingin niya sa mga kamay kong nakakapit sa bag, bahagyang lumambot ang mukha niya.“You don't have to prove anything today,” sabi niya. “Your statement is already on record

  • Too Late, She's My Wife Now   103:

    ARMEA’S POINT OF VIEWNang dumating ang paliwanag ni Atty. Isabel tungkol sa settlement proposal, mas naunawaan ko kung bakit hindi agad sumagot si Reiner noong una niya itong makita.Hindi naman masama ang kabayarang inaalok para sa gastusin. Hindi rin masamang maglabas ng statement si Richard. Pero sa mga kondisyong nakalagay sa papel, may mga bagay na parang hinihingi pa rin niyang kontrolin ang magiging kuwento pagkatapos ng lahat.Ayaw niyang magkaroon ng dagdag na public statement tungkol sa pagdukot. Gusto niyang maging confidential ang ilang bahagi ng pag-uusap. At gusto niyang pag-usapan ang mga bagay na iyon bago pa tuluyang makapagpasya ang mga awtoridad sa complaint.Habang binabasa ni Atty. Isabel ang mga clause, hindi ko namalayang napahigpit na naman ang hawak ko sa pen.“Hindi natin kailangang sumagot ngayon,” paalala niya. “My recommendation is to reject the confidentiality language as written and request clarification on the portions that might affect your complaint.

  • Too Late, She's My Wife Now   102:

    THIRD PERSON’S POV Isang linggo ang lumipas bago muling nagpatawag ng meeting ang legal team.Sa pagkakataong iyon, hindi na lamang preliminary records ang nasa mesa. May verified communication logs na mula sa intermediary, may kumpirmadong detalye sa booking ng van, at may statement mula sa isang contractor na kinilala ang taong nagbigay ng instructions para sa trabaho.Hindi pa iyon final judgment. Hindi rin iyon garantiya na agad matatapos ang kaso. Ngunit sapat na ang mga dokumentong iyon upang maipakita na ang pagdukot kay Armea ay hindi simpleng aksidente o maling pagkakaunawaan.Nakatayo si Reiner sa tabi ng bintana nang sabihin ni Atty. Mendoza ang susunod na bahagi.“The investigators are preparing their recommendation to the prosecutor. They believe there is now enough corroborating material to move forward with the complaint. They still need to review the remaining records and hear from the accused parties, but the case is no longer resting on Armea's statement alone.”Dah

  • Too Late, She's My Wife Now   101:

    ARMEA’S POINT OF VIEWMakalipas ang ilang araw, nagsimula akong makaramdam ng pagnanais na lumabas ng penthouse nang hindi dahil sa appointment sa doktor o sa meeting kasama ang abogado.Hindi pa ako handang bumalik sa normal kong routine. Minsan ay napapagod ako pagkatapos lamang magbasa ng ilang email, at may mga sandaling gusto ko na lang umupo sa sofa habang nakikinig sa ingay ng lungsod mula sa malayong bahagi ng bintana.Pero na-miss ko ang trabaho ko.Na-miss ko ang mga campaign plan na pinag-uusapan namin ni Carla. Na-miss ko ang pagtingin sa design drafts at ang pakikipagtalo tungkol sa kulay ng isang advertisement na para bang iyon ang pinakamahalagang bagay sa buong mundo.Na-miss ko ang pakiramdam na may ginagawa ako dahil gusto ko, hindi dahil kailangang ayusin ang epekto ng ginawa ni Richard.Kaya isang umaga, habang nag-aalmusal kami ni Reiner, maingat kong inilabas ang ideya.“Reiner?”Nag-angat siya ng tingin mula sa tablet. “Yes, Wife?”“Do you think puwede akong dum

  • Too Late, She's My Wife Now   100:

    THIRD PERSON’S POV Dumating ang written proposal mula sa legal team ni Richard kinabukasan.Hindi ito apology letter. Hindi rin ito tahasang pag-amin. Isa itong pormal na alok para sa isang confidential settlement na may ilang kondisyong kailangang pag-aralan ng counsel ni Armea. Binasa ni Reiner ang bawat pahina sa kaniyang study, at habang tumatagal, mas lalong tumitigas ang kaniyang ekspresyon.May alok na kabayaran para sa mga gastusin ni Armea. May pangakong maglalabas si Richard ng panibagong statement. May hiling na hindi na raw palalawakin ang publiko tungkol sa usapin at na ang ilang bahagi ng complaint ay dapat ma-resolve privately.Walang direktang pangakong aaminin niya ang lahat ng ginawa niya.Walang malinaw na pagtanggap sa responsibilidad sa pagdukot.At higit sa lahat, ang bawat pahina ay tila dinisenyo upang mabawasan ang epekto sa pangalan ni Richard.“Convenient,” bulong ni Reiner, saka inilapag ang proposal sa mesa.Nasa tapat niya si Atty. Mendoza. “This is a st

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status