LOGINHINDI dapat pinakikinggan ni Bea ang tibok ng puso niya.Iyon ang paulit-ulit niyang paalala sa sarili habang pauwi sila mula sa pregnancy class. Tahimik ang biyahe. Hindi naman awkward. Pero hindi rin normal.May kakaibang katahimikan sa pagitan nila ni Ashton. Iyong tipong hindi na kailangang punuin ng salita. At iyon mismo ang problema.Dati, kaya niyang makipagtalo rito buong araw. Ngayon? Minsan ay sapat na ang isang tingin nito para magulo ang isip niya.---PAGDATING nila sa bahay, nadatnan nila ang mommy at daddy niya sa sala. Mukhang kakauwi lang din."Ay, andiyan na kayo!" masayang bati ni Marissa."Kumusta ang class?" tanong agad ng dad niya.Nanlaki ang mata ni Bea. "Wala pong nangyari.""Sure?" tanong ni Talia mula sa likod habang may hawak na mangkok ng prutas."Very sure."Nag-sign naman si Mia. ["Mukha kang hindi sure."]"Mia!"Napatawa ang lahat, maliban kay Bea. At si Ashton. Dahil tahimik lang itong nakaupo sa kabilang sofa habang umiinom ng tubig. Pero nakita niya.
HINDI alam ni Bea kung sino ang mas may problema sa kanilang dalawa.Siya ba? O si Ashton Salvatore?Dahil alas-nuwebe pa lang ng umaga, nasa sala na siya, tahimik na umiinom ng orange juice habang nagbabasa ng article tungkol sa prenatal nutrition.At si Ashton? Parang may mission. May agenda. May lihim na proyekto.And guest what? Siya ang target."Bea." Hindi siya agad tumingin. "Hm?"May iniabot itong tablet. Napakunot-noo siya. "Ano 'to?""Registration.""Registration saan?"Bahagyang ngumiti si Ashton.Agad naman siyang kinabahan. Kapag ngumiti ito nang ganoon, may kalokohang kasunod."Pregnancy class."Natigilan siya. "...What?""Prenatal education program."Napakurap siya. Pagkatapos ay muling tumingin sa screen. At doon niya nakita ang isang prenatal Wellness and Parenting Class. Every Saturday, two participants, partner-inclusive.Nanlaki ang mga mata niya. "NO."---LIMANG minuto ang ginugol ni Bea sa pagrereklamo. At limang minuto ring walang epekto iyon kay Ashton."Why?"
PAGKATAPOS ng prenatal check-up, buong akala ni Bea ay babalik na sa normal ang lahat.Nagkamali na naman siya.Dahil kinabukasan pa lang, parang may biglang switch na na-on sa utak ni Ashton Salvatore. At hindi niya gusto ang resulta.“Hindi ka pwedeng magbuhat niyan.”Napalingon si Bea habang hawak ang isang maliit na basket ng labahin.“Ano?”Mabilis na lumapit si Ashton at kinuha iyon sa kamay niya. Nanlaki ang mata niya.“Excuse me?”“May laman.”“Tatlong tuwalya lang ’yan!”“Still heavy.”“Hindi heavy!”“Para sa’kin, heavy.”Napahawak si Bea sa noo.Diyos ko. Nagsisimula na naman.---DALAWANG araw matapos nilang marinig ang heartbeat ng baby, naging kakaibang tao si Ashton. Hindi naman ito OA noon. Okay, medyo OA na pala talaga.Pero ngayon? Mas malala. Mas protective. At mas nakakainis.“Bakit may tubig dito?”Napakurap si Bea habang nakaupo sa sala. “Ano’ng tubig?”Itinuro ni Ashton ang maliit na patak sa tiles malapit sa indoor garden. “Madulas.”“Isang patak lang.”“Still d
Hindi inaasahan ni Bea na magiging ganoon kabilis ang sunod na kalat sa buhay niya.Kaninang umaga lang, nasa bedroom siya at iniisip kung paano niya itatago ang kaba sa prenatal check-up niya.Ngayon, nasa harap na siya ng salamin, naka-simple white dress at light cardigan, habang nakatingin sa sarili na parang may kasamang tanong ang buong itsura niya.“Okay ka lang?” tanong ni Ashton mula sa pinto.Napalingon siya. “Mukha ba akong okay?”Bahagyang ngumiti ito. “Hindi.”Napairap siya. “Salamat sa honesty.”“Welcome.”Tumikhim siya at inayos ang bag sa balikat niya. “Hindi mo talaga kailangang sumama.”“Alam ko.”“Eh bakit nandito ka pa rin?”“Dahil ako ang available.”“Hindi ka available. Nag-volunteer ka lang.”“Same thing.”“Hindi.”“Bea.”Nilingon niya ito nang masama. “Ano na naman?”Tahimik lang siyang tinignan ni Ashton, pagkatapos ay napabuntong-hininga.“Wala namang ibang sasama sa’yo ngayon.”Napahinto siya.Dahil totoo naman.Si Talia ay nasa Montclair Biotech para sa long
HINDI agad kinuha ni Bea ang kamay ni Ashton.Nakatitig lang siya roon, sa palad nitong nakalahad sa gitna ng ambon, parang may sariling buhay ang eksena. Simpleng gesture lang sana. Pero sa paraan ng pagkakatitig nito sa kanya, parang hindi iyon simpleng pag-anyaya lang pauwi.Parang may hinihintay itong desisyon na matagal na niyang iniiwasan.Sa gilid ng hardin, marahang kumidlat ang langit. Humina ang ulan, pero hindi ang kabog sa dibdib niya.“Papasok na tayo?” ulit ni Ashton, banayad lang ang boses.Napalunok si Bea.Sa totoo lang, gusto niyang sabihin na hindi. Gusto niyang tumayo, umirap, at sabihing kaya niyang maglakad pabalik nang mag-isa. Pero wala siyang nagawa nang biglang dumating si Talia mula sa veranda na may hawak pang maliit na tray ng iced tea.“Ay, wow,” sabi nito, sunod-sunod ang tingin sa kanilang dalawa. “May pa-exit line pa talaga?”“Tumahimik ka,” singhal agad ni Bea, pero wala na rin iyong lambing.“Hindi ako nanggugulo. Observing lang.”Si Mia naman, na ta
HINDI na dapat nagtaka si Bea, pero nagulat pa rin siya. Kasi kinabukasan matapos siyang ma-reject ulit ni Ashton Salvatore, hindi ito nawala. Hindi rin ito nag-tampo. Hindi rin ito nag-lay low. Sa halip, mas lalo pa itong naging present sa buhay niya na para bang may sariling schedule ang pagiging makulit nito. May delivery ulit sa umaga. Hindi flowers. Hindi pagkain. Kundi isang maliit na paper bag mula sa isang sikat na bakery sa BGC na paborito raw ng mommy niya. At siyempre, may card na naman. “For your mother. You can hate me, but I’d rather win her first.” — Ashton Napanganga si Bea habang binabasa iyon sa kusina. “Ang kapal,” bulong niya. Mula sa likuran niya ay sumilip si Talia habang nagkakape. “Anong bago?” Itaas ni Bea ang card..Tahimik na binasa ni Talia. Pagkatapos ay bahagyang napangisi. “Ah.” “Ah?” “May strategy.” “Anong strategy? Pang-aasar?” “Pangliligaw na hindi sumusuko.” “Susmaryosep.” Si Mia naman, na nakaupo sa dulo ng mesa at gumuguhit sa noteb
“PLEASE, take a seat. Don’t be shy, Mr. Montclair.”Magaan ang tono ni Professor Harris habang pumasok sa private function room ng Lumiere Grand Hotel. Tahimik niyang iniupo ang sarili sa bakanteng silya sa tabi ni Lucas Lee, bago tumingin kay Talia na nakaupo sa kabilang dulo.“Talia, you’ve lost
NANG marinig iyon ay biglang natigilan si Caden, at saka ngumisi. Ang malamig na pader at ang mainit na katawan ni Caden sa likuran niya ay lalong nagdulot ng matinding pagpa-panic kay Talia. Sa pagpupumiglas niya, naramdaman niya na tila lumuwag ang hawak ni Caden sa pulso niya.“From now on, kahi
“I'LL do it...”Hindi na namalayan ni Talia kung kailan lumapit si Caden sa likod niya. Nang mapansin niya, naroon na ito, tahimik, ngunit determinadong nagtatanggal ng coat at marahang iginigiya ang mga manggas ng long-sleeved shirt pataas, ibinubunyag ang matatag nitong mga braso.Bago pa siya ma
LUMAPIT si Talia sa malaking floor-to-ceiling window ng opisina. Mula rito, tanaw ang kabuuan ng lungsod, ng mga gusaling nagtatayugan sa maaliwalas na umaga, mga ilaw na unti-unting nawawala sa liwanag ng araw. At doon, sa pagitan ng mga building, nasulyapan niya ang condo unit niya. Ang maliit







