Share

CHAPTER 15

Author: GennWrites
last update Huling Na-update: 2025-10-13 15:09:57

TAHIMIK ang crowd habang lumalapit si Talia sa billiards table. Ramdam niya ang titig ng lahat. May curious, excited, at may halong pagdududa.

“Six year,” naisip niya. “Anim na taon na mula noong huli akong humawak ng cue stick. Kaya ko pa kaya ‘to?”

“Let’s go, Talia!” sigaw ni Bea mula sa gilid, sabay taas ng cocktail glass. “Pakita mo sa kanyang hindi lang stethoscope ang kaya mong hawakan!”

Napailing si Talia, hindi napigilan ang matawa. “You’re unbelievable,” mahina niyang sabi bago humarap muli sa mesa.

Sa kabilang side, nakatayo ang lalaki na relaxed, confident, at halatang sanay sa atensyon. Ang suot nitong asul na polo ay nakabukas ang unang dalawang butones, at nakangiting parang alam na niya ang kahihinatnan ng laro.

“Ladies first,” sabi niya, sabay bukas ng kamay na parang gentleman.

Ngumiti lang si Talia ng banayad, pero walang sinabi. Kinuha niya ang cue stick at marahang inikot sa kamay, sinasanay ulit ang grip. The sound of chatter faded into the background. All she cou
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jhoyen Domingo
🫢🫢🫢🫢🫢🫢🫢
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 116

    ILANG oras matapos umalis si Talia sa opisina ni Lucas, sakto nang magsasara na ang huling report sa laptop niya nang biglang tumunog ang cellphone. Nakita niyang si Bea ang nasa caller ID. Napapikit si Talia sandali bago sinagot ang tawag.“Baba ka na, now na,” bungad ni Bea sa kabilang linya, walang pasakalye. “Nasa baba na ’ko. Kain tayo, ‘yung mabigat. Tapos manonood tayo ng boxing. Kailangan mo ng eye candy.”“Bea—” Hindi pa man siya tapos magsalita ay sumabat na ito. “Walang excuse,” putol ng kaibigan. “Naka-park na ’ko. Five minutes.”Napabuntong-hininga si Talia. Isinara niya ang laptop, kinuha ang bag, at tuluyang bumaba.Sa lobby, halos mapanganga siya nang makita si Bea.Nakasakay ito sa pulang sports car, naka-sunglasses kahit gabi na, at suot ang puting backless halter dress na halatang hindi pang-ordinaryong lakad. Head to toe, confident at flamboyant.Pagkakita pa lang sa ayos ng kaibigan, alam na agad ni Talia kung saan sila pupunta.“Let me guess,” aniya habang sumas

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 115

    SANDALING tumalim ang mga mata ni Caden. “Demon King?” marahan niyang inulit, halos hindi marinig. Isang pangalan na matagal na niyang narinig noon, isang multong dapat ay matagal nang nawala. Tumango si Liam. “Matagal na po siyang nagtatago. Ayon sa records, bigla siyang umatras sa illegal operations years ago at pumasok sa mga lehitimong negosyo tulad ng real estate, pharma, hospitality. Slowly, nilinis niya ang pangalan niya. Kung hindi dahil sa contact ko sa NBI Intelligence Division, hindi namin ’to mahuhukay.” Kinuha ni Caden ang folder. Mabilis niyang inisa-isa ang laman, mga litrato, financial trails, foreign bank movements, lumang kaso na biglang na-dismiss. Sa halip na magalit, bahagya siyang napangiti. Isang ngiting tuso. “I see...” marahan niyang sambit. “Kaya pala.” Ibinaba niya ang folder at marahang tinapik ang mesa. “Kahapon,” dugtong niya, mababa ang boses, “sobrang ingay ng pangalan ko sa internet...” Tumigil siya sandali, saka tumingin kay Liam. “Panahon

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 114

    KINABUKASAN, pasado alas-nueve ay naroon na si Caden sa Lee Pharmaceutical. Basta na lang siyang pumasok sa CEO office na madilim ang anyo at nakakuyom ang mga kamao.“Lucas Lee!” sigaw ni Caden na nagtatagis ang mga ngipin sa galit.Samantalang si Lucas naman ay kalmado lang na nakaupo sa kanyang swivel chair habang nakatalikod at nakaharap sa floor-to-ceilling window. Kaagad sinugod ni Caden ang lalaki at hinawakan sa kwelyo saka inundayan ng malakas na suntok sa panga. Pero nakakapagtaka na ni hindi man lang lumaban si Lucas ng mga sandaling iyon. Hinayaan lang niyang tanggapin ang mga suntok ni Caden, at nanatili lang siyang nakatingin sa lalaki habang nakangisi.“Layuan mo si Talia! Gago ka! Wala kang karapatan na lapitan siya!” galit na galit na saad pa ni Caden sabay unday muli ng suntok, na sa pagkakataong iyon ay tumama sa ilong nito dahilan para pumutok iyon at magdugo.Pero nanatiling hindi lumalaban si Lucas, at nakatingin lang sa kanya ng makahulugan habang nakangisi. Da

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 113

    HINDI nagtagal, kumalat ang mga larawan. Sa loob lamang ng ilang minuto, nagsimula nang gumalaw ang social media, mabagal sa una, halos hindi napapansin, pero eksaktong nasa ilalim ng isang mas malaking balita.Isang bagong trending topic. Hindi ito basta lantad. Parang sinadyang ilagay sa pagitan ng mga usaping showbiz at business news.#LucasLeeAndTaliaMarquezSpottedInFerrisWheelAtMidnightAng larawang kalakip ay isang silweta, isang lalaking yakap ang isang babae sa loob ng Ferris wheel cabin. Sa likuran, tanaw ang gabi ng Metro Manila, mga ilaw ng EDSA at Makati skyline na parang bituin sa lupa. Tahimik, pero punô ng emosyon.Ilan sa mga netizen na nakakita ay nag-comment kaagad. "Grabe. Hindi kailangang ipagsigawan. Ramdam mo 'yung sweetness." "Kung ganito naman ka-sweet, talo na talaga ang kahit sinong nag-propose sa stage."---Samantala, sa loob ng isang pribadong opisina, mahigpit na nakahawak si Caden sa cellphone niya. Kita sa screen niyon ang ang trending list. Nandoon pa

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 112

    SA TERRACE ng ikatlong palapag, patuloy pa ring sumasayaw sa hangin ang mga pink rose petals. Ang mga drone sa itaas ay bumubuo pa rin ng kumikislap na “starlight,” parang walang pakialam sa kaguluhang kakapasok lang sa eksena.Napakaganda, pero at the same time ay mayroon ding dalang sakit.Sa gilid ng crowd, huminto si Talia. Ang ingay ng venue ay parang unti-unting lumalabo sa pandinig niya, habang ang mga ilaw ay tila nagiging malayo, parang panaginip na hindi niya sigurado kung gusto pa niyang tapusin.Ilang sandali pa'y biglang tumunog ang cellphone niya at isang pangalan ang lumitaw sa screen. Kay Caden.Natigilan siya. Ilang segundo siyang nakatitig lang sa screen, at parang may pumipiga sa dibdib niya habang pinipigilan siyang huminga. Pero sa huli, pinindot pa rin niya ang answer button upang sagutin ang tawag nito.“Talia, nasaan ka?” kaagad nitong tanong na may halong panic at pag-aalala ang boses.Huminga siya nang malalim bago sumagot. Pinili niyang gawing kalmado ang to

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 111

    SA GITNA ikatlong palapag ay nakatayo ang babae sa entablado, nakatalikod sa karamihan. Bahagya niyang inangat ang ulo, sinusundan ng tingin ang drone performance sa itaas. Ang mga ilaw ay gumuguhit ng mga hugis sa langit, parang may sinisimulang kuwento na unti-unting binubuo sa harap ng lahat.Hindi niya napigilang mapahanga. Sa likod ng mga ilaw at engrandeng disenyo, ramdam niya ang bigat ng eksenang iyon na masyadong perpekto, masyadong planado. Isang setup na hindi basta-basta kayang ihanda ng kahit sino.Si Jessica.Bahagyang hinihingal, pinilit nitong makalusot sa pagitan ng mga bisita. Napahinto ito sandali, napatingin sa paligid at hindi nito napigilang mamangha sa eksenang bumungad sa kan'ya. Ang kisame na tila buhay, ang stage na puno ng bulaklak, ang moon-shaped archway na kumikislap sa ilalim ng mga ilaw.Hindi niya alam kung bakit, pero biglang bumigat ang dibdib niya. Parang may masamang pakiramdam na unti-unting umaakyat.Sa isip niya, bumalik ang mga pangyayari kanin

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status