Share

CHAPTER 260

Author: GennWrites
last update Petsa ng paglalathala: 2026-05-23 21:01:46

PAGKATAPOS umalis ni Caden, nanatiling nakatayo si Jessica sa gitna ng pribadong silid. Tahimik. Masyadong tahimik.

Unti-unti niyang itinaas ang kamay at pinunasan ang mga luhang nasa kanyang mukha. Ngunit kasabay niyon ay marahang umangat ang sulok ng kanyang labi. Isang ngiting puno ng panlalamang. Isang ngiting tila may itinatagong lihim.

"Caden..." mahina niyang bulong. "Paano mo nasisigurong si Talia lang ang babaeng gusto mong pakasalan?"

Dahan-dahan siyang bumalik sa kanyang upuan at mul
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jasmin Romen
thankz madam A...secrets reveal ns...pra lalong exciting....
goodnovel comment avatar
Mylaflor Heredero
oh ayan Thalia tanda m name mo ha Aliyah
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   KABANATA 265

    NAUPO si Mia sa tabi ng amain at kumumpas ng ilang salita na kaagad namang naunawaan ng matanda. “Dad, itanong mo kung totoong may nawawala siyang anak,” ani Mia sa sign language. Marahan namang tumikhim si Mr. Santiago, at diretsong tumingin sa ginang. "Mrs. Salvatore, narinig ko pong may isa pa kayong anak na babae?" Agad na napunta ang atensyon ng lahat sa ginang. Bahagyang nawala ang ngiti sa kanyang mukha, ngunit mabilis din niya iyong naibalik. "Tama,” agad namang sagot ni Mrs. Salvatore. "May anak akong babae na matagal naming hinanap. At recently lang, natagpuan na rin namin siya. Mga isang buwan na ang nakakaraan.” Naging mas tahimik ang paligid. Pagkatapos ay muli siyang ngumiti. "Sa susunod na buwan, magse-celebrate kami ng isang family gathering sa Singapore. Sana ay makadalo kayo kung may oras." Tumango naman si Mrs. Santiago. "Napakagandang balita naman niyan." “Kapag natuloy, ipapasyal ko rin kayo,” dagdag pa ni ni Mrs. Salvatore na magaan ang tono habang nags

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 264

    TAHIMIK naman ma tumango si Dr. Cole matapos ang ilang segundong pag-iisip.“Of course.”Hindi na nagpaligoy-ligoy si Caden. Isang maikling hilig ng ulo lang ang ginawa niya, pero halatang kabisado niya na ang direksiyon ng mga pangyayari. Sa tabi niya, tahimik lang si Talia, nakatayo pa rin sa gitna ng laboratoryo habang unti-unting bumabalik sa normal ang galaw ng mga tao sa paligid.---MAKALIPAS ang ilang minuto, dumating silang tatlo sa isang private dining room sa isang high-end restaurant sa BGC. Malawak ang silid, tahimik ang ambiance, at may malalambot na warm lights na bumabagsak sa mahabang mesa. Sa labas ng glass wall, kita ang city lights at ang magulong daloy ng traffic sa ibaba, pero sa loob, para bang hiwalay sila sa buong mundo.Pagkaupo pa lang nila, agad nang nag-order si Lyndon ng mga pagkain—may grilled seafood platter, Angus beef steak, buttered shrimp, truffle pasta, at isang mainit na crab soup na amoy pa lang ay nakakagutom na. May mga side dish pang fresh gre

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 263

    NAPAHINTO si Talia nang mga sandaling iyon at unti-unti siyang napatingin sa mukha ni Caden. Sa matalim nitong mga mata, sa pamilyar na presensyang ilang araw niyang pinilit na huwag hanapin. Mabigat ang dibdib niya, at parang may kung anong bumabara sa kanyang lalamunan."Caden..." mahina niyang tawag.Agad naman itong napatingin sa kanya. "Hmm?"Nag-atubili si Talia ng ilang sandali. Mahigpit niyang pinisil ang laylayan ng kanyang damit bago tuluyang nagtanong."Mahilig ka ba sa mga bata?"Halos mapatayo si Caden sa sobrang gulat. Nanlaki ang kanyang mga mata at mabilis niyang hinawakan ang kamay ni Talia."Talia..." bahagyang nanginginig ang kanyang boses. "Ibig mong sabihin, payag ka nang magkaanak tayo?"Tiningnan siya ni Talia, at sa unang pagkakataon, marahan itong tumango. Agad na bumigat naman ang paghinga ni Caden. Parang may sumabog na hindi maipaliwanag na saya sa loob ng kanyang dibdib.Gusto niya itong yakapin nang mahigpit. Gusto niyang ipagsigawan ang nararamdaman. Sub

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 262

    PAGKATAPOS ng hapunan ay agad na umakyat si Mia sa kanyang silid. Tahimik niyang isinara ang pinto at saka umupo sa gilid ng kama. May mahigpit siyang hawak na cellphone habang paulit-ulit na tumatakbo ang isang maikling video sa screen.Nakatingin lamang siya roon habang marahang gumagalaw ang kanyang mga labi."D..."Huminto siya at muling sinubukan."D..."At muli."D..."Paulit-ulit, mabagal, pinilit. Parang isang batang nag-aaral magsalita mula sa simula. Bahagyang namula ang kanyang mga mata ngunit hindi siya tumigil.---SAMANTALA, matapos maghapunan ay tahimik ding umalis si Bea. Walang nagsabi kung saan siya pupunta. Ngunit alam na alam ng kanyang mga paa ang direksiyon.Makalipas ang ilang sandali ay nakaupo na siya sa isang pribadong VIP box sa loob ng isang sikat na boxing arena sa Makati. Maliwanag ang mga ilaw, maingay ang buong lugar. Umaalingawngaw ang sigawan ng mga manonood. Nagbabanggaan ang mga kamao sa ibabaw ng ring.Pero parang wala siyang nakikita, wala siyang

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 261

    NAPAKO ang tingin ni Talia sa ginang na nasa harapan niya. Bahagyang namula ang mga mata nito na para bang pinipigilan ang isang matinding emosyon na anumang oras ay maaaring kumawala.Ngunit mabilis ding natauhan ang babae at saka marahan itong ngumiti."Pasensya na," mahina nitong sabi. "May naalala lang akong isang tao."Tahimik na napakurap si Talia.Samantala, isa-isang napatingin ang mga babaeng nakapaligid sa kanila. Halata ang pagtataka sa kanilang mga mukha. Bihirang-bihira nilang makita si Mrs. Salvatore na mawalan ng composure.Mabilis naman na lumapit ang ginang. Sa malapitan ay mas lalo niyang nakita ang mukha ni Talia. At mas lalo ring bumigat ang kanyang dibdib. Napakahawig, masyadong hawig pero hindi maaari. Matagal na niyang nahanap si Aliyah, na Jessica na ngayon ang pangalan. At ang babaeng nasa harapan niya ngayon ay malinaw na ibang tao."Napakaganda ng tugtog ninyo, Madam Salvatore," magalang na sabi ni Talia.Ngumiti ang ginang, pero hindi umabot sa kanyang mga

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 260

    PAGKATAPOS umalis ni Caden, nanatiling nakatayo si Jessica sa gitna ng pribadong silid. Tahimik. Masyadong tahimik.Unti-unti niyang itinaas ang kamay at pinunasan ang mga luhang nasa kanyang mukha. Ngunit kasabay niyon ay marahang umangat ang sulok ng kanyang labi. Isang ngiting puno ng panlalamang. Isang ngiting tila may itinatagong lihim."Caden..." mahina niyang bulong. "Paano mo nasisigurong si Talia lang ang babaeng gusto mong pakasalan?"Dahan-dahan siyang bumalik sa kanyang upuan at muling kinuha ang wine glass, saka marahang inikot ang laman nito.Sa kanyang mga mata ay walang bakas ng pagkatalo. Bagkus ay mas lalo lamang tumindi ang obsesyon. May mga bagay na matagal na niyang pinaghandaan. At hindi siya basta-basta susuko.Hindi ngayon.Hindi kailanman.---SAMANTALA, pagbalik ni Caden sa Montclair Villa ay tahimik na ang buong bahay.Patay na ang karamihan sa mga ilaw. Tanging ilang lamp lamang sa hallway ang nagbibigay ng mahinang liwanag. Dahan-dahan siyang umakyat sa ik

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 38

    “DR. NOVA… I know who she is.”Tahimik ang opisina habang nakatingin si Professor Harris sa tasa ng kape sa harap niya. Sa sandaling iyon, para bang bumalik sa kanya ang mga alaala ng isang batang babae—ang batang minsan niyang itinuring na himala ng siyensya.“She’s quite special,” mahinahon niyan

    last updateHuling Na-update : 2026-03-20
  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 35

    TAHIMIK lang na kumakain si Talia habang dahan-dahang iniikot sa chopsticks ang isang piraso ng beef, saka ito inilubog sa sauce at marahang isinubo. Ang mga mata niya, kalmado lang, parang walang emosyon.Caden Montclair— dati, sapat na ang pangalan na iyon para maramdaman niya ang kirot sa dibdib

    last updateHuling Na-update : 2026-03-20
  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 39

    “PLEASE, take a seat. Don’t be shy, Mr. Montclair.”Magaan ang tono ni Professor Harris habang pumasok sa private function room ng Lumiere Grand Hotel. Tahimik niyang iniupo ang sarili sa bakanteng silya sa tabi ni Lucas Lee, bago tumingin kay Talia na nakaupo sa kabilang dulo.“Talia, you’ve lost

    last updateHuling Na-update : 2026-03-20
  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 24

    NANG marinig iyon ay biglang natigilan si Caden, at saka ngumisi. Ang malamig na pader at ang mainit na katawan ni Caden sa likuran niya ay lalong nagdulot ng matinding pagpa-panic kay Talia. Sa pagpupumiglas niya, naramdaman niya na tila lumuwag ang hawak ni Caden sa pulso niya.“From now on, kahi

    last updateHuling Na-update : 2026-03-19
Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status