LOGINNAGKAGULO ang buong Grand Monarch Convention Palace sa isang iglap."May baril!""Takbo!""Diyos ko!"Sunod sunod na sigawan ang umalingawngaw sa napakalaking bulwagan.Ang ilang segundo na puno ng tagumpay at pagbagsak ng isang kasinungalingan ay biglang napalitan ng kaguluhan at takot.Bumulusok sa sahig si Caden, at kasunod niyang bumagsak si Ashton.Napasinghap si Mrs. Salvatore habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa anak at sa lalaking tumulong upang maibalik ang katotohanan sa kanilang pamilya."Caden!""Ashton!"Parang nabasag ang kanyang puso nang sabay.Ilang sandali pa'y isa pang putok ang umalingawngaw.Pak!Tumama ang bala sa malaking LED screen. Nagliparan ang mga piraso ng salamin. Nagsigawan ang mga tao. Marami ang yumuko upang protektahan ang sarili. Marami ang nagtakbuhan patungo sa mga emergency exit. May mga natapilok. May mga nahulog. May mga umiiyak. Ang dating marangyang event ay naging isang eksena mula sa bangungot."Protect the guests! Secure the exits!
SA LOOB ng ilang segundo, nanatiling nakababad sa katahimikan ang buong Grand Monarch Convention Palace. Parang walang sinumang humihinga. Lahat ay nakatingin sa madilim na entablado habang paulit-ulit na umiikot sa kanilang isipan ang huling sinabi ng misteryosong boses. "...she's much closer than any of you realize." At pagkatapos ay biglang bumukas ang lahat ng ilaw. Nagliwanag ang buong bulwagan. Kasabay niyon ay sabay-sabay na pagsinghap ang umalingawngaw mula sa libu-libong bisita. "Siya?!" "Hindi maaari!" "Si Caden Montclair?!" Nakatayo sa gitna ng entablado si Caden Montclair. Matangkad, at diretso ang tindig. Naka-charcoal black suit na perpektong nakahulma sa kanyang matipunong pangangatawan. Bahagyang nakabukas ang unang butones ng kanyang puting polo habang ang kanyang malalim na pares ng mata ay malamig na nakatingin sa harapan. Walang bakas ng emosyon sa kanyang mukha. Ngunit iyon mismo ang lalong nakakatakot. Dahil sa unang pagkakataon matapos ang napakaraming t
DAHAN-DAHANG naglakad si Mrs. Salvatore patungo sa gitna ng entablado habang nakatutok sa kanya ang dose-dosenang ilaw at kamera. Agad na tumahimik ang buong Grand Monarch Convention Palace. Lahat ng mga mata ay nakatutok sa kanya. Ngumiti siya habang pinagmamasdan ang napakaraming bisitang dumalo."Friends, colleagues, and our esteemed guests."Umalingawngaw ang kanyang boses sa buong bulwagan."Ngayong gabi ay hindi lamang isang pagdiriwang para sa pamilya Salvatore."Bahagya siyang napahinto."Kundi isang himalang matagal naming ipinagdasal."Kasabay niyon ay nagliwanag ang napakalaking LED screen sa kanyang likuran. Lumabas ang unang larawan. Isang sanggol na nakabalot sa kulay rosas na kumot. Kasunod noon ay isa pang larawan. Isang batang babae na nakangiti habang hawak ang isang stuffed toy.Sunod-sunod pang larawan ang lumabas. Mula sanggol hanggang sa dalawang taong gulang, tatlong taong gulang, apat, at limang taong gulang.Unti-unting napuno ng emosyon ang mukha ni Mrs. Salv
MAKALIPAS ang tatlong araw ay tuluyan nang nakauwi si Talia sa Santiago Residence. Ngunit kasabay ng kanyang pag-uwi ay ang mas mahigpit pang seguridad na ipinatupad ni Mr. Santiago. Sa loob at labas ng malawak na property ay makikitang nagkalat ang mga security personnel. May mga guwardiyang naka-duty sa pangunahing gate, sa hardin, at maging sa paligid ng mismong bahay. Maging ang mga sasakyang pumapasok at lumalabas ay dumaraan sa masusing inspeksyon. Malinaw ang utos ni Mr. Santiago. Walang sinuman ang maaaring makalapit kay Talia nang walang pahintulot niya. Lalo na si Caden Montclair. At dahil doon, wala nang naging pagkakataon si Caden na makita si Talia. Kahit isang beses. Kahit isang sulyap man lang. Ngunit hindi ibig sabihin noon ay sumuko siya. Bawat gabi, matapos ang mahabang oras sa Montclair Group, diretsong nagtutungo si Caden sa isang bahaging hindi kalayuan sa Santiago Residence. Tahimik lamang siyang nananatili roon. Minsan ay nasa loob ng sasakyan. Minsan nama
MULING nagmulat ng mga mata si Talia sa loob ng VIP suite ng ospital. Puting kisame ang unang bumungad sa kanya. Kasunod noon ay ang mahinang tunog ng heart monitor at ang pamilyar na mga mukha ng kanyang pamilya."Naku, gising na siya!"Agad na lumapit si Mrs. Santiago habang pinupunasan ang mga luhang hindi niya namalayang tumulo."Anak, kumusta ang pakiramdam mo?"Bahagyang ngumiti si Talia kahit mabigat pa rin ang katawan niya."Okay lang po..."Ngunit alam nilang lahat na hindi iyon totoo, bagaman pinilit pa rin nilang ngumiti.Kasunod niyon ay maingat siyang inalalayan ni Bea upang makaupo nang maayos habang si Mia naman ay mabilis na nag-abot ng tubig.Sa kabilang banda, tahimik lamang na nakaupo si Mr. Santiago ngunit halatang hindi pa rin nawawala ang galit sa kanyang mukha.Ilang sandali pa ay sinubukan ni Mrs. Santiago na pakainin si Talia ng mainit na lugaw."Kahit konti lang, anak. Ang sabi ng doktor, kailangan mong kumain para sa inyo ng baby mo."Masunurin namang sumubo
NANG makarating si Caden sa St. Gabriel Medical Center ay halos kasabay lamang niya ang ambulansyang sinasakyan ni Talia.Hindi pa man tuluyang humihinto ang sasakyan ay mabilis na siyang bumaba."Talia!"Ngunit bago pa siya makalapit sa stretcher ay agad siyang hinarangan ng dalawang bodyguard. Seryoso ang mga mukha ng mga ito."Pasensya na po, Mr. Montclair.""Ano'ng ibig sabihin nito?" malamig na tanong ni Caden."Utos po ni Mr. Santiago."Agad na tumalim ang mga mata ni Caden. Kasabay niyon ay inililipat na ng medical team si Talia papasok sa Emergency Room.Isang sulyap lamang ang nakuha niya sa maputlang mukha ng babae bago tuluyang magsara ang pinto.Mahigpit siyang napakuyom ng kamao."Move."Hindi gumalaw ang dalawang lalaki."Mr. Montclair, huwag po ninyo kaming pahirapan."Mabigat ang tensyon sa hallway. Halos maramdaman ng mga nurse at doktor ang malamig na banggaan ng dalawang panig.Ilang segundo pa ang lumipas bago bumukas ang pinto ng Emergency Room. Lumabas si Mr. San
TAHIMIK lang na kumakain si Talia habang dahan-dahang iniikot sa chopsticks ang isang piraso ng beef, saka ito inilubog sa sauce at marahang isinubo. Ang mga mata niya, kalmado lang, parang walang emosyon.Caden Montclair— dati, sapat na ang pangalan na iyon para maramdaman niya ang kirot sa dibdib
“PLEASE, take a seat. Don’t be shy, Mr. Montclair.”Magaan ang tono ni Professor Harris habang pumasok sa private function room ng Lumiere Grand Hotel. Tahimik niyang iniupo ang sarili sa bakanteng silya sa tabi ni Lucas Lee, bago tumingin kay Talia na nakaupo sa kabilang dulo.“Talia, you’ve lost
NANG marinig iyon ay biglang natigilan si Caden, at saka ngumisi. Ang malamig na pader at ang mainit na katawan ni Caden sa likuran niya ay lalong nagdulot ng matinding pagpa-panic kay Talia. Sa pagpupumiglas niya, naramdaman niya na tila lumuwag ang hawak ni Caden sa pulso niya.“From now on, kahi
NANG mabasa ni Caden ang message habang nakatingin sa picture na iyon ni Jessica, ilang segundo siyang natigilan bago biglang bumaon ang kamao niya sa gilid ng kotse. Isang malakas na paghampas ang umalingawngaw, dahilan para mapapitlag ang driver at si Lyndon sa passenger seat. “Drive to St. Cath







