LOGINSA WAKAS, dumating ang araw ng kasal na parang isang tahimik na himala.Sa Lake Como, Italy, ang umaga ay nagsimula sa malinaw na tubig, malamig na hangin, at sa mabagal na pag-aayos ng isang villa na tila inihanda hindi lang para sa isang seremonya kundi para sa simula ng habang-buhay. Mula sa malawak na bintana ng bridal suite, tanaw ni Talia ang salamin ng lawa habang ang araw ay dahan-dahang sumisilip sa likod ng mga bundok. Sa loob, mabango ang mga puting rosas at fresh linen. Tahimik ang mga staff. Maingat ang bawat galaw. Para bang ayaw ng buong paligid na gambalain ang gabing matagal nilang pinangarap.Nakatayo si Talia sa harap ng salamin habang maingat na inaayos ng stylist ang kanyang veil. Suot niya ang isang ivory satin gown na may soft draping sa balikat at mahabang train na sumusunod sa bawat galaw niya. Simple lang ito sa unang tingin, pero kapag tinamaan ng natural light, kumikislap ang mga maliit na pearls sa laylayan na parang mga bituing pinagpahinga sa tela.Sa g
MAKALIPAS ang ilang araw matapos ang binyag, isang bagong klaseng katahimikan ang bumalot sa Montclair Villa. Hindi na iyon ang tahimik na uri na may kasamang kaba, kundi ang klaseng payapang tila nakahinga na rin ang buong pamilya matapos ang napakaraming unos.Sa nursery, abala si Talia sa pagtingin sa dalawang sanggol na mahimbing na natutulog. Si Caelan ay nakahiga nang maayos sa kanyang crib, samantalang si Thoryn ay bahagyang nakatawid ang maliit na kamay na para bang may sariling opinyon kahit sanggol pa lamang. Napangiti si Talia at marahang hinaplos ang salamin ng crib.“Ang bilis ng panahon,” mahina niyang bulong.“Mas mabilis pa kung lagi mo silang tititigan nang ganyan,” sagot ni Caden mula sa likuran niya.Lumingon siya. Nakatayo ito sa may pinto, suot ang simpleng dark polo at slacks, may hawak na tablet at phone na halatang kakalabas lang sa isang online meeting. CEO man ito sa araw, ama at partner niya ito sa gabi. At sa lahat ng anyong iyon, iisa lang ang nakikita niy
ONE MONTH later, napuno ng panibagong saya ang Montclair Villa.Ang dating tahimik na bahay ay muling nabalot ng ingay, pero sa pagkakataong iyon, hindi na iyon dahil sa kaba o emergency. Puro excited na tawanan, footsteps ng mga kasambahay, at sunod-sunod na instructions mula sa event team ang maririnig sa loob ng villa. Sa garden area, nagsimula nang ilatag ang mga white flowers, blue and pink accents, at gold details para sa pinagsamang binyag ng mga anak nina Talia at Bea.Parehong one month old ang mga baby, at parehong gusto ng pamilya na gawing espesyal ang araw na iyon.Sa sala ay abala si Amelia sa pag-che-check ng guest list. Si Mrs. Santiago naman ay paulit-ulit na binabasa ang program flow na parang mismatch ng lamay at debut ang ayaw niyang mangyari. Si Mr. Santiago ay nakatutok sa mga upuan at seating arrangement. Si Don Ricardo ay masayang nakikipag-usap sa parish coordinator, samantalang si Evelyn ay tahimik na nag-o-observe, halatang tinatanggap na rin niya ang sarili
MAKALIPAS ang ilang buwan, dumating ang araw na matagal nang hinihintay ng buong Montclair Villa.Maaga pa lamang ay magulo na ang paligid. Tahimik ang mga kasambahay pero mabilis ang mga galaw. Ang mga ilaw sa bahay ay nakabukas pa kahit maliwanag na sa labas, at ang atmosphere sa loob ay halo-halong kaba at pananabik. Si Talia at Bea ay parehong nasa kabuwanan na, kaya halos lahat sa bahay ay alerto sa kahit kaunting senyales ng pagsisimula ng labor.Sa sala ay paikot-ikot si Caden na parang hindi makaupo. Kapag napapatingin siya sa orasan, lalo lang siyang nenerbiyos. Kapag napapansin niyang may biglang humihinga nang malalim si Talia, agad siyang napapalingon na para bang may emergency.“Caden,” mahinang saway ni Amelia, “upo ka muna.”“Hindi ako makaupo, Mom.”“Bakit?”“Dahil baka biglang dumating.”Natawa sana si Bea kung hindi lang siya halos kapareho ng sitwasyon. Nasa kabilang sofa siya, hawak ang tiyan, nakasalampak ang mga paa sa cushion, at tuwing sumisikip ang paghinga ni
LUMIPAS ang isang buwan, mas lalo pang naging tahimik at masaya ang buhay sa Montclair Villa.Wala nang ingay ng press sa labas. Wala nang camera na laging nakatutok. Wala nang tensiyong bumabalot sa bawat kilos nila. Ang natira na lamang ay mga simpleng umaga, mahabang hapunan, at mga sandaling para bang hihinto ang oras kapag magkasama sina Talia at Caden.Sa bawat paggising niya, si Caden pa rin ang unang bumabati. Hindi ito laging nagsasalita nang malakas, pero lagi itong nandiyan bago pa man siya maghanap. Isang basong tubig. Isang plato ng prutas. Vitamins na maingat nitong inilalagay sa gilid ng bedside table. At kung minsan, bago pa man siya makapagreklamo, nariyan na ang kamay nitong marahang hinahaplos ang kanyang likod.“Caden, kaya ko pa naman,” bulong ni Talia isang umaga habang nakatingin sa tatlong klase ng pagkain na inihain nito sa kanya.“Alam ko,” sagot nito habang inaayos ang upuan niya. “Pero gusto ko pa ring siguraduhin.”Napangiti siya. ---SA IKAAPAT na buwan
MULING nagliwanag ang buong Montclair Villa nang sumapit ang gabi ng banquet.Mula sa driveway hanggang sa ballroom, punung-puno ng white orchids, gold accents, at warm lights ang lugar. Hindi iyon mukhang simpleng dinner. Mukha itong isang gabing inihanda para sa isang taong matagal nang nawala at sa wakas ay uuwi na sa harap ng mundo.Nakatayo si Talia sa loob ng suite habang tinitingnan ang sarili sa salamin. Suot niya ang white silk gown na isinukat niya noong nakaraang araw, at ang gold embroidery ay kumikislap sa bawat galaw ng ilaw. Nasa leeg niya ang rose pendant na ibinigay ni Amelia, at maingat na nakaayos ang buhok niya.“Ready?” marahang tanong ni Amelia.Nag-atubili si Talia. “Parang hindi po.”Ngumiti ang ginang. “Normal lang ’yan. Pero hindi ka nila huhusgahan tonight. Ipapakita lang namin sa kanila kung sino ka.”Sa likod niya ay tahimik na lumapit si Caden. Naka-black tuxedo ito, at sa simpleng presensya pa lang niya ay parang bumabagal ang tibok ng puso niya. Inabot
GABI na nang tuluyang bumagsak ang dilim sa siyudad.Sa loob ng isang high-end restaurant sa BGC, kumikislap ang malalaking crystal chandelier sa kisame. Tumatama ang ilaw sa mga plato at baso na maayos ang plating, mamahalin ang wine, at tahimik ang private dining area.Ngunit si Talia ay halos wa
SAMANTALA, saglit na nanahimik ang buong auditorium habang pinoproseso ng lahat ang rebelasyon. Pagkatapos ay muling nagsalita si Lucas. Mas mabigat na ngayon ang boses, mas may diin.“Today,” malinaw niyang saad, “since nandito na rin ang media at mga partners natin, I’ll take this chance to offic
KINABUKASAN.Ang condo unit ni Talia ay parang naging battlefield ng tatlong babae. Tahimik ang labas ng gusali, pero sa loob ng sala, puno ng tensyon.Nakatayo si Bea malapit sa center table, naka-cross arm, nakataas ang baba— in full combat mode. Direkta ang titig niya sa babaeng nasa tapat nila.
HINDI agad sumagot si Talia. Saglit lang siyang tumitig kay Lucas, saka marahang ngumiti ng pilit.“Pagod lang ako,” sabi niya. “Ayokong dumagdag pa sa gulo.”Mariing huminga si Lucas. Kita sa panga niya ang pagpigil ng galit. “Magpahinga ka,” mahinahon niyang sabi. “Babalikan kita mamaya.”Matapos







