MasukBANDANG alas-nuwebe ng gabi sa St. Luke’s Medical Hospital, marahang dumilat si Talia, nanlalabo pa ang paningin habang pinipilit alalahanin kung nasaan siya. Maputi ang kisame, malamig ang hangin, at amoy disinfectant ang paligid. May nakakabit na IV sa kamay niya, at sa tabi ng kama, tahimik na umuugong ang makina ng oxygen monitor. “Nasaan ako?” bulong niya sa sarili, pilit inaalala ang huling nangyari. Mabilis na bumalik sa isip niya ang mga eksena, ang sobrang sakit ng ulo, ang bigat ng dibdib, at ang huling tinig na narinig niya bago siya tuluyang mawalan ng malay. Isang tinig na puno ng kaba— si Caden. Napaupo siya bigla, hinahabol ang hininga. Mabilis ang tibok ng puso niya, parang may gusto siyang alamin, pero hindi sigurado kung totoo o panaginip lang ang lahat. “Hoy besty, dahan-dahan lang,” isang pamilyar na boses ang narinig niya. Paglingon niya, pumasok si Bea, bitbit ang maliit na bag ng prutas at may halong pag-aalala ang mukha. “Sa wakas gising ka na rin,” ani B
“SINCE she saved your life,” mariing sabi ng matandang Montclair, bahagyang bumababa ang tono. “Pwede mo naman siyang suklian sa ibang paraan. Gustong-gusto niyang maging artista, ‘di ba? Tulungan mo siya. Bigyan mo ng pera, connections, kahit resources! Pero—”Tinuro niya si Caden gamit ang tungkod, “—hindi mo siya pwedeng bigyan ng formal title!”Tahimik lang si Caden, malamig ang mga mata at hindi man lang gumagalaw.Nagpatuloy ang matanda, medyo nabawasan ang bagsik ng boses. “Huwag mong kalimutan, noong unang taon ng kasal ninyo, si Talia ang nag-alaga sa’yo. Kung hindi dahil sa kanya, baka hindi ka agad nakakita ulit matapos ang aksidente.”Gusto paalalahanan ni Don Ricardo ang apo na kahit papaano, may utang na loob ito kay Talia. Gusto niyang ipaalala kay Caden na may babaeng nagmamahal dito sa kabila ng lahat at iyon ay ang sariling nitong asawa.Pero nanatiling malamig ang ekspresyon ni Caden habang nakatingin sa matanda. Kung alam lang ng kanyang Lolo Ricardo na hindi si Ta
NABURA ang lahat ng galit sa mukha ni Caden sa mismong sandaling makita niyang bumagsak si Talia sa bisig niya.“Talia!” sigaw niya, nanlaki ang mga mata, mabilis na niyakap ang babae.Wala nang pagdadalawang-isip, tinanggal niya ang suot na coat at maingat na ibinalot sa katawan ng babae. Sa ilalim ng tela, ramdam niya agad ang sobrang init ng balat nito.“Ang init niya... sobra!”Agad niyang binuhat si Talia sa mga bisig niya. Napakagaan ng katawan nito na mistulang papel habang karga-karga niya palabas ng unit. Pagbaba niya sa lobby ng condo, sinalubong siya ng mga ilaw ng camera at sigaw ng media. Hindi niya inaasahan na naroon ang mga ito ng mga sandaling iyon.“Mr. Montclair! Totoo bang kasal kayo ni Talia Marquez?”“Sir, ano’ng masasabi n’yo sa lumabas na marriage certificate?”“Yung relasyon n’yo ni Jessica Velasquez, totoo ba o publicity stunt lang?”Ang mga flash ng camera ay nakakasilaw, at ang mga mikropono ay halos tumama na sa kanyang mukha. Pero hindi siya nagsalita. T
SA ISANG iglap lang, at tila natuyo ang lahat ng dugo sa katawan ni Jessica. Ang mga camera ng media ay sabay-sabay na nag-click.“Wait… hindi ba si Caden ang fiancé niya ngayon?”“Three years ago pa pala silang kasal?!”“Then that means, si Jessica…?”Biglang may sumigaw mula sa crowd. “Mistress!”Sumunod ang naman isa.“Totoo ba ‘to? Si Queen Jessa… kabit?!”At parang sabay-sabay na sumabog ang mga sigawan sa madla. “Oh my God! He’s married! So si Jessica—”“Walanghiya! Inaagaw niya ‘yung asawa ng iba!”“Akala ko role model siya!”Ang sigawan ay naging mura, ang mga palakpak ay naging bato ng galit.“Shameless! Niloloko mo kami!”“Unfollow! Boycott!”“Get off the stage!”Ang mga glow sticks at water bottles ay isa-isang lumipad paakyat ng stage. Ang dati’y mga tagahanga ni Jessica, ngayon ay galit na galit na binabato ang mga regalo nilang kanina lang ay may kasamang pagmamahal.Sa entablado, tulalang nakatayo si Jessica, nanlalamig ang buong katawan.Ang labi niyang nakaawang, ngu
KINABUKASAN, sa Grand Horizon Hotel, Makati City. Ang pinakamalaking ballroom ng hotel ay puno ng mga camera, ilaw, at fans na naghihiyawan. Sa gitna ng entablado, nakasabit ang malalaking LED banner na may nakasulat na, “Jessica Velasquez: Appreciation Night & Press Conference.”Ayon sa mga organizer, ito raw ay para magpasalamat sa mga tagasuporta ni Jessica pero ang totoo, ito ay para makakuha siya ng votes sa kanyang libo-libong fans para mapiling leading lady sa upcoming drama kung saan katunggali niya ang kapwa actress na si Nathalie sa role na iyon.Halos lahat ng media network sa bansa ay naroon. Ang future “heiress of Velasquez Group” ay hindi basta-basta puwedeng maliitin lalo pa’t sa harap ng kamera, perpekto siyang tinitingala.Sa labas ng hotel, umalingawngaw ang mga sigaw ng fans na hindi magkandaugaga.“Jessica! We love you!”“Queen Jessa! You’re the best!”Ang mga ilaw ng flash camera ay parang kidlat na sunod-sunod sa bawat kislap ng kanyang pangalan. Ang crowd ay pu
PAGKAALIS ng mga bodyguard na may hatak kay Aling Zenaida, tumingin si Talia sa paligid. Tahimik ang buong Montclair Villa, pero ramdam niya ang bigat ng alaala sa bawat sulok, bawat halakhak, bawat yakap, bawat kasinungalingan na minsang tinawag niyang tahanan.“Bea,” mahina niyang sabi, halos pabulong pero mariin, “pakisabi sa driver, ihanda na ‘yung sasakyan.”Tumango si Bea, alam na alam kung anong ibig sabihin ng kaibigan.“Sure ka bang gusto mong gawin ‘to ngayon?” tanong nito, may halong pag-aalala.“Matagal na akong handa,” malamig na tugon ni Talia.Lumabas siya ng mansion at naglakad papunta sa garden sa likod-bahay, isang lugar na dati niyang paborito. Noon, dito siya madalas magpahinga tuwing hapon, kasabay ng hangin at amoy ng mga puting rosas na itinanim pa niya para kay Caden. Noon, simbolo iyon ng pag-ibig niya para sa lalaki. Pero ngayon, bawat talulot ay paalala ng sakit at kasinungalingan.Huminto siya sa gitna ng hardin. Tinapunan niya ng malamig na tingin ang mga







