Share

CHAPTER 31

Author: GennWrites
last update Last Updated: 2025-10-22 18:43:37

LUMAPIT si Talia sa malaking floor-to-ceiling window ng opisina.

Mula rito, tanaw ang kabuuan ng lungsod, ng mga gusaling nagtatayugan sa maaliwalas na umaga, mga ilaw na unti-unting nawawala sa liwanag ng araw.

At doon, sa pagitan ng mga building, nasulyapan niya ang condo unit niya. Ang maliit na lugar na tinaniman niya ng mga halaman at bulaklak. Ang tahanang pinili niyang simulan ulit ang buhay, malayo sa lahat ng sakit.

Bigla niyang naramdaman ang pagkabagabag sa dibdib. Ganito pala ang pakiramdam ng makita ang sarili mong mundo mula sa malayo.

Naalala niya kung ilang beses nang tumayo si Caden sa lugar na iyon. Na baka minsan, habang abala siya sa mga araw ng pagbangon, ay natanaw na rin siya nito at hindi lang niya alam.

Napangiti siya, mapait. “How ridiculous,” mahina niyang bulong, sabay talikod.

Sa kabila ng opisina, napansin niya ang malaking bookshelf na punô ng mga libro tungkol sa business, economics, at management. Habang sinusuyod ng paningin niya ang paligid, napansin
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 50

    SA LOOB ng VIP Suite ng Makati Medical, nanatiling gising si Caden, nakaupo sa tabi ng kama ni Jessica. Maputla ito, namumugto ang mga mata, at mahigpit na nakakapit sa kumot na parang natatakot maiwan mag-isa.“I just don’t know…” garalgal na sabi ni Jessica, halos pabulong. “Hindi ko alam kung bakit galit pa rin sa’kin si Talia. ‘Yung event kagabi… dapat ‘yun na ‘yung highlight ng career ko. Pero bakit kailangang mangyari ‘to?”Tahimik lang si Caden, nakatingin sa sahig.Pagkatapos ng ilang segundo, marahan siyang nagsalita. “Talia didn’t forge any document. I’ll look into this matter myself. Don’t think too much.”Napatigil si Jessica, nagulat. “So… hindi siya? Ibig sabihin, may ibang gumagawa nito? Si Bea Santiago ba?”Bumuntong-hininga si Caden, mababa ang tono. “Maybe someone’s trying to stir things up. Pero hindi ko hahayaang maulit pa.”Napaluha si Jessica. “It’s all my fault,” sabi niya, nanginginig. “Hindi ko napigilan sarili ko. I just wanted to stay near you. If I had been

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 49

    KINABUKASAN, habang pinapanood muli ni Talia ang video ng nangyari kagabi ay hindi mapigilang tumaas ang kilay ni Bea.“Ang sakto ng timing niya,” sabi ni Bea, hindi maitago ang inis habang patuloy na nag-i-scroll sa phone. “Kung na-late lang siya ng isang minuto, baka nasa morgue na si Jessica ngayon,” mariing ibinagsak ni Bea ang cellphone sa sofa at napailing.Tahimik lang si Talia, nakaupo sa gilid ng hospital bed, habang pinagmamasdan ang ulan sa labas ng bintana. Sanay na siya sa gulo, pero iba ang bigat ngayon. Parang bawat paghinga ay may kasamang tinig ng mga taong humuhusga sa kanya online.“Bea,” mahinang sabi ni Talia, “tulungan mo na lang akong asikasuhin ‘yung papers. Gusto ko nang umuwi.”Agad siyang nilapitan ni Bea. “Sigurado ka? Kakagaling mo lang sa ER, baka hindi pa—”“Wala na akong lagnat,” putol ni Talia, mahinahon pero matigas ang tono. “Mas mabuti nang umalis tayo bago pa tayo abutan ng mga reporter dito.”Bumuntong-hininga si Bea, saka tumango. “Okay. Ako na b

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 48

    “TALIA, let's talk...”Nakatayo lang si Caden sa tabi ng kama. Ang presensiya niya ay mabigat, intimidating, at makatindig-balahibo. Tumitig siya kay Talia, hindi nagsasalita, pero halata sa mga mata ang galit na pinipigilan.“Talia,” mababa at kontroladong sabi niya, “we’re adults. You said before we’d part ways peacefully. I just hope… you won’t do things like this behind my back again.”Napatingin si Talia sa kanya, nanlalamig ang kamay habang mahigpit na hawak ang kumot. Mula sa paraan ng pagkakasabi ni Caden, alam niyang hindi ito nagtatanong kundi nag-aakusa ito.Gusto sana niyang ipaliwanag na wala siyang kinalaman sa mga nangyayari, pero bigla niyang na-realize na baka wala ring saysay. Kahit anong paliwanag, parang may pader na sa pagitan nila.“Caden,” mahina niyang sabi, “salamat sa pagdala mo sa’kin dito. I’ll pay for the hospital bills.”Tumikhim si Caden, malamig ang tingin. “Hindi ko kailangan ng bayad, Talia. Ang kailangan ko ay paliwanag.”Nagtagpo ang mga mata nila,

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 47

    BANDANG alas-nuwebe ng gabi sa St. Luke’s Medical Hospital, marahang dumilat si Talia, nanlalabo pa ang paningin habang pinipilit alalahanin kung nasaan siya. Maputi ang kisame, malamig ang hangin, at amoy disinfectant ang paligid. May nakakabit na IV sa kamay niya, at sa tabi ng kama, tahimik na umuugong ang makina ng oxygen monitor. “Nasaan ako?” bulong niya sa sarili, pilit inaalala ang huling nangyari. Mabilis na bumalik sa isip niya ang mga eksena, ang sobrang sakit ng ulo, ang bigat ng dibdib, at ang huling tinig na narinig niya bago siya tuluyang mawalan ng malay. Isang tinig na puno ng kaba— si Caden. Napaupo siya bigla, hinahabol ang hininga. Mabilis ang tibok ng puso niya, parang may gusto siyang alamin, pero hindi sigurado kung totoo o panaginip lang ang lahat. “Hoy besty, dahan-dahan lang,” isang pamilyar na boses ang narinig niya. Paglingon niya, pumasok si Bea, bitbit ang maliit na bag ng prutas at may halong pag-aalala ang mukha. “Sa wakas gising ka na rin,” ani B

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 46

    “SINCE she saved your life,” mariing sabi ng matandang Montclair, bahagyang bumababa ang tono. “Pwede mo naman siyang suklian sa ibang paraan. Gustong-gusto niyang maging artista, ‘di ba? Tulungan mo siya. Bigyan mo ng pera, connections, kahit resources! Pero—”Tinuro niya si Caden gamit ang tungkod, “—hindi mo siya pwedeng bigyan ng formal title!”Tahimik lang si Caden, malamig ang mga mata at hindi man lang gumagalaw.Nagpatuloy ang matanda, medyo nabawasan ang bagsik ng boses. “Huwag mong kalimutan, noong unang taon ng kasal ninyo, si Talia ang nag-alaga sa’yo. Kung hindi dahil sa kanya, baka hindi ka agad nakakita ulit matapos ang aksidente.”Gusto paalalahanan ni Don Ricardo ang apo na kahit papaano, may utang na loob ito kay Talia. Gusto niyang ipaalala kay Caden na may babaeng nagmamahal dito sa kabila ng lahat at iyon ay ang sariling nitong asawa.Pero nanatiling malamig ang ekspresyon ni Caden habang nakatingin sa matanda. Kung alam lang ng kanyang Lolo Ricardo na hindi si Ta

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 45

    NABURA ang lahat ng galit sa mukha ni Caden sa mismong sandaling makita niyang bumagsak si Talia sa bisig niya.“Talia!” sigaw niya, nanlaki ang mga mata, mabilis na niyakap ang babae.Wala nang pagdadalawang-isip, tinanggal niya ang suot na coat at maingat na ibinalot sa katawan ng babae. Sa ilalim ng tela, ramdam niya agad ang sobrang init ng balat nito.“Ang init niya... sobra!”Agad niyang binuhat si Talia sa mga bisig niya. Napakagaan ng katawan nito na mistulang papel habang karga-karga niya palabas ng unit. Pagbaba niya sa lobby ng condo, sinalubong siya ng mga ilaw ng camera at sigaw ng media. Hindi niya inaasahan na naroon ang mga ito ng mga sandaling iyon.“Mr. Montclair! Totoo bang kasal kayo ni Talia Marquez?”“Sir, ano’ng masasabi n’yo sa lumabas na marriage certificate?”“Yung relasyon n’yo ni Jessica Velasquez, totoo ba o publicity stunt lang?”Ang mga flash ng camera ay nakakasilaw, at ang mga mikropono ay halos tumama na sa kanyang mukha. Pero hindi siya nagsalita. T

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status