Home / Romance / Too Late to Win Back His Betrayed Wife / Kabanata 17 Still Loving Him

Share

Kabanata 17 Still Loving Him

last update publish date: 2026-08-14 14:39:35
Nanginginig ang daliri ni Kiara sa ibabaw ng send button.

“I accept your offer.”

Isang pindot lamang at mababago na ang direksiyon ng buhay niya. Magkakaroon siya ng sariling pera at pagkakataong makatakas kay Cassian. Ngunit hindi niya matiyak kung desisyon ba iyon o galit lamang na naghahanap ng paraan upang makaganti.

Huminga siya nang malalim.

Hindi siya dapat gumawa ng panghabambuhay na desisyon habang sugatan ang katawan at wasak ang puso.

Isa-isa niyang binura ang mga salita bago pinatay
Maria Bonifacia

Dear readers, mula sa unang librong sinuportahan ninyo hanggang sa newest story ko, maraming salamat sa patuloy na pagtitiwala. Ngayon ay mayroon na akong 9 books sa GoodNovel: 4 ONGOING • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO (Book 1-8) • Too Late to Win Back His Betrayed Wife — NEW! • Secret Affair with My Hot Ninong (Book 1 and 2) • The Billionaire’s Exclusive Maid 5 COMPLETED • Love for Rent (Book 1–7 ) • Never Fall Again to the Heartless Billionaire (Book 1–3) • The CEO’s Cold Ex-Wife • Unlove Me Not • The Ex-Convict Billionaire Kung may hindi pa kayo nababasa, baka ito na ang sign para simulan ang next story ninyo.

| 13
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
May update po tayo araw-araw. Maraming salamat po!
goodnovel comment avatar
Mylaflor Heredero
more update author thank...
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Thank you very much po sa suporta!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 288 In His Arms Again

    Hindi makapaniwala si Avery sa narinig mula kay Nessa.Napalingon siya sa asawa. Nanalilisik ang mga mata nito habang mahigpit na nakakuyom ang mga kamao. Ngunit nanatili itong nakaupo sa tabi niya.Nasa loob pa rin sila ng van ng mga pulis, nakatutok ang kanilang pansin sa monitor.“Ma'am, kailangan ko po bang ibigay sa inyo ang lahat ng dokumento?” tanong ni Engr. Santos.“Of course. Hindi ako magbabayad ng twenty million para lang itago mo ang mga iyan.”Naglabas ang engineer ng isang sobre at inilapag sa mesa. Nakita ni Avery na kinuha iyon ni Nessa at sinuri ang mga papel.“Ito na lahat?”“Opo, Ma'am. Kasama na ang kautusan ng daddy ninyo at ang mga delivery record.”Alam ni Avery na naibigay na ni Santos sa mga imbestigador ang mga orihinal at naipreserba ang mga kopyang hawak nito. Hindi na mapipigilan ni Nessa ang imbestigasyon kahit sirain nito ang mga papel.Sa monitor, nakita ni Avery na pinunit ni Nessa ang mga dokumento.“Bukas na bukas din, lilipad kayo ng pamilya mo pap

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 287 The Comfort of Her Embrace

    “Hindi ko sinasabing siya ang may kasalanan, Nick. Pero siya ang may pinakamaraming dapat ipaliwanag.”Tinitigan ni Avery ang asawa.“Siya ang nagpakita ng authorization na may pirma mo. Siya rin ang pumalit sa iyo bilang CEO.”“Alam ko. Pero kailangan namin ng ebidensiya bago siya akusahan.”“Then find it. Huwag mong hayaang tuluyan niyang makuha ang pinaghirapan mo.”Napabuntong-hininga si Nick.“Paano kung hindi mo na mabawi ang PrimeArc?” tanong niya.“Masakit, Avery. Pinaghirapan natin ang kumpanyang iyon. Pero kung hindi ko man mabawi ang posisyon, hindi ibig sabihin na doon na matatapos ang buhay ko. At hindi ako titigil hanggat hindi nagbabayad ang dapat managot.”“Noon, akala ko sapat nang mabigyan kita ng magandang bahay, pera, at komportableng buhay,” pagpapatuloy ni Nick.“Hindi iyon ang kailangan ko sa iyo, Nick.”“Alam ko na ngayon. Ang kailangan mo, isang asawang puwede mong pagkatiwalaan.”Hindi nakasagot si Avery. Ayaw na niyang dagdagan pa ang bigat ng loob ni Nick.

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 286 The Betrayed Wife's Integrity

    “Sino ang nag-utos sa inyo?”Nagkatinginan ang dalawang investor. Napansin ni Avery na tila nag-aalangan ang mas batang lalaki bago ito bumaling sa kasama.“Walang nag-utos sa amin, Attorney,” sagot ng mas matanda. “Sarili naming desisyon ito.”“Kung ganoon, ano ang inaasahan ninyong sasabihin ko tungkol kay Nick? Dahil kung wala kayong ebidensiya, wala akong gagawing kasinungalingan para sa inyo.”“Hindi ba mas makabubuti sa inyo kung makukulong ang lalaking sumira sa buhay ninyo?” tanong ng isa.“Ang pagtataksil ni Nick ay hindi nagbibigay sa akin ng karapatang ipahamak siya sa kasalanang hindi pa napatutunayan.”Itinulak niya pabalik ang sobre.“Attorney, pagkakataon mo na itong makaganti,” giit ng matanda.“Hindi ako naging abogado para maghiganti. At lalong hindi ako tumatanggap ng pera para gumawa ng pekeng ebidensiya.”Tumayo si Avery.“Kung mayroon kayong totoong ebidensiya, maaari ninyo iyong isumite sa pamamagitan ng tamang proseso. Pero hindi ko tatanggapin ang alok ninyo.”

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 285 The Truth Has No Price

    “May posibilidad na pineke ang pirma ninyo para madiin kayo sa kaso.”Napahawak si Nick sa gilid ng mesa. Hindi pa rin niya maalis sa isip ang dokumentong ipinakita ni Nessa.“Attorney, sigurado akong hindi ako pumirma sa authorization na iyon. Pero kung may lumang dokumento akong napirmahan na ginamit nila, posibleng hindi ko nakita ang mga pagbabagong ginawa.”“Kaya mahalaga ang original, sir. Hindi sapat na sabihin nating hindi sa inyo ang pirma. Kailangang mapatunayan kung saan nanggaling ang dokumento at kung ano ang binago.”“Gaano na tayo kalapit?”“May dalawang magkaibang approval reference. Ang naunang bersiyon ay nasa records na na-preserve bago ang board meeting. Pero hindi pa iyon katibayan kung sino ang gumawa ng pagbabago.”“Pupunta ako bukas sa procurement. Hihingin ko mismo ang original.”“Sir Nick, hindi na kayo ang namamahala sa operations. Kapag kumuha kayo ng records nang hindi dumadaan sa investigators, baka iyon pa ang gamitin laban sa inyo.”Napaupo siya. Nasana

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 284 The Family I Almost Lost

    Nakatayo pa rin si Nick sa gilid ng bangketa nang tumunog ang telepono niya. Si Nikolai ang tumatawag sa video call. Sinagot niya ang tawag.“Dad, hello po! Papakita ko sa iyo ang family tree na ginawa ko!”Lumitaw sa screen ang anak na may hawak na papel na puno ng mga pangalan at makukulay na guhit.“Wow, ang ganda!” sabi niya. Pinilit niyang ngumiti kahit mabigat pa rin ang dibdib.“Eto si Mommy, ikaw, kami ni Nathalia. Nilagay ko rin si Lolo Aurelio.”“Very good, anak. Ikaw ang gumawa niyan?”“Opo! Ako rin ang nagkulay.”Sumilip si Nathalia sa tabi ng kapatid.“Daddy, malungkot ka ba?”Napatingin si Nick sa mga gusaling nakapaligid sa kanya. Maghapon siyang tinanong tungkol sa PrimeArc, sa shares niya, at kung kailan siya makababalik bilang CEO. Ang mga anak lamang niya ang nagtanong kung malungkot siya.“Hindi, anak. Medyo pagod lang si Daddy.”“Dad, don't be sad. Dapat happy lang palagi,” sabi ni Nikolai.“Oo nga po! Don't worry, be happy!” dagdag ni Nathalia.Napatawa siya. “Sus

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 283 What Truly Matters

    “Kung mayroon kang dokumento, ipakita mo.”Hindi inalis ni Nicholas Araneta ang tingin kay Nessa. Nasa conference room pa rin sila, ilang minuto matapos itong mahalal na interim CEO ng PrimeArc.Kumuha si Nessa ng isang papel mula sa folder at inilapag sa mesa.“Familiar?”Supplier authorization iyon para sa mga steel materials na iniimbestigahan. Nasa ibaba ang pangalan ni Nick, kasama ang pirmang halos kapareho ng kanya.Dinampot niya ang papel. Pamilyar ang format, pati ang pagkakalagay ng company seal. Ngunit hindi niya pinirmahan ang dokumentong iyon.“Peke ang pirma ko.”“You can say that. Pero paano kapag nakita ito ng investigators?”“Ipapasuri ko.”“Kaya kung ako sa iyo, Nick, tuparin mo na lang ang pangako mo sa akin. Huwag mo akong kalabanin. I'll help you.”Nanigas ang panga niya. Noon, ilang beses siyang nadala sa matatamis na salita ni Nessa. Hindi na niya hahayaang gamitin nito ang takot niya upang kontrolin siya.“Kung tunay ang dokumentong iyan, wala kang dapat ikatak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status