LOGINDear readers, here are my 9 romance novels on GoodNovel! ONGOING Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO — Books 1–9 Too Late to Win Back His Betrayed Wife — Books 1–3 Secret Affair with My Hot Ninong — Books 1–2 The Billionaire’s Exclusive Maid COMPLETED 5. Love for Rent — Books 1–7 6. Never Fall Again to the Heartless Billionaire — Books 1–3 7. The CEO’s Cold Ex-Wife 8. Unlove Me Not 9. The Ex-Convict Billionaire Thank you so much for supporting my stories! I hope you'll find your next favorite romance among these books. Happy reading!
“Sa sahig ka matutulog.”Tiningnan ni Kurt ang kama, saka ang makitid na espasyo sa tabi nito.“Okay. May extra pillow ka ba?”Napakunot-noo si Ana. Inaasahan niyang magrereklamo ito, lalo na’t sanay sa maluwang na kuwarto sa mansyon.Binuksan niya ang aparador at inilabas ang ekstrang unan at kumot. Nang iabot niya ang mga iyon, halos magdikit ang kanilang mga kamay.“Sigurado kang kaya mong matulog diyan?”“Bakit? Nag-aalala ka?”“Hindi. Baka lang magreklamo ka.”Ngumiti si Kurt habang inilalatag ang kumot sa sahig. Dahil maliit ang kuwarto, kinailangan nitong iusog ang electric fan para magkasya.Habang nag-aayos ito, napansin ni Ana na nakatingin ang asawa sa mga lumang litrato sa ibabaw ng kabinet.Kinuha ni Kurt ang litrato niya noong graduation.“Ilang taon ka rito?”“Dalawampu’t isa.”“Bakit hindi ko pa nakita ang picture na ito?”“Dahil hindi ka naman interesado noon.”Nawala ang ngiti nito. Ibinalik nito ang litrato sa pinagkuhanan nang walang sinabi.Sa litrato, nakangiti s
Kinabukasan, hindi pa rin maalis sa isip ni Ana ang halik na ginawa ni Kurt.Sa pasilyo ng Wonder World Resort, nadaanan niya si Chloe na hinihila ang maleta patungo sa labasan. Nagkatinginan sila, ngunit walang bumati. Aalis na si Chloe, samantalang si Kurt, ayon sa narinig niya sa receptionist, ay nagpa-extend ng pananatili.“Ana, good morning.”Si Xavier iyon, may hawak na folder. Sabay silang naglakad patungo sa gusaling pang-opisina, ngunit nang dumaan sila sa restaurant, narinig nila ang pamilyar na tinig ni Don Alejandro.“O, akala ko uuwi ka na?”Nakaupo ang matanda sa isang mesa, kaharap si Kurt.“Grandpa, bakit parang ayaw ninyo akong makasama? Matagal na po tayong hindi nagba-bonding. Sa ibang araw na ako uuwi.”“Ah, akala ko iba ang gusto mong maka-bonding,” panunukso ni Don Alejandro.Nakita sila ng matanda bago pa makasagot si Kurt.“Ana! Xavier! Halina kayo. Maaga pa naman. Mag-almusal muna tayo.”Hindi makatanggi si Ana. Umupo siya sa tabi ni Don Alejandro, habang si X
Tatlong beses nang binasa ni Ana ang parehong pahina nang mapansing hindi na niya nauunawaan ang nakasulat.Ibinaba niya ang notebook sa mesa ng staff accommodation. Kinabukasan, may training siya. Ngunit ang nasa isip niya ay ang folder mula sa pagpupulong.Binuksan niya iyon at tiningnan ang kopya ng dokumentong nilagdaan nila ni Kurt. Patunay lamang iyon ng pagtanggap sa mga papel para sa legal na pagsusuri, hindi pa petisyon. Ngunit hakbang iyon patungo sa paghihiwalay.Naalala niya kung paano natagalan ang asawa bago pumirma. Hindi niya alam kung bakit, at wala na siyang balak maghanap ng paliwanag. Pareho silang lumagda. Iyon ang mahalaga.Isinara niya ang folder. May kirot pa rin, pero walang pagsisisi. Hindi na siya babalik sa mansyon upang manirahan doon.Muli niyang kinuha ang notebook nang may kumatok.Gabi na. Inisip niyang may staff ng resort na may paalala tungkol sa training. Ngunit nang buksan niya ang pinto, ibang tao ang bumungad.“Kurt?”Magulo ang buhok nito, namum
“Bro, kung tititigan mo pa ang papel, baka umurong ang pirma mo.”Hindi natawa si Kurt. Kinuha ni Cedric ang nilagdaan niyang pahina, ngunit hindi niya magawang tumingin kay Ana sa kabilang panig ng mesa.“Biro lang. Patunay pa lamang iyan na natanggap ninyo ang mga kopya. Kailangan pang tiyaking may legal na batayan bago maghain ng petisyon.”“Alam ko.”Tumayo si Ana at isinara ang folder. “Lolo, babalik na po ako sa kuwarto. May ihahanda pa po ako para sa conference.”“Sige, hija. Magpahinga ka rin,” sagot ni Don Alejandro.“Salamat, Cedric.”“Kung kailangan mo ng sariling abogado, maaari kitang bigyan ng listahan. Ikaw ang pipili.”“Salamat. Pag-iisipan ko iyon.”“At matulog ka rin. Masyado kang masipag.”“Ganyan ka pa rin, Cedric. Laging may payo.”“Of course, you’re like a sister to me.”Napangiti si Ana bago lumabas. Hindi nito tinanong kung sasabay si Kurt. Dati, lagi itong nagpapaalam kung saan pupunta at kailan babalik. Ngayon, wala na siyang dahilan para asahang maghihintay
“Kurt, nagseselos ka ba?”Napalingon si Kurt kay Chloe. Nasa kabilang daanan sina Ana at Xavier, abala sa mga papel para sa conference.“Wala tayong dapat pag-usapan tungkol sa kanila. Nagtatrabaho lang sila.”“Then stop looking at them like that.”“Bumalik na tayo sa villa.”Naglakad siya nang hindi na lumilingon. Hindi na makatuwirang manatili silang lahat sa resort matapos ang sinabi ng lolo tungkol sa respeto.Pagpasok sa villa, inilapag niya ang susi sa mesa.“Uuwi na tayo bukas.”“Kanina, sabi mo may aasikasuhin ka pa dito.”“Mas mabuting umalis na tayo.”“Then let's go back together.”“Magkahiwalay tayong bumiyahe. May kailangan pa akong tapusin bago umalis. Mauna ka na.”“Ano na ang mangyayari sa atin? Sinabi mong maaari tayong magsimula kapag natapos ang kasal ninyo.”“Gusto ko pa ring makipaghiwalay. Pero kasal pa ako, Chloe. Hindi ako makapangangako ng petsa.”“Hanggang kailan mo ako paghihintayin?”“Kilala mo si Grandpa. Ayokong lumala ang galit niya dahil hindi ko na nama
“Paano kung isang araw, may ibang lalaking manligaw sa kanya? Handa ka bang makita si Ana na masaya sa piling ng iba?”Hindi nakasagot si Kurt. Si Xavier ang unang pumasok sa isip niya. Ilang beses na niyang nakita ang lalaki kasama si Ana sa resort, madalas na may hawak silang mga dokumento at magaan ang usapan.“Grandpa, kapag legal na kaming hiwalay, malaya siyang magmahal ng iba.”“Talaga? Bakit ang tagal mong sumagot?”“Grandpa.”“Wala ka bang nararamdaman para sa asawa mo?”Natigilan si Kurt.“Hindi ko po alam kung ano ang gusto ninyong marinig.”“Ang totoo, apo.”“Napagkasunduan na naming maghiwalay.”“Hindi iyan sagot.”Nais niyang sabihing walang dahilan para mag-alala ang lolo, ngunit paano niya ipaliliwanag ang sariling pagkairita kapag may nakikita siyang ibang lalaking lumalapit kay Ana? Maging ang simpleng pag-uusap tungkol sa trabaho ay napapansin niya ngayon, samantalang dati ay wala siyang pakialam kung paano nito ginugugol ang maghapon.Alam ni Kurt na walang karapat







