Share

Chapter 7: Gising sa Katotohanan?

last update Tanggal publikasi: 2026-10-31 21:22:18

Napakahigpit ng pananakal ng misteryosong kamay sa leeg ni Andrea, na ngayon ay nangangambang matamasa ang kamatayan muli.

“Anong nanyayari?” laking gulat nito nang maistorbo siya mula sa kanyang malumanay na panaginip. Kahit anong pilit ni Andrea idilat ang mga mata, hindi niya ito maidilat.

Sinubukan niyang sumigaw - ngunit kahit anong lakas ng saklolo niya, hindi man lang lumabas ang boses niya.

“Baka ito na nga… yung totoong katapusan ko. Ni hindi man lang ako nakatagal ng isang linggo dito sa bagong buhay ko.”

Walang lakas ang kanyang mga kamay kahit gusto niyang maalis ang nasa leeg. Walang boses na lumalabas para makasigaw. Walang hangin na pumapasok sa kanyang paghinga.

“Triton, anong ginagawa mo?” bayolenteng sigaw ng isa sa mga beastmen.

Agad na puwersahang nilayo ni Altair ang merman mula sa nakahimlay na mistress. “Gusto mo bang mamatay tayong lahat sa ginagawa mo, hunghang!” dagdag ng matipunong crane man.

Walang malay na nakabalandra ang katawan ni Andrea sa make-shift higaan nito. Nilapit ni Altair ang kanyang mukha sa dalaga para pakiramdaman kung siya ay humihinga pa. “Buti na lang hindi siya natuluyan.” wari nito.

Nito niya na lang na-realize na ngayon lang siya nakalapit nang ganoon sa kanilang mistress. Lahat ng sitwasyon na nagkahawakan sila, dinaan ng mistress sa dahas - pamamalo, pananampa, paglagay ng asin sa mga sugat, at iba pa.

Ngayong ilang inches lang ang lapit ng mukha nila sa isa’t isa, hindi niya akalaing mabibighani pa siya sa dalaga. Mahaba ang mga pilikmata nito. Ang balat niya’y maputi at mukhang napakalambot. Mala-anghel ang mukha… kahit na mala-demonyo ang pagtrato sa kanila.

Tumayo si Altair at malakas na sinapak si Triton.

“Huwag na huwag mo ng gagawin ‘yan kung ayaw mong kami ang tumapos sa ‘yo.” muling paalala nito sa merman.

Sa mundong ito, ang pagpatay sa babaeng naka-kontrata sa ‘yo ay isang napakalaking atraso. Lahat ng mga kakontrata niyang mga lalaking beastmen ay sasabog na lang bigla ‘pag nangyari ito. Kaya wala silang choice kundi protektahan ang h*******k niang mistress kahit na pinagmamalupitan sila nito.

Ngunit sa isang araw lang ng biglaang pagbago ni Mistress Freya, napaisip ang tahimik nasi Altair. Baka nga ganahan na siyang protektahan ang babaeng nagbigay sa kanya ng pinaka mala-impyernong mga araw niya. Baka nga, nagbago na siya.

Nakita ni Altair ang sugat sa palad ng dalaga. Madali nitong nilagyan ng bendahe at konting herbs para gumaling ito. Kung pwede niya lang kunin ang dugo para ilagay sa kanyang beast mark… Pero masyadong maprinsipyo si Altair para pagsamantalahan ang dalaga nang ganito.

Lumabas ang dalawa sa kuweba nang parang walang nangyari. Lumipas ang magdamag at paakyat na ang araw sa kalangitan. Mukhang walang nagbabadiyang ulan. Maganda ang kundisyon para magsimula sa kanilang misyong hanapin si Vali, ama ni Mistress Freya.

Dahan-dahang dinilat ni Andrea ang mga mata niya. Wala siyang matandaan kagabi kundi ang pagiging hirap sa paghinga. “Parang nagka-sinat siguro ako kagabi…” inisip niya kung bakit siya walang boses. Bumangon siya at isa-isang inayos ang mga gamit na kailangan para sa kanilang paglalakbay: ilang mga balahibo ng hayop para gawing tulugan, mga pinatuyong pagkain para kung sakaling hindi successful ang kanilang pangangaso, at ang mga bola ng asin na pinagawa niya kay Triton.

”Si Triton,” napaisip ang dalaga, “Paano namin siya maisasama sa paglalakbay?”

Matapos mag-hilamos at mag-ayos ng buhok, sinubukan niyang magsalita. “Hello, hello, mic test.” ang boses niya ay parang sa isang nagbibinatang bata. “‘Di ko naman kailangan ng malakas na boses. Makikinig naman ang beastmen sa ‘kin.” wari ni Andrea.

Nang lumabas ito sa kuweba, handa na ang mga beastmen. Si Hermes, may dalang mga pang-tent. Mga balat at balahibo ng hayop para sa buong camp. Si Lev, may dalang mga armas para mangaso: pana, gulok, at net naka-pulupot sa kanyang makisig na dibdib at likod. Si Altair, may dalang sako ng mga tuyong halaman para sa first aid. Si Gin naman, ang designated chef, may dalang kaldero at ilang kasangkapang pangluto. At si Triton naman… Si Triton, nakatayo?!

Nagulat si Andrea, pero inisip na lang niya na talagang makapangyarihan itong si Triton, kung kaya niya pala mag-shapeshift nang ganun kadali.

Nasilayan ng mga beastmen ang kanilang Mistress Freya. Nagtaka sila na mapula ang leeg nito, at mistulang may mga pasa pa. Kinabahan si Triton nang makita ang kanyang nagawang pasakit sa malamyang mistress. Dahil mabait na ang bagong Freya, mas mukhang nakakaawa ang dalaga imbis na nakakainis.

Masama ang tingin ni Altair kay Triton. Sila lang ang may alam sa nangyari kagabi. Naiintindihan ni Altair na hindi malayong maghiganti si Triton kay Freya, matapos siyang i-torture sa pag-alis ng kaliskis.

“Sinong may gawa nito?” paos na tinanong ni Andrea sa limang beastmen.

Isa-isang pinag-aralan ni Andrea ang expression ng bawat beastman. Sina Gin, Lev, at Hermes, blankong blanko ang itsura. Nakayuko sina Altair at Triton, halatang ilang sa pagtitig ni Andrea.

”Sabi ko, sinong may pakana nito?” inulit ng dalaga.

Hindi na nakatiis si Triton. Lumapit siya ng dalawang hakbang palapit kay Mistress Freya - at napahinto nang maisip niyang maaari siyang saktan ng mistress. “Ako po… Mistress Freya. Ako po ang gumawa niyan.”

Napatingin sa kanya ang lahat. Lumapit si Andrea at dahan-dahang pinakita ang palad niyang may bandeha. “Salamat, Triton. Salamat sa paghilom ng sugat ko.”

Nanglaki ang mga mata ni Triton, sabay iglap kay Altair. Siya ang tumulong sa paghilom ng sugat ni Freya, hindi siya. Pero dahil ayaw niyang madiskubre ang pagsakal niya sa mistress kagabi, nagkunwari na lang siyang tama ang hinala nito.

”Walang anuman, Mistress Freya.” nahihiyang sagot nito.

“At dahil diyan, ‘pag tinulungan mo pa ko sa mga sugat ko ng dalawa pang beses, bibigyan kita ng isang tulo ng dugo ko para sa ‘yong beast mark.” ani Andrea. Naisip niyang magiging mas madali ang paglakbay nila kung may premyo ang pagprotekta sa kanya.

“Ako dapat ‘yun…” galit na galit si Altair kay Triton. Imbis na siya ang makinabang, yung muntik pang magpahamak sa kanilang lima ang may premyo. Sumama ang tingin ng kanyang mga pulang mata kay Triton.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Transmigrated into a Kontrabida Lead: My Beastly Desires   Chapter 10: Kasya ba sa inyo?

    Kumikislap ang pawis ni Lev sa liwanag ng araw. Nanlaki ang mga mata ni Andrea sa hamon nitong kalabanin siya. Hindi niya maintindihan, ano bang ginawa niya para ikagalit ng lion-man? “Parusahan mo na ‘ko.” muli nitong wika. Matapos niyang bigyan ng nakakahilo at nakaka-lamog na biyahe ang dalaga, naisip ni Lev na mas may dahilan para maparusahan ng mistress. Ang apat pang beastmen, nanahimik at pinanood ang eksena. “Bakit mo ba ko papag-latiguhin, eh pagod na pagod na nga ko?” kitang-kita na kay Andrea ang pagod at antok. Imbis na leeg niya lang ang may mga pasa, ngayon pati sa braso, binti, at malay pa natin kung saan, mayroon na. Muntik na siyang masuka sa hilo, pero pinilit na wag matuloy ito. Hindi makapaniwala si Lev. Para bang nangulila siya sa mga panglalatigo nang may kasamang tubig-alat. Para bang hinahanap-hanap ng katawan niya ang pagpaso sa kanya ni Mistress Freya gamit ang stick. Sa mga beastmen, siya lang ata ang may enjoyment sa pagpapakasakit - bilang siya ay isan

  • Transmigrated into a Kontrabida Lead: My Beastly Desires   Chapter 9: Walang bitawan, walang atrasan!

    Nakalimutan ni Andrea na ang mga beastmen ay mas may kakayahang bumilis kung sila ay naka beast form. Muli nitong naalala kung gaano ka-critical ang makita niya agad ang ama ni Mistress Freya bago pa siya maka-enkwentro ng ibang characters sa fantasy novel na ‘to.Napangiti ang dalaga, na medyo may feeling of excitement. Never niya nasubukan mag-adventure sa wilderness. At mas hindi pa niya nasusubukan ang gawin ito in a fantasy setting. “Sa wakas, nagiging adventure na ‘tong new life ko kesa lagi lang tumatakas mula sa gulo!” excited ang dalaga sa pakikipagsapalaran nilang anim. “Sige. Kailangan nating magmadali para makita ang aking ama, bago pa ito maka-enkwentro ng ibang puwedeng makasakit sa kanya. Mag-beast form kayong lahat.”“Mistress Freya…” agad na nagsalita si Lev, ang lion-man. “Sa kin na po kayo sumakay. Masyadong maliit ang ibang mga kasama natin para makapagdala ng dilag na hindi makapag-beast form." patuloy niya.“O sige, ikaw na ang bahala sa ‘kin Lev. Bibigyan Kita

  • Transmigrated into a Kontrabida Lead: My Beastly Desires   Chapter 8: Parang may bago?

    Bukang-liwayway. Maagang nagising si Mistress Freya at ang kanyang mga beastmen para simulan ang kanilang paglalakbay. Ngunit yumayapagpag ang katahimikan sa labas ng kweba ng scorpion maiden.Si Mistress Freya, na ngayon talaga ay si Andrea, masayang inanunsiyo ngayon lang na mamimigay siya ng isang patak ng dugo sa beastman na hihilom ng kaniyang mga sugat ng tatlong beses. Purple ang kaniyang buhok, napakaputi ng balat. At ngayong nagbago na ang kaniyang pagtrato sa mga beastmen, napaka-amo na ng kaniyang itsura para sa kanilang lima. Kapansin-pansin ang kaniyang leeg - may mga bakas ng pananakal. Walang nagsabi ng kahit ano tungkol dito. Takot ang limang beastmen na sila ay parusahan sa matinding injury sa dalaga. Manghang-mangha silang nakatingin sa walang-malay na ngiti ng mistress nila. “Huh? Bakit parang ayaw niyo pa?” pagtataka ni Andrea sa kawalan nila ng reaksyon sa bago niyang pasabog. “Basta ‘wag niyo kong sugatan para lang lagyan niyo ng bendahe ah! Haha, ‘di puwede yu

  • Transmigrated into a Kontrabida Lead: My Beastly Desires   Chapter 7: Gising sa Katotohanan?

    Napakahigpit ng pananakal ng misteryosong kamay sa leeg ni Andrea, na ngayon ay nangangambang matamasa ang kamatayan muli.“Anong nanyayari?” laking gulat nito nang maistorbo siya mula sa kanyang malumanay na panaginip. Kahit anong pilit ni Andrea idilat ang mga mata, hindi niya ito maidilat. Sinubukan niyang sumigaw - ngunit kahit anong lakas ng saklolo niya, hindi man lang lumabas ang boses niya. “Baka ito na nga… yung totoong katapusan ko. Ni hindi man lang ako nakatagal ng isang linggo dito sa bagong buhay ko.” Walang lakas ang kanyang mga kamay kahit gusto niyang maalis ang nasa leeg. Walang boses na lumalabas para makasigaw. Walang hangin na pumapasok sa kanyang paghinga. “Triton, anong ginagawa mo?” bayolenteng sigaw ng isa sa mga beastmen. Agad na puwersahang nilayo ni Altair ang merman mula sa nakahimlay na mistress. “Gusto mo bang mamatay tayong lahat sa ginagawa mo, hunghang!” dagdag ng matipunong crane man. Walang malay na nakabalandra ang katawan ni Andrea sa make-s

  • Transmigrated into a Kontrabida Lead: My Beastly Desires   Chapter 6: Nananaginip ng so real!

    ‘Di na napigilan ni Andrea ang maka-idlip. Sa dami ba naman ng nadaanan niyang life-threatening situations sa isang araw lang? Hindi lang isang perfectly-abled, grown man ang galit sa kanya – lima pa. At ‘di lang sila mga normal na lalake… may mga kakaibang kapangyarihan pa.Oras na para mamahinga…hlajhaldskfhlsadjkkklllllllllllllllllllllllllllllllWalang maintindihan sa monitor ni Andrea, 26, office clerk. Nakapatong sa keyboard ang kanyang mukha. “Whaa!” biglang pagbangon nito. “Huh? Panaginip lang ba yung lahat ng iyon? Parang masyadong makatotohanan! Well… I guess sa panaginip lang ako kakausapin ng mga poging lalake. Hay...” sabay buntong-hininga ng overworked girly na ito. Napatingin sa paligid si Andrea na tila bang naalipungatan. Sigurado siyang totoo ang lahat ng nangyari. At mas lalong totoo ang kaba at takot niya sa mga beastmen. Totoo rin na medyo na-kyutan siya sa kanila.Bawat detalye doon sa mundo ng mga beastmen, sobrang damang-dama niya. “Baka special edition na p

  • Transmigrated into a Kontrabida Lead: My Beastly Desires   Chapter 5: Self-imposed Overtime

    “Namimihasa na ang mga beastmen. At mukhang napansin nila kung gaano na lang ang pagkakaiba ng mistress nila ngayon sa mistress nila noon.” inanalyze ni Andrea kung ano ba dapat ang next move niya.Nung una, kusa siyang nagbigay ng dugo kay Hermes sa paghilom ng sugat ni Triton. Tapos, nakipag-deal sa kanya si Gin para makakuha ng dugo sa pagluto. At ngayon naman, barter para sa mga bolang asin. Nagkakaroon na ng micro-economy dito sa bagong mundo ni Andrea. “OK lang. Basta ba ‘di muna umabot sa sampung patak ng dugo ang mabigay ko sa kanya… at baka maunahan ako ng mga ‘to. ‘Di pwedeng mabawi ang mga kontrata ko sa kanila na di ko pa nakikita ang ama ni Freya.”Hindi pinakita ni Andrea ang takot niya kay Triton. Muli niyang hinawakan ang kanyang pendant at binuksan muli ang kanyang sugat sa darili gamit nito. Piniga ni Andrea ang kanyang daliri para may lumabas na isang malaking patak ng dugo. Dahan-dahan siyang lumapit kay Triton at nilagay ang patak sa scorpion seal sa may dibdib

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status