INICIAR SESIÓNNakalimutan ni Andrea na ang mga beastmen ay mas may kakayahang bumilis kung sila ay naka beast form. Muli nitong naalala kung gaano ka-critical ang makita niya agad ang ama ni Mistress Freya bago pa siya maka-enkwentro ng ibang characters sa fantasy novel na ‘to.Napangiti ang dalaga, na medyo may feeling of excitement. Never niya nasubukan mag-adventure sa wilderness. At mas hindi pa niya nasusubukan ang gawin ito in a fantasy setting. “Sa wakas, nagiging adventure na ‘tong new life ko kesa lagi lang tumatakas mula sa gulo!” excited ang dalaga sa pakikipagsapalaran nilang anim. “Sige. Kailangan nating magmadali para makita ang aking ama, bago pa ito maka-enkwentro ng ibang puwedeng makasakit sa kanya. Mag-beast form kayong lahat.”“Mistress Freya…” agad na nagsalita si Lev, ang lion-man. “Sa kin na po kayo sumakay. Masyadong maliit ang ibang mga kasama natin para makapagdala ng dilag na hindi makapag-beast form." patuloy niya.“O sige, ikaw na ang bahala sa ‘kin Lev. Bibigyan Kita
Bukang-liwayway. Maagang nagising si Mistress Freya at ang kanyang mga beastmen para simulan ang kanilang paglalakbay. Ngunit yumayapagpag ang katahimikan sa labas ng kweba ng scorpion maiden.Si Mistress Freya, na ngayon talaga ay si Andrea, masayang inanunsiyo ngayon lang na mamimigay siya ng isang patak ng dugo sa beastman na hihilom ng kaniyang mga sugat ng tatlong beses. Purple ang kaniyang buhok, napakaputi ng balat. At ngayong nagbago na ang kaniyang pagtrato sa mga beastmen, napaka-amo na ng kaniyang itsura para sa kanilang lima. Kapansin-pansin ang kaniyang leeg - may mga bakas ng pananakal. Walang nagsabi ng kahit ano tungkol dito. Takot ang limang beastmen na sila ay parusahan sa matinding injury sa dalaga. Manghang-mangha silang nakatingin sa walang-malay na ngiti ng mistress nila. “Huh? Bakit parang ayaw niyo pa?” pagtataka ni Andrea sa kawalan nila ng reaksyon sa bago niyang pasabog. “Basta ‘wag niyo kong sugatan para lang lagyan niyo ng bendahe ah! Haha, ‘di puwede yu
Napakahigpit ng pananakal ng misteryosong kamay sa leeg ni Andrea, na ngayon ay nangangambang matamasa ang kamatayan muli.“Anong nanyayari?” laking gulat nito nang maistorbo siya mula sa kanyang malumanay na panaginip. Kahit anong pilit ni Andrea idilat ang mga mata, hindi niya ito maidilat. Sinubukan niyang sumigaw - ngunit kahit anong lakas ng saklolo niya, hindi man lang lumabas ang boses niya. “Baka ito na nga… yung totoong katapusan ko. Ni hindi man lang ako nakatagal ng isang linggo dito sa bagong buhay ko.” Walang lakas ang kanyang mga kamay kahit gusto niyang maalis ang nasa leeg. Walang boses na lumalabas para makasigaw. Walang hangin na pumapasok sa kanyang paghinga. “Triton, anong ginagawa mo?” bayolenteng sigaw ng isa sa mga beastmen. Agad na puwersahang nilayo ni Altair ang merman mula sa nakahimlay na mistress. “Gusto mo bang mamatay tayong lahat sa ginagawa mo, hunghang!” dagdag ng matipunong crane man. Walang malay na nakabalandra ang katawan ni Andrea sa make-s
‘Di na napigilan ni Andrea ang maka-idlip. Sa dami ba naman ng nadaanan niyang life-threatening situations sa isang araw lang? Hindi lang isang perfectly-abled, grown man ang galit sa kanya – lima pa. At ‘di lang sila mga normal na lalake… may mga kakaibang kapangyarihan pa.Oras na para mamahinga…hlajhaldskfhlsadjkkklllllllllllllllllllllllllllllllWalang maintindihan sa monitor ni Andrea, 26, office clerk. Nakapatong sa keyboard ang kanyang mukha. “Whaa!” biglang pagbangon nito. “Huh? Panaginip lang ba yung lahat ng iyon? Parang masyadong makatotohanan! Well… I guess sa panaginip lang ako kakausapin ng mga poging lalake. Hay...” sabay buntong-hininga ng overworked girly na ito. Napatingin sa paligid si Andrea na tila bang naalipungatan. Sigurado siyang totoo ang lahat ng nangyari. At mas lalong totoo ang kaba at takot niya sa mga beastmen. Totoo rin na medyo na-kyutan siya sa kanila.Bawat detalye doon sa mundo ng mga beastmen, sobrang damang-dama niya. “Baka special edition na p
“Namimihasa na ang mga beastmen. At mukhang napansin nila kung gaano na lang ang pagkakaiba ng mistress nila ngayon sa mistress nila noon.” inanalyze ni Andrea kung ano ba dapat ang next move niya.Nung una, kusa siyang nagbigay ng dugo kay Hermes sa paghilom ng sugat ni Triton. Tapos, nakipag-deal sa kanya si Gin para makakuha ng dugo sa pagluto. At ngayon naman, barter para sa mga bolang asin. Nagkakaroon na ng micro-economy dito sa bagong mundo ni Andrea. “OK lang. Basta ba ‘di muna umabot sa sampung patak ng dugo ang mabigay ko sa kanya… at baka maunahan ako ng mga ‘to. ‘Di pwedeng mabawi ang mga kontrata ko sa kanila na di ko pa nakikita ang ama ni Freya.”Hindi pinakita ni Andrea ang takot niya kay Triton. Muli niyang hinawakan ang kanyang pendant at binuksan muli ang kanyang sugat sa darili gamit nito. Piniga ni Andrea ang kanyang daliri para may lumabas na isang malaking patak ng dugo. Dahan-dahan siyang lumapit kay Triton at nilagay ang patak sa scorpion seal sa may dibdib
Imbis na makatulog at managinip, naalipungatan si Andrea sa biglaang pagpasok ng fox-man sa kanyang bagong tahanan. “Baka naman may lason ‘to?” hindi mapakaling inisip ni Andrea. “Sa bagay, ‘di pa rin niya ako pwedeng masaktan at naka-kontrata pa rin siya sa ‘kin. Siya ang masasaktan ‘pag may mangyaring masama sa ‘kin. Salamat sa power ng contract.”Habang nagrarationalize si Andrea, pasarap ng pasarap ang itsura ng barbeque meat na alok ni Gin. Pork belly yata ‘to. Medyo charred pero parang ready na talaga makain.“Hindi pa pala ako nakakakain kahit ilang oras na kong nasa mundong ‘to… Sige na nga!” wari ni Andrea. Pwede niyang gawing taga-luto itong si Gin para mag-survive siya.“Bawat limang beses na paglulutuan mo ako… Bibigyan kita ng isang patak ng dugo sa seal mo.” alok ni Andrea kay Gin. Naguluhan ang beastman. Makikita sa kanyang berdeng mga mata ang pagtataka. Sa lahat ng mga kakontratang beastmen ni Mistress Freya, siya ang pinaka-mukhang chill lang. Kahit na sugatan dahi







