Share

Chapter 8: Parang may bago?

last update publish date: 2026-11-02 23:35:53

Bukang-liwayway. Maagang nagising si Mistress Freya at ang kanyang mga beastmen para simulan ang kanilang paglalakbay. Ngunit yumayapagpag ang katahimikan sa labas ng kweba ng scorpion maiden.

Si Mistress Freya, na ngayon talaga ay si Andrea, masayang inanunsiyo ngayon lang na mamimigay siya ng isang patak ng dugo sa beastman na hihilom ng kaniyang mga sugat ng tatlong beses. Purple ang kaniyang buhok, napakaputi ng balat. At ngayong nagbago na ang kaniyang pagtrato sa mga beastmen, napaka-amo na ng kaniyang itsura para sa kanilang lima. 

Kapansin-pansin ang kaniyang leeg - may mga bakas ng pananakal. 

Walang nagsabi ng kahit ano tungkol dito. Takot ang limang beastmen na sila ay parusahan sa matinding injury sa dalaga. Manghang-mangha silang nakatingin sa walang-malay na ngiti ng mistress nila. 

“Huh? Bakit parang ayaw niyo pa?” pagtataka ni Andrea sa kawalan nila ng reaksyon sa bago niyang pasabog. “Basta ‘wag niyo kong sugatan para lang lagyan niyo ng bendahe ah! Haha, ‘di puwede yun, madaya yun!” patawa niyang dinagdag, may bungisngis pang pabuenas.

Nanlaki lang ang mga mata ng mga beastmen. Ngayon lang nila nakita si Mistress Freya tumawa nang ‘di dahil sa pagtotorture. Totoong ngiti. Totoong halakhak. Totoong pakikisama sa lima.

“Seryoso ba ‘tong si Mistress? Nakatulog na siya’t lahat-lahat, dapat bumalik na siya sa normal niyang ugali. Yung napaka-samang demonyo.” napaisip si Hermes, siyang isa sa mga laging sinisigawan ni Mistress Freya. May maliit na ngiti sa kaniyang mga labi. 

“Nananaginip ba ‘ko?” wari ni Lev. Napa-buntong hininga ang makisig na lion-man sa pagtataka. Tinitigan nito ang mga mata ni Freya, na para bang naghahanap ng kasinungalingan sa kaniyang mga sinabi. “Baka bagong torture niya ‘to. Paniniwalaan tayong mabuti na siya sa ‘min.” Si Lev naman, dahil sa kaniyang kisig, siya ang palaging pinapagbuhat ng kung anu-ano para lang pagurin ito. Ang malala pa rito, pinapaso siya noon ni Mistress Freya habang inuutusang magbuhat. 

Hindi gaanong napaghalataan nina Lev, Hermes, at Gin sina Altair at Triton na bumababaw ang paghinga. Nagtitinginan ang dalawa dahil alam nila ang katotohanan, pero takot silang may mabitawang mga salita na maaaring ikagalit ng mistress.

“Mistress Freya, ‘di ba parang madaya?” makulit na sigaw ni Gin, nakatayong pinakamalayo mula kay Andrea. “Papaglutuin kita ng limang pagkain, tapos yung sa sugat, tatlo lang, may premyong tulo ng dugo na? ‘Di ba ‘ko lugi niyan?” 

Napatingin ang apat na beastmen kay Gin - ang pinakabata sa kanila, at minsan pinaka walang pakialam sa tensyon ng sitwasyon. Napangiti si Andrea.

“Ikaw talaga Gin! Siyempre, mas madali naman ang magluto. Eh yung bigyan pa ko ng mga halaman para gumaling ang sugat - mas mahirap ‘yun! ‘Di naman basta-bastang nahahanap yung mga herbs na ‘to.” sagot ng dalaga, sabay pinakita sa kanila ang magandang pagka-benda ng sugat sa kaniyang palad.

Nanggalaitik muli si Altair. Dapat sa kaniya ang premyong dugo kung makaka-dalawang beses pa niyang gawin ito.

Si Triton naman, aminadong naging mali sa lahat ng nangyari kagabi. Kung natuloy man ang pagpatay kay Mistress Freya kagabi, sigurado silang lima ang mananagot. 

Guilty siya na hindi siya nakapag-isip nang maayos habang nag-iisip lang ng paghihiganti.

At dahil dito, alam niyang mali rin ang pag-angkin sa ginawang pag-hilom ng sugat ng kanilang mistress. Alam niyang mas kailangan ni Altair ito. Kung sa bagay, may premyo na siya sa paggawa ng asin kagabi. 

Nakatayo si Triton, pero pagod ang mababasa sa kaniyang porma. Nakayuko at nanginginig ang kaniyang mga pilikmata. Klarong-klaro sa kaniyang mga purple na mata ang pagsisisi. 

“Mistress Freya…” bigla nitong paghingi ng pansin. “Hindi po ako ang naghilom ng sugat niyo. Si Altair po.” 

Napatingin si Andrea kay Altair. Siyang minsan niya lang nakakausap, pero siya rin ang eksperto sa mga medicinal herbs sa limang mga beastmen. Oo nga naman, paano gagawin ni Triton yun? Matapos niyang bigyan ng napakasaklap na torture bilang Mistress Freya ang merman, hihilumin ba niya agad ang kaniyang sugat sa palad? Far from it. 

“Triton.” mahinahon nitong sagot sa merman. “Alam kong gusto niyong ng dugo ko, pero hindi naman kailangang magsinungaling. Totoo ba ang sinasabi niya, Altair?” sabay tanong nito sa crane-man.

May kakaibang lambot ang itim na buhok ni Altair habang tumingala ito para makita ang mistress. “Opo, Mistress Freya. Ako po ang nagbenda sa inyo kagabi.” sagot nito.

Sa ngayon, hindi sigurado ang mga beastman kung bigla ba silang paparusahan sa pagsisinungaling na nangyari. Hindi pa rin sila makapaniwalang hindi nagpapatong ng parusa ang malupit na mistress sa kanila. Mag-iisang araw ng ganito ka “kakaiba” ang malupit na demonitang scorpion maiden.

“Ah. Ganoon pala eh. Puwes, dalawa pang beses, Altair, at may patak ng dugo ang beast seal mo mula sa ‘kin. O, siya maghanda na tayo. Kumain muna tayo bago umalis!” masayang pahayag ng dalaga. 

Teka… Totoo bang nangyari ang lahat ng iyon? Walang sigaw. Walang pasakit. Takang-taka ang limang beastmen sa biglaang pagbago ng kanilang kakontratang dalaga. Mukhang makakahinga na sila.

At para naman kay Andrea… hindi pa siya kampante sa limang lalakeng ito. 

Puwede pa rin siyang biglang saktan. Puwede pa rin siyang pagtangkaan. Ang importante, mahanap na niya ang kaniyang “ama” na si Vali kaagad. Tutulungan siyang mapasawalang-bisa ang mga kontrata sa lima, at malaya na siya sa kaniyang bagong buhay.

Bumalik si Andrea sa kanyang kuweba.

Nagpunta ang mga beastmen sa isang malapit na ilog. Tahimik hanggang sa nagsalita si Altair. 

“‘Wag na wag mo ng gagawin yun, Triton.”

“Patawad. Alam kong mali ang nagawa ko.” nanginginig ang boses ng merman.

“Sige. Kumain na tayo’t kalimutan mo na ‘yun.” mabilis na sagot ni Altair. Galing siya sa pagkapari at madali siyang magpatawad.

Matapos kumain, napag-usapan ng mga beastmen ang pagbabagong nararamdaman nila sa kanilang mistress. Lahat sila, nangangambang may kasunod pa itong torture. Baka may topak lang ngayon ang dalaga. 

Kumain ng ilang prutas si Andrea sa kaniyang kuweba, at muling nagpakita sa mga beastmen. 

‘Pag labas niya, kita niyang handa na ang lima para sa kanilang misyon. 

“Gusto niyo bang maglakbay bilang mga beast? Para mapadali ang paglakbay natin.” tanong ni Andrea sa kaniyang mga kasama. Naisip niyang baka puwede siyang maki-hitch sa isa sa kanila. 

Si Hermes ang sumagot sa kaniya. “Kung gagawin natin ‘yan, kaya nating mapuntahan ang eagle tribe sa loob ng isang linggo. Kung hindi ka naman nagmamadali, puwede nating lakarin bilang mga tao.” 

l’amoureux du bleu

Bias ko sa lima si Gin. Haha. Sorry pero kolokoy types talaga crush ko. Nakakabawas kasi ng tensyon hihi~

| Like
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Transmigrated into a Kontrabida Lead: My Beastly Desires   Chapter 10: Kasya ba sa inyo?

    Kumikislap ang pawis ni Lev sa liwanag ng araw. Nanlaki ang mga mata ni Andrea sa hamon nitong kalabanin siya. Hindi niya maintindihan, ano bang ginawa niya para ikagalit ng lion-man? “Parusahan mo na ‘ko.” muli nitong wika. Matapos niyang bigyan ng nakakahilo at nakaka-lamog na biyahe ang dalaga, naisip ni Lev na mas may dahilan para maparusahan ng mistress. Ang apat pang beastmen, nanahimik at pinanood ang eksena. “Bakit mo ba ko papag-latiguhin, eh pagod na pagod na nga ko?” kitang-kita na kay Andrea ang pagod at antok. Imbis na leeg niya lang ang may mga pasa, ngayon pati sa braso, binti, at malay pa natin kung saan, mayroon na. Muntik na siyang masuka sa hilo, pero pinilit na wag matuloy ito. Hindi makapaniwala si Lev. Para bang nangulila siya sa mga panglalatigo nang may kasamang tubig-alat. Para bang hinahanap-hanap ng katawan niya ang pagpaso sa kanya ni Mistress Freya gamit ang stick. Sa mga beastmen, siya lang ata ang may enjoyment sa pagpapakasakit - bilang siya ay isan

  • Transmigrated into a Kontrabida Lead: My Beastly Desires   Chapter 9: Walang bitawan, walang atrasan!

    Nakalimutan ni Andrea na ang mga beastmen ay mas may kakayahang bumilis kung sila ay naka beast form. Muli nitong naalala kung gaano ka-critical ang makita niya agad ang ama ni Mistress Freya bago pa siya maka-enkwentro ng ibang characters sa fantasy novel na ‘to.Napangiti ang dalaga, na medyo may feeling of excitement. Never niya nasubukan mag-adventure sa wilderness. At mas hindi pa niya nasusubukan ang gawin ito in a fantasy setting. “Sa wakas, nagiging adventure na ‘tong new life ko kesa lagi lang tumatakas mula sa gulo!” excited ang dalaga sa pakikipagsapalaran nilang anim. “Sige. Kailangan nating magmadali para makita ang aking ama, bago pa ito maka-enkwentro ng ibang puwedeng makasakit sa kanya. Mag-beast form kayong lahat.”“Mistress Freya…” agad na nagsalita si Lev, ang lion-man. “Sa kin na po kayo sumakay. Masyadong maliit ang ibang mga kasama natin para makapagdala ng dilag na hindi makapag-beast form." patuloy niya.“O sige, ikaw na ang bahala sa ‘kin Lev. Bibigyan Kita

  • Transmigrated into a Kontrabida Lead: My Beastly Desires   Chapter 8: Parang may bago?

    Bukang-liwayway. Maagang nagising si Mistress Freya at ang kanyang mga beastmen para simulan ang kanilang paglalakbay. Ngunit yumayapagpag ang katahimikan sa labas ng kweba ng scorpion maiden.Si Mistress Freya, na ngayon talaga ay si Andrea, masayang inanunsiyo ngayon lang na mamimigay siya ng isang patak ng dugo sa beastman na hihilom ng kaniyang mga sugat ng tatlong beses. Purple ang kaniyang buhok, napakaputi ng balat. At ngayong nagbago na ang kaniyang pagtrato sa mga beastmen, napaka-amo na ng kaniyang itsura para sa kanilang lima. Kapansin-pansin ang kaniyang leeg - may mga bakas ng pananakal. Walang nagsabi ng kahit ano tungkol dito. Takot ang limang beastmen na sila ay parusahan sa matinding injury sa dalaga. Manghang-mangha silang nakatingin sa walang-malay na ngiti ng mistress nila. “Huh? Bakit parang ayaw niyo pa?” pagtataka ni Andrea sa kawalan nila ng reaksyon sa bago niyang pasabog. “Basta ‘wag niyo kong sugatan para lang lagyan niyo ng bendahe ah! Haha, ‘di puwede yu

  • Transmigrated into a Kontrabida Lead: My Beastly Desires   Chapter 7: Gising sa Katotohanan?

    Napakahigpit ng pananakal ng misteryosong kamay sa leeg ni Andrea, na ngayon ay nangangambang matamasa ang kamatayan muli.“Anong nanyayari?” laking gulat nito nang maistorbo siya mula sa kanyang malumanay na panaginip. Kahit anong pilit ni Andrea idilat ang mga mata, hindi niya ito maidilat. Sinubukan niyang sumigaw - ngunit kahit anong lakas ng saklolo niya, hindi man lang lumabas ang boses niya. “Baka ito na nga… yung totoong katapusan ko. Ni hindi man lang ako nakatagal ng isang linggo dito sa bagong buhay ko.” Walang lakas ang kanyang mga kamay kahit gusto niyang maalis ang nasa leeg. Walang boses na lumalabas para makasigaw. Walang hangin na pumapasok sa kanyang paghinga. “Triton, anong ginagawa mo?” bayolenteng sigaw ng isa sa mga beastmen. Agad na puwersahang nilayo ni Altair ang merman mula sa nakahimlay na mistress. “Gusto mo bang mamatay tayong lahat sa ginagawa mo, hunghang!” dagdag ng matipunong crane man. Walang malay na nakabalandra ang katawan ni Andrea sa make-s

  • Transmigrated into a Kontrabida Lead: My Beastly Desires   Chapter 6: Nananaginip ng so real!

    ‘Di na napigilan ni Andrea ang maka-idlip. Sa dami ba naman ng nadaanan niyang life-threatening situations sa isang araw lang? Hindi lang isang perfectly-abled, grown man ang galit sa kanya – lima pa. At ‘di lang sila mga normal na lalake… may mga kakaibang kapangyarihan pa.Oras na para mamahinga…hlajhaldskfhlsadjkkklllllllllllllllllllllllllllllllWalang maintindihan sa monitor ni Andrea, 26, office clerk. Nakapatong sa keyboard ang kanyang mukha. “Whaa!” biglang pagbangon nito. “Huh? Panaginip lang ba yung lahat ng iyon? Parang masyadong makatotohanan! Well… I guess sa panaginip lang ako kakausapin ng mga poging lalake. Hay...” sabay buntong-hininga ng overworked girly na ito. Napatingin sa paligid si Andrea na tila bang naalipungatan. Sigurado siyang totoo ang lahat ng nangyari. At mas lalong totoo ang kaba at takot niya sa mga beastmen. Totoo rin na medyo na-kyutan siya sa kanila.Bawat detalye doon sa mundo ng mga beastmen, sobrang damang-dama niya. “Baka special edition na p

  • Transmigrated into a Kontrabida Lead: My Beastly Desires   Chapter 5: Self-imposed Overtime

    “Namimihasa na ang mga beastmen. At mukhang napansin nila kung gaano na lang ang pagkakaiba ng mistress nila ngayon sa mistress nila noon.” inanalyze ni Andrea kung ano ba dapat ang next move niya.Nung una, kusa siyang nagbigay ng dugo kay Hermes sa paghilom ng sugat ni Triton. Tapos, nakipag-deal sa kanya si Gin para makakuha ng dugo sa pagluto. At ngayon naman, barter para sa mga bolang asin. Nagkakaroon na ng micro-economy dito sa bagong mundo ni Andrea. “OK lang. Basta ba ‘di muna umabot sa sampung patak ng dugo ang mabigay ko sa kanya… at baka maunahan ako ng mga ‘to. ‘Di pwedeng mabawi ang mga kontrata ko sa kanila na di ko pa nakikita ang ama ni Freya.”Hindi pinakita ni Andrea ang takot niya kay Triton. Muli niyang hinawakan ang kanyang pendant at binuksan muli ang kanyang sugat sa darili gamit nito. Piniga ni Andrea ang kanyang daliri para may lumabas na isang malaking patak ng dugo. Dahan-dahan siyang lumapit kay Triton at nilagay ang patak sa scorpion seal sa may dibdib

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status