Share

Kabanata 19 - Authority

Hindi ako makagalaw ng ayos at nakatimpi lang ako sa aking kinauupuan. Hindi ko alam pero ramdam na ramdam ko ang pressure sa paligid, ang ngalay ng likod ko at kalam ng tiyan ay ayaw magpaawat. Dahan-dahan ko silang tiningnan ngunit muli kong naibato sa ibang direksyon ang aking tingin, ang pawis ay lalong tumulo sa aking noo at kamay.

Oo, nakasama ko na sila pero ang takot ko ngayon ay 'di mawala. Pinaglaruan ko na lamang ang ibang bahagi ng telang nakalagay sa isang maliit na mesa sa aking tabi. Ang ganda ng kwartong ito ay 'di matawaran pero ang kabog ng dibdib ko ay 'di rin matawaran. Napapalibutan ng mga antik na kagamitan ang paligid, ang kwartong aming tinutuluyan ay hindi ganoong kalakihan at hindi rin ganoong kaliitan. Tamang-tama lamang sa bilang namin. May malalaking bintana ito habang may makakapal at niyutral na kurtina. May malaking lamesa sa aming gitna na may mga naka-ukit na ilang anyo ng hayop habang yung apat ay 'di maawat ang tingin sa akin.

Medyo madilim ang pali
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status