INICIAR SESIÓNTahimik ang buong mansion nang gabing iyon. Matapos ang hapunan ay nagpaalam na si Lorraine at dumeretso sa kaniyang silid. Pagkasara pa lamang ng pinto ay napabuntong-hininga siya.Parang buong araw niyang hinihintay ang sandaling ito.Dahan-dahan niyang inilapag ang kaniyang bag sa ibabaw ng maliit na sofa bago tumingin sa bedside table.Naroon pa rin ang drawer. At sa loob nito, nandon ang notebook. Ilang segundo muna siyang nanatiling nakatayo. Hindi niya alam kung bakit muli siyang kinakabahan.Kagabi pa lamang ay gusto na niyang matapos ang liham. Ngunit ngayong nasa harap na niya ang pagkakataon parang gusto niyang umatras.Huminga siya nang malalim."Hanggang kailan mo iiwasan?" Mahina niyang bulong sa sarili.Marahan niyang binuksan ang drawer. Maingat niyang inilabas ang lumang hardbound notebook. Nandoon pa rin ang cream-colored envelope na maayos niyang isinilid sa pagitan ng mga pahina.Hinaplos niya sandali ang kupas na cover. Pagkatapos ay naupo siya sa gilid ng kama.T
Hindi naging madali ang buong araw para kay Lorraine. Ilang beses siyang nahuling nawawala ang isip habang nagtuturo.Mabuti na lamang at mabilis din siyang nakababawi sa tuwing may estudyanteng tatawag sa kaniya.Pagsapit ng tanghalian ay halos maubos ang lakas niya. Tahimik siyang umupo sa isang sulok ng faculty room habang hawak ang baunan.Hindi pa niya iyon binubuksan. Nakatitig lamang siya rito."Lorraine."Napatingala siya. Si Regine na naman ang tumatawag sa kaniya. May dala itong tray ng pagkain mula sa canteen. Hindi na ito nagpaalam pa at basta na lamang umupo sa tapat niya."Hindi mo kakainin 'yan?"Napatingin si Lorraine sa baunan. "Kakain.""Kailan?"Napangiti siya nang mahina. "Ewan."Napabuntong-hininga si Regine. "Hindi talaga kita maintindihan.""Bakit?""Noong isang linggo, ikaw pa ang laging nagpapaalala sa'kin na huwag mag-skip ng lunch. Tapos ngayon, ikaw itong nakatitig lang sa pagkain mo."Nahihiyang napayuko si Lorraine. Well, may point din naman kasi ito. Bin
Tahimik na huminto ang itim na sedan sa tapat ng St. Augustine Academy. Hindi pa man tuluyang namamatay ang makina ay agad nang bumaba si Tyron.At gaya ng palaging ginagawa ni Tyron ay mala passenger princess na naman ang turing nito sa kaniya. Inikot nito ang sasakyan at binuksan ang passenger door para kay Lorraine."Thank you."Tipid siyang ngumiti habang tinatanggap ang kamay nitong inalok sa kaniya. Sandali lamang nagtagpo ang mga mata nila. Ngunit sapat na iyon upang muling bumalik sa isip ni Lorraine ang mga litratong nakita niya sa notebook.Mabilis niyang iniwas ang tingin. Hindi iyon nakaligtas kay Tyron.Bahagya itong napakunot-noo. "Are you sure you're feeling okay?"Napalingon siya rito. Nagtatagpo ang pag-aalala at pagtataka sa mga mata ng lalaki.Mabilis siyang ngumiti. "Oo nga kasi, okay lang ako.""You're pale.""Baka dahil nagmamadali ako kanina, nalamigan lang."Hindi agad nagsalita si Tyron. Tila sinusukat nito kung maniniwala ba sa paliwanag niya.Maya-maya ay ma
Pagkatapos ng almusal ay sabay silang naglakad palabas ng mansion ni Tyron.Tahimik ang umaga na siyang paborito niya talaga. Marahang sumasayaw ang mga dahon ng mga puno sa bawat pagdaan ng malamig na simoy ng hangin. Naglalaro naman ang sinag ng araw sa malawak na hardin ng Zaragoza Mansion, dahilan upang lalo pang mamukadkad ang mga bulaklak na masusing inaalagaan ng mga hardinero.Tahimik na naglalakad si Lorraine sa tabi ni Tyron. Ilang hakbang lamang ang pagitan nila. Katulad ng nakasanayan. Ganon naman talaga ang routine nila eh.Ngunit ngayon, pakiramdam niya ay napakalayo ng lalaking nasa tabi niya. Hindi dahil sa pisikal na distansya. Kundi dahil sa mga nalaman niya kagabi.Hindi niya maiwasang sulyapan ito. Gustong-gusto na niyang magtanong. Gusto na nga rin niyang manghingi ng karapatan.Pero hindi niya magawa.Gusto niya ring itanong dito na "what if gustong makipagbalikan ni Emelyn, papayag ka ba?" Pero hindi niya magawa.Gusto niya ring itanong dito na "kung magkabalik
Marahang gumalaw si Lorraine sa kaniyang higaan. Bahagya siyang napakunot-noo nang maramdaman ang paninigas ng kaniyang leeg. Unti-unti siyang dumilat. Saglit siyang napatitig sa kisame, tila sinusubukang alalahanin kung paano siya nakatulog. Maya-maya lamang ay bumalik sa kaniya ang alaala. Mabilis siyang napabangon. Dios mio! Nakatulog pala siya! Hindi man lang niya namalayan na nakatulog na pala siya. Napadako agad ang tingin niya sa bedside table. Naroon pa rin ang bukas na hardbound notebook. Katabi nito ang liham na hindi niya natapos basahin kagabi. Napakurap siya. Mukhang nakatulog ako... Hindi niya namalayang napasandal pala siya sa headboard habang nagbabasa hanggang sa tuluyan siyang dalawin ng antok. Napahawak siya sa noo bago marahang huminga. Saka lamang siya napatingin sa digital clock sa ibabaw ng mesa. 6:45 A.M. Nanlaki ang mga mata niya. "Ay!" Mabilis niyang inabot ang cellphone. Patay na ang alarm. Marahil ay napatay niya iyon nang hindi namamalayan habang
Hindi na maalis ni Lorraine ang tingin sa huling linyang nabasa."The day I left him... he begged me to stay."Unti-unti siyang napalunok. Sa lahat ng bagay na inaasahan niyang mababasa...Iyon ang pinakahuli. Hindi niya kailanman naisip na darating ang araw na maiisip niyang si Tyron Zaragoza...Ay maaaring nakiusap. Muli niyang ibinaba ang tingin sa liham. Marahan niyang ipinagpatuloy ang pagbabasa.~Hindi ko alam kung ikagugulat mo ito.Sa totoo lang... Ako rin ang matagal na hindi makapaniwala sa alaala na iyon. Dahil iyon lang ang nag-iisang beses na nakita kong ibinaba ni Tyron ang lahat ng ipinagmamalaki niya.Hindi siya naging CEO noon. Hindi siya naging Zaragoza. Hindi siya naging lalaking kinatatakutan ng lahat. Isa lang siyang taong natatakot mawalan ng taong mahal niya.~Napahigpit ang hawak ni Lorraine sa papel. Hindi niya maiwasang isipin ang kasalukuyang Tyron.Tahimik lang ito at madalang magsalita. Laging kontrolado ang emosyon. Halos imposibleng isipin na darating
Tahimik ang loob ng sasakyan habang tinatahak nila ang mga kalsada pauwi sa mansion.Sa labas ng tinted window ay sunod-sunod na dumaraan ang mga ilaw ng siyudad. Madilim na talaga sa labas at hindi rin alam ni Lorraine
Nagising si Lorraine dahil sa sikat ng araw na tumatama sa makapal na kurtina ng silid na parang dumadapo rin iyon diretso sa mukha niya. Ayaw pa niya sanang bumangon dahil hinihila siya ng kaniyang ulo na sobrang sakit ngayon at mabigat pa. Maliban pa don, sobrang bigat din ng katawan niya.Pero k
“You’re ready? I’m f*cking horny.”Nanlaki agad ang mga mata ni Lorraine. Na para bang sanay na sanay ang lalaking kaharap niya sa ganoong usapan. Para bang nag-aalok lang ng popcorn sa gilid. Kinagat na lang niya ang pang-ibabang labi niya, hindi niya kasi alam kung anong gagawin at isasagot sa l
Malalakas na patak ng ulan ang halos bumubulag kay Lorraine habang naglalakad siya sa gilid ng madilim na kalsada. Sinamahan pa ng malamig na hangin kaya wala siyang nagawa kundi yakapin na lang ang sarili at pasimpleng nagsisisi kung bakit pa niya tinuloy ngayon ang plano niya.Mahigpit niyang haw







