Hindi lubos akalain ni Isla na ang newly appointed boss sa kanilang kumpanya ay walang iba kundi ang ama ng kaniyang anak.
Kung alam niya lang na muli niyang nakakadaupang palad si Lucas Alejandro Montenegro rito ay hindi na sana siya nag-apply sa kumpanyang ito.
Ilang araw na ang lumipas nang kumalat sa kanilang departamento ang balitang papalitan na ang kanilang boss ng isang promising, young leader.
Ani pa sa chismis, ito raw ay anak ng presidente ng kumpanya, born with a silver spoon in his mouth.
At bawat detalye na nakasulat sa resume nito ay mga bagay na hanggang pangarap na lamang at hindi kayang abutin ng mga ordinaryong taong katulad nila.
Ang lalaking tinutukoy sa usap-usapa’y ngayo’y nakatayo sa loob ng conference room. Nakalagay sa bulsa ng kaniyang pantalon ang isa niyang kamay. Ang custom-made na suit nito ay sumisigaw ng karangyaan. Kay tangkad at tikas ng tindig nito. Ang dating kainosentehan sa kaniyang mukha ay naglaho na. Ngayon, nag-uumapaw na ang kapangyarihang sumisingaw sa katawan niya.
Hawak-hawak niya ang isang remote control habang nagsasalita tungkol sa impormasyong nakapaskil sa PowerPoint Presentation sa harap.
Ang kaniyang malalim na boses ay umalingawngaw sa kabuuan ng conference room.
Ang lahat ay pigil-pigil ang kanilang hininga. Takot silang magka-bad impression sa bago nilang boss.
Kasama na roon si Isla. Sa mga sandaling ito ay nais niya na lamang na magpalamon sa sahig.
Sa kasamaang palad, hindi iyon mangyayari. Wala siyang mapagtataguan sa kahit saanmang sulok ng silid.
Alam niyang pagmamay-ari ng mga Montenegro ang kumpanyang ito. Ngunit hindi niya naman inaakala na si Lucas mismo ang may hawak nito.
Ramdan ni Isla ang pagbaon ng mga kuko niya sa kaniyang mga palad. Pati na rin ang pamumuo ng pawis sa likuran niya kahit na may aircon naman sa silid.
Para siyang sinasakal.
Tatlong taon.
Tatlong taon na nang huli silang magkita. Tatlong taon na mula nang naghiwalay sila.
“Who’s in charge of this project?" Isang malalim at malamig na boses ang pumailanlang mula sa harapan. Pinaglandas ng lalaki ang kaniyang paningin sa lahat ng taong nasa silid. Ngunit ilang sandali na ang nakalipas ay tahimik pa rin ang lahat. Walang nagtangkang magsalita.
Kumunot ang noo ni Lucas. Tumaas ang boses nito. “Don’t tell me you’ve already forgotten the project you were in charge of?"
Dali-daling tumayo ang isa sa kasamahan ni Isla. Halata ang panginginig nito sa takot. “I-I’m the one handling this project, Mr. Montenegro."
Hindi alam ni Isla kung hallucination niya lang ba o hindi pero nang mag-angat siya ng tingin, tila ay nagsalubong sila ng tingin ni Lucas.
Ilang sandaling natigilan si Isla. Para bang nakalimutan niyang huminga.
Agad na nag-iwas ng tingin si Lucas. "This content needs improvement. How dare you submit it like this?” iritado niyang tanong.
Tila nakahinga nang maluwag si Isla.
Nagkamali lang siguro siya. Siguro ay hindi siya nakita ng lalaki.
Ang Isla Madrigal noon ay ibang-iba ba sa Isla Madrigal ngayon.
Binaba niya ang kaniyang tingin para maitago kahit papaano ang kaniyang presensya.
Nanatili ang kaniyang tingin sa sahig nang bigla ay makakita siya ng isang pares ng kumikintab na sapatos papalapit sa kaniya.
Pakiramdam niya ay inihagis siya sa karagatan. Para siyang nilulunod. Namanhid nang bahagya ang buo niyang katawan.
Ngayon ay nakatayo na sa kaniyang tabi si Lucas.
Bigla ay nagsalita ang isa pa nilang kasamahan. “Actually, Mr. Montenegro, this has already been approved by the cli, ”
Hindi na natapos ng lalaki ang sasabihin nang biglang ihagis ni Lucas ang hawak na remote control sa mesa. Nag-angat ito ng tingin. Kay lamig ng tingin nito sa katabi ni Isla saka mariing nagsalita. "An immature plan is immature. Is using the client as your scapegoat your standard here? Or do you think this is just some kind of child’s play?"
Punong-puno ang mga mata nito ng panghuhusga. Ngunit hindi ito sa katabi ni Isla nakatingin. Kundi sa kaniya mismo.
Ang lahat ay napatungo na lamang. Takot silang saluhin ang galit ng kanilang boss.
Humugot ng malalim na hininga si Isla para kalmahin ang sarili.
Muling nagsalita si Lucas. “Go ahead and refine it before submitting."
"Yes, Mr. Montenegro.”
Napabuga ng hangin ang lahat. Muli na naman lumanding ang mga mata ni Lucas kay Isla.
Napakaganda pa rin ng mukha niya. Ngunit halata ang pamamamayat ng babae.
She looked professional with her outfit and appearance. Pero hindi maikakailan ang dark circles at pagod na bakas sa mukha niya.
Pilit na iniwasan ni Isla ang tingin ng lalaki.
Malamig na napangisi si Lucas. "If you ever bring in proposals like this again, you’ll face the consequences, ” banta niya as he tapped on Isla’s desk erratically.
Alam ni Isla na bad mood ito ngayon.
Ni hindi niya nga mapangalanan ang emosyon sa mga mata nito. Isang sulyap pa lamang ay nagpapawis na ang mga palad niya.
Buti na lang, hindi na ito muli pang nagsalita. Sa halip ay inalis niya ang tingin sa kaniya at nagtanong tungkol sa progress ng iba pang proyekto.
Bahagyang kumalma ang kanina’y nanginginig na tuhod ni Isla.
Nang matapos ang meeting, kaagad na bumalik si Isla sa kaniyang workstation kasama ang iba pa niyang kasamahan. Nang makainom siya ng isang basong tubig saka lang siya tuluyang kumalma.
Pati ang proyekto ng grupo nila Isla ay hindi pinalampas ni Lucas.
Ngayon, halos lahat sa kanilang departamento ay kailangang mag-overtime.
Napaungol ang isa sa kasamahan niya. “Ugh! Ngayong may bago tayong boss, panibagong linis na naman ang magaganap. Tapos tayo pa ginawang example! Isla, alam mo ba kung bakit nakatayo pa rin si Mr. Montenegro sa gilid natin kanina? Para na kong mamamatay sa kaba!"
Natigilan si Isla sa bulong ng kasama.
Tumayo si Lucas sa tabi nila kanina siguro para marinig ang mga sagot nila. Pero nang ibang grupo naman ang sumagot, hindi pa rin siya umalis sa tabi nila.
Nanatili lang itong nakatayo sa tabi ni Isla.
Hindi na nagtangkang mag-angat ng tingin si Isla at dali-daling umalis sa conference room nang matapo ang meeting. Ni hindi nga siya lumingon pa.
Pero base sa pinakita ni Lucas kanina, sa tingin niya ay nakalimutan na nito ang nakakatawa at maikli nilang nakaraan.
Dahil kung hindi, bakit siya mananatiling nakatayo sa gilid niya?
Ang mga taong wala nang pakialam lang ang kayang umasta nang ganoon.
Tandang-tanda niya pa dati. Isa si Lucas sa tinuturing nilang heartthrob sa Economics department sa Stan University. A campus heartthrob for four consecutive years.
At ang love story nila ni Isla, ang pinakamatandang anak na babae ng nga Madrigal, ang gumulantang sa lahat.
Nang mga panahong ‘yon, sinasabi ng lahat na binabayaran lang ni Isla si Lucas para mag-stay sa kaniya.
Kung ibang tao nga siya noong mga panahong iyon ay maniniwala rin siya sa tsismis na ‘yon. Noon kasi, mukha talagang mahirap na estudyante si Lucas. Ngunit hindi ito kailanman tumanggap ng pera mula sa kaniya.
Kaya naman noong birthday ni Lucas, palihim niyang kinuha ang cellphone nito at binuksan ang shopping app nito. Gusto niya kasing tingnan kung anong mga mamahaling bagay ang in-add to cart ng lalaki. ‘Yon kasi ang balak niyang iregalo sa minamahal.
Ngunit natigilan siya nang makita ang private chats ni Lucas sa ibang tao.
‘Kuya Lucas’ pa nga ang tawag ng ka-chat nito sa kaniya.
Ang sabi nito kay Lucas ay parang hindi naman siya ‘yong tipo ng lalaki na magkakagusto kay Isla.
Pakiramdam ni Isla ay binuhusan siya ng napakalamig na tubig nang mabasa niya ang mga mensaheng iyon.
Ngunit binalewala niya lang dahil hindi naman sumagot si Lucas. Kaya pinagpatulot niya pa rin ang pagbili ng regalo para rito.
Nang matanggap ni Lucas ang regalo ay hindi man lang ito nagpakita ng pagkagulat o pagkadismaya. Pasimple lang itong nagpasalamat sa kaniya.
Matapos niyang pumunta sa restroom, binayaran na ni Isla ang mga kinain nila.
Nang pabalik na sana siya sa table nila, natigilan siya nang makitang may kausap na dalawang babae si Lucas.
“Kung hindi lang talaga napakakapal ng mukha ni Isla, halos magmakaawa na siya para lang hindi siya iwan ni Lucas. Ewan ko nga kung bakit pumatol ka sa ganoon kababang uri ng babae.”
"Oo nga. Akala mo kung sino siya porke may kakapiranggot na kayamanan."
At dinig na dinig ni Isla ang naging sagot ni Lucas sa dalawa. “Actually, hindi naman ako seryoso kay Isla."
Pumailanlang ang tawa sa loob ng silid.
“Alam ko naman hindi talaga papatol si Lucas sa mga katulad niyang bagong-yaman lang!"
Hinding-hindi makakalimutan ni Isla kung anong naramdamamb niya nang mga oras na iyon. Parang piniga ang puso niya sa narinig na halos hindi na siya nakahinga. Nanigas din ang kaniyang mga paa na para bang kinuryente.
Nang mga panahong ‘yon, saktong may nangyari sa bahay nila dahilan para ipadala siya ng kaniyang ama abroad.
Nawala siya ng tatlong taon.
At ngayong nagbalik na siya malipas ang tatlong taon, sinong mag-aakala na ang magiging bagong boss niya ay si Lucas?
Hindi lubos akalain ni Isla na ang dating Lucas Alejandro Montenegro na kilala niyang nakakaraos lang sa pagpa-part-time job at scholarship ay ang nag-iisang anak ng may-ari ng Montenegro Group.
Ngunit sa nakikita niya sa asta ng lalaki ngayon, siguro ay gusto na lang nitong magpanggap na estranghero siya rito.
Mas mabuti iyon.
Sa loob ng opisina ng CEO…
Nakaupo si Lucas sa malambot na leather sofa. Abala siya sa pag-click ng mouse habang tinitingnan ang impormasyon tungkol sa kaniyang mga empleyado.
Isa na roon si Isla.
Kakarating niya lang sa kumpanya isang taon na ang nakalipas. At base sa impressive resume at outstanding work skills, hindi lang siya naging full-time employee sa loob ng isang taon, nagawa niya ring maging project leader.
Nagdilim ang mukha ni Lucas habang patuloy na kinakatok ang mesa gamit ang kaniyang kamao.
Ang kaniyang sekretarya na si Dustin Reyes ay nakatayo sa tabi niya. Inoobserbahan nito ang ekspresyon ng kaniyang boss. “Ano pong ipag-uutos niyo, Mr. Montenegro?"
Humigop muna ng kape si Lucas bago mahinahong nagsalita, "Bago pa lang ako rito kaya hindi pa ako pamilyar sa mga proyekto. Ipakilala mo sa ‘kin ang team leaders ng bawat project.”
Agad na tumango si Dustin at saka isa-isang ipinakilala ang mga team leaders.
Sa wakas ay nabanggit nito si Isla.
"Baguhan pa lang si Ms. Madrigal. Isang taon pa lang siya rito sa kumpanya. Dati na siyang nagtrabaho abroad and she was able to achieve excellent results.”
Excellent results?
Isang malamig na ngiti ang namuo sa labi ni Lucas.
Ang panganay na anak na babae ng mga Madrigal ay talagang pumayag na magtrabaho?
Mahirap paniwalaan na itong so-called achievements ng babae ay hindi nakuha gamit ang pera ng kaniyang pamilya.
Hindi na siya magtataka dahil sanay naman itong gumastos ng pera para mamahiya ng tao.
At sanay rin siyang umalis nang walang paalam kapag nagkakainitan na.
Nang makita ni Dustin ang katahimikan ng boss ay muli siyang nagsalita. "Hawak ni Ms. Madrigal ang proyektong ito. Mataas ang expectations ng board of directors dito."
Bahagyang napabuntong hininga si Dustin.
Minsan nang nagtrabaho sa ilalim ni Dustin si Isla. Siya ang nagturo rito ng mga kailangan niyang alamin tungkol sa kumpanya.
At hanga siya sa mga taong katulad ni Isla, quiet, unassuming, methodical, at capable.
Kaya naman hindi niya maiwasang dagdagan ang sinabi.
“If she doesn't do well, Mr. Montenegro, feel free to sxold her. Just give her a chance."
Napataas ng tingin si Lucas sa narinig. Bahagya ring tumaas ang kilay niya.
Isang taon pa lang siya rito ngunit mayroon nang taong nagsasalita para sa kaniya?
Mukha wala pa rin itong pagbabago. Magaling pa rin itong magmanipula ng mga tao.
Hindi nahalata ni Dustin ang pagbabago ng ekspresyon ni Lucas.
Muli itong humugot ng malalim na hininga bago muling nagsalita. “Hindi maganda ang estado ng pamilya ni Ms. Madrigal ngayon. Namatay ang kaniyang ama tapos ‘yong nanay niya naman, may malubhang sakit. May anak din siyang babae na may karamdaman din. And to make things worse, ‘yong asawa niya, ”
"Dustin, am I paying you so you can gossip?” marahas na putol ni Lucas kay Dustin. Ang sama ng tingin na ipinukol niya sa sekretarya.
Agad na kinilabutan si Dustin at saka paulit-ulit na humingi ng tawag. Nang makita niyang walang pakialam si Lucas, tumungo siya at saka lumabas ng opisina.
Hindi niya pa gamay ang mood ng bago niyang boss. Mukhang kailangan niyang maging maingat sa susunod.
Muling natahimik sa loob ng silid.
Pinunasan ni Lucas ang natapon na kape saka muling nag-scroll sa screen.
Binuksan niya ang employee profile ni Isla.
Iyong ID picture niya roon ay noong college pa sila. Noong nagpumilit ito na magpa-ID picture silang dalawa.
Nag-scroll siya papunta sa section ng marital status.
Married.