Share

KABANATA 37

Kagat ko ang labing nakatitig sa mga papeles na basa sa kape. Hindi ko alam kung paano magsasalita gayong ramdam ko ang paniningkit ng mga mata ni Delton sa akin.

"What now, Savvy?" inip niyang tanong.

Kanina pa niya ako tinatanong kung paano iyon aayusin ngunit hindi ko naman din alam kung paano!

Bagsak ang balikat na napanguso ako bago ilang beses na kumurap-kurap sa harap niya.

"Kiss, Attorney?" mahina kong alok, nagbabakasakaling matunaw ang galit niya.

Imbis na matuwa ay kumunot ang noo nito at salubong na ang mga kilay. Ngayon ko ramdam ang maaaring nararamdaman niya kapag ako naman ang masungit sa kanya. Gusto ko mang magtaray ay hindi ko magawa. Alam kong kasalanan ko kung kaya't hindi ako makapalag.

"Does your kiss make this document dry clearly, Savvy?" he coldly said as he tried to cage me between the table and his body.

"Huh? Hindi pero baka mawawala ang galit mo?" hindi siguradong tanong ko.

Ang mga mata niya ay na

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status