Share

KABANATA 57.2

Nanlumo ako sa reaksyon nito at binalak na muli itong talikuran ngunit baywang ko na ang pinigilan niya.

"Miss Ashley, where did you get those papers?" seryosong tanong nito sa sekretarya niya.

"S-ir—"

"I've never made those. Ni kailan ay hindi ko iisiping makipaghiwalay sa asawa ko."

Napairap ako. Hindi ko kasi sigurado kung nagsasabi siya ng totoo o pinagtatakpan niya lang ang sarili niya.

"Pero hindi po ba at matagal na kayong nagkahiwalay? Isa pa, kita ko naman na gusto na ninyong humiwalay—"

"Enough, Ashley!" dumagundong ang boses nito at alam kong natigilan na naman ang iilang empleyado niya.

"But, Sir—"

"Ashley, didn't I tell you that you are just like a sister to me? I have given you care and I guess that is enough," walang emosyong putol ni Delton sa sasabihin pa ni Ashley.

Nangunot ang noo ko habang si Ashley ay awang ang mga labi. Ang kaninang panlulumo ko ay unti-unting napalitan ng init.

Huminga nang malalim si Delton at mas hinapit ako. Ramdam ko ang paghigpit ng hawak n
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status