Kabanata 3: Muling Pagkikita
Pinitik ni Caleb ang noo ni Levi at tiningnan ito na para bang nawalan na siya ng pag-asa rito.
“Lagi namang sinasabi ni Mommy na magbasa ka nang magbasa at bawasan ang paglalaro sa computer, pero palihim ka na namang naglaro, ‘di ba? Isa lang sa pitong salita ang hindi mo naisulat ng maayos tapos dalawa pa ro’n mali ang baybay.” “Kuya naman, huwag mo nang intindihin ang mga detalye,” sagot ni Levi habang nakangiti. Pagkatapos niyang magsulat, iginuhit pa niya ang isang pigurang baboy na sobrang abstract ang hitsura. “Hmmph. Tatay na aso,” irap ni Caleb sa kanya.Gusto talaga nilang ipakita sa lahat na isa siyang malaking salbahe.
Kahit hindi pa nila ito nakikita sa loob ng maraming taon, kilala pa rin nila ang pangalan niya. Minsan pa nga, napapanood nila ito sa TV namasaya madalas ay nakikisaya kasama ang ibang babae sa kung anu-anong event.Kaya nang una nilang makita si Argus dito, agad nila siyang nakilala walang kahit kaunting duda.
Hindi talaga binabanggit ng Mommy nila si Argus sa kanila. Karamihan ng nalalaman nila tungkol sa kanilang ama ay galing kay Tita Celine na matagal nang matalik na kaibigan ni Amara.Kaya alam nilang lahat kung bakit sila dinala ng Mommy nila sa lugar na iyon at namuhay nang mag-isa ay dahil sa masamang Daddy na nanakit sa damdamin ng kanilang Mommy. Hindi siya karapat-dapat kay Mommy, at lalong hindi siya karapat-dapat maging Daddy nila.
“Caleb, Levi, anong ginagawa n’yo?” takbong lapit ni Elara.
“Shhh!” Agad na tinakpan ni Levi ang bibig ni Elara. “Elara, hinaan mo boses mo, baka may makarinig sa’yo at magkaroon pa ng gulo.”Agad namang tinakpan ni Elara ang sarili niyang bibig at tumango, na para bang nangangakong hindi siya magsasalita. Tiningnan niya ‘yung mga salitang isinulat sa kotse gamit ang colored brush. “Kuya Levi… mali yata ‘yung mga sulat mo.”Kamot-ulo si Levi. “…Huwag mo na lang pansinin ‘yung mga detalye.”Hinawakan ni Caleb ang kamay ni Elara at tinanong ito, “Elara, hindi pa ba tapos si Mommy sa trabaho?”
“Tinawag siya ng manager sa opisina e.”Sa opisina ng manager.
Pagkapasok ni Amara sa loob ay agad siyang tinapunan ng tingin ng manager, itinuro siya at nagmamadaling tinawag.“Reina, dali! Heto nga pala si Mrs. De Luca. Mrs. De Luca, siya po ang auctioneer na si Reina na hinahanap n’yo.”
Mrs. De Luca?
Itinaas ni Amara ang paningin at tumingin sa direksyong tinuro. Napakunot ang noo niya.
Siya? Si Ysabel Bonifacio?! Ang babaeng minsang minahal nang labis ni Argus.Mrs. De Luca? Oo nga pala. Minahal nga siya ni Argus noon. Tapos, iniwan niya ito. Kaya naman gano’n na lang ang pagmamadali ni Argus na pakasalan si Ysabel noon.
Hindi talaga inakala ni Amara na makikita pa niya ito… at dito pa mismo sa Pilipinas. Mas pinili niyang manatili sa Pilipinas upang magtago kay Argus, pero heto at magkakaharap na naman sila.Biglang may bumara sa lalamunan niya, at naramdaman niyang biglang tumigas ang ekspresyon ng mukha niya.
Si Ysabel, gaya ng dati, ay naka-ayos nang bongga. Maingat nitong ibinaba ang hawak na kape at tiningnan si Amara mula ulo hanggang paa. Nakasuot pa si Amara ng belo, at para bang isa lang siyang alikabok sa paligid kung matahin ni Ysabel. Kita sa mga mata nito ang pangmamaliit.
“Chief Auctioneer?” taas kilay nitong tanong. “Marunong ka ba talaga mag-appraise ng antiques?”Naalala pa ni Ysabel kung paanong sumikat si Reina noon. Isang iglap lang, laman ito ng social media na parang milagro raw ang talento niya. Akala ng lahat eksperto siya, pero ngayon, ni hindi nga siya makapakita ng tunay niyang mukha. Hindi talaga maintindihan ni Ysabel kung bakit ipinipilit pa rin ni Mr. Argus na makipagkita rito.
Napasinghap si Ysabel at malamig na nagsalita, “Ikaw si Reina, ‘di ba? Narinig kong hindi ka lang auctioneer, kundi antique appraiser din. Gusto ka sana naming kunin para sa ilang araw. Sumama ka sa lugar namin at suriin mo ‘yung mga antiques sa De Luca family. Sabihin mo lang kung magkano ang presyong gusto mo, ibibgay ko.”
Halatang kumpiyansa si Ysabel sa sarili na sapat na ang salitang binitawan para pumayag siya.
“Sabihin mo ang presyong gusto mo,” ulit ni Ysabel.
Siguro iniisip nitong lahat ng tao kapag narinig ang apelyidong De Luca ay agad na yuyuko at susunod sa kanila.Dahan-dahan siyang sumimsim ng kape, tila hinihintay na lumapit sa kanya si Amara at purihin siya.Isang malamig na kilabot ang dumaan sa dibdib ni Amara. Oo, kaya niyang mag-appraise ng antiques. Pero kahit anong pilit nila, hindi nila siya mapapapayag. Umalis siya noon dahil ayaw na niyang makita silang muli, kaya paanong papayag siyang bumalik sa mansyon kasama si Ysabel?“Pasensya na,” mariin niyang sabi. “Isa akong propesyonal na auctioneer. Kung appraisal ng antiques ang kailangan n’yo, marami namang ibang puwedeng lapitan. Hindi ako ang taong kailangan n’yo. Manager, may kailangan pa akong asikasuhin, mauna na po ako.”
Pagkasabi niya no’n, agad siyang tumalikod at paalis na sana. Pero natigilan si Ysabel at halatang hindi nito inaasahan na tatanggihan siya.
“Sandali lang! Kilala mo ba kung sino ako? Mag-isip ka muna bago ka sumagot,” may banta sa tono ng boses nito.
Tiningnan siya ni Amara nang diretso at bahagyang tumaas ang kilay. “Alam ko. Kaya nga tumanggi ako.”
Tumayo si Ysabel bigla at hinawakan ang braso ni Amara. “Ano’ng klaseng asal ‘yan? Babayaran ka naman, bakit ayaw mo pa?”
Alam ni Amara na ginagawa ito ni Ysabel para makuha ang loob ni Argus siguradong gusto nitong patunayan na may silbi siya sa kanya.Napakunot ang noo ni Amara at ibinaba ang tingin sa kamay ni Ysabel na nakahawak sa kanya. Sa sandaling iyon, napalalim ang hinga niya. May suot si Ysabel na berdeng jade bracelet sa pulso at ang kulay nito ay pantay, makintab, at malinaw. Isa ito sa pinakamagagandang uri ng jade na mahigit 100 milyong piso ang halaga. Sa isang iglap, nakilala niya ito.
Ito ay pamana ng pamilya nila.
Galing ito sa ina ni Amara. Binigay ito sa kanya noon, at sinabi nito na ingatan niya, dahil baka sa hinaharap ay magamit niya ito sa isang mahalagang bagay. Pero dahil sa pagmamadali niyang umalis noon, naiwan ito sa bahay ng mga De Luca. At ngayon, nasa kamay na ito ni Ysabel.
Ibinigay ba ito ni Argus sa kanya? Kung gusto nitong regaluhan si Ysabel, bakit kailangang gamit pa ni Amara ang ibigay niya?
Hinawakan niya ang kamay ni Ysabel pabalik. “Ang bracelet na suot mo… sa’yo ba talaga ‘yan?”
Tumaas ang kilay ni Ysabel, halatang inis. “Siyempre akin ‘to. Regalo ‘to ng asawa ko. Kung hindi akin ‘to, paano ko naman ito masusuot ‘di ba?”So totoo nga na si Argus ang nagbigay. Ramdam ni Amara ang kirot sa dibdib. Alam nitong kanya ‘yon pero binigay pa rin niya kay Ysabel?
Anong klaseng lalaki ang nagbibigay ng pamana ng dating asawa sa bago niyang asawa?
Nakakadiri.
“Umalis na tayo.”
Sa gitna ng pagkagulat ni Amara, isang malamig at matigas na boses ang pumunit sa hangin. Napatingala siya.
Nando’n siya. Ang taong pilit niyang tinataguan.
Hindi niya alam kung kailan pa siya dumating, pero nang magtama ang mga mata nila, para siyang naipit sa dilim ng kanyang mga mata.
Matangkad ang lalaki, matikas ang tindig, at ang mga mata’t kilay nito ay buo, matalim, at puno ng awtoridad. Kahit tahimik siyang nakatayo roon, ramdam ni Amara ang bigat ng presensya nito na isang uri ng kapangyarihang pinanday ng maraming taon.
Napakuyom ang mga kamay ni Amara.
Si Argus.
Siya nga.Hindi nagkamali si Elara… tama ang sinabi nitong si Argus nga ang nakita nila.
Dapat inisip na niya ‘yon. Sa lalim ng pagmamahalan ng dalawa, kung narito si Ysabel, siguradong narito rin si Argus.Sa loob ng limang taon na pagkawala ni Amara ni minsan ay hindi niya inakalang muling makikita pa niya si Argus.
At ayaw din naman talaga niyang makita ito dahil sa takot na malaman nito ang sekreto niya. Na hindi totoong nagpalaglag siya at buhay ang anak nilang dalawa. Kung malaman iyon ni Argus… tiyak na kukunin nito ang mga triplets sa kanya.
At ang isang pamilyang gaya ng sa De Luca ay hinding-hindi papayag na lumaki ang dugo nila na malayo sa kanila.
Ang tatlong batang iyon… sila na ang buong buhay ni Amara. Hindi niya hahayaang magkahiwalay pa sila.
Ito rin ang dahilan kung bakit palagi siyang nagtatago sa likod ng belo. At kung bakit naging sobrang maingat siya sa loob ng maraming taon.
Napakuyom siya ng palad. Ramdam niya ang titig ni Argus sa kanya na parang gusto nitong silipin ang kabuuan ng kanyang mukha sa kabila ng manipis na belo. Lalong bumilis ang tibok ng puso niya.
Biglang inalis ni Ysabel ang pagkakahawak ni Amara sa kanya, at agad nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito. Mula sa pagiging arogante, bigla itong naging maamo at parang api.
“Argus,” ani Ysabel na parang inosente, “sinabi ko na kay Miss Reina ang gusto mong iparating, pero tumanggi siyang tumulong sa atin. Parang… hinahamak niya tayo.”
Hinahamak daw ang pamilya De Luca. Gusto niyang humalakhak sa galing nitong umarte.
Hayan na naman si Ysabel na palaging nagpapanggap.
Tumango lang si Argus nang bahagya at itinaas pa ang ulo na akala mo kung sino.
Habang tumatahimik ang paligid, lalo namang naramdaman ni Amara ang matinding presensya ni Argus.
Nakatingin pa rin ito sa kanya at hindi inaalis na tingin.Hanggang sa sa wakas, narinig niya ang malamig at matigas nitong tinig,
“Sabihin mo kung magkano ang gusto mo.”
Chapter 106Pagdating nila sa pintuan ng bahay ni Amara ay naroon na rin ang locksmith. Bahagyang ngumisi si Ysabel, puno ng kasiyahan at tusong tagumpay ang kanyang mga mata.Ngayon… mahuhuli ka na namin, Amara. Ikaw at ang bata mo, wala na kayong ligtas.Mabilis at sanay ang kilos ng locksmith. Ilang sandali lang, bumigay ang kandado ng bahay at bumukas ang pinto.Sa loob ay may palabas na cartoon na umaalingawngaw mula sa telebisyon. Walang nakakaalam tao sa loob na may nangyayari sa labas ng pintuan.Hindi na nakapaghintay si Doña Luciana. Sa sobrang pananabik na makita ang kanyang apo ay diretsong pumasok ito sa loob, nakalimutan ang pagiging elegante at disente bilang isang ginang.Ang biglaang pagsalakay nila ay ikinagulat ng lahat ng naroon sa bahay.Napatigil si Doña Luciana nang makita ang isang batang nakatingin sa kanya mula sa sofa. Napuno ng luha ang kanyang mga mata sa isang iglap. Lumuhod siya at walang alinlangang niyakap ang bata.“Apo ko!” bulalas niya, nanginginig
Chapter 106Nagulat si Doña Luciana at si Ysabel. Hindi nila akalain na sasabihin iyon ni Argus sa mga sandaling iyon. Pinoprotektahan ba niya si Amara?Kagat-kagat ni Ysabel ang kanyang labi at pinahina ang tinig, “Hindi, Argus. Wala kang kasalanan. Kasalanan ko lahat ng ito. Kung naging mas maingat lang ako noong mga araw na iyon, limang taon na ang nakalipas, hindi sana kita ginulo.”Habang nagsasalita ay iniunat ni Ysabel ang kanyang mga kamay, niyakap si Argus at mahinang umiyak sa kanyang dibdib, tila ba lubos na nagsisisi. “Argus… kahit ilang beses kong sabihin, hindi ko na mababawi ang nakaraan. Pero sana, sana magtiwala ka na gusto ko lang ng kapatawaran,” dagdag pa nito, habang ang kanyang mga balikat ay nanginginig sa pekeng paghikbi.Ibinaling ni Argus ang kanyang mga mata pababa at iniangat ang kamay upang itulak palayo si Ysabel mula sa kanyang mga bisig. Matalim ang tingin niya, malamig, at walang bakas ng pag-aalaga. “Ysabel, huwag mo na akong saktan pa. Tigilan mo
Chapter 105“Amara, kailan ka naging ganito?” Unti-unting dumilim ang malamig nang ekspresyon ni Argus. Si Carmela na nasa likuran ay tinakpan ang kanyang mukha at sumilip sa pagitan ng kanyang mga daliri. Talagang napakataray ng dating ng asawa ng boss niya. Wala pang naglakas-loob na magsalita kay Argus nang ganoon. Siya lamang ang naglakas-loob at hindi pa umatras.Si Amara ngayon ay parang paputok na sumasabog sa kaunting galaw at hindi na maayos kausap. Pinakinggan ni Amara ang mga salita ni Argus at pinagdikit ang labi.“Argus, ganito na talaga ako noon pa. Nagtiis lang ako sayo dati, kaya akala niyo lahat na wala akong ugali na kayang lumaban at puwede akong apihin.”Suminghot si Ysabel, at bumuhos ang kanyang mga luha na parang mga perlas na naputol ang sinulid.“Amara, tama na. Kasalanan ko lahat ito. Saktan mo na lang ako o pagalitan, pero pakiusap, huwag mong ibunton ang galit mo kay Argus dahil sa akin. Kasalanan ko rin noon. Kung hindi sana ako sinasamahan ni Argus pala
Chapter 104Hindi na bumalik si Amara sa loob ng restaurant. Dahil nag-text agad si Celine na naiuwi na niya ang tatlong bata, mas pinili niyang umiwas sa gulo.Pagkalabas niya ng restaurant at nakalakad ng dalawang hakbang, biglang may sasakyan na mabilis na sumulpot na parang tatama sa kanya.Mabilis ang reflex ni Amara kaya agad siyang umatras ng dalawang hakbang, pero kahit ganoon, sumabit pa rin ang sulok ng kanyang damit sa gilid ng kotse.Namutla ang kanyang mukha sa takot, ramdam niya pa rin ang bilis ng pagdaan ng hangin sa kanyang katawan. Nang itaas niya ang tingin, nakita niya ang dalawang babaeng bumaba sa kotse.Ysabel.Tinanggal nito ang suot na sunglasses, at tumayo sa tabi ng sasakyan na may nakataas ang baba, bitbit ang nakakaasar na mapagmalaking ngiti.Kung ibang tao iyon, baka maisip pa ni Amara na aksidente lang iyon o marunong lang talagang masama magmaneho. Pero nang makita niya si Ysabel, sigurado na siya. Sadyang ginawa ito dahil may lihim na galit sa kaniya.
Chapter 103“Kung ayaw mong mag-divorce, that’s your choice.” Itinaas ni Amara ang kanyang ulo at tinitigan si Argus nang diretso. “Pero ako… gusto ko. Argus, please respect my choice and just sign it already.”Pagkasabi niya nito ay tumayo siya at tumalikod saka umalis nang walang alinlangan.At doon, parang may nabasag sa loob ni Argus. May butas na biglang bumuka sa dibdib niya—isang kalungkutan na kumakain sa kanya, walang awa, para bang may bagay na hindi na talaga maibabalik. Ibinaba niya ang tingin, nakatutok sa divorce agreement na nakapatong lang sa mesa. Hindi niya kayang buksan. Hindi niya kailangan. Alam na niya kung ano ang nakasulat doon.Tatlong taon silang mag-asawa. Hindi mahaba, hindi rin maikli. Pero… ano bang ginawa niya sa loob ng mga taong iyon?Kung magiging tapat siya, wala naman siyang ginawang lantaran para ipahiya si Amara. Pero hindi rin siya naging mabuti sa kanya. Hindi sapat. Hindi niya minahal nang sapat ang babaeng pinakasalan niya. Hindi niya tinupad
Chapter 102“Elara…” mahinang tawag ng bata habang nakasilip sa gilid ng mesa, “Kuya, dali na… lumabas na kayo. Wala na si bad daddy.”Unti-unting gumapang palabas sina Levi at Caleb mula sa ilalim ng mesa. Pareho silang puno ng alikabok, gusot ang buhok, at nakasimangot na parang mga basang sisiw.“Aray…” reklamo ni Caleb habang pinapagpag ang pantalon niya. “Ang sikip doon sa ilalim, parang sardinas!”“Oo nga!” dagdag ni Levi, nakausli pa ang pisngi na parang pufferfish. “Tapos ang bango-bango pa ng pagkain sa mesa, gutom na gutom na ako! Hmph, kasalanan ng bad daddy na ‘yon. Akala ko hindi siya pupunta?”“Shhh…” bulong ni Elara, nagmamadali siyang kunin ang sariling mangkok sa ibabaw ng mesa. “Kuya Levi, Kuya Caleb… ito oh.”Buong lakas niyang iniabot ang mangkok sa mga kapatid. Sa ibabaw nito, nakaumbok ang dalawang malalaking chicken leg.“Kuya, kain na kayo. Ang bango-bango, baka lamigin na,” sabi ni Elara, sabay tulak ng mangkok papunta sa mga kamay ng magkapatid. “Kanina pa ak