เข้าสู่ระบบMateo“Cheska,” tawag ko, pero dumiretso lang siya, nakayuko, abala sa cellphone niya.“Cheska,” ulit ko, mas malakas na ngayon. Doon lang siya tumigil at lumingon sa’kin.“Oh, good morning, Mr. Serrano,” bati niya, puno ng sigla. Tinanggal niya ang isang earbud, sabay ngiti. ’Yung tipong masyadong maaliwalas para sa ganitong oras ng umaga.“Morning. Aga mo ngayon,” sambit ko habang pilit ikinakalma ang sarili ko. Kahit may bahid ng inis sa loob, pinilit kong magmukhang composed.“Naalala ko kasi ‘yung sinabi n’yo last Friday. Sabi ko, siguro nga dapat magbago na ‘ko,” tugon niya, may kumpiyansa sa boses. Tumuwid pa siya ng tayo, parang proud na proud sa sarili.She’s cute.“Good,” maikli kong sagot, sabay tango. Hindi ko mapigilang mapangiti nang bahagya.Maglalakad na sana siya paakyat ng hagdan, pero muli ko siyang tinawag.“Uhm... how are you?” tanong ko, habang idinantay ang kamay sa railing, bahagyang humarang sa daraanan niya.“Okay naman po, especially for a Tuesday,” sagot ni
Cheska“Guys, luto na! Tara, kain na!” sigaw ko habang inaayos ang mga plato at kubyertos sa mesa. Napangiti ako, proud na proud sa sarili ko sa kinalabasan ng niluto ko. Ang bango ng sinigang, grabe.“Coming!” sigaw ni Kai mula sa kung saan sa bahay, halatang excited.Kinuha ko ang sandok at dahan-dahan kong isinilid sa bawat mangkok ang mainit na sabaw. Sumama agad ‘yung amoy ng sampalok at sili sa hangin… ‘yung tipong kumakapit sa ilong mo at nagpapagutom nang todo. Nilagay ko ‘yung mga piraso ng baboy, tapos sinabayan ng kangkong at sitaw. Ang sarap tingnan, lalo na’t umuusok pa.“Ano’ng niluto mo?” sigaw naman ni Caleb mula sa sala, curious ang tono.“Sinigang na baboy!” sagot ko pabalik, may halong yabang sa boses. Ilang segundo lang, narinig ko na ‘yung mga yabag nila papunta sa kusina, parang mga batang gutom na gutom.Wala pang limang segundo, ayun na sila, nakaupo sa mesa, mga nakangisi, at halatang ready na sumugod sa pagkain.“The best talaga ang luto mo,” sabi ni Kai, sab
CheskaPapalabas pa lang ako ng kwarto ay sumalubong na agad sa akin ang mabangong amoy ng tuyo, mukhang masarap ang agahan namin ngayong araw kaya dali-dali akong tumakbo papasok ng kusina. Nadatnan kong nagluluto si Calix at Kai, habang si papa naman ay naka-upo na sa hapag."Good morning, anak. Dadating nga pala mamaya ang tutor mo, si Mr. Velasco. Siguraduhin mong makikinig ka ng maayos sa mga ituturo n’ya sayo," sabi niya na may seryosong mukha. Tumango lang ako."Opo, Papa," sabi ko, sabay ngiti at upo sa mesa.“He’s a good guy,” sabi niya, may bahagyang ngiti. “At oo nga pala, nakakagulat ‘yung tungkol kay Damian, ha? Professor na siya sa San Elíseo? Alam mo ba anak matagal ko na yang kilala si Damian at hindi ko naman din inaakalang stepdad pala s’ya ni Kier.”“Last time ko lang din s’ya nakilala in person nung bumisita ako sa bahay nila Kier,” sagot ko habang naglalagay ng sinangag na kanin sa plato ko. “Paano po pala kayo nagkakilala?”Binuklat ni Papa ‘yung diyaryo niya. “N
AxelMarahan akong nag lakad papasok sa loob ng bahay ni Damian, maingat na huwag masagi ang kahit ano.Si Damian kasi, sobrang metikuloso sa gamit niya. Kahit konting kalat lang, siguradong mapapansin niya.Pagpasok ko sa kusina, andoon si Oliver, may hawak na beer. “Grabe, bro, this has been a rough week,” sabi niya sabay abot sa akin ng bote, may pilit na ngiti sa labi. “Sobrang gulo sa San Elíseo. Hindi nakapagtataka kung bakit umalis ‘yung dating principal.”“‘Yung student na si Cheska, parang may lihim na galit sa inyo,” natatawa kong panimula, habang binubuksan ang beer ko.Naalala ko kasi nung una ko siyang makilala sa library… mahinhin, tahimik, at sobrang cute. Nagkakandautal pa nga siya nung masalo ko. Pero nang makita ko ulit siya kasama sila, ibang-iba na. Parang may switch na nag-flip, naging palaban at mataray.“Nakakapagtaka tuloy kung bakit ang bilis niya akong tanggihan bilang tutor niya…” sambit ko, napakunot ang noo. “Isang taon na niyang ayaw sa ‘kin. Ni ako, di
CheskaFriday na. At grabe, parang isang buwan na ang lumipas sa bagal ng linggong ‘to.“Ms. Vega!”Napalingon ako kay Mr. Serrano, halatang inis na inis na naman. “Nabasa mo na ba ‘yung librong pinagbilinan ko sa’yo?”Libro? Anong libro? Wala akong matandaan na may pinabasa siya.“Uh, hindi po. Wala po akong idea na may babasahin pala—”Biglang natahimik ang buong klase. Lahat nakatingin sa’kin. Sakto namang pumasok si Kai, late as usual, pero hindi siya pinansin ni sir.“You mean to tell me,” madiin niyang sambit, “na hindi mo kinuha ‘yung Noli Me Tángere sa library nung Wednesday after class?”Napailing lang ako. “Hindi ko po alam na kailangan pala ‘yun, sir. Akala ko po ibang libro ‘yung ifo-focus natin this year.” Hinugot ko pa ‘yung maling libro sa bag ko, para may pruweba.“So you thought I’d let you off easy?” tanong niya, may halong inis at sarcasm.“Hindi po, sir. Ang ibig ko lang pong sabihin—”“Enough. Kumuha ka ng pass sa desk ko, pumunta ka sa library, at kunin mo ‘yung
CheskaSobrang malas ko talaga ngayong school year.Una, si Damian.Pangalawa, si Mr. Serrano.At ngayon, may bago na namang dagdag sa listahan ng mga taong gusto ko nang iwasan habambuhay, ‘yung bagong dean na aakalain mong galing sa impyerno sa sobrang sungit.Pakiramdam ko tuloy, sinasabotahe ako ng tadhana. Lutang akong naglalakad sa hallway, halos hindi ko na namamalayan ang mga taong dumadaan sa gilid ko. Hanggang sa… bam! may nabangga akong matigas.“Cheska!” sigaw ng pamilyar na boses. Pag-angat ko ng tingin, si Kai pala, nakangiti habang hawak ang kan’yang binder. “Anong next class mo? Sino professor mo?” tanong niya, parang laging may energy kahit hapon na.Napangiwi ako at agad kong hinanap ang phone ko sa bag. “Mmm… Precalculus with…” napahinto ako, tiningnan ang schedule, at napa-angat ang kilay. “Um, walang nakalagay na pangalan ng professor eh,” sabi ko, sabay pakita ng screen kay Kai.“Oh, baka ‘yan ‘yung bagong prof na sinasabi nila. Room 213, tama?” tanong niya. Tuma







