เข้าสู่ระบบAxel
Marahan akong nag lakad papasok sa loob ng bahay ni Damian, maingat na huwag masagi ang kahit ano.
Si Damian kasi, sobrang metikuloso sa gamit niya. Kahit konting kalat lang, siguradong mapapansin niya.
Pagpasok ko sa kusina, andoon si Oliver, may hawak na beer. “Grabe, bro, this has been a rough week,” sabi niya sabay abot sa akin ng bote, may pilit na ngiti sa labi. “Sobrang gulo sa San Elíseo. Hindi nakapagtataka kung bakit umalis ‘yung dating principal.”
“‘Yung student na si Cheska, parang may lihim na galit sa inyo,” natatawa kong panimula, habang binubuksan ang beer ko.
Naalala ko kasi nung una ko siyang makilala sa library… mahinhin, tahimik, at sobrang cute. Nagkakandautal pa nga siya nung masalo ko. Pero nang makita ko ulit siya kasama sila, ibang-iba na. Parang may switch na nag-flip, naging palaban at mataray.
“Nakakapagtaka tuloy kung bakit ang bilis niya akong tanggihan bilang tutor niya…” sambit ko, napakunot ang noo.
“Isang taon na niyang ayaw sa ‘kin. Ni ako, di ko rin alam kung bakit,” reklamo ni Mateo, umiikot ang mata sabay bukas ng beer gamit ang bottle opener sa susi niya. “Matigas ang ulo nung estudyanteng ‘yun.”
“Teka nga,” tigil ko. “Gaano n’yo na ba siya kakilala para ganun na lang siya makipagtrato sa inyo? Mukhang wala siyang gusto sa kahit sino sa inyo.”
Para sa isang estudyante, nakakagulat kung paano niya napapaikot ‘tong mga ‘to.
“Ngayong buwan ko lang s’ya nakilala,” sagot ni Damian habang binubuksan ang TV at inaayos ang channel sa basketball game.
“Sa’kin naman, isang taon pa lang. Nagkabanggaan kami sa hallway habang may hawak akong mainit na kape,” kwento ni Mateo, umiiling. “Natapon sa ‘kin, tapos imbes na mag-sorry, ako pa ‘yung sinisi. Umalis pa siyang tumatawa kasama ‘yung kaibigan niya.”
“Wow,” sabi ko, halos mapangiti sa gulat. “‘Di ko ‘yun in-expect.”
“Ako, nitong Monday lang, unang araw ko sa San Elíseo,” sabat ni Oliver, umiling sabay buntong-hininga. “Grabe pa nga kung sumagot, akala mo s’ya ang may-ari ng San Elíseo.”
Sa totoo lang napapansin ko na nagiging mataray lang naman si Cheska kapag sila ang kaharap. Nakakaintriga tuloy kung bakit.
Matagal ko na rin kasing kilala ang mga ‘to. Labing-pitong taon na kaming magkakaibigan at mababait naman silang lahat.
“So, Damian, kamusta kayo ng misis mo?” pagbabago sa topic ni Oliver.
Biglang nanigas si Damian. “Hindi pa ba obvious?” sagot niya, nakatitig pa rin sa TV. Nagkatinginan kami ni Mateo, halatang may mabigat na dinadala ‘tong isa.
“Sorry, akala ko nag-aaway lang kayo ng asawa mo,” sabi ni Oliver, medyo nag-aalangan pa.
“Ex-wife,” klaro ni Damian sabay lagok ng natitirang beer. “Anim na taon na kaming hiwalay.”
Tumayo siya at naglakad palayo, marahil papunta ng banyo o saan man.
“Hindi ko alam na divorced na pala sila,” sabi ni Oliver, gulat na napatingin sa amin.
“Eh kami nga rin, wala kaming alam,” sagot ko, medyo naiilang habang umiinom.
“Hindi rin naman ako nagtataka,” sabat ni Mateo at napatango . “Hindi niya talaga minahal si Amara. Kita mo naman dati pa.”
Totoo ‘yun. Hindi man lang naging sweet si Damian sa kanya. Pano ba naman kasi kakaibang babae naman kasi talaga si Amara. Minsan nga, nalasing at sinubukang suhulan si Mateo, para lang makipag-sex sa kan’ya.
Her man’s best friend. Imagine that. Sobrang lalang babae.
Simula nang ikuwento ni Mateo sa amin kung ano’ng nangyari, halos sabay-sabay kaming tumigil makipag-usap kay Amara. Wala rin naman sa aming nagsabi kay Damian, akala namin kasi, hindi naman big deal. Kaya hinayaan na lang namin silang dalawa.
Tahimik kaming lahat nang biglang lumiwanag ang phone ni Damian sa mesa.
Speaking of the devil. Tumatawag si Amara.
“Damian, may tumatawag sa phone mo,” sambit ko, tinignan ko ulit ang screen. “Si Amara.”
Ngunit tahimik lang si Damian. Walang kumibo sa amin.
Binalik ko lang sa mesa at pinanood naming tatlo habang tuloy-tuloy ang pag-ring.
“Sinabi mo ba sa kanya dati?” pabulong kong tanong kay Mateo, medyo kinakabahan.
Umiling lang siya, walang imik, at bumalik sa panonood ng TV.
Muling nag-light up ang phone ni Damian, dalawang notifications. “Alam n’yo ba passcode niya?” tanong ko. Sabay sabing hindi ang dalawa.
Tinry ko ilagay birthday niya at nagulat ako nang mag-unlock. “Same pa rin passcode niya since high school,” sabi ko habang pinipindot ‘yung notification ni Amara, halatang curious pero may halong kaba.
“Kapag binugbog ka ni Damian sa pangingialam sa phone, labas kami diyan huh,” sabi ni Oliver, sabay balik sa panonood ng TV.
“Oo na mga duwag,” sagot ko at napailing.
Amara: “Bakit nasa party na naman ang anak natin!? Hindi mo ba talaga magawang disiplinahin si Kier?
Napakunot noo ako. Anak nila?? Ni hindi nga anak ni Damian si Kier. Nagtataka nga ako kung bakit inaalagaan pa rin ni Damian ‘yung anak ni Amara kahit hiwalay naman na pala sila.
Amara: “‘Wag kang puro hilata diyan at sunduin mo na ang anak mo!”
Siya naman ang nanay, bakit hindi siya ang pumunta? Responsibilidad niya ‘yon, hindi ni Damian.
Isa pang notification ang lumabas, in-open ko ‘to at bumungad sa akin ang isang video.
Pinindot ko, at halos mabitawan ko ‘yung phone nang makita ko si Kier… nakikipaglaplapan sa isang babae.
Napatingin ako nang maigi sa babae, mayroon itong itim na wavy hair, hazel eyes…. Fuck!
Is this Cheska? ‘Yung library girl?
Parang lumubog ‘yung sikmura ko. Inisa-isa kong tignan ang background ng video.
“Mateo!” tawag ko, inaabot ang phone. “Tignan mo nga ‘to.”
“Bro, ayoko makita ‘yang kalokohan na ‘yan,” tanggi niya, sabay balik ng phone sa akin.
“Hindi, tignan mo lang ‘yung background… at ‘yung babae.”
Tumanggi pa sya pero sapilitan ko nang iniabot ang phone sa kanya.
“Tangina,” sambit niya, nanlalaki ang mga mata. “Si Cheska ‘to ah.”
Nilapit pa niya ang video. “At ‘tong background… parang sa kabilang street lang nila Damian.”
Tumango ako. “Exactly.”
Tumingin din si Oliver nang marinig ‘yon. “So… sasabihin ba natin sa kanya?” tanong niya, at tumango ako.
“Gago, pre, kailangan. Tinext siya ni Amara na sunduin si Kier. Eh sa kapitbahay lang ‘yung party.”
Saktong bumalik si Damian sa sala. Nanigas kaming lahat. Napatingin siya sa amin, tapos sa phone na hawak ko. “Anong ginagawa mo sa phone ko?” malamig na tanong nito.
Lumapit siya at kinuha agad sa kamay ko.
“Tinext ka ni Amara,” sambit ko habang tinitignan niya ang mga mensahe, pati ‘yung video. “Si Kier nasa party daw, gusto niyang ikaw ang pumunta para mag sundo.”
Pinanood ulit ni Damian ‘yung video, tapos tinignan ang bintana papunta sa likod-bahay.
“Base sa background, mukhang d’yan lang sa kabilang street ‘yung party,” sabi ni Mateo.
Napairap naman si Damian.
“This stupid kid,” bulong niya, sabay hagis ng phone sa couch. Tapos tumingin sa ‘kin. “Hindi ko alam kung mas galit ako dahil sinilip mo ‘yung phone ko without my permission o dahil si Kier, may ka laplapang babae.”
Tinanggal niya ang blazer niya, naiwang suot-suot ang kan’yang puting shirt. “Bahala kayo kung gusto n’yong sumama, pero kailangan ko nang kaladkarin si Kier palabas dun.”
“Teka! Hindi pa tapos ‘yung game, bro. At honestly, mas interesting ‘to kesa manood kang nakikipaglaplapan ‘yung anak mo run,” sabi ko, at napangisi.
Napairap siya ulit.
“Gago,” bulong niya, sabay lakad palabas. Sumunod kami ni Mateo at Oliver.
“Papasukin ba tayo dun?” tanong ni Oliver habang naglalakad kami.
“Students party ‘yan. At kung tama ako,” sagot ni Mateo, halata ang inis sa boses n’ya, “si Cheska pa ang nag-host.”
Madali lang kaming nakapasok sa party at dumiretso agad sa backyard.
Paglingon pa lang namin, ayun, si Kier, todo halikan na naman, pero hindi si Cheska ang kahalikan niya.
“Umalis na ba si Cheska?” tanong ni Oliver, sabay lingon kay Damian.
Umiling naman si Damian. “Hindi siya makakaalis. Bahay ng tatay niya ‘to, dito siya nakatira.”
Nagkatinginan kaming tatlo at nagsimulang magmasid sa paligid. Hindi naman siya pwedeng mawala lang bigla, hindi rin siya ganun kaliit. Sa tantsa ko ay nasa mga 5’3” lang siya.
Habang naghahanap kami, ay sabay-sabay kaming napalingon sa iisang direksyon.
At doon namin siya nakita.
May kasamang lalaki na red ang buhok at dinidilaan nito ang dibdib ni Cheska habang may hawak pang shot glass. Pagkatapos uminom, kinuha pa niya ‘yung lime sa bibig ni Cheska at hinalikan siya.
Napasinghap ako.
Hindi ‘to ‘yung babaeng nakilala ko sa library.
Parang ibang-iba siya ngayon… ibang tao.
“Kier.”
Malalim at malamig ang boses ni Damian, kaya napalingon agad ako.
“Not again,” reklamo ni Kier, halatang naiinis.
Napatingin ako kina Oliver at Mateo na parehong nakatitig pa rin kay Cheska, parang hindi makapaniwala sa mga nakikita nila.
Nang bumalik ang tingin ko kay Cheska ay nakatingin na siya sa amin. Kita ko ‘yung hiya sa mukha niya… namumula, tapos umiwas ng tingin.
Pero bago pa siya makabawi, may dalawang lalaki na biglang nagtapon ng timba ng tubig na may yelo sa kan’ya.
“SHIT! ANG LAMIG NUN!” sigaw ni Cheska, napatalon pa sa gulat.
Napakurap ako. Hindi ko inaasahan na lalabas ‘yung mga salitang ‘yon sa kanya, sobrang inosente ng itsura niya para sa ganung klase ng pananalita.
“Paparating na ang mga pulis!” sigaw bigla ni Oliver, halatang nagmamadali pa dahil sa hingal nito.
Parang nagka-stampede. Lahat ng tao sa backyard, nagsitakbuhan na parang mga manok na nawalan ng ulo.
“Seryoso ba?” sarkastikong tanong ng lalaking katabi ni Cheska. Sinamaan ko siya ng tingin, kaya napaatras siya. “Chill bro, aalis na ako,” sabi niya na halatang na yamot pa sa ginawa ko.
‘Yung red hair na lalaki kanina, tinangkang halikan ulit si Cheska, pero may isa pang lalaki na biglang sumingit at itinulak siya palayo.
“Relax, Asher,” sabi ng bagong dating habang hinahatak si Cheska palikod, parang pinoprotektahan ito.
“Fine, whatever,” sigaw ni Asher, sabay talikod at umalis, kitang kita ang inis sa mukha nito.
Ilang segundo lang, halos wala nang tao sa paligid. Naiwan si Cheska na nakatingin diretso kay Damian, halatang kabado.
“Alam ba ng tatay mo na nagpa-party ka dito?” tanong ni Damian, medyo mababa ang tono, halatang nagpipigil ng galit.
Umiling si Cheska. “H-hindi, pero hindi naman ako—”
Hindi na naituloy ni Cheska ang kan’yang sinasabi ng putulin s’ya ni Mateo, biglang tumayo at sumingit sa kanila.
“Palusot ka na naman, Cheska. Akala mo ba palagi kang maliligtas ng mga palusot mo? Hindi lahat ng dahilan mo may saysay,” inis niyang sabi.
Napailing na lamang ako.
“Wala kang karapatang pagsalitaan ng ganyan ang kapatid ko,” may boses na biglang sumabat mula sa likuran namin.
Sabay-sabay kaming napalingon sa direksyon nito.
“Paano kayo nakapasok dito?” tanong pa nito habang may matalim na tingin.
“Kapatid ka n’ya? Then bakit mo hinahayaan si Cheska na mag host ng party at makipaglaplapan pa sa kung sino sinong lalaki?” tanong ni Damian, seryoso ang tono nito.
“Oo, Kuya n’ya ako. And this isn’t her party, it’s Calix’, my twin,” sagot nito, sabay turo sa isa pang lalaking halos kamukha nilang magkapatid.
“May pinagkaiba ba ‘yun?” iritadong tanong ni Damian. “I texted your dad. Darating na s’ya in an hour. Good luck sa inyong linisin ‘to.”
Napansin ko namang tahimik lang si Kier, parang ayaw madamay.
“Isang oras?!” halos mapasigaw si Cheska, sabay hampas sa lalaking katabi niya. “Kai! Akala ko 2AM pa uuwi si Papa?!” sigaw niya, halatang nagpa-panic na.
“Eh si Caleb nagsabi non! Malay ko ba!” depensa ni Kai, itinuturo ‘yung kakambal ni Calix. “Wag mo ‘kong sisihin, siya nagsabi!”
“Diyos ko, ang gulo n’yo,” sabat ni Oliver, habang umiiling. Ako naman, pilit pinipigilan ‘yung tawa ko, sabay linis ng lalamunan para hindi mahalata.
Nag-aasaran na silang magkakapatid habang nagbabangayan kung sino may kasalanan, pero halata naman kung ano talaga ‘yung problema.
Walang gustong umako ng responsibilidad… lahat, pasahan ng sisi.
“Bilisan na natin bago ako sermunan ulit ni Dad ngayong araw,” kinakabahang sambit ni Cheska habang itinatali niya ang buhok niya at tumakbo papasok ng bahay.
“Tulungan ko muna si Kier makauwi, halos di na siya makalakad,” usal ni Damian, sabay lingon kay Oliver. “Tumulong na muna kayo dito,” utos niya, sabay turo kay Cheska. Sa di ko malamang dahilan, pareho kaming napayuko ni Mateo at sabay na tumango, parang napilitan pa.
Umalis si Damian, at ilang sandali pa, bumalik si Cheska dala ang mga trash bag. Isa-isa niyang iniabot iyon sa lahat, maliban sa amin ni Mateo.
“Hindi n’yo kailangang tumulong, problema namin ’to—” Hindi pa siya natatapos magsalita, bigla nang inagaw ni Mateo ang isang trash bag mula sa kamay niya.
“Ingay mo,” maikling sabi ni Mateo, at dire-diretso siyang umalis para mag linis.
“Uhmmm,” naguguluhang sambit ni Cheska, sinundan n’ya ng tingin si Mateo hanggang sa makalayo ito. “Never mind,” dagdag pa niya bago iniabot sa akin ang isang bag. “Salamat na rin sa tulong n’yo at pasensya na sa abala,” nahihiyang sambit niya, pero napansin ko ang bahagyang ngiti sa labi habang naglalakad palayo.
…
Inabot kami ng forty-five minutes para linisin ang buong bahay. Fucking unbelievable.
Si Kai at Calix, knockout sa couch. Sina Damian at Mateo pa nga ang nagbuhat sa kanila papunta sa kwarto ni Calix. Si Caleb naman, nakatanggap ng text mula sa girlfriend niya kaya nagmadaling umalis na parang hinahabol ng multo.
Ayun, kaming lima na lang natira para tapusin ang kalat ng lahat.
“Thank you…” nahihiyang sambit ni Cheska, at sabay kaming tumango.
“Go get some sleep, your dad will be here any minute,” sagot naman ni Damian, pero umiling lang si Cheska.
“Hindi pa naman ako pagod,” sagot niya habang tumatayo. “Do you guys want anything to drink?” alok niya habang naglalakad papunta sa kitchen.
“Water’s fine,” sabi ni Oliver, at sabay naman kaming tumango.
Pagbalik ni Cheska, may dala na siyang limang baso ng tubig na may yelo. Tahimik lang kami habang iniikot niya ang mga baso, hanggang sa mahina s’yang umubo at tumingin sa direksyon ko.
“S-sorry nga pala last time,” mahina niyang sabi.
“It’s fine. You said you didn’t need my help. No hard feelings,” sagot ko, sabay lagok ng tubig.
“About nga pala dun…” namula ulit siya. “Gusto ko sana kayong makausap lahat...” Nilalaro niya ‘yung laylayan ng denim shorts niya, halatang kinakabahan.
Oh, so cute girl does need me after all.
“Nagbago na kasi ‘yung isip ko. Pwede pa bang tanggapin ‘yung offer?” tanong niya, at bahagyang nagtaas ng kilay si Damian.
“Oh bat ako?” takang tanong ni Damian, sabay turo sa’kin. “Ask him.”
“Please…” pabulong na sambit ni Cheska, kaya tinaasan ko siya ng kilay.
“'Di ba sabi mo, useless lang naman kami?” tanong ko. Napayuko naman siya.
“I didn’t mean it like that, I just—” mahina niyang sambit, halos hindi na namin marinig.
“You mean to tell us na hindi mo tinanggap ang offer kasi nahihiya kang malaman ng lahat na may tutor ka?” singit ni Oliver, sabay tawa. “Cheska, you’re taking senior year again, for crying out loud. Hindi ba dapat mahiya ka kasi lagi ka nalang bumabagsak?”
Ouch. Ako na nga ang nasaktan kahit hindi naman sa’kin diretsong sinabi ‘yun.
“Epal ‘to, I wasn’t even talking to you,” balik ni Cheska, sabay tingin ng masama kay Oliver. Umiling lang si Damian, pinipigilan ang pagtawa.
Damn, I’m actually impressed. Kung makipag usap s’ya sa amin ay para bang magkakaibigan lang kami.
“Alam mo, for a girl who looks cute and sweet, you sure as hell aren’t sweet… not even one bit,” sabi ko, at napangisi. “But yeah, I’ll tutor you.”
“Talaga? Thank you,” mahinang sagot niya at bigla namang bumukas ang pinto.
“Si papa na ata ‘yun,” sabi niya habang tumatayo. “Uhmm… I think you guys should go. May daan sa likod bahay para hindi na kayo maabutan ni papa dito.”
“Bakit? Natatakot ka bang makita kami ng papa mo?” sabat ni Mateo. “We’re your professors, not just guys sneaking into your home for an easy fuck, Cheska.”
Biglang nanigas si Cheska, halatang tinamaan sa sinabi ni Mateo.
“Foul na yan,” bulong ni Damian kay Mateo, pero huli na.
“Cheska??” sigaw ng papa niya. “Kailangan nating mag usap, tumawag sa akin ang prof mo at—” Napahinto si Mr. Vega nang makita kami sa sala. “Ano'ng nangyayari dito—”
“Good evening, Rowan,” bati ni Damian, sabay abot ng kamay.
“Damian…” sagot ng papa ni Cheska, sabay kamayan na para bang matagal na silang magkakilala.
“This is Oliver Rivera, the new principal of San Elíseo,” pakilala ni Damian. Nagkamayan din sila.
“This is Mateo Serrano, a professor in Universidad San Elíseo.”
“I know him, siya nga 'yung tumawag sa’kin kanina,” sambit ni Mr. Vega. Napalingon agad si Cheska kay Mateo at tinitigan ito ng masama.
“At si Axel Velasco, ang bagong tutor ni Cheska,” Iniabot ko ang kamay ko at mahigpit namang kumamay si Mr. Vega, pero kitang naguguluhan.
“We want to help Cheska, so nag assign kami ng tutor para sa kan’ya,” paliwanag ni Damian. Tumango naman si Mr. Vega.
“That’s good to hear. Thank you sa mga tulong n’yo,” sabi niya at lumingon kay Cheska. “Bakit ba basang basa ka?” nagtatakang tanong ni Mr. Vega sabay tutok sa damit nito.
Kung 'di makaisip ng rason si Cheska ngayon din, sayang lahat ng pinaghirapan namin kanina.
“Ahhh… Ehh papa sina Kai at Calix kasi, tinulak nila 'ko sa pool kanina,” sambit n’ya habang umaarteng nagpapaawa sa papa n’ya.
Biglang umugong ang cellphone ni Mr. Vega. “Sandali, anak,” aniya kay Cheska, at sinagot ang tawag. “O, bakit? … Ngayon? … Sige, hintayin mo 'ko sa kabilang linya.”
Bumalik ang tingin nito sa amin, para bang nagmamadali. “Pasensya na, may urgent call ako. Cheska, mag bihis ka na at baka magkasakit ka pa. Maiwan ko na muna kayo.”
At bago pa man kami makasagot nang maayos, mabilis na umakyat si Mr. Vega papunta sa kanyang kwarto.
“Buti na lang at 'di na siya nag usisa pa,” buntong-hininga ni Cheska, sabay kalas ng ponytail.
“Gaya ng sinabi ko,” wika ni Mateo habang papalabas, “wala kaming masamang intensyon sayo. We aren’t one of your fuck buddies, Cheska.”
Napairap si Cheska at inayos ang kan’yang buhok, sabay bulong ng kung anumang mura sa sarili.
“Ignore him,” sabat naman ni Damian. “He’s not in his best mood today.”
“He’s not wrong, though,” singit ni Oliver, sabay labas na rin ng bahay.
“See you tomorrow, Cheska. Rest well,” paalam ni Damian bago sumunod sa iba.
Ako na lang ang naiwan. Napasinghap ako ng malalim.
“Well,” panimula ko habang nakangisi. “I didn’t expect you’re wild, library girl.”
Pansin kong namula ang mukha n’ya at mabilis s’yang napairap. “Lasing lang ako kanina. Actually, wala nga akong maalala sa mga ginawa ko kanina… and for Mr. Serrano… ewan ko ba ang init kasi ng ulo n’ya sa akin palagi kaya ganun na rin tuloy ako sa kan’ya.”
Mukhang hindi n’ya pa talaga napapansin kung bakit ganoon si Mateo.
“Sleepwell, library girl,” sabi ko at naglakad na palabas ng bahay nila.
CheskaKinabukasan, halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Guilt. Excitement. Takot.Kailangan ko ng alak. Kailangan ko ng girls' night nina Stephanie at Lizzie para lang malimutan ang nangyari sa park."Grabe kahapon, ang laki ng kinita natin sa bake sale," sabi ni Stephanie sabay tungga ng shot.Huwag niyo nang banggitin ang bake sale. Naaalala ko lang ang mga kamay nila sa balat ko. Nakakatakot na nagiging ibang tao ako kapag kasama ko sila. Nawawala ang wisyo ko."Sobra, hindi ko akalain na ganun karami ang bibili," dagdag ni Lizzie habang umiinom ng wine cooler.Paano namang hindi kikita, eh
DamianDapat ay tumalikod ako. Dapat ay naglakad ako palabas ng bahay na iyon at hindi na muling lumingon. Dapat ay nagmaneho ako pabalik sa trabaho at kinalimutan ang lahat. Pero hindi ko ginawa.Hawak ko ang journal na ito habang pilit na inuukit ang bawat kasalanan ko sa papel. Ito lang ang paraan para hindi sumabog ang utak ko.Hindi ko siya dapat hinawakan. Hindi ko dapat ipinasok ang mga daliri ko sa masikip at basang-basa niyang pagkatao. Pero ginawa ko. Ninamnam ko ang bawat patak ng tamis niya. Dinilaan ko ang sarili kong mga daliri hanggang sa malinis ang mga ito, tinitikman ang ebidensya ng pagsuko niya sa akin.Mali ang lahat ng ito. Pero sa bawat haplos ko sa kanya, pakiramdam ko ay doon lang ako naging buhay.Sariwa pa sa isip ko ang itsura niya. Ang mukha niyang punong-puno ng sarap. Ang mga mata niyang nakatitig sa kawalan habang nilulunod ko siya sa sensasyon. Gusto ko siyang angkinin hanggang sa ang pangalan ko na lang ang tanging salitang alam niyang bigkasin.Isina
CheskaHalos matapos na ang period ni Mr. Serrano nang makarating kami. Himalang hindi siya nagalit. Inabutan lang niya ako ng listahan ng mga cookies na nagawa namin at ang goal para sa araw na 'to.Nang tumunog ang bell, sinenyasan niya ako na lumapit."Una na kayo. May gagawin lang ako," bulong ko kay Kai habang mabilis na lumalabas ang mga kaklase ko."Kukuha ka lang ng d—"Pinigilan ko siya at kinurot nang madiin sa braso. "Subukan mong ituloy 'yang sasabihin mo. Alis!""Opo na, boss." Lumabas na si Kai habang tumatawa."Yes, Mr. Serrano?" tanong ko habang nililigpit ang gamit ko."Siguraduhin mong nasa student store ka on time. Huwag kang male-late gaya ng ginawa mo sa klase ko ngayon."Tumango ako, ramdam ang bigat ng titig niya. "I understand. Maaga sana ako kung hindi lang dahil sa mga hormones ng kuya ko at ni Kai na nagkakalat kung saan-saan."Tumawa siya nang mahina. "Go to class, Cheska.""Yes, sir." Nag-salute ako sa kanya at narinig ko pa ang tawa niya hanggang sa makal
CheskaKamartesan na kung kamartesan, pero sawang-sawa na ako. Huwebes pa lang pero pakiramdam ko katapusan na ng mundo. Isang buwan na sa school pero ‘yung grades ko, parang hininga ni Kier—amoy failure.Speaking of Kier, nakakasuka na. Gets ko namang girlfriend niya ako, pero wala na ba siyang ibang alam gawin kundi gawing Rated R ang lahat? Nakakapagod maging object ng obsession ng isang taong utak-itlog."Cheska, work on your essay," untag sa akin ni Mr. Velasco.Nabali ang iniisip ko. Nakapaligid silang apat sa akin sa loob ng bahay ni Mr. Serrano. Dapat ay pinag-uusapan namin ang school fundraiser para sa laro bukas, pero heto ako, nakikipagtitigan sa puting screen ng laptop ko para sa Noli Me Tang
CheskaAkala ko sa mga teleserye lang uso yung mga babaeng parang ipinanganak na may korona sa ulo. Yung tipong titingnan ka mula ulo hanggang paa na parang isa kang maduming mantsa sa mamahalin nilang carpet. Hindi ko alam na nage-exist pala sila sa totoong buhay hanggang sa sandaling ito.Nakatayo siya sa harap ko. Blonde. Nakaangat ang baba. Ang mga mata niya, diretso at hindi kumukurap, parang may kung anong scanner na naghahanap ng bawat butas sa pagkatao ko. Ramdam ko yung init ng titig niya sa balat ko. Nakakaasiwa. Nakakairita.“Okay, well, whenever you have the time, Mr. Delmar,” sabi ko. Pinilit kong panatilihing matatag ang boses ko habang humahakbang pababa sa patio nila.Pagkasara ng pinto sa likod ko, huminga ako nang malalim. Gusto ko na lang matapos ang umagang ito. Gusto ko na lang maglaho.“Cheska!”Napahinto ako. Lumingon ako at nakita ko ang pamilyar na sasakyan ni Mr. Velasco na umaatras sa driveway ni Mr. Delmar. Bumaba siya, dala yung tipikal niyang ngiti na lag
Damian“Manhattan,” sabi ko sa bartender, diretso ang tingin. Umupo kami ni Axel sa mataas na upuan sa bar.“Negroni sa akin,” tugon ni Axel. Pagkatapos, bumaling siya sa akin. Ramdam ko ang bigat ng tingin niya, parang may tanong na matagal na niyang iniipon at ngayon lang puwedeng bitawan. “Kanina sinabi mo, may kinuha si Kier sa’yo. Ano ba ‘yun?”Ayoko talagang pag-usapan.Para akong may pasanin na malaking bato sa dibdib. Sa bawat pag-iisip, mas lalo itong dumadagan, humihigpit hanggang sa halos hindi na ako makahinga.Inilapag ng bartender ang baso ko.Tahimik si Axel, naghihintay. Wala na akong lusot. Ang katahimikan niya ang pumilit sa akin.“Yung speech niya kay Cheska,” bulong ko. Kinuha ko ang yelo sa baso ko at dahan-dahan itong hinalo. Ang sikmura ko, biglang kumirot. Sakit. “Galing ‘yun sa isang confession letter na sinulat ko para sa kanya noong nakaraan.”Noong narinig ko ang boses ni Kier at ang mga salitang lumalabas sa bibig niya, agad itong tumama sa utak ko. Isang







