Se connecter
Hindi pa man natatapos ang dinner, iniisip na ni Martin ang isang bagay na gusto niyang sabihin sa kanyang ama. May charity gala kasi siyang gustong puntahan.
Isang taunang event kung saan iba’t ibang kumpanya ang nagbibigay ng donasyon para sa mga bata sa shelters. Simple lang naman ang pakay niya, ibahagi ang mga rejected toys ng kanilang kumpanya, ang HappyHatch Baby Co. Para sa iba siguro, basura ang mga iyon, mga laruan na may light scratches, slightly off na pintura, o misprint sa label. Pero para kay Martin, may batang puwedeng mapasaya kahit hindi perpekto ang laruang matatanggap nila. Kaya ngayong gabi, nagpasya siyang sabihin iyon sa ama niyang si Jose. Nasa malaking dining table sila, maliwanag ang chandelier. Roasted chicken, pasta at wine ang kanilang pinagsasaluhan. Katapat niya si Elvie, ang second wife ng ama niya, ang laging composed na asawa, laging maayos ang postura at parang laging may camera lagi sa harapan niya. Tahimik muna si Martin, bago siya huminga nang malalim. “Dad,” panimula niya, “I’m attending the HopeSpring Charity Gala sa Friday. Iniisip kong doon na rin i-donate ‘yung rejected toys from the last quarter. Sayang naman kung nakatambak lang sa warehouse natin.” Tumingin si Jose, sandaling tumigil sa paghiwa ng chicken. “Rejected toys? ‘Yung batch na hindi pumasa sa quality check?” “Yes,” sagot ni Martin, trying to sound confident. “Minor defects lang naman ang meron, nothing dangerous. They’re still functional. I think makakagaan tayo sa kids, makakatulong rin sa public image ng company natin.” “Hmm.” Tumango-tango si Jose, then leaned back on his chair. “You know, that’s actually… a smart move.” May laman ang tingin niya. “It’s thoughtful. And strategic.” Napatingin si Elvie kay Jose, nakataas ang kilay pero nakangiti. “Are we talking about company decisions over dinner?” biro nito. “Mukhang may important announcement ka, hon.” Ngumiti si Jose. “Actually, meron nga.” Biglang kumabog ang dibdib ni Martin, clueless kung ano ang susunod na sasabihin ng ama niya. “Martin,” sabi ni Jose, “I’ve been thinking about the future of HappyHatch lately. And after observing your decisions, lalo na ‘yang initiative mo ngayon, it’s clear to me that you’re ready.” Sandaling tumigil para may dramatic effect. “You will be the next CEO.” Parang tumigil ang mundo ni Martin. Napakapit siya sa gilid ng mesa. “Wait, Dad, totoo ba? Right away?” “Yes,” sagot ng ama niya, firm. “It’s time.” Si Elvie naman ay pumapalakpak pa, very supportive na parang nasa awarding ceremony. “Congrats, Martin! Grabe, ang bilis mo talagang mag-mature.” Hindi makapagsalita si Martin. Masaya siya, oo, pero hindi niya iyon inaasahan. And honestly, medyo scary sa part niya iyon. “Dad… thank you, alam kong maaga pa para ako ang maging next CEO pero salamat,” mahina niyang sabi. “I—I’ll do my best. I promise.” Pero bago pa niya ma-process ang lahat, biglang bumukas ang main door ng mansyon. Sunod na narinig ang mabilis na yabag sa hallway. Tumingin silang lahat sa way kung saan nila narinig iyon. At doon pumasok si Marvin. Nakabukas ang tatlong butones ng polo, medyo gusot ang buhok, at halatang kagagaling lang sa inuman. Amoy beer, alam mong lasing na lasing. “Ayyy,” ngisi ni Marvin habang pasuray-suray papasok. “Family dinner pala ang napuntahan ko. Dapat pala nagdala rin ako ng wine. Or… something stronger.” Hindi kumibo si Jose, halatang hindi na patient sa kanyang anak. “Marvin, ano na namang kalokohan na iyan?” “Don’t worry, Dad,” sagot ni Marvin, sabay bagsak ng sarili sa upuan na hindi naman nakalaan sa kanya. “Maayos ako. Sobrang ayos.” Saka siya tumingin kay Martin, mabagal pero matalim. “Lalo na ngayong balita ko… may bago nang golden boy.” Kinabahan si Martin. “Marvin… not now, please.” “Oh no, no, no,” natatawang sarkastikong sagot ni Marvin. “Now is the perfect time. Kasi narinig ko sa hallway habang naglalakad ako na… Congratulations, Martin! Ikaw na ang next CEO! Yay!” Pinandilatan siya ni Elvie. “Lower your voice, Marvin. You’re drunk.” “Wow, thank you, stepmom,” sarcastic na sagot niya. “Kala ko, hindi mo mapapansin na nakainom ako.” Tumayo si Jose, halatang sumasama na ang loob sa kanyang anak. “Marvin, that’s enough.” Pero hindi nakinig si Marvin. Tumayo ito, nakahawak sa sandalan ng upuan, naka-lean forward kay Martin. “Congrats, bro. I mean it.” Tumawa, pero walang saya. “Ikaw na ang bagong CEO. The chosen one. The favorite.” Kinuha niya ang wine glass ni Elvie at ininom ito na parang tubig. “Ang sarap.” “Marvin—” simula ni Martin. “Ano?” putol niya. “Magpapaka-humble ka pa ba? Eh ikaw na ang heir. Ikaw na ang bida sa lahat ng bida. Ako?” Tumawa ulit, this time mas mapait. “Ako ‘yung spare tire ng pamilya na ito. ‘Yung twin mo na masama ang timing palagi. ‘Yung laging hindi pinipili.” Napapikit si Martin, pilit hinahabaan ang pasensya. “No one said that. You’re still part of the company. You’re still important in this family.” “Important?” nag-gi-grimace si Marvin. “Ano ako? PR prop? Decoration? Charity case?” Nag-iba ang tono ni Jose, mas seryoso. “Marvin. Stop this nonsense or leave the table.” Saglit na tumahimik ang buong dining room. Tahimik na umiling si Marvin. “You know what? Fine. Celebrate your new CEO.” Turo niya kay Martin, medyo nanginginig ang kamay dahil sa alak. “Pero tandaan mo ‘to, my dearest twin. Hindi ako mawawala. Hindi ako magpapatalo. And this company? Hindi pa tapos ang laban nating dalawa dito.” Sabay talikod niya, malakas ang yabag palabas. Nang sumara ang pinto, saka lang nakahinga si Martin. Si Elvie ang unang nagsalita, medyo shaken ang kanyang boses. “That… was unnecessary.” Huminga nang malalim si Jose bago tumingin kay Martin. “I’m sorry you had to hear that.” Pero umiling si Martin. “No, Dad. Ako dapat mag-sorry. Maybe I shouldn’t have—” “Huwag,” putol ni Jose. “You earned this spot. Don’t let Marvin’s behavior ruin your night.” Pero kahit sinabi iyon ng ama niya, mahirap paniwalaan na magiging madali ang susunod na mga araw. Hindi gusto ni Martin na maunahan ang kapatid niya. Ayaw niya ng gulo. At higit sa lahat, ayaw niyang maging dahilan ng paglala ng relasyon nila bilang kambal. Tahimik lang siya habang nilalagok ang tubig sa harap niya. He is the new CEO? Hindi pa rin nagsi-sink in iyon sa kanya. Gusto lang naman niya mag-donate ng toys sa gala. Ngayon, biglang buong kumpanya na ang hawak niya. Bonus pa, ang isang kapatid na halatang masamang-masama ang loob sa kanya. Napatingin siya sa malamig na pagkain sa plato at napabuntong-hininga. “Dad,” mahina niyang tanong, “Sure ka ba na ako ang tama para sa pwesto na iyon?” Ngumiti si Jose, mabigat pero sincere ang kanyang mga mata. “Yes, Martin. Because you think of others before yourself. And that’s exactly the kind of CEO this company needs.” Pero kahit gaano kaganda ang assurance na binigay ni Jose, tumatak sa isip ni Martin ang huling tingin ni Marvin. May galit at duguan ang ego.(Martin’s POV) Hindi ko alam kung bakit hindi ko masabing direkta kay Gabriel ang tunay na rason kung bakit kailangan kong malaman ang tungkol doon sa babae. “Alamin mo kung taga saan siya.” Mahina pero matigas ang boses ko, at alam kong sapat na iyon para malaman ni Gabriel na hindi ako nagbibiro. “Taga saan, sir? Ibig sabihin ay…” Ramdam ko ang pagkalito niya. Wala namang bago. Hindi ako basta nagbibigay ng utos na walang paliwanag, pero ngayon… hindi ko kayang bigyan siya ng kahit anong clue. “Alamin mo ang address niya. Background. Pero wala kang gagawin oras na malaman mo. Wala kang lalapitan. Wala kang kukunin na kung ano man sa kanya. Alamin mo lang.” Hindi ko tiningnan si Gabriel. Ayokong makita ang reaksyon sa mukha niya, dahil masyado nang halata ang tensyon sa dibdib ko. Kahit ako, hindi ko maipaliwanag kung anong nararamdaman ko, e. “Warning po ba ‘yon para sa kanya?” tanong niya ulit, hindi makapaniwala. Hindi ako sumagot. Hindi ko rin kailangan na sumagot. Ang
(Martin's POV) Tahimik ang umagang iyon, o at least, gano’n ang gusto kong paniwalain ang sarili ko. Sa totoo lang, wala ni isang araw na naging tahimik para sa’kin mula nang hindi na ako makalakad. Kung hindi board meetings, deadlines, o mga mata ng mga empleyado kong laging nakaabang sa bawat kibot ko. Limang taon na ang nakalilipas mula nang magsimula ulit akong maghanap. Tatlong buwan mula nang bumalik ang isang alaala na matagal ko nang sinubukang ilibing, o baka hindi ko talaga kailangang ilibing, dahil kahit pilitin ko, hindi ko siya makalimutan. Limang taon na ang lumipas, pero sariwa pa rin sa isip ko ang gabi na ‘yon. Hindi ko alam ang pangalan niya noon. Hindi ko alam ang buhay niya, ang pamilya niya, o kung kasama ba siya ng iba. Ang tanging naiwan sa akin ay ang mukha niya, iyong simpleng mukha na may mapungay na matang nakatingin sa akin. Pero habang tumatagal, imbes na mawala siya sa isip ko, mas lalo ko siyang naaalala. Minsan iniisip ko, totoo ba talaga ang nang
“Maghanap ka nang matutuluyan ni Miss Dela Vera bukas. Update me about it,” malinaw na utos ni Martin kay Gabriel pero labis siyang nagulat. “Pero, Sir.. Binayaran niyo na po ang kulang na renta niya, di ba? Okay na po siguro iyon para sa kanila,” tutol ni Gabriel. Masama tuloy ang tingin ni Martin sa kanyang bodyguard. Pagkatapos ay umulit siya ng sabi, “Hanapan mo sila o ikaw ang maghahanap ng bago mong trabaho? Mamili ka.” Nanlaki ang mga mata ni Gabriel sa sinambit ng kanyang amo. Wala na siyang nagawa kung hindi ang sundin ang utos nito. Hindi maintindihan ni Gabriel kung bakit biglang nag-utos si Martin na humanap ng bagong tutuluyan para kina Cassy at ng kambal nitong sina Liam at Levi. Sanay siya na sumusunod sa bawat utos ng kanyang amo, mula sa pagbabantay sa opisina hanggang sa pag-asikaso sa personal nitong seguridad. Pero, kakaiba ang request na ito. Hindi pangkaraniwan, hindi rin simple. At lalong hindi niya alam kung bakit biglang ganito ka-protective si Mart
Wala nang nagawa ang landlady kundi tumango. At nang lumapit si Gabriel at iniabot ang envelope, ngumiti agad ito, yung ngiting napaka-ayos bigla pagkatapos sumigaw kanina. “Salamat po, Sir! Pasensya na po sa gulong dala ko…” Tapos mabilis itong umalis. Tumayo si Cassy nang mahinang-mahina ang tuhod niya. “S-Sir… hindi ko po alam kung bakit niyo ginawa iyon pero hindi ko po hinihiling na bayaran niyo—” hindi na natapos ang kanyang sinasabi. Tumingin si Martin sa kanya, malamig, diretso, at walang emosyon. “Hindi libre ang tulong ko sa'yo.” Napalunok si Cassy. Napaatras. Parang biglang lumitaw ang malinaw na dahilan ng pangamba niya. Hindi siya sanay tumanggap ng tulong mula sa isang estranghero. Lalo na mula sa isang lalaking tulad ni Martin, na kitang-kita sa postura, sa bihis, sa kilos, na may kapangyarihan ito. Kapangyarihang hindi basta nalalapitan. “A-ano pong ibig sabihin?” tanong niya, napakababa ng boses. Hindi agad sumagot si Martin. Parang pinag-iisipan pa kung sasagu
Maagang-maaga. Hindi pa sumisikat nang husto ang araw, ngunit binulabog na ang katahimikan ng buong apartment complex.Malakas ang katok mula sa pinto.Kasunod ang malakas at nakakabusang sigaw.“Cassy! Cassy Dela Vera! Lumabas ka riyan, kundi wawasakin ko talaga ito!”Napabalikwas si Cassy mula sa kanyang manipis na kutson. Nagkatinginan sina Levi at Liam, parehong nagising at kinakabahan.“Mama… sino po ba ‘yan?” halos bulong ni Liam.“Ah, yung landlady lang, pero don’t worry, Mama will talk to her,” pilit na kalmado niyang sagot kahit ang puso niya’y kumakabog.Tumayo siya, mabilis na inayos ang buhok, at lumabas ng kwarto. Pagbukas niya ng pinto, halos mapaatras siya sa galit na mukha ng landlady na si Aling Mercy, pulang-pula ang pisngi at singhigpit ng bakal ang titig.“Ayan ka pala! Dalawang buwan kang hindi nagbabayad! Akala mo siguro pwede mo akong paikutin, ano?!” sig
Pagkadating nila sa mansyon, mabilis na bumaba ang mga staff para salubungin si Martin. Tahimik siyang itinulak ng isa pang bodyguard papasok sa grand foyer, habang si Gabriel naman ay nasa likod, hawak ang daily report tablet. Malawak ang loob ng mansyon. Ito ay marmol ang sahig, malalaking chandelier, at malalamig na kulay ng ilaw na sumasalamin sa katahimikan ng tirahan ng isang CEO. Pero sa likod ng katahimikan na iyon, kumukulo ang dugo ni Gabriel sa tanong na kanina pa niya pinipigilang bitawan. Hindi na niya kinaya. “Sir,” mahinahon ngunit ramdam ang pag-aalinlangan niyang sabi, “pwede ko po bang itanong… bakit hindi n’yo pinarusahan yung babae kanina sa elevator?” Hindi tumingin si Martin. Sa halip, dahan-dahan niyang tinanggal ang blazer at ipinatong sa armrest ng wheelchair. Tahimik. Matipid. Parang wala siyang naririnig. Pero hindi pwedeng bingi si Martin. Lalo na kapag siyang C







