Share

Chapter 22

SO akala niya natakot na niya ako no'n? Bakit naman ako matatakot sa sinabi niya? Bakit ako susunod sa pinag-uutos niya? Kung ayaw niyang ibalik ang requirements ko eh 'di huwag. Puwede ko siyang ireklamo kapag hindi niya talaga iyon ibinigay sa akin. Tingin niya patatalo ako sa kaniya? No way!

Sunud-sunod ang katok sa pinto. Iyon ang inaabangan ko kanina pa. Sakto alas-siyete na ng umaga. Hindi talaga ako nag-asikaso. Ni hindi ako nag-toothbrush, hindi nagsuklay at lalong hindi pa naligo. Gusto kong datnan niya ako sa ganitong sitwasyon nang malaman niyang hindi na talaga ako interesado sa pagtatrabaho sa kaniya. Kasalukuyan akong nagse-cellphone habang nagkakape.

Pinalipas ko muna ang ilang minuto bago ko sinagot ang kumakatok. Hinintay ko muna talagang magdabog na siya para lalong mainis.

"Buti naman at gising ka na!" bungad sa akin ni Aling Beth. Nawala ang ngisi sa labi ko sa pag-aakalang iyong damuho na ang dumating.

"Bakit ho?" tanong ko.

"Sinusumpong kasi ako ng sakit ko, may
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
hahaha Tama kayong mag sama asot pusa haha nakakatuwa
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status