Share

Chapter 3

First day

"Really? are sure about this? Gusto mong pumasok na kasambay namin dito sa bahay?" Nanlalaki ang mata nitong tanong saakin.

Sumulyap muna ako kay Gabriel na blangko pa rin ang tingin saakin bago tumango dito.

"Kung pwede sana?" Alanganin akong ngumiti sa mga ito.

"You said, you were on your vacation. Bakit mo naman naisipang mag apply saamin bilang kasambahay?" Gabriel look at me with full of curiosity.

Agad akong napa isip ng idadahilan dito, wala rin sa plano ko ang mag apply na kasambahay pero mukang napasubo na ako kaya paninindigan ko na.

"Medyo naiinip kasi ako sa bahay, besides wala naman ang asawa ko and naka leave ako sa trabaho ko sa Queensland Island kaya kailangan ko rin ng pagkaka kitaan kahit papaano, balak ko na rin kasi mag resign sa trabaho dahil hindi maganda ang palakad ng kompaniyang pinapasukan ko." pag sisinungaling ko.

Napansin kong binaba nito ang kubyertos at sumandal sa kaniyang silya kaya ako napalunok.

"I don't get it, sinabi mong may naiwan kang trabaho sa Queensland at nandirito ka para magbakasyon tapos sasabihin mo gusto mong pumasok na katulong sa'min? humalukipkip na ito ng upo habang sinusukat ako ng tingin.

"E-exactly, hanggat hindi pa kayo nakakahanap ng kasambahay," pinagkibitan ko ito ng balikat habang naka poker face.

"Hindi ganoon kalaki ang sahod ng katulong kumpara sa sinasabi mong kompaniyang pinapasukan mo? tell me what make up your mind para ipag palit ang trabaho-ng madali kesa sa pag kaka tulong?" 

You! ikaw ang dahilan. 

Hindi ko maisatinig ang salitang iyon sa kaniya kaya nag yuko ako.

"Mahal, haanggat wala pa tayong nahahanap na katulong bakit hindi nalang si Meredith? tutal wala pa tayong kakilala sa lugar natin kaya mabuting siya muna?" hinaplos ng huli ang braso ni Gabriel na tila may malalim na iniisip.

"Kung ayaw n'yo naman ayos lang saakin, maghahanap nalang ako ng ibang trabaho." bahagya kong hininaan ang boses ko at nagyuko.

Gusto kong batukan ang sarili dahil sa mga  padalos-dalos kong desisyon ngayon. Una wala ito sa plano ko, dahil ang plano ko ay sumugod dito sa bahay nila at kalampagin ang mga ito para malaman nila na ako ang tunay na asawa ni Gabriel, ngunit matapos ng aksidente ay nawala sa  loob kong gawin iyon lalo pa nang makilala ko si Alessandra.

"Okay, if thats what you want." na ngumiti sa asawa.

"Yan, kaya love na love kita ehh." na walang pasabing hinila ang batok nito para halikan, I use to lick my lips at the same time dala ng pagka ilang sa eksena. 

Pero hindi ko inaasahang ang mabilis na paglingon ni Gabriel saakin matapos ng halik na iyon.

"Pwede ka nang mag umpisa ngayon, si Alessandra na ang magtuturo saiyo ng mga dapat mong gawin." seryoso nitong sabi saakin.

"Ahh, okay sige.." sagot ko.

Hindi na muli pa itong sumulyap saakin dahil bumaling na ito sa asawa para muli ay makipag kwentuhan.

Kung titignan ko sila ay parang napaka perpekto ng kanilang buhay, masaya at walang iniisip na problema. Gusto ko mang magdalawang isip siguro ay huli na. Nandito na ako at handa akong kunin at bawiin kung ano ang akin. Iyon ay walang iba kundi si Hezekiah. 

Natapos ang hapunan na ako na mismo ang nagligpit ng aming pinag kainan, tinulongan ako ni Alessandra dahil sa iniinda kong sugat sa braso. Ako na rin ang nag hugas ng pinggan. 

"Dito ang magiging silid mo," binuksan nito saakin ang silid sa ibaba malapit sa hagdanan. Malaki ito sa inaasahan ko kaya hindi ko maiwasang haplosin ang warm bed na nasa bandang bintana.

"Ang kwarto namin ni Gabriel ay nasa itaas, may apat na silid sa itaas at ang saamin ay nasa dulo, dito naman sa ibaba ay dalawa lang. Isa para saiyo at isa ay ang guest room." paliwanag nito.

"Ang pasok ni Gab sa trabaho is 8 o'clock in the morning pero 7 palang ay umaalis na siya kaya dapat luto na ang almusal niya pag baba ng kusina. Ako naman ay sumasabay na sa kaniya gamit ang sarili kong kotse." patuloy nito na binisita ang mga cabinet at ilang pasimano na wala pang laman.

"Indefinite ang oras ng uwe namin dahil maraming inaasikao si Gab sa office at ilang prior meeting, ako naman ay ginagabi kung minsan sa pag che-check at pag aayos ng Event." Lumingon ito saakin.

"Kung gusto mo ihatid kita sa bahay mo bukas para maka kuha ka ng ilang gamit mo?" suwestiyon niya na lubha kong ikina kaba.

"Ah, no hindi na! kaya ko na mag-isa." hinintay ko muna ang pagsang ayon nito saka lamang ako naka hinga ng maayos.

"Tuwing miyerkules ay walang pasok si Gab dahil two days ang rest day niya sa loob ng isang linggo. Wednesday and Sunday dahil siya ang boss ng kompaniyang pinapasukan niya, ako naman ay busy rin dahil Isa akong events planner, kaya kadalasan ay out of town ang trabaho ko.." 

Sinulyapan ko ito sa huli niyang sinabi,

"Wag ka mag alala, may pumupunta naman dito na taga laba si Aling Mareng, laba lang ang ginagawa niya kung minsan ay naglilinis, since nandito kana baka once a week ko nalang siya papuntahin  dito. Hindi kasi siya pwede na stay in dahil may sakit ang asawa ." ngumiti ito saakin bago tungohin ang binatana para iyon buksan.

"May mga tanong ka paba?" humarap ito saakin.

"Paano kayo nagkakilala ni Gabriel?" tahasan kong tanong.

Kita ko ang bahagya nitong gulat sa naging tanong ko kaya bahagya akong ngumiti.

 "Pasensya kana sa naging tanong ko." 

"No, its okay.. sanay naman ako na tanongin ng ganyan." rinig ko ang pagbuntong hininga nito at naglakad pa upo sa kama.

"Nakilala ko siya when I was in collage, pumasok siya sa kompaniyang ng pamilya namin, luckily nagustohan ni kuya Manuel ang performance niya kaya siya agad na promote. Naging close kami at niligawan niya ako. Everything happen so fast, dahil after one year ng relasyon namin ay nag propose na siya agad na hindi ko naman tinangihan. Alam mo yung feeling na nakita mo na ung lalaking para saiyo?" may kinang ang mga mata nitong sabi.

Gumuhit ang mapait kong ngiti sa kaniyang sinabi.

"So, halos dalawang taon palang pala kayo nagkaka kilala at inaya kana niya ng kasal?" tanong ko pa.

Napansin siguro nito ang wala sa lugar kong tanong kaya mabilis akong ngumiti dito.

"Oh, ako kasi 5 years kami ng asawa ko bago kami kinasal." kibit balikat kong sinabi.

"Really? I want to meet your husband someday, para maipakilala ko kay Gabriel." ngumiti ito nang maluwang saakin.

"Yeah," pag sang ayon kong sinabi..

"So, paano? tomorrow morning nalang tayo mag kita. Maaga kasi ang alis ko patungong Galla via Island. May up coming event kasi akong aasikasuhin doon. So Good night?" inumpisahan na 

nitong tumayo.

"Sige, salamat sa pagpapatuloy n'yo saakin dito, pati na rin ang pagtulong n'yo saakin sa ospital." wika ko.

"Ano kaba, in the first place kasalanan ko ang lahat kaya wala na iyon." ngumiti ito ng maluwang saakin.

Nadepina ang mga labi ko dito, madami pa sana akong gustong tanongin pero minabuti kong mag good night na rin dahil kanina ko pa tinitiis ang sugat sa braso ko.

Paghiga ko ay hindi agad ako nakatulog, maraming pumapasok sa isip ko ngayon. Lalo pa kasama ko na sa iisang bubong ang lalaking matagal ko nang hinahanap.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status