Liana anak, pupunta ako mamaya sa mansion," saad ni Nanay habang nagpapakain ito ng mga baboy na alaga namin.
"Sige ho, Nay. Mamayang gabi na lang ako pupunta doon."
Napabuga naman ako ng hangin.
Sobrang hirap ng buhay namin sa probinsya ng Samar. Si Tatay may maliit na bukirin ito. Tama lang na nakaraos kami sa araw-araw. Tumigil muna ako sa pag-aaral. Sa ikatlong taon na ako sa kolehiyo. Talaga namang hindi na nakayanan ng magulang ko na paaralin ako. Hindi naman ako nagtatampo, dahil alam ko naman na sobrang hirap ng buhay namin at wala talaga pantustos sa bayarin sa school.
Bente tres na ako at hindi naman ako kagandahan. Kahit papaano may nanligaw din sa akin dito sa aming baryo. Wala pa isip ko ang magkaroon ng kasintahan lalo ang pag-aasawa. Marami pa akong pangarap, at isa na roon na iahon sa kahirapan ang parents ko.
"Anak, ibinta mo na lang ang kamoteng kahoy sa bayan. Para may ibili tayong bigas at konting grocery," saad ni Tatay na bakas ang pagod sa mukha.
Sobrang naaawa ako sa kanila Nanay at Tatay. Si Nanay katulong ito sa mansion ng Salvacion. Ang pamilyang Salvacion ang pinakamayaman dito sa buong Samar. Ang ninuno ng Salvacion ang halos nagpagawa at nagpaganda sa lugar namin. Iyong daan na bako-bako ay pinaganda ng mga matatandang Salvacion.
May mga pangarap din ako sa buhay. Iyon ay maiahon sa kahirapan ang parents ko. Pangarap ko rin makapunta sa Manila. Gusto ko makipagsapalaran doon at baka sakali makahanap ng magandang trabaho at maipagpatuloy ko ang aking pag-aaral.
Saglit muna akong pumunta sa taniman naming okra at talong. Medyo malayong lakarin pa ito at may dadaanan pa akong ilog. Balot na balot ako lagi dahil sobrang init, kahit papaano gumagamit rin ako na nilalalagay sa mukha. Paliko na sana ako sa kabilang daan at nasa tabihan lang ang ilog na sobrang lakas ang agos, kaya rinig na rinig ang ingay ng tubig.
"Ahhh!"
Napatigil ako sa paglalakad dahil sa lakas ng sigaw ng boses babae.
Napalunok naman ako at kinakabahan.
Huminga muna ako ng malalim at dahan-dahang lumapit sa lugar na kung saan nandoon ang nagsisigaw. Parang humihingi ito ng tulong.
"N-No please! H-Help!"
Habang palapit ng palapit ako, parang may daga na naghahabulan sa aking dibdib. Ang boses ng babae ay paos na ito at parang pagod na pagod.
Napatigil ako sa isang malagong halaman at nakasilip sa nag-uumpukan na mga kalalakihan.
Lima sila. May babaeng nakahiga at hubo't hubad ito. Ang limang lalaki, wala rin itong saplot.
Kinagat ko ang aking ibabang labi. Nilagay ko rin ang aking kamay sa aking bibig.
Jusko!
Ginagahasa nila ang babae!
Nakikita ko ang pagmumukha ng limang lalaki. Masasabi kong mayayaman ang mga ito. At ang iba may lahing banyaga.
"We need to kill her after this!" aniya ng isa na nagsusuot na ito ng brief.
Nanlalaki naman ang mga mata ko na nakatingin sa isang lalaki na pumatong pa ito sa babae.
God!
Gusto ko siya tulungan pero paano?!
"Damn you, Santiago! Tama na iyan, nakailang putok ka na ah!" aniya ng isa pang lalaki na nagsitawanan naman silang lahat.
"Walton, ikaw na bahala sa pamilya niya," saad naman ng isa.
"Hey, Salvacion! Patayin na ba natin?!" tanong ng isa pang kasamahan nila.
Salvacion?!
Ibig sabihin, kamag-anak niya ang mayayamang Salvacion dito?
Napatayo ako bigla. Hawak-hawak ko ang aking dibdib. Dahan-dahan akong tumalikod pero sa sobrang malas ko nakasalubong ko pa ang ahas at napasigaw naman ako.
"Yahhh!"
Medyo nagulat pa ang ahas sa sigaw at mabilis din itong umalis.
My God!
"Damn, may tao, bro!"
Nanlalaki naman ang mga mata ko.
Humarap ako sa kanila. Buti na lang medyo tago ang mukha ko. Walang sabi-sabing mabilis akong tumakbo. Tinapon ko na ang basket na dala-dala ko.
"Damn! Habulin niyo!"
Nanay! Tatay! Tulong!
Umiiyak ako habang tumatakbo ng mabilis. Panigurado papatayin nila ako. Kailangan ko makalayo at makapagtago. Buti na lang, alam ko na ang pasikot-sikot dito. Agad naman ako nakakita ng bangin. Dumausdos ako pababa at doon nagtago.
Pakiramdam ko nauubusan na ako ng hangin. Hirap na hirap akong huminga.
Sino-sino sila. Bakit ginahasa nila ang babaeng iyon. At ano ang koneksyon ng isang lalaki na tinatawag nilang Salvacion sa mayayamang Salvacion na nakatira sa aming lugar?
Halos hindi ko na namalayan ang oras. Pagabi na rin. Dahan-dahan akong tumayo at panay ang tingin ko sa paligid.
Sana nakaalis na sila. Nakakatakot silang lima.
Habang naglalakad ako pauwi, hindi ko maiwasan na makaramdam ng sobrang kaba.
Pagdating sa bahay wala na ang parents ko. Baka nandoon na sila sa mansion ng mga Salvacion.
Kainis! Hindi ko tuloy naibinta ang mga gulay. Pero hindi talaga mawala sa isipan ko ang babae. Gusto ko bumalik sa ilog at magbaka-sakali na nandoon pa siya. Gusto ko siyang tulungan.
Pero natatakot ako. Baka pati sila Nanay at Tatay, mapadamay.
Napakamot naman ako sa aking buhok na sobrang gulo na ang pagkatali.
Kailangan ko rin gumayak at susunod sa mansion. Mabilisang naligo ako at nagbihis ng isang simpleng bestida. Sinuot ko na rin ang flat sandal. Kahit mumurahin lang ang bestida ko, bagay na bagay ito sa akin. Balingkinitan kasi ang katawan ko at medyo matangkad din ako ng konti. Maputi at makinis ang aking balat. Hindi naman katangusan ang aking ilong. Makipot at maganda ang hugis ng mapula kong mga labi. Pero sabi nila ang mata ko raw ang nagdala sa buong mukha ko. Mahaba kasi ang pilik-mata ko at maganda ang hugis ng kilay ko.
Hindi naman kalayuan ang mansion. At safe naman maglakad dahil may mga kabahayan sa daan.
Pagdating ko sa mansion, marami-rami na rin ang mga tao.Dumiretso na ako sa likod, doon dumaan papunra sa kusina. Naanutan ko sila Nanay at Tatay na abala sa pagluluto. Main cook kasi si Tatay dito.
"Nay."
Lumapit ako rito.
"Tulungan mo muna ako gumayat ng mga rekado," aniya ni Nanay at inabot sa akin ang isang malaking supot.
"Hi, Liana," bati sa akin ng mga katulong sa mansion.
"Hi."
Naging abala kaming lahat dahil malapit na mag-alas otso at magsisimula na ang kainan. Imbitado lahat ng mga tao rito. Mayaman ka man o mahirap, pantay-pantay ang pagtingin ng pamilyang Salvacion.
Buti na lang, dumating abg isang cook na kasamahan ni Tatay at napabilis ang pagtapos ng pagluluto.
"Tulungan mo muna sila ilabas ang mga pagkain, anak," utos ni Nanay sa akin.
"Sige po."
Pabalik-balik kami sa paghahatid ng pagkain sa labas. Sobrang lawak ng garden dito sa mansion. Ang mga bulaklak, alagang-alaga ng mga tauhan.
"Liana, pakisuyo naman ilagay sa kabilang buffet table ang mga desserts," utos ng mayordoma sa akin.
"Sige po."
Halos pagod na rin ako at kanina pa ako pabalik-balik sa pag-ayos at paghatid ng mga pagkain.
"Are you sure she's dead?"
Napatigil ako sa pag-ayos ng pagkain dahil sa aking narinig.
Dahan-dahan akong lumingon sa kabilang lamesa. Nanlalaki ang mga mata ko na nakatingin sa limang lalaki.
God!
Sila iyon!
Dead?
Pinatay talaga nila ang babae?!
Iyong Salvacion na tinatawag ng isang lalaki, ibig sabihin, isa siya sa mga anak ni Don Cai Salvacion!
Jusko!
"Miss?"
Nanigas naman ang katawan.
Ako ba ang tinatawag niya?
Humarap naman ako.
"Can you give me a vegetable salad?" Nakangiting saad niya.
"Y-Yes, Sir."
Nanginginig naman ang kamay ko na nagsasalin ng salad sa maliit na plato. Agad ko naman ito hinatid sa kanilang lamesa.
Nagsalubong ang mga mata namin ng anak ni Don Cai Salvacion. Pakiramdam ko ang tagos ng pagtitig niya sa akin
Sana hindi nila ako makilala.
Buti na lang nakasumbrero ako at naka-jacket kanina.
"Thank you."
"Y-You're welcome, Sir."
Mabilis akong tumalikod at bumalik sa kusina.
"N-Nay, mauna na akong umuwi sa inyo."
Nakakunot naman ang noo ni Nanay.
"Bakit? Masama ba ang pakiramdam mo?"
"Oho. Medyo nahilo lang ako."
"Oh, sige. Pasamahan na lang kita kay.-"
"Huwag na ho! Kaya ko na," natatarantang sagot ko naman.
"Mag-ingat ka," aniya naman ni nanay.
Nagpaalam din ako kay Tatay.
Hiniram ko ang flashlight ni Tatay. Dahil babalikan ko ang babae. Sa likod din ako dumaan. Umikot na lang ako sa kabilang daan na mas malapit sa ilog. Kahit malamok at magubat, tiniis ko na lang basta makarating agad sa ilog.
Sana buhay talaga siya. Sana okay pa siya.
Grabe ang kaba ko ngayon. Pakiramdam ko, susugod ako sa giyera.
Malapit na ako sa ilog at halos mabingi na rin ako sa sobrang kaba at lakas ng tibok ng puso ko.
Pagdating ko sa tabing ilog, wala akong nakitang katawan ng babae.
Nasaan siya?!
Napatigil naman ako at napatingin sa isang bato na puno ng dugo.
"Jusko?!" napalakas na sambit ko.
Hindi ko napigilang umiyak.
"What are you doing here?"
Nabitawan ko ang flashlight na hawak-hawak ko.
Nanginginig ang katawan ko.
Dahan-dahan akong humarap sa lalaking nasa likuran ko.
Ang nagbabaga niyang mga mata ang bumungad agad sa akin.
Nakangisi ito sa akin.
"You're the witnessed."
"H-Hindi k-ko alam ang s-sinasabi mo!" Nangangatal na saad ko naman.
Dahan-dahan itong lumapit sa akin.
Umatras naman ako.
"H-Huwag please!" Umiiyak na pakiusap ko rito.
"I asked you, what are you doing here?" diin na tanong niya na umigting pa ang kan'yang panga.
"M-Maliligo!" natatarantang sagot ko at puno na ng luha ang aking mga mata.
"Really? Late night?"
Nagpapadyak naman ako.
"M-Maawa ka sa akin! Promise, hindi ko sasabihin ang nakita k-ko!"
Umiiling-iling ito. Lalo akong nataranta nang hinubad niya ang kan'yang damit.
Mabilis naman akong tumakbo pero isang hagip lang niya sa aking braso.
"H-Huwag!"
Nakatitig lang ako sa mukha niya. Nagmamakaawa.
"Remember my name. I'm Caden Salvacion."
"What are you doing here?"Nabitawan ko ang flashlight na hawak-hawak ko.Nanginginig ang katawan ko.Dahan-dahan akong humarap sa lalaking nasa likuran ko.Ang nagbabaga niyang mga mata ang bumungad agad sa akin.Nakangisi ito sa akin."You're the witness.""H-Hindi k-ko alam ang s-sinasabi mo!" Nangangatal na saad ko naman.Dahan-dahan itong lumapit sa akin.Umatras naman ako. "H-Huwag please!" Umiiyak na pakiusap ko rito."I asked you, what are you doing here?" diin na tanong niya na umigting pa ang kan'yang panga."M-Maliligo!" natatarantang sagot ko at puno na ng luha ang aking mga mata."Really? Late night?"Nagpapadyak naman ako."M-Maawa ka sa akin! Promise, hindi ko sasabihin ang nakita k-ko!"Umiiling-iling ito. Lalo akong nataranta ng hinubad niya ang kan'yang damit.Mabilis naman akong tumakbo pero isang hagip lang niya sa aking braso."H-Huwag!"Nakatitig lang ako sa mukha niya. Nagmamakaawa."Remember my name. I'm Caden Salvacion.""H-Huwag! I-Ipinapangako ko na wala ak
"L-Liana, anak?" Tawag ni Nanay.Nakatulala lang ako sa kawalan. Nang gabing iyon, sumugod si Tatay sa mansion ng Salvacion. "Pupunta tayo sa mansion. Kung hindi ka daw pakakasalan ni Senyorito Caden, si Don Cai na mismo ang gagawa ng paraan para maipakasal kayo."Yumuko na lang ako. Magpapakasal kami ng rapist na iyon?!"Liana. Ano ba ang gusto mo? Ipapakulong na lang natin siya? Sabihin mo anak."Malungkot ko naman tiningnan si Nanay.Alam kong hindi papayag si Donya Aira na makukulong ang unico hijo niya. Nag-iisang anak lang si Caden. May mga kapatid siya pero anak ito sa labas."H-Hindi na ho kailangan pakasalan ko pa ang d-demonyong iyon!" Nanginginig sa galit na saad ko kay Nanay.Napabuntonghininga naman si Nanay. "Sige, itutuloy na lang natin ang kaso."Hindi ko naman maiwasang humagulhol. Alam kong talo na kami. Wala kaming pera o ano mang yaman. Sa panahon ngayon, pera na ang labanan! Baka lalo kaming gipitin ng mga Salvacion. Baka pati ang kaunting aria-arian ni Tatay,
Halos madadapa ako palabas. Napatigil ako bigla dahil sa limang lalaki na nakaharang sa pinto.Hindi! Napaatras ako bigla. Si Caden at ang mga kasama niya na nakita ko rin sa Samar. Sila rin ang nakita ko na may ginawa sa babaeng noong gabing iyon."H-Huwag," mahinang saad ko na nagmamakaawa.Lumapit naman si Caden sa akin."You are always in trouble," aniya at inayos pa ang buhok ko."M-Maawa ka," umiiyak na pakiusap ko sa kan'ya.Mauulit ba ulit ang nangyari sa akin noong gabing iyon?"I hate people who come in without my permission," paos na boses na saad niya at bumaba ang kan'yang ulo sa aking leeg at dinilaan ito.Kinagat ko naman ang ibabang labi ko at pinipigilan ang pag-iyak. "H-Huwag, p-please.Nanginginig na Ang buong katawan ko. Kahit ang mga bibig, nangangatog na sa takot."Don't worry, I'll just punish you. I know you will like it," aniya sa akin ni Caden at hinawakan ang braso ko ng sobrang higpit."That's enough, Salvacion," aniya ng isang lalaki. Lumapit ito sa aki
Bumalik ako sa mansion na nakatulala pa rin. Naging bulag-bulagan na ba ang mga tao dito sa mansion? "Liana?"Napatingin ako kay Manang Narsing."B-Bakit po? B-Bakit?"Umiiyak akong humarap kay manang.Lumapit naman si manang at niyakap ako."I-Ilang babae pa ang gagahasain nila? Ilang babae pa ang papatayin nila, manang?!""L-Liana, w-wala tayong magagawa. Mga makapangyarihang tao sila. Mga mayayaman. Walang sinoman ang may lakas-loob na hulihin sila," maluha-luhang saad ni manang."I-Ibig sabihin, alam niyo ho ang nangyayari sa mansion? I-Iyong underground sa likod?! Iyong babae na nandoon?!"" Liana! Making sa akin. Kahit ikakasal ka kay Caden, kaya ka niyang patayin!""G-Ginahasa niya rin ako manang! Hindi lang ako! S-Sa probinsya namin, m-may babaeng ginahasa sila at pinatay!" Nanginginig ang aking katawan na nakatingin kay manang." J-Jusko!" Bulalas ni manang na tinakpan pa ang bibig."S-Sino ang puwede na lalapitan natin? S-Sino ang tutulong sa mga biktima para bigyan ng hus
Lantang-lanta ako gumising kinabukasan. Masakit ang buong katawan ko. Halos hindi ko na rin maigalaw ang mga paa ko. Masakit ang bahaging gitna ng dalawang hita ko. Wala na rin sa tabi ko si Caden."Hija, nauna na si Caden. Bumagon ka na diyan at gumayak na. Nasa baba na ang driver na maghahatid sa'yo," aniya ni manang.Inabot naman ni manang ang roba sa akin. Hubo't hubad kasi ako at tanging ang puting kumot lang ang nakatakip sa aking katawan."Masama ba ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong ni manang."H-Hindi po. Sige po gagayak na po ako," nanghihinang saad ko.Paika-ika akong naglalakad papunta sa banyo. Mabilisan lang ako naligo at tinulungan na rin ako ni Yaya magbihis ng isang puting dress.Pagbaba ko, naghihintay na ang driver."Good morning, Ma'am," nakangiting bati ng driver."Good morning po."Inalalayan naman ako ni Kuya pagpasok sa loob ng sasakayan.M-Manong, matagal na po ba kayo nagtatrabho dito?"" Yes, Ma'am. Dati po akong sundalo. Mas malaki ang sahod ko rito ka
"Manang? Bakit marami pong bantay sa labas?" Nagtatakang tanong ko."Hindi ko rin alam, hija. Alam mo naman ang asawa mo.""A-Ano po ba ang trabaho ni Caden. I mean mga negosyo niya?""H-Hindi ko alam. Basta, ang trabaho lang namin ay magsilbi sa mansion," sabay iwas ni manang ng tingin.Napatingin naman ako kay Caden na kausap ang mga armadong kalalakihan."Pupunta muna ako sa kusina, hija," aniya ni manang at dali-daling umalis. Nakasunod naman ang tingin ko kay manang. Pakiramdam ko, umiiwas na ang lahat sa akin. Parang takot na takot silang kausapin ako.Malungkot naman akong napabuntonghininga. Kamusta na kaya sila Nanay at Tatay?Gusto ko umuwi, pero ayaw ni Caden pumayag.Hindi ko rin alam kung paano ko kukontakin ang parents ko. Gusto ko malaman ang sitwasyon nila. Pero paano?"Liana?"Napalingon naman ako.Lumapit si Caden sa akin. "Bukas, sasamahan ka ng sekretarya ko. Pupunta kayo sa university para mag-enroll."Kumislap naman ang mga mata ko. "T-Totoo?""Yes. May kinuha
"Lian, hija?"Naalimpungatan ako sa boses ni manang. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata."M-Manang."Naramdaman ko ang pananakit ng buong katawan ko."Maligo ka na. Naghihintay na sa baba ang sekretarya ni Caden."Lumapit si manang sa akin at tinaas ang kumot na bumaba ng konti sa hubad kong katawan."Magsuot ka ng jacket. Takpan mo ang mga pasa sa katawan mo," maluha-luhang saad ni Manang Narsing.Tumagilid naman ako ng higa. "L-Liana?""Huwag po kayo mag-alala. Kaya ko pa po," mahinang sagot ko naman."Kapag a-ayaw mo na. K-Kapag hindi mo na kaya, t-tutulungan kita makaalis dito sa mansion."Humarap naman ako kay manang. "Huwag po. Ayoko na may papatayin pa si Caden dahil sa akin. Nakita niyo naman po ang nangyari kahapon," maluha-luhang saad ko naman.Malungkot naman tumango si manang. "Sige na. Gumayak ka na at aalis na kayo. Ang asawa mo naman, kanina pa nakaalis," saad ni manang at lumabas na ito.Napaigik naman ako dahil sa sobrang sakit sa bahaging gitna ng aking da
Unang araw ko sa kolehiyo. Naninibago pa ako sa ambiance. "Hi. Alone?"Napatingin ako sa napakagandang babae."O-Oo," nahihiyang sagot ko naman."Me too. I'm Annie, and you?" Nakangiting nakipag kamay ito sa akin."L-Liana," agad naman ako nakipag kamay sa kan'ya."Huwag ka na mahiya sa akin, Liana. Ilang taon ka na pala?""Twenty three, ikaw?" naging komportable na ako na nakipagkuwenyuhan kay Annie."Twenty two. Anong kurso ang kinuha mo?""Bachelor in Medicine and Bachelor of Surgery," nahihiyang sagot ko naman.Kayod kalabaw na itinaguyod nila Tatay at Nanay ang pag-aaral ko. Sa sobrang mahal ng gastusin sa school at tuition, tumigil na rin ako. At ngayon, maipagpatuloy ko na ang aking pangarap na maging isang magaling na doctor."Wow! Ang galing mo naman. Ako naman, nursing. Nakakatuwa at nakilala kita!"Ngumiti naman ako kay Annie. Halatang anak-mayaman ito. Pero walang kaarte-arte. Simply lang ito manamit at may salamin ito sa mata. Sobrang kinis ng kan'yang balat at sobrang p