LOGIN
WARNING: R-18
Ang story po na ito ay hindi akma sa mga batang mambabasa. Kung medyo maselan po kayo, hindi po akma ang istorya para sa inyo. Maraming salamat po. Ten Years Ago "LEINA, halika rito. May gusto akong ipakilala sa’yo," tawag ng Papa niya. Nakangiting nakatingin lang ang lalaking tila kaedaran lang ng Papa niya. Nakadapa si Leina sa kama niya habang nagbabasa nang marinig ang tawag ng ama. Mabilis niyang ibinaba ang libro sa ibabaw ng kama at bumangon. Nagmamadali siyang lumabas ng kuwarto niya. Pero agad din siyang natigilan nang makita ang isang 'di inaasahang bisita. Napatitig si Leina sa lalaking katabi ng ama. Labing limang taon na siya at ngayon lang niya ito nakitang pumunta sa bahay nila. Nanatiling nakatayo si Leina at hindi gumagalaw sa pinto ng kuwarto niya. Tila nag-aalangan kung lalapit o hindi sa ama. "Hija, anak, huwag kang mahiya. Dumalaw ang Ninong mo para makita ka niya. May regalo ang Ninong mo sa'yo," sabi naman ng Mama niya, sabay hagod sa buhok ng anak. Nahihiyang tumingin si Leina sa Mama at Papa niya, saka dahan-dahang binaling ang tingin sa lalaking naka-itim na suit. Hindi nalalayo ang edad nito sa Papa niya, pero mas bata itong tingnan. Marahil ay dahil sa wala pa itong asawa’t anak. Ang alam lang ni Leina, hindi pa raw nag-aasawa si Ninong Emil. Sabi ng Mama niya, masyado raw itong subsob sa trabaho. Hindi rin naman iyon kataka-taka, ang Vergara Incorporated ay isa sa pinakamalalaking kompanya sa bansa. Napatitig si Emil sa batang-bata pa niyang inaanak. Nag-iisang anak nina Castor at Lea Marasigan, ang prinsesa ng mag-asawa. “Ang laki mo na, Leina,” nakangiting sabi ni Emil, sabay abot ng maliit na kahon na may pulang ribbon. “Noong binyag mo, halos ganito ka lang kaliit.” Itinaas niya ang kamay niya na parang sinusukat ang dating laki ni Leina. Ngumiti lang si Leina, medyo mailap pa rin. Tinanggap niya ang kahon at marahang binuksan iyon sa harap ng mga magulang niya. Isang silver bracelet ang laman, may maliit na pendant na hugis bituin. “Ang ganda po, Ninong,” humahanga niyang sabi nang makita ang gintong bracelet. Ang bracelet ay may mga stars na nakasabit at mayroon din isang maliit na bato sa locket. Napansin ni Leina ang heart shape sa gitna. “Puwede mong lagyan ng maliit na picture iyan sa loob. Para maalala mo lagi na kahit bihira tayong magkita, andito pa rin si Ninong,” malumanay na tugon ni Emil, sabay tapik sa ulo ng bata. “Maganda ka palang bata. Manang-mana ka sa Mama mo.” Ngumiti si Lea, halatang natutuwa sa papuri ng kumpare. “Salamat, Emil. Buti naman at nakadalaw ka rin sa wakas. Lagi ka na lang busy.” “Alam mo naman, Lea,” natatawang sagot ni Emil. “Kapag lumalaki ang negosyo, lumalaki rin ang responsibilidad. Pero ngayong nakita ko na ulit si Leina, parang gusto kong bumawi.” “Bumawi?” singit ni Castor. “Hindi ka naman kailangang bumawi. Ang importante, magkaibigan pa rin tayo kahit bihira magkausap.” Ngumiti si Emil, pero sandaling tumigil ang kanyang mga mata kay Leina. Napatitig siya sa inosenteng mukha ng inaanak. Napakurap si Emil at muling humarap sa mag-asawa. “Siguro nga,” mahinang sabi niya. “Pero minsan, may mga bagay din tayong gusto sanang napansin natin nang mas maaga.” Napakunot ang noo ni Lea. “Ano’ng ibig mong sabihin?” Umiling lang si Emil at ngumiti muli. “Wala, naisip ko lang. Bata pa ako noon. Ang dami kong hindi naintindihan.” Tahimik lang na nakamasid si Leina sa pagitan nila. Hindi niya alam kung bakit, pero parang may kakaibang bigat sa tono ng Ninong niya. "Hindi ka pa kasi mag-asawa, Emil, para naman mayroon ka nang uuwian pagkatapos ng ilang araw mong business trip," sabi ni Castor na nangingiti. Napailing-iling si Emil. "Alam mo, pare, tanggap ko na sa sarili ko na hindi na ako makakapag-asawa. Puwede ko naman sigurong ibuhos ang atensyon at pagmamahal ko sa anak n'yo. Tutal, si Leina lang ang nag-iisa kong inaanak." Nagkatinginan ang mag-asawa. "Wala namang problema sa aming mag-asawa iyon, Emil. Malaki ang tiwala namin sa'yo. Saka, sino pa ba ang dapat na tatayong pangalawang ama ng nag-iisang anak namin. Di ba, ikaw lang?" Wika ni Castor na nakangiti. Sabay na napatingin silang tatlo sa gawi ni Leina. Nakayuko ito at tila nahihiya dahil sa nagiging takbo ng usapan ng kanyang magulang at Ninong Emil. "Come here, Leina..." utos ni Emil sa inaanak. Tumingin muna si Leina sa magulang niya. Tango ang naging sagot ng mag-asawa sa kanya. Nag-aalangan na tumingin siyang muli sa Ninong Emil niya. Humakbang si Leina palapit sa ama. Naging malikot ang kanyang kamay at pinaglalaruan ang daliri habang nakayuko't palapit sa ama. Tumigil siya sa harapan ni Ninong Emil. Napatitig siya sa mukha nito. Inilahad ng ninong niya ang isang kamay. "Sige na, Leina. Lumapit ka pa sa ninong mo. Mabait 'yan si Ninong mo. Marami ngang naghahabol diyan noong college. Pero wala ni isa ang pinatos..." udyok ng Papa niya na ipinagmamalaki ang kaibigan. Wala siyang ibang narinig mula sa magulang niya. Puro magaganda at walang maipintas sa kanyang ninong. Kita naman sa gwapo nirong mukha na habulin ito ng mga babae noong kabataan pa. Sumulong pa palapit si Lrina at kinuha ang kamay ng ninong niya. Napasinghap siya nang iupo siya nito sa katabi sa upuan at ang isang kamay ay umakbay sa balikat niya. Nginitian siya ng matamis ni Ninong Emil. "Mas maganda pala itong anak mo sa'yo, Lea. At malaking bata. Baka may nagpapahaging na sa rito, ha. Hindi pa puwede." "Pare, bata pa ang anak namin. Bawal pa siyang magboyfriend. Pag-aaral at makatapos bago siya maghanap ng nobyo..." singit ni Castor. Natawa si Ninong Emil nang mahina. Saka, muling bumaling ng tingin kay Leina. “As long as I’m here, she’s safe. And that’s my promise.” bitaw na pangako ni Emil.SIGURADO ka ba, Leina?" tanong ng hindi makapaniwala na si Emil. Mabilis na tumango-tango si Leina. "Opo. Sure na sure ako sa desisyon ko. Kung ano po ang alam niyo na dapat kong gawin, then kayo na po ang magdecide." Napatulala si Emil. Hindi nagsi-sink in sa kanya ang sinabi ng kanyang inaanak. "Magpapakasal ka sa akin?" "Yes po." Nangatal ang dibdib ni Emil, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa biglaang nakabuo na ng desisyon si Leina. Pumapayag na itong magpakasal sa kanya. “Leina…” mahina niyang bulong, halos hindi lumalabas ang boses. “Alam mo ba kung gaano kabigat ‘yang sinasabi mo?” Pero ngumiti si Leina, hindi nanginginig, hindi umiwas. Matatag. Parang iyon na ang pinakaklaro niyang desisyon sa buong buhay niya. “Opo, Ninong. Alam ko po ang sinasabi ko,” tugon niya. “At kung may ibang paraan, hindi na po ako lalapit sa inyo. Pero, kayo lang po ang nakikita kong makakapagligtas sa akin ngayon.” Kumunot ang noo ni Emil. Lumapit siya, marahang hinawakan ang magkabilang
“LEINA…” Umupo siyang mas malapit nang kaunti, pero hindi nakikisiksik. “May isang taong kumontak sa abogado. 'Yong mga taong nagkaso sa mga magulang mo.” Nanlamig ang batok ni Leina. “P-Po? Sino po sila?” Tumango si Emil nang marahan. “Gusto ka nilang makausap. Iyong mga taong naloko raw ni Castor.” Parang umikot ang mundo ni Leina. “A-Ako po?” hindi makapaniwalang tanong ni Leina. “B-Bakit ako? Ano’ng kailangan nila sa’kin—?” dagdag niyang mga tanong “Hindi ko alam ang buong dahilan,” sagot ni Emil. “Pero malinaw na hindi nila gustong sa abogado dumaan ang pag-uusap. Ikaw mismo ang gusto niyang kausapin.” Napahawak si Leina sa mesa. Kinuyom niya ang kamay. Hindi niya alam kung galit ba siya, takot, o pareho. “Ano pong sabi nila?” tanong niya, magaspang ang boses. Nag-angat ng tingin si Emil, diretso sa kanya. “Bibigyan nila final chance ang mga magulang mo, kung pupunta ka raw sa meeting. Gusto niyang may marinig siya mula sa’yo mismo.” Tumigil ang mundo
“I’M asking, not demanding,” aniya. “Kasi kung ang totoo ay takot ka lang. I can help you face that. Pero kung ayaw mo sa akin o kung ako mismo ang problema. Sabihin mo, Leina, at hindi na kita guguluhin.” Doon siya tuluyang nalito. “Hindi ko po kayo ayaw,” mabilis niyang sagot, halos nagmamadali. “H-Hindi ko lang po alam ang isasagot sa inyo. Hindi ko alam kung tama ba ‘to, kung mapagkakatiwalaan ko pa ‘yung sarili ko na tama ang desisyon ko.” Nagbago ang ekspresyon ni Emil, parang may tumagos sa damdamin niya. Hindi siya ngumiti, pero lumambot ang titig niya. “Then hayaan mo akong pagtiwalaan mo,” sabi niya, mababa ang tono. “Hindi bilang lalaki, hindi rin bilang Ninong mo. Kundi bilang taong hindi ka iiwan kahit na sa oras na may problema ka.” Natahimik si Leina. Hindi niya alam kung iiyak ba siya o lalong tatakbo. Bago pa siya makapili ay dahan-dahang inilapag ni Emil ang ballpen sa mesa, hindi niya ito inabot kay Leina. “Sa ngayon, hindi ko kailangan ng sagot. Hindi pa. P
PAGLABAS ni Vic at pagsara ng pintuan, bigla pakiramdam ni Leina ay lumamig ang paligid. Kasunod niyon, napahawak siya sa laylayan ng suot niyang palda, hindi alam kung saan ilalagay ang sarili. Hindi siya makatingin ng diretso kay Emil. Takot, naiipit sa sitwasyon niya at nalilito. Unti-unting umikot si Emil paharap sa kanya, pero hindi na ito galit. Pero hindi rin kalmado, ayon sa ekspresyon ng mukha na nakikita ng dalaga. Parang may kinokontrol na emosyon. “Leina,” malumanay nitong sabi, hindi na kagaya kanina na pagalit. “Look at me.” Umangat ang tingin niya sa kanyang ninong. “Hindi kita pakakasalan dahil gusto kitang angkinin,” sabi ni Emil, dahan-dahang huminga. “I’m doing this because I don’t have a choice. Masyado kang mabait at dahil babae ka, hindi mo kayang proteksyonan ang sarili mo. Sino na lamang ba ang magiging kakampi mo at tutulong sa'yo? Ako lang 'yon, Leina. Tignan mo ang ginawa sa'yo ng ex-boyfriend mo. Sinamantala niya ang kahinaan mo. Naghirap kayo. Gu
"TELL me your decision, Leina. Wala itong sapilitan. Pero alam mo kung anong mawawala sa'yo sa oras na hindi ka pumayag..." sabi pa ni Emil. Pero bago pa makasagot si Leina ay may nahagip ang mata niya sa pinakaibaba ng papel. Hindi niya alam kung tama ba ang basa niya. "S-Sandali po.." sabi niya na napatingin sa Ninong Emil niya. Hindi namam siya iniwasan nito. Matatag pa rin ang tingin at seryoso ang mukha. "K-Kasal...? Totoo po ba ito?" Napatitig lang siya sa ninong niya, seryoso ang mukha nito at hindi niya mabasa kung ano ang iniisip. “Kung pipirmahan mo ang kontrata, oo,” mahinahong sagot ni Emil. “Hindi kita pipilitin, Leina. Pero kailangan kong malaman kung handa ka sa kapalit.” Nanlamig ang mga kamay niya habang hawak ang papel. Parang biglang lumiit ang mundo niya. Kasal? Hindi niya alam kung dapat ba siyang matakot o magduda sa lahat ng nangyayari. Magpapakasal sila ng kanyang Ninong Emil? Puwede ba 'yon ngayon? Ang daming tanong ni Leina sa utak niya. Hindi niya na
KUMATOK si Manang Nieves sa pintuan ng kuwarto ni Leina. Tulog ang bagong alaga ng kanyang amo. "Leina, bumangon ka na at mag-almusal. Ipinapatawag ka ni Emil sa opisina niya..." tawag ni Manang. Tinanghali ng gising si Leina. Dahil sa pag-iyak niya ay napuyat siya. Hindi maganda ang pakiramdam niya pero hindi niya alam kung bakit ipinapatawag siya ng kanyang ninong. "Opo. Babangon na po, manang..." sagot na sigaw niya. Bumangon na si Leina at nag-unat-unat ng kanyang nga kamay. Pagbangon niya ay sandali siyang napatigil, humawak sa sentido, at pinilit na ayusin ang sarili. Mabigat pa rin ang ulo niya, parang pagod pa ang katawan kahit mahaba ang tulog niya kagabi. Pumunta siya sa banyo, naghilamos, at mabilis na nag-ayos. Paglabas niya ng kuwarto ay naroon pa rin si Manang Nieves, nakatayo at nakahalukipkip na para bang inabangan talaga siyang bumaba. "Ay, hija, bilisan mo na. Kanina ka pa hinihintay sa taas. Alam mo naman siguro kung saan ang opisina ng ninong mo," sab







