LOGINNAKANGITI si Leina habang pinapanood si Julian sa pakikipaglaro sa kanyang anak. Panay naman ang hagikhik ng anak niyang malapit nang mag-isang taong gulang.Napakabilis dumaan ang panahon. Nagtatrabaho siya sa isang maliit na botika bilang cashier at naninirahan na silang mag-ina, hindi malayo sa bahay nina Julian. Nirequest iyon ni Mama Nena para hindi malayo silang mag-ina."Tama na muna 'yan. Magmeryenda muna kayo," sabi ni Nena na may dalang tray na may juice at tuna sandwich.Ito ang namiss niya sa pagtira niya sa bahay nina Julian, ang pag-aalaga ni Mama Nena at pagluluto nito para sa kanya. Namiss niya silang mag-ina. Pero hindi naman sila nawala sa tabi niya. Si Mama Nena pa rin ang nag-aalaga kay Emman. Araw-araw pa rin nilang nakikita ang matandang babae at maging si Julian."Salamat po, Mama Nena," nakangiting sabi ni Leina."Naku, wala iyon. Baka nga hindi ka na kumakain nang maayos dahil sa kakatrabaho mo."Napakamot si Leina sa ulo."Minsan po talaga, nagmamadali."Napa
LUMIPAS ang tatlong araw at nailabas na ni Leina ang kanyang anak sa ospital. Ayaw na niyang magtagal sa lugar na iyon dahil baka makarating kay Emil na nakapanganak na siya."Let's go, Leina," aya ni Julian sa kanya.Napatigil muna si Leina saka tumango."Sige."Binitbit na ni Julian ang mga bag ni Leina habang si Mama Nena naman ay maingat na karga ang sanggol."Naku, ang gaan lang niya," nakangiting sabi ni Mama Nena habang nakatingin sa bata.Napangiti si Leina."Matakaw po kasi siya. Maya't maya ang gising.""Normal lang iyan," sabi ni Mama Nena. "Malusog ang apo... este, si baby."Napatawa si Leina. Nakakatuwa si Mama Nena. E, si Mama kaya niya matutuwa kung malaman nitong nakapanganak na siya?Dahil sa mga nangyari bago siya umalis, hindi niya alam. Mag-ina pa sila na magkaribal sa isang lalaki. Pero ang Mama niya ang nauna. Hindi niya maitanggi na unang minahal ni Emil ay ang Mama niya."Akala ko po apo n'yo na talaga."Napangiti rin si Mama Nena. Ganoon na nga ang pakiramdam
HINDI mapakali si Emil. Tila parang may kung ano ang hindi niya maintindihan sa kanyang sarili. “Ano bang nangyayari sa'yo, Emil?” tanong ni Lea. Pansin niya ang kakaibang kilos ni Emil. Napabuntong-hininga si Emil at napahawak sa batok niya. "Hindi ko rin alam." "Mula pa kanina, para kang may hinahanap." Hindi agad nakasagot si Emil. Napatingin siya sa labas ng bintana. Hindi niya maipaliwanag kung bakit mabigat ang pakiramdam niya. "Parang..." natigilan siya. "Parang may nangyari." Napakunot ang noo ni Lea. "May tumawag ba sa'yo?" Umiling si Emil. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya sa dibdib ngayon. Parang mayroong kumukurot sa kanya. "Wala." "Eh bakit ganyan ka?" Muling napabuntong-hininga si Emil. "Ewan ko ba. Kanina pa ako hindi mapakali. Para bang may gusto akong puntahan pero hindi ko alam kung saan. Ang dibdib ko parang sumusikip. " Tahimik na pinagmasdan siya ni Lea. "Huwag mong sabihin..." "Ano?" "Iniisip mo na naman si Leina." Biglang natigilan
MARIING napapikit si Leina nang marinig niya ang iyak ng kanyang sanggol. Pero may ngiti siya sa labi dahil alam niya na buhay at nasa maayos ang lagay ng kaniyang anak."Nakapanganak na si Leina…" excited na sabi ni Nena."Opo, Ma."Napabuntong-hininga si Julian. Pakiramdam niya ay nawala ang malaking bigat na kanina pa nakadagan sa dibdib niya."Salamat sa Diyos," mahina niyang sabi.Pareho silang napangiti nang marinig nilang muli ang malakas na iyak ng bagong silang na sanggol. Ilang minuto pa ang lumipas bago bumukas ang pinto ng labor room. Lumabas ang doktor na may ngiti sa labi."Sino po ang kasama ni Ms. Leina?"Mabilis na tumayo sina Julian at Nena."Kami po," sagot ni Julian."Congratulations. Ligtas ang panganganak niya. Healthy ang baby."Napangiti si Mama Nena habang napapahawak sa dibdib."Maraming salamat po, Doc.""Pwede na po ba namin silang makita?" tanong ni Julian."Sandali lang po. Lilinisin muna namin ang baby at ililipat si Ms. Leina sa kuwarto."Tumango silang
NILAPTAN ni Julian si Leina at niyakap. Hinagod niya Ng likod nito para natigil sa pag-iyak. “Ilabas mo Lang ang sama ng loob mo, Leina. Andito lang kami ni Mama para damayan.” Kumalas si Leina sa pagkakayakap ni Julian. At pinunasan niya ang mga luha sa mata. “Maraming salamat sa inyong mag-ina. Siguro kung Hindi ako nakita ni Mama Nena baka kung saan-saan ako ngayon.” Lumabas si Nena sa silid niya. Naabutan niya sina Juian at leina. Ngumiti nang bahagya siya habang pinagmamasdan si Leina. "Huwag mo nang isipin iyon, anak. Hindi ka namin pababayaan. Hangga't kailangan mo ng matatakbuhan, bukas ang bahay namin para sa'yo." Namulang muli ang mga mata ni Leina. Hindi niya akalaing may mga taong handang tumulong sa kanya kahit wala silang hinihinging kapalit. "Pakiramdam ko po kasi... wala na akong mapuntahan." "Meron," sagot ni Julian. "Hindi ka nag-iisa." Napatingin si Leina kay Julian. Sa mga oras na iyon, nakita niya ang sinseridad sa mga mata ng binata. Wala itong awa o pag
NAKATANGIN sa kawalan si Leina. Naiisip niya ang asawa. Iniwan niya ito sa mansyon kasama ang ina. Nagbago kaya ang nararamdaman ni Emil sa kanya? Paano kung mabaling ang pagtingin nito sa Mama niya? Ang dami niyang tanong sa isip na ayaw niyang isipin. Paano kung mangyari ang hindi dapat mangyari? “Juice.. ipinagtimpla kita ng orange juice. May niluto rin akong meryenda, baka gusto mo?” sabi ni Julian. Napatingin si Leina kay Julian. “Salamat.” Naupo si Julian katabi ni Leina. “Ano ba talagang nangyari sa inyo ni Emil?” Nag-iwas ng tingin si Leina. Parang biglang bumigat ang dibdib niya sa tanong na iyon. Hindi siya agad nakasagot. Humigop muna siya ng orange juice bago dahan-dahang ibinaba ang baso. "Nag-away lang kami..." mahina niyang sagot. Napabuntong-hininga si Julian. "Hindi ako naniniwala. Kung simpleng away lang iyon, hindi ka aalis ng mansyon at pupunta dito na ganyan ang itsura." Napayuko si Leina. Hindi niya kayang magsinungaling. Hindi kayang magsinungaling ng
PAGDATING ni Leina sa Manila ay sinalubong siya ng init at ingay ng siyudad. Hindi na siya sanay. Sanay siya sa tahimik na probinsya, sa amoy ng lupa at sa tunog ng hangin sa mga taniman nila. Pero ngayon, puro busina at usok ang paligid. Sa totoo lang hindi niya alam kung saan siya matutulog mama
Present DayTen Years LaterWALANG tigil ang paghagulhol ni Leina habang nakatingin sa kanyang mga magulang na nasa loob ng kulangan."Pa, ipinapangako ko po sa inyo na ilalabas ko kayo ni Mama rito... hindi ko po kayo kayang makita na nasa ganyang kalagayan..." pangakong sabi ni Leina habang nakah
WARNING: R-18 Ang story po na ito ay hindi akma sa mga batang mambabasa. Kung medyo maselan po kayo, hindi po akma ang istorya para sa inyo. Maraming salamat po. Ten Years Ago "LEINA, halika rito. May gusto akong ipakilala sa’yo," tawag ng Papa niya. Nakangiting nakatingin lang ang lalaking t
“IBINABALIK ko na ang lahat ng nakuhang ari arian SA inyo…” Nanlaki ang mga mata ni Lea habang si Leina ay hindi makapaniwala. Mabilis niyang nilapitan ang ina. “Totoo ba ito, Ma?” tanong niya na nagugulat. Napabaling ang tingin ni Lea kay Julian. “Seryoso ba ito? Ibinabalik mo na sa amin ang a







