LOGINUMAGA, pumasok na sa kompanya si Emil. Si Leina, nasa garden silang mag-ina. Naglalaro si Emman sa malawak na garden ng mansyon. "Emman, dahan-dahan sa pagtakbo..." nakangiting saway ni Leina sa anak. Nakaupo siya sa damuhan habang tumatakbo ang anak, nakasunod naman ang Yaya ng anak niya. "Ma'am Leina, andito na po ang meryenda niyo ni Baby Emman," saad ng kasambahay na bagong dating. Inilapag nito ang tray sa ibabaw ng mesa. Nilingon ni Leina ang kasambahay. "Paki-iwan na lang po. Salamat po." Tumalikod na ang kasambahay at naglakad papunta sa mansyon. Ilang sandali pa ang lumipas bago tuluyang iwan ng kasambahay ang dalawa. Nang makasigurong wala nang ibang tao sa paligid ay bahagyang napangiti si Lea. "Emman, halika na rito. Kumain ka muna," tawag ni Leina sa anak. Agad namang tumakbo palapit ang bata. Tinulungan siya ng kaniyang ina na makaupo sa upuan bago kumuha ng pagkain mula sa tray. "Ma!" Turo ni Emman sa juice. Mula sa hindi kalayuan ay pinagmamasdan sila ni Lea.
NAGMAMADALI ang isang babae na lumabas ng presinto. Wala siyang lingon habang naglalakad, deretso lang siya hanggang sa may nakita siyang taxi at mabilis igong pinara. "Sa Mabini.." sabi ng babae pagkapasok sa loob ng sasakyan. Napangisi nang nakakainis si Lea. Pansamantala ay doon muna siya magpapalipas ng gabi at kinabukasan ay hahanap siya ng matitirhan. Nakalabas siya ng presinto dahil binayaran niya ang guwardiya. May mga natitira pa naman siyang pera mula sa ipinagbili niyang mga ari arian na ibinalik ni Julian. Ang mga perang iyon ang ginagamit niya para magawa ang mga gusto niya. Hindi naman siya binibigyan ng pera ng anak niya. Gayunpaman, kaya niyang tustusan ang sarili niya. Ang akala nila hindi siya makakalabas ng kulungan. "Humanda ka na, Leina..." nausal na mahina ni Lea habang matiim na nakatingin sa daan. Hindi pa rin siya susuko. Makukuha pa rin ang gusto niya. At ang gusto niya... makuha si Emil. Papayag ba siyang mawala lahat ng mga pinaghirapan niya? Naga
MATIIM ang tingin ni Emil habang nakaupo sa kanyang swivel chair. Nasa library sila ni Victor. "Wala ka nang aalalahanin pa, Emil. Matibay ang ebidensya natin, mabubulok na sa kulungan si Lea," saad ni Victor. "Hindi pa rin mapapakampante hangga't mayroon pa ring koneksyon si Lea. Madali lang sa kanya ang lahat, kaya nalulusutan niya ang mga kaso niya." "May punto ka," pagsang-ayon ni Victor. "Pero sa pagkakataong ito, hindi na siya basta makakalusot. Nasa atin ang mga dokumento at testimonya ng mga taong handang tumestigo laban sa kanya." Tumango si Emil at sumandal sa swivel chair. Hindi pa rin nawawala ang pag-aalala sa kanyang mukha. "Mayroon pa akong isang bagay na gustong malaman. Sino ang tumulong kay Lea para makakuha ng ganoong kalaking pera? Hindi naman niya kayang gawin ang lahat ng iyon nang mag-isa." "Mapera si Castor. Baka iyon sa mga properties na ibinalik ni Julian sa kanila noon. Maaring naibenta na niya ang mga properties," saad ni Emil. "May parte si Leina
SA mansyon, nakatayo sina Victor at Grace. Tumawag si Emil kanina para ipaalam na malapit na sila sa mansyon.Hawak niya ang kamay ni Grace na pilit na kumakawala sa kanya."Subukan mong bitawan ang kamay ko, Grace. Mamaya mararamdaman mo ang parusa ko sayo," may diing sabi ni Victor.Nagitla si Grace at pilit hinihila ang kamay. Napapansin niyang sobrang possessive ni Victor sa kanya."Victor, nasasaktan ako," reklamo ni Grace habang pilit na inaalis ang kamay sa pagkakahawak nito.Sa halip na bitawan siya, mas hinigpitan pa ni Victor ang pagkakahawak sa kanya.Inis na inis si Grace sa pagiging possessive ni Victor, hindi niya naman ito amo. Mas mahigpit pa at kahit wala namang karapatang magselos ay nagseselos."Then stop struggling. Hindi naman kita sasaktan kung susunod ka lang sa akin."Napakunot ang noo ni Grace. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang pag-uugali ng lalaki. Mula nang mapalapit siya rito, unti-unti niyang nakikita ang pagiging dominante at possess
KUMATOK si Emil sa p*nto ng bahay ni Leina. Susunduin na niya ang kanyang mag-ina. Sa haba ng panahon, nagawa na rin siyang patawarin ng asawa. Agad bumukas ang p*ntuan, nasilayan niya ang magandang mukha ng asawa. "Good morning, Leina..." nakangiting bati niya. "Good morning. Halika, pasok ka," paanyaya ni Leina. Pumasok sa loob ng bahay si Emil, lumabas naman ng kuwarto ang mag-inang sina Julian at Nena. "Magandang umaga po..." magalang bati ni Emil. Marahang tumango si Nena. "Susunduin mo na sila, Emil?" tanong ni Julian na seryosong ang mukha. "Oo, Julian. Hindi ko kayang malayo pa sa pamilya ko." Sagot ni Emila, napabaling siya kay Leina. Napatingin si Leina sa asawa. Ngumiti siya nang bahagya bago lumapit dito. "Handa na ba ang mga gamit ninyo?" tanong ni Emil. "Oo. Kaunti lang naman ang dadalhin namin. Wala naman kaming maraming mahahalagang gamit dito sa bahay," sagot ni Leina. "Ipapasakay ko na sa sasakyan ang mga gamit ninyo." Saad ni Emil sa asawa.
ISANG linggo nang hindi dumadalaw sa kulungan si Leina. Nagtataka na si Lea sa anak. "Sir, may dalaw po ba ako? Dumating na po ang anak ko?" tanong niya sa guwardiya, hinihintay si Leina. Isang linggo na siyang nagtitis sa pagkain na walang lasa sa loob. Wala siyang makausap ng maayos at nagtitiis siyang mag-isa lang sa selda. Napatingin si Lea sa orasan sa dingding. Alas diyes na ng umaga. Karaniwan ay maaga siyang dinadalaw ni Leina kapag may pagkakataon itong makapunta. "Isang linggo na kasi akong walang dalaw. Hindi niya po ata ako pinupuntahan," dagdag niya. "Sandali lang po." Sagot ng pulis. Lumayo ito upang tingnan ang talaan ng mga bisita. Naiwan si Lea na nakatayo sa harap ng maliit na mesa. Umaasa siyang makikita niya ang anak kahit ilang minuto lamang. Wala rin siyang pagkain. Isang linggo na siyang nagtitiis sa mga pagkain na walang lasa. Nang bumalik ang pulis ay umiling ito. "Wala pong nakalista sa pangalan ninyo na dalaw." Napayuko si Lea. Hindi niya maiwasan
"VIC, ano nang balita sa pinapaasikaso ko sayo? Kailan makakalaya ang mag-asawang Valencia?" Mga tanong ni Emil. Napahinga ng malalim si Vic. Saka seryosong tumingin sa pinsan niya. "Emil, ano ba talaga ang gusto mo at tutulungan mo ang dati mong best friend?" Napatigil si Emil. "Kaibigan ko pa r
KABADO si Leina. Magkakaharap silang dalawa ni Julian. Hindi niya alam kung anong magagawa niya sa dating nobyo dahil sa galit at poot niya. Minahal niyang totoo ang dating nobyo, pero sakit ang naging sukli sa kanya. Sobrang nakakadurog ng ginawa nito sa kanya. Kinuha na ng binata ang kanilang mg
“LEINA…” Umupo siyang mas malapit nang kaunti, pero hindi nakikisiksik. “May isang taong kumontak sa abogado. 'Yong mga taong nagkaso sa mga magulang mo.” Nanlamig ang batok ni Leina. “P-Po? Sino po sila?” Tumango si Emil nang marahan. “Gusto ka nilang makausap. Iyong mga taong naloko raw
HINAWAKAN ni Emil si Leina sa braso at inalalayan na tumayo. "Ang maigi pa ay dalhin kita sa mansyon. Nang makapaligo ka at makapagbihis ng maayos. Tignan mo nga ang sarili mo," sabi ni Emil at utos sa dalaga. Napatingin nga si Leina sa kanyang damit habang tumatayo. "Pasensiya na po. Kahit mga d







