LOGINPAGDATING ni Leina sa Manila ay sinalubong siya ng init at ingay ng siyudad. Hindi na siya sanay. Sanay siya sa tahimik na probinsya, sa amoy ng lupa at sa tunog ng hangin sa mga taniman nila. Pero ngayon, puro busina at usok ang paligid.
Sa totoo lang hindi niya alam kung saan siya matutulog mamayang gabi. Wala nang natira sa pera niya. Hindi pa nga siya nakakapagpalit ng kanyang damit. Para na siyang pulubi sa kanyang itsura. Ang libag ng kanyang damit. Halos ilagan nga siya ng makakasabay sa paglalakad. Huminto siya sandali sa tapat ng terminal, napalinga sa paligid. Emil Vergara, 17th Floor, Vergara Holdings, Makati City. Iyon ang tanda niyang sinabi ng Papa niya. Napalunok siya. Hindi man siya sigurado pero sana ay matulungan sila ni Ninong Emil… Kahit hindi siya sigurado ay sumakay siya ng jeep, papuntang Makati. At nang makarating sa Makati ay doon na siya nagsimulang magtanong-tanong kung saan niya makikita ang Vergara Holdings. Bumaba na agad si Leina nang jeep ng makarating siya sa Makati. Kahit paano ay tanda pa niya. Tumigil siya sa harap ng napakataas na gusali ng Vergara Holdings.malaki, makintab. Nakakahiya ang ayos nita. Naka-sandals lang siya at lumang dress, ngunit pinilit niyang lakasan ang loob. Pagpasok niya sa lobby, agad siyang hinarang ng guard. “Miss, saan ka pupunta?” tanong nito. “K-Kay Mr. Emil Vergara po. Ninong ko po siya,” sagot niya, medyo garalgal ang boses. Tiningnan siya ng guard mula ulo hanggang paa, halatang nagdududa. “May appointment ka ba, miss?” Umiling siya. “W-Wala po. Pero importante po ito. Kailangan ko po siyang makausap, please…” "Lumabas ka na, Miss. Bawal magsolicit dito." Taboy ng guwardiya kay Leina. Nilapitan nito ang dalaga at hinawakan sa braso. Napaatras naman si Leina. Takot ang namayani sa kanya habang nakatingin ng masama sa kanya ang guwardiya. "H-Hindi po ako magsosolicit. Kailangan ko lang po makausap si Ninong Emil..." Napatiim ang lalaki at hinila palabas si Leina. Marahas niya itong binitawan na kamuntikan pang ikinasubsob ni Leina sa semento. "Sinabi ko na, Miss, kailangan mo ng appointment bago mo makausap ang boss ko! Ako ang pagagalitan sa ginagawa mo..." reklamo ng guwardiya. Nangingilid ang luha ni Leina. Pinagtitiningan na siya ng mga tao sa labas. "S-Sorry po..." "Sige na, umalis ka na!" Asik ng guwardiya. Nakayukong tumalikod si Leina at dahan-dahang naglakad paalis sa gusali ng Vergara Holdings. Biglang bumukas ang elevator at lumabas ang isang lalaki matangkad, naka-itim na suit, at may malamig na titig. Napatigil ang lahat. Lumingon ito sa direksyon ng guwardiya. “Anong nangyayari rito?” tanong ng lalaki, malamig ang boses. “Sir Emil, sabi po nitong babae, Ninong daw po kayo,” sabi ng guard. Biglang nanigas si Emil. "Ninong? Nasaan ang babaeng sinasabi mo?" Mga tanong niya, bigla na lang bumilis ang tibok ng puso niya. Hinanap ng kanyang mga mata ang babaeng sinasabi ng guwardiya. "Sir, the client is on the way now. Baka po malate tayo..." singit na sabat ng sekretarya ni Emil. Napatigil si Emil at bumaling ng tingin sa kanyang sekretarya. "Let's go, Sir Vergara..." sabi pa ng sekretarya niya. Napabuntong-hininga siya saka naunang lumabas ng building. Si Emil Vergara ay isang kilalang bilyonaryo na may matatag na pangalan sa larangan ng negosyo. Sa edad na apatnapu’t lima, nananatili siyang binata. Hindi dahil sa kakulangan ng oportunidad, kundi dahil sa sariling kagustuhan. Mas gusto niyang ituon ang kanyang isip sa kanyang negosyo kaya siguro napaglipasan na siya ng panahon. Pero ang totoo ay may isang babae siyang hinihintay. Habang si Leina nagtatago sa isang gilid. "Siya… siya si Ninong Emil ko?" Nasambit niyang tanong. Hindi siya makapaniwalang makakadaupang-palad niya agad ang kanyang hinahanap. Dahan-dahan siyang lumapit. Pero pilit naman itong inilalayo ng guard. “N-Ninong Emil… ako po si Leina Valencia. Anak po nina Castor at Lea Valencia.” Ngunit hindi siya narinig ni Emil. Nakalabas na ito ng pinto at nagmamadali nang sumakay sa itim na sasakyang naghihintay sa tapat ng gusali. “Ninong Emil!” sigaw ni Leina, sabay takbo ng mabilis palabas. Tumalon pa siya sa kalsada, halos masagasaan ng paparating na kotse. Ngunit huli na, paalis na ang kotseng sinasakyan ng kanyang Ninong. Hinabol niya ito, hawak ang laylayan ng lumang dress niya. “Ninong! Ako po si Leina!” muli niyang sigaw, halos punit na ang boses. Hindi na siya pinansin ng mga guwardiya na ngayon ay pinagtatawanan pa rin siya. “Miss, hindi ka ba talaga titigil? Gusto mo na naman atang ipatapon kita.. o baka naman gusto mo na ipaaresto kita! Sige, tatawa ako ng pulis!" Pero hindi tumigil si Leina. Kahit tumitirik ang araw at nanlilimahid na siya sa pawis, tumatakbo pa rin siya sa kalsada, sinusundan ng tingin ang sasakyang papalayo. Hanggang sa tuluyan na itong mawala sa paningin niya. Huminto siya, hingal na hingal. Napaupo sa gilid ng bangketa, pinunasan ang pawis at luha gamit ang maruming palad. “Ninong Emil…” mahinang bulong niya, halos wala nang lakas ang boses. "Kailangan ko po ang tulong ninyo." Naisandal ni Leina ang likod sa pader at napadako ang tingin ni Leina sa kanyang bracelet. Hinawakan niya iyon. “Hindi ako susuko. Babalik ako, sa susunod titiyakin kong makakausap ko na si Ninong. Para kina Mama at Papa…” Tumayo siya, pilit na pinatatag ang loob. Muli niyang sinulyapan ang mataas na gusali ng Vergara Holdings. May pangako siya sa Mama at Papa niya na uuwi siya sa probinsya na kasama si Ninong Emil niya para ilabas sila sa kulungan.SIGURADO ka ba, Leina?" tanong ng hindi makapaniwala na si Emil. Mabilis na tumango-tango si Leina. "Opo. Sure na sure ako sa desisyon ko. Kung ano po ang alam niyo na dapat kong gawin, then kayo na po ang magdecide." Napatulala si Emil. Hindi nagsi-sink in sa kanya ang sinabi ng kanyang inaanak. "Magpapakasal ka sa akin?" "Yes po." Nangatal ang dibdib ni Emil, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa biglaang nakabuo na ng desisyon si Leina. Pumapayag na itong magpakasal sa kanya. “Leina…” mahina niyang bulong, halos hindi lumalabas ang boses. “Alam mo ba kung gaano kabigat ‘yang sinasabi mo?” Pero ngumiti si Leina, hindi nanginginig, hindi umiwas. Matatag. Parang iyon na ang pinakaklaro niyang desisyon sa buong buhay niya. “Opo, Ninong. Alam ko po ang sinasabi ko,” tugon niya. “At kung may ibang paraan, hindi na po ako lalapit sa inyo. Pero, kayo lang po ang nakikita kong makakapagligtas sa akin ngayon.” Kumunot ang noo ni Emil. Lumapit siya, marahang hinawakan ang magkabilang
“LEINA…” Umupo siyang mas malapit nang kaunti, pero hindi nakikisiksik. “May isang taong kumontak sa abogado. 'Yong mga taong nagkaso sa mga magulang mo.” Nanlamig ang batok ni Leina. “P-Po? Sino po sila?” Tumango si Emil nang marahan. “Gusto ka nilang makausap. Iyong mga taong naloko raw ni Castor.” Parang umikot ang mundo ni Leina. “A-Ako po?” hindi makapaniwalang tanong ni Leina. “B-Bakit ako? Ano’ng kailangan nila sa’kin—?” dagdag niyang mga tanong “Hindi ko alam ang buong dahilan,” sagot ni Emil. “Pero malinaw na hindi nila gustong sa abogado dumaan ang pag-uusap. Ikaw mismo ang gusto niyang kausapin.” Napahawak si Leina sa mesa. Kinuyom niya ang kamay. Hindi niya alam kung galit ba siya, takot, o pareho. “Ano pong sabi nila?” tanong niya, magaspang ang boses. Nag-angat ng tingin si Emil, diretso sa kanya. “Bibigyan nila final chance ang mga magulang mo, kung pupunta ka raw sa meeting. Gusto niyang may marinig siya mula sa’yo mismo.” Tumigil ang mundo
“I’M asking, not demanding,” aniya. “Kasi kung ang totoo ay takot ka lang. I can help you face that. Pero kung ayaw mo sa akin o kung ako mismo ang problema. Sabihin mo, Leina, at hindi na kita guguluhin.” Doon siya tuluyang nalito. “Hindi ko po kayo ayaw,” mabilis niyang sagot, halos nagmamadali. “H-Hindi ko lang po alam ang isasagot sa inyo. Hindi ko alam kung tama ba ‘to, kung mapagkakatiwalaan ko pa ‘yung sarili ko na tama ang desisyon ko.” Nagbago ang ekspresyon ni Emil, parang may tumagos sa damdamin niya. Hindi siya ngumiti, pero lumambot ang titig niya. “Then hayaan mo akong pagtiwalaan mo,” sabi niya, mababa ang tono. “Hindi bilang lalaki, hindi rin bilang Ninong mo. Kundi bilang taong hindi ka iiwan kahit na sa oras na may problema ka.” Natahimik si Leina. Hindi niya alam kung iiyak ba siya o lalong tatakbo. Bago pa siya makapili ay dahan-dahang inilapag ni Emil ang ballpen sa mesa, hindi niya ito inabot kay Leina. “Sa ngayon, hindi ko kailangan ng sagot. Hindi pa. P
PAGLABAS ni Vic at pagsara ng pintuan, bigla pakiramdam ni Leina ay lumamig ang paligid. Kasunod niyon, napahawak siya sa laylayan ng suot niyang palda, hindi alam kung saan ilalagay ang sarili. Hindi siya makatingin ng diretso kay Emil. Takot, naiipit sa sitwasyon niya at nalilito. Unti-unting umikot si Emil paharap sa kanya, pero hindi na ito galit. Pero hindi rin kalmado, ayon sa ekspresyon ng mukha na nakikita ng dalaga. Parang may kinokontrol na emosyon. “Leina,” malumanay nitong sabi, hindi na kagaya kanina na pagalit. “Look at me.” Umangat ang tingin niya sa kanyang ninong. “Hindi kita pakakasalan dahil gusto kitang angkinin,” sabi ni Emil, dahan-dahang huminga. “I’m doing this because I don’t have a choice. Masyado kang mabait at dahil babae ka, hindi mo kayang proteksyonan ang sarili mo. Sino na lamang ba ang magiging kakampi mo at tutulong sa'yo? Ako lang 'yon, Leina. Tignan mo ang ginawa sa'yo ng ex-boyfriend mo. Sinamantala niya ang kahinaan mo. Naghirap kayo. Gu
"TELL me your decision, Leina. Wala itong sapilitan. Pero alam mo kung anong mawawala sa'yo sa oras na hindi ka pumayag..." sabi pa ni Emil. Pero bago pa makasagot si Leina ay may nahagip ang mata niya sa pinakaibaba ng papel. Hindi niya alam kung tama ba ang basa niya. "S-Sandali po.." sabi niya na napatingin sa Ninong Emil niya. Hindi namam siya iniwasan nito. Matatag pa rin ang tingin at seryoso ang mukha. "K-Kasal...? Totoo po ba ito?" Napatitig lang siya sa ninong niya, seryoso ang mukha nito at hindi niya mabasa kung ano ang iniisip. “Kung pipirmahan mo ang kontrata, oo,” mahinahong sagot ni Emil. “Hindi kita pipilitin, Leina. Pero kailangan kong malaman kung handa ka sa kapalit.” Nanlamig ang mga kamay niya habang hawak ang papel. Parang biglang lumiit ang mundo niya. Kasal? Hindi niya alam kung dapat ba siyang matakot o magduda sa lahat ng nangyayari. Magpapakasal sila ng kanyang Ninong Emil? Puwede ba 'yon ngayon? Ang daming tanong ni Leina sa utak niya. Hindi niya na
KUMATOK si Manang Nieves sa pintuan ng kuwarto ni Leina. Tulog ang bagong alaga ng kanyang amo. "Leina, bumangon ka na at mag-almusal. Ipinapatawag ka ni Emil sa opisina niya..." tawag ni Manang. Tinanghali ng gising si Leina. Dahil sa pag-iyak niya ay napuyat siya. Hindi maganda ang pakiramdam niya pero hindi niya alam kung bakit ipinapatawag siya ng kanyang ninong. "Opo. Babangon na po, manang..." sagot na sigaw niya. Bumangon na si Leina at nag-unat-unat ng kanyang nga kamay. Pagbangon niya ay sandali siyang napatigil, humawak sa sentido, at pinilit na ayusin ang sarili. Mabigat pa rin ang ulo niya, parang pagod pa ang katawan kahit mahaba ang tulog niya kagabi. Pumunta siya sa banyo, naghilamos, at mabilis na nag-ayos. Paglabas niya ng kuwarto ay naroon pa rin si Manang Nieves, nakatayo at nakahalukipkip na para bang inabangan talaga siyang bumaba. "Ay, hija, bilisan mo na. Kanina ka pa hinihintay sa taas. Alam mo naman siguro kung saan ang opisina ng ninong mo," sab







