Share

Chapter 2: Present Day

Author: RIDA Writes
last update Last Updated: 2025-11-18 16:55:18

Present Day

Ten Years Later

WALANG tigil ang paghagulhol ni Leina habang nakatingin sa kanyang mga magulang na nasa loob ng kulangan.

"Pa, ipinapangako ko po sa inyo na ilalabas ko kayo ni Mama rito... hindi ko po kayo kayang makita na nasa ganyang kalagayan..." pangakong sabi ni Leina habang nakahawak sa rehas.

Yakap ni Castor ang asawang si Lea na panay din ang iyak. Hindi nila inaasahan na mangyayari ito. Nagulat na lamang sila na biglang may pumuntang mga pulis sa bahay nila at ipinakita ang arrest warrant. Nagulat din siyang kasama niya ang asawa. Mahina na ang katawan ni Lea para maranasan ang makulong.

"Anak... Leina, puntahan mo ang Ninong mo sa Maynila. Sabihin mo na nakakulong kami ng Mama mo. Ang Ninong mo na lang tanging pag-asa para makalaya kami ni Lea."

"H-Ho?" sabi ni Leina. "Saan ko po siya makikita. Pa?"

"May booklet ako sa drawer ko. Kunin mo 'yon... andoon ang address ni Emil," sagot ni Castor.

Napayuko si Leina. "P-Pa, wala na po tayong bahay... kinuha na po ng bangko ang bahay natin. Pati po ang hacienda..." amin niya.

Alam niyang guguho ang mundo ng Papa niya ngayong nalaman na nawala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan.

"Ha?! Bakit? Wala naman akong naalalang utang ko sa bangko para kunin nila ang lahat ng 'yon!" Pagalit na tanong ni Castor.

Nagtataka siya na naremata ng bangko ang bahay at ang kanilang hacienda. Dugo't pawis ang naging puhunan niya para mapalago ang kaniyang mga hacienda.

"P-Papa, sorry. P-apatawarin po ninyo ako. K-Kasalanan ko po ang lahat."

Nanlaki ang mga mata ni Castor at Lea habang nakatinging sa kaisa-isang anak nila na nakayuko at patuloy na umiiyak.

Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Lea. Nilapitan niya ang anak at hinawakan ang kamay nito na nakakapit sa malamig na bakal ng rehas.

"Hayaan mo na, Leina. Mababawi pa naman natin ang hacienda at ang bahay natin. Basta makalabas kami ng Papa mo rito. Patutunayan naming mali ang ibinibintang nila sa amin..."

Wala na ang magandang reputasyon ng mga Valencia. Sa isang iglap naglaho lahat ng kanilang pinaghirapan.

Nanlaki ang mga mata ni Leina, at ramdam niya ang bigat sa dibdib. Ngunit sa kabila ng takot at lungkot, ramdam niya ang determinasyon na kailangang gawin ang lahat para sa kanyang mga magulang. Huminga siya ng malalim, pinipilit patahimikin ang iyak.

"M-Mama, Pa… pipilitin ko pong makita ang Ninong sa Manila. H-Hahanapin ko po siya at pagkatapos ay pupuntahan namin kayo," sabi niya.

Ngunit bago siya tuluyang makalabas, bumulong si Lea sa kanya, halata ang pangamba sa kanyang boses.

"Leina… mag-ingat ka ha. Hindi mo alam kung gaano kalala ang sitwasyon dahil sa mga nangyari."

Ngunit mabilis siyang naputol ni Castor, mahigpit na hinawakan ang balikat ng anak.

"Kailangan mong makausap ang Ninong mo. Kung hindi mo gagawin ito, sino pa ang makakatulong sa atin? Ang tanda ko lang ay ang pangalan ng kompanya niya sa Makati. Vergara Holdings. Subukan mo lang hanapin ang kompanya niya..."

Dahan-dahan, napawi ang takot ni Leina. Kahit paano ay mayroon na siyang puwedeng ipagtanong pagdating niya sa Manila.

Hinaplos ng mag-asawa ang kamay ni Leina sa huling pagkakataon at ngumiti sa kabila ng mga luha.

"S-Sige po, Pa at Mama. Ipapangako kong gagawin ko ang lahat para makalabas kayo dito. Babalik po ako," sabi niya. At tumalikod, matatag na naglakad palayo.

Pinupunasan ni Leina ang kanyang mga luha. Parang dinudurog ang puso niya na maiwan ang magulang niyang nakakulong. Hindi ito ang inaasahan niya. Ang gusto lang niya ay ang maging masaya ang mga ito. Pero siya pa pala ang magbibigay ng kabiguan sa kanila.

Habang lumalayo si Leina, tinitingnan ni Castor at Lea ang kanilang anak, ramdam ang halo ng pangamba at pag-asa. Nangangamba sila sa kung ano ang mangyayari sa kanilang kaisa-isang anak ngayon na pareho silang mag-asawa na nakakulong.

Nagtiwala sila. Pinagkatiwalaan nila ang isang taong hindi naman dapat na maging parte ng kanilang pamilya.

Napayuko si Castor, sana noon pa ay napigilan niya si Leina na pagkatiwalaan ang lalaking 'yon. Nagsisisi siya na kahit alam niyang walang maibubuti ang anak niya sa pagkamabutihan ay hinayaan niya. Nalunod sa pagmamahal si Leina. Sinunod ang puso kaya ganito ang nangyari sa kanilang pamilya.

Huli na para magsisi. Ang nais na lang ni Castor ay ang matulungan sila ni Emil para tuluyang makalaya. At mabawi ang lahat ng nawala sa kanila.

Habang naglalakad palabas ng presinto si Leina, nanginginig pa rin ang mga kamay niya. Ramdam niya ang panginginig ng tuhod niya sa bawat hakbang, pero hindi siya puwedeng huminto. Hindi siya puwedeng umatras. Kailangan niyang makarating ng Maynila.

Nang makasakay siya ng bus papuntang Maynila, pinikit niya ang mga mata. Wala siyang dalang kahit anong gamit, ni pera man lang ay halos wala paubos na. Pero buo ang loob niya, kailangan niyang hanapin si Ninong Emil. Siya na lang ang natitirang pag-asa ng pamilya nila.

Hindi na niya tanda ang mukha ng kanyang Ninong Emil. Sampong taon ang nakakaraan noong una at huling nakita niya ito ng personal. Wala siyang matandaan tungkol dito, maliban na lang sa bracelet na ibinigay nito sa kanya. Na hanggang ngayon ay suot pa niya sa kanyang kamay.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG   Chapter 23: DESISYON NATIN

    SIGURADO ka ba, Leina?" tanong ng hindi makapaniwala na si Emil. Mabilis na tumango-tango si Leina. "Opo. Sure na sure ako sa desisyon ko. Kung ano po ang alam niyo na dapat kong gawin, then kayo na po ang magdecide." Napatulala si Emil. Hindi nagsi-sink in sa kanya ang sinabi ng kanyang inaanak. "Magpapakasal ka sa akin?" "Yes po." Nangatal ang dibdib ni Emil, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa biglaang nakabuo na ng desisyon si Leina. Pumapayag na itong magpakasal sa kanya. “Leina…” mahina niyang bulong, halos hindi lumalabas ang boses. “Alam mo ba kung gaano kabigat ‘yang sinasabi mo?” Pero ngumiti si Leina, hindi nanginginig, hindi umiwas. Matatag. Parang iyon na ang pinakaklaro niyang desisyon sa buong buhay niya. “Opo, Ninong. Alam ko po ang sinasabi ko,” tugon niya. “At kung may ibang paraan, hindi na po ako lalapit sa inyo. Pero, kayo lang po ang nakikita kong makakapagligtas sa akin ngayon.” Kumunot ang noo ni Emil. Lumapit siya, marahang hinawakan ang magkabilang

  • UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG   Chapter 22: PAYAG

    “LEINA…” Umupo siyang mas malapit nang kaunti, pero hindi nakikisiksik. “May isang taong kumontak sa abogado. 'Yong mga taong nagkaso sa mga magulang mo.” Nanlamig ang batok ni Leina. “P-Po? Sino po sila?” Tumango si Emil nang marahan. “Gusto ka nilang makausap. Iyong mga taong naloko raw ni Castor.” Parang umikot ang mundo ni Leina. “A-Ako po?” hindi makapaniwalang tanong ni Leina. “B-Bakit ako? Ano’ng kailangan nila sa’kin—?” dagdag niyang mga tanong “Hindi ko alam ang buong dahilan,” sagot ni Emil. “Pero malinaw na hindi nila gustong sa abogado dumaan ang pag-uusap. Ikaw mismo ang gusto niyang kausapin.” Napahawak si Leina sa mesa. Kinuyom niya ang kamay. Hindi niya alam kung galit ba siya, takot, o pareho. “Ano pong sabi nila?” tanong niya, magaspang ang boses. Nag-angat ng tingin si Emil, diretso sa kanya. “Bibigyan nila final chance ang mga magulang mo, kung pupunta ka raw sa meeting. Gusto niyang may marinig siya mula sa’yo mismo.” Tumigil ang mundo

  • UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG   Chapter 21: THINK

    “I’M asking, not demanding,” aniya. “Kasi kung ang totoo ay takot ka lang. I can help you face that. Pero kung ayaw mo sa akin o kung ako mismo ang problema. Sabihin mo, Leina, at hindi na kita guguluhin.” Doon siya tuluyang nalito. “Hindi ko po kayo ayaw,” mabilis niyang sagot, halos nagmamadali. “H-Hindi ko lang po alam ang isasagot sa inyo. Hindi ko alam kung tama ba ‘to, kung mapagkakatiwalaan ko pa ‘yung sarili ko na tama ang desisyon ko.” Nagbago ang ekspresyon ni Emil, parang may tumagos sa damdamin niya. Hindi siya ngumiti, pero lumambot ang titig niya. “Then hayaan mo akong pagtiwalaan mo,” sabi niya, mababa ang tono. “Hindi bilang lalaki, hindi rin bilang Ninong mo. Kundi bilang taong hindi ka iiwan kahit na sa oras na may problema ka.” Natahimik si Leina. Hindi niya alam kung iiyak ba siya o lalong tatakbo. Bago pa siya makapili ay dahan-dahang inilapag ni Emil ang ballpen sa mesa, hindi niya ito inabot kay Leina. “Sa ngayon, hindi ko kailangan ng sagot. Hindi pa. P

  • UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG   Chapter 20: AYAW

    PAGLABAS ni Vic at pagsara ng pintuan, bigla pakiramdam ni Leina ay lumamig ang paligid. Kasunod niyon, napahawak siya sa laylayan ng suot niyang palda, hindi alam kung saan ilalagay ang sarili. Hindi siya makatingin ng diretso kay Emil. Takot, naiipit sa sitwasyon niya at nalilito. Unti-unting umikot si Emil paharap sa kanya, pero hindi na ito galit. Pero hindi rin kalmado, ayon sa ekspresyon ng mukha na nakikita ng dalaga. Parang may kinokontrol na emosyon. “Leina,” malumanay nitong sabi, hindi na kagaya kanina na pagalit. “Look at me.” Umangat ang tingin niya sa kanyang ninong. “Hindi kita pakakasalan dahil gusto kitang angkinin,” sabi ni Emil, dahan-dahang huminga. “I’m doing this because I don’t have a choice. Masyado kang mabait at dahil babae ka, hindi mo kayang proteksyonan ang sarili mo. Sino na lamang ba ang magiging kakampi mo at tutulong sa'yo? Ako lang 'yon, Leina. Tignan mo ang ginawa sa'yo ng ex-boyfriend mo. Sinamantala niya ang kahinaan mo. Naghirap kayo. Gu

  • UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG   Chapter 19: MAGPAPAKASAL

    "TELL me your decision, Leina. Wala itong sapilitan. Pero alam mo kung anong mawawala sa'yo sa oras na hindi ka pumayag..." sabi pa ni Emil. Pero bago pa makasagot si Leina ay may nahagip ang mata niya sa pinakaibaba ng papel. Hindi niya alam kung tama ba ang basa niya. "S-Sandali po.." sabi niya na napatingin sa Ninong Emil niya. Hindi namam siya iniwasan nito. Matatag pa rin ang tingin at seryoso ang mukha. "K-Kasal...? Totoo po ba ito?" Napatitig lang siya sa ninong niya, seryoso ang mukha nito at hindi niya mabasa kung ano ang iniisip. “Kung pipirmahan mo ang kontrata, oo,” mahinahong sagot ni Emil. “Hindi kita pipilitin, Leina. Pero kailangan kong malaman kung handa ka sa kapalit.” Nanlamig ang mga kamay niya habang hawak ang papel. Parang biglang lumiit ang mundo niya. Kasal? Hindi niya alam kung dapat ba siyang matakot o magduda sa lahat ng nangyayari. Magpapakasal sila ng kanyang Ninong Emil? Puwede ba 'yon ngayon? Ang daming tanong ni Leina sa utak niya. Hindi niya na

  • UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG   Chapter 18: PROTEKSYON AT KONTROL

    KUMATOK si Manang Nieves sa pintuan ng kuwarto ni Leina. Tulog ang bagong alaga ng kanyang amo. "Leina, bumangon ka na at mag-almusal. Ipinapatawag ka ni Emil sa opisina niya..." tawag ni Manang. Tinanghali ng gising si Leina. Dahil sa pag-iyak niya ay napuyat siya. Hindi maganda ang pakiramdam niya pero hindi niya alam kung bakit ipinapatawag siya ng kanyang ninong. "Opo. Babangon na po, manang..." sagot na sigaw niya. Bumangon na si Leina at nag-unat-unat ng kanyang nga kamay. Pagbangon niya ay sandali siyang napatigil, humawak sa sentido, at pinilit na ayusin ang sarili. Mabigat pa rin ang ulo niya, parang pagod pa ang katawan kahit mahaba ang tulog niya kagabi. Pumunta siya sa banyo, naghilamos, at mabilis na nag-ayos. Paglabas niya ng kuwarto ay naroon pa rin si Manang Nieves, nakatayo at nakahalukipkip na para bang inabangan talaga siyang bumaba. "Ay, hija, bilisan mo na. Kanina ka pa hinihintay sa taas. Alam mo naman siguro kung saan ang opisina ng ninong mo," sab

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status