Masuk“CASTOR Valencia…” bulong niya. “Matagal ko na siyang hindi nakakausap. Kilala mo siya, Ineng?"
Marahang napatango si Leina at binalingan na muna ni Emil ang kanyang tauhan na nakayuko ang ulo. "Starting from today, you are fire! Binabastos mo ang dalagang ito. Hindi mo alam, anak siya ng best friend ko!" Madiing sabi niya. Napaangat bigla ng ulo ang lalaki dahil sa pagkabigla. "S-Sorry po, Sir. Huwag n'yo po ako tanggalin sa trabaho. Manganganak po ang asawa ko ngayong buwan..." Matalim na tinignan ni Emil ang kanyang tauhan. "Sana magtanda ka na ngayon. Dinig na dinig ko at nakita ko ang lahat ng ginawa mong pambabastos!" Tila nahiya naman na napatingin ang lalaki kay Leina. Parang nangungusap ang mga mata nito. "H-Hindi na po mauulit, Sir... huwag n'yo po akong tanggalin sa trabaho," sabi ng lalaki na hindi na makatingin ng diretso kay Emil. "Hindi na talaga mauulit dahil last day mo na 'to sa trabaho! Ngayon walang awa-awa sa akin. You are fired!" Lumapit si Emil kay Leina na bahagyang yumuko. “Sige na, hija. Pumasok ka sa loob ng opisina ko at doon natin pag-usapan ang tungkol sa Papa mo." Hindi alam ni Leina kung bakit biglang kinilabutan siya sa titig ng Ninong niya. Pero kahit may kakaibang pakiramdam siyang hindi niya maipaliwanag ay sumunod pa rin siya. Kahit nag-aalangan ang dalaga ay pumasok pa rin siya sa loob ng opisina ng kanyang Ninong Emil. Nahihiya siya na madumihan niya ang malinis na tiles sa loob. Pagpasok niya, agad niyang naamoy ang mabangong halimuyak ng opisina. Amoy kahoy at mamahaling pabango na hindi niya maipaliwanag kung bakit lalo siyang ninerbiyos. Maayos ang lahat, mula sa mga papeles na naka-file hanggang sa malaking mesa ni Emil na parang hindi man lang nadadapuan ng alikabok. Maingat siyang humakbang, pilit na inaalis sa isip ang kakaibang tensyon na kanina pa kumakapit sa balat niya. “Huwag kang mag-alala kung madumihan mo ang sahig, hija,” mahinahong sabi ni Emil habang dahan-dahang sinasara ang pinto. “Mas importante ka kaysa sa sahig na ‘yan.” Napalunok si Leina. Hindi niya alam kung bakit parang may bigat ang bawat salitang binibitawan nito. Umupo si Emil sa swivel chair niya, saka marahang itinaas ang tingin sa dalaga. Iba ang titig na parang sinusukat siya mula ulo hanggang paa. Napayakap tuloy si Leina sa sarili niyang mga braso, para bang bigla siyang nanlamig. “Hija… ilang taon ka na ngayon?” tanong ni Emil, mababa ang boses at may kakaibang lalim. “T-Twenty five po, Ninong,” sagot niya ni Leina na halos paos. “Dalaga ka na pala. Hindi ka na ‘yong batang nakasampay sa braso ng Papa mo noon.” Umiling si Emil na may bahagyang ngiti. “Si Castor matagal ko siyang hinintay na tawagan ako. Akala ko… pati ikaw ay hindi ko na makikita.” Umupo si Leina sa silyang bahagyang itinuro nito. Nanginginig pa ang tuhod niya. “Ninong… kumusta na po kayo? Andito pp ako dahil kina Papa at Mama. K-kailangan ko po talaga ang tulong ninyo.” Tumigil si Emil. Natahimik saglit. Bakas niya ang takot sa mukha ng dalagang kaharap. Bumaba ang tingin niya sa braso nito. Nagulat siya nang makitang suot pa nito ang bracelet na ibinigay niya, sampong taon na ang nakalipas. “Hija, anong nangyari sa Papa at Mama mo? Bakit ka takot na takot? At ang itsura mo, para kang pulubi sa kalsada." Saglit siyang napatitig sa dalagang kaharap. Sinuyod ni Leina ng tingin ang kanyang kabuuan. Tama naman ang Ninong Emil niya. Para siyang basura sa kanyang itsura. "N-Nakakulong po sina Mama at Papa. Kasalanan po ang lahat... tulungan mo po sila na makalabas sa kulungan..." pakiusap niya na halos mangiyak-ngiyak. Humagulhol ng iyak si Leina. Napayuko siya na itinatago ang pag-iyak. Dahan-dahang tumayo si Emil mula sa kinauupuan niya. Hindi siya agad lumapit—parang pinag-aaralan muna ang bawat pag-iyak ng dalaga, bawat pag-uga ng balikat nito. Ilang segundo ang lumipas bago siya tuluyang lumapit, mabibigat ang hakbang. “Leina…” tawag niya, ngayon ay mas mababa at mas kontrolado ang boses. “Tumingin ka sa akin, hija.” Pero hindi makatingin si Leina. Mahigpit ang kapit niya sa laylayan ng damit niya, nanginginig ang mga kamay habang tuloy-tuloy ang hikbi. Unti-unting lumuhod si Emil sa harap niya. Hindi niya hinawakan si Leina; inilapit niya lang ang sarili sa antas nito. “Sabihin mo sa akin kung ano talaga ang nangyari,” mahinahon pero matatag niyang sabi. “Anong kaso? Paano sila nakulong? At bakit mag-isa kang pumunta rito?” Lalong napahikbi si Leina. Pinunasan niya ang pisngi, pero agad ding napalitan ng panibagong luha. “N-Ninong… wala na po kaming pera. Wala na pong natira sa amin.” Huminto siya, suminghap ng hangin. Para siyang kinakapos ng paghinga dahil sa labis na pag-iyak. “May ipinapirma po kay Papa na papeles. Hindi po namin alam na ang pagpirma ni Papa ay mawawala sa amin ang lahat. “At pumirma naman si Castor?” Umigting ang panga ni Emil. “Anong dokumento ‘yon?” Umiling si Leina, desperado. “Hindi ko po alam na magagawa ito ng taong sobrang pinagkatiwalaan ni Papa at ako. Ninong, naloko po kami ni Papa. Kinuha ng bangko ang bahay at ang hacienda. Tapos… kami pa po ang nakulong…” Napapikit si Emil, halatang pinipigilan ang galit. Nang muli siyang tumingin kay Leina, mas seryoso na ang mga mata, mas matalim. “May kinalaman ba ‘to sa nobyo mo?” Tanong niya mababa ang tono, pero halatang nanginginig ang galit. Nanlaki ang mata ni Leina. “P-Paano n’yo po—” Napakuyom ng kanyang palad si Emil. Sobrang nadudurog ang puso niya ngayong nakikita ang inaanak na umiiyak. “Alam mo, hija, mahirap talaga ang magmahal ng isang tao. Mahirap magtiwala. Ayoko sana na may mangyari sa'yo dahil iningatan kita noong bata ka pa. At iningatan ka ng mga magulang mo." Tumigil siya at bumuntong-hininga, saka tumayo muli. “Hija, hindi ito simpleng kaso. At hindi ka dapat mag-isa na humaharap dito. Wala ba kayong abogado na kinuha?" Seryoso ang mukha ni Emil nang tuluyan siyang tumingin kay Leina. Umiling ang dalaga. "Wala po. Wala nga pong natira sa akin, pinagkasya ko lang po ang natitirang pera ko para lamang makausap ko kayo. Hindi pa rin po ako kumakain simula kagabi." Napasinghap si Emil. Nabalutan siya ng awa para sa kanyang inaanak. “Simula ngayon, ako na ang bahala sa'yo at sa inyong pamilya. Gagawin ko ang lahat para makalabas ng kulungan sina Castor at Lea." Napasinghot si Leina, may takot pa rin sa kanyang dibdib. Pero may kaunting pag-asa. Ang gusto lang niya ay makalabas ang kanyang magulang mula sa kulungan. Pero nadagdagan ang kaba niya nang dahan-dahang lumapit ulit si Emil, ngayon ay nakaharap nang diretso at halos maramdaman niya ang hininga nito. “Leina, pero bago ko iligtas ang pamilya mo…” Bumaba ang tingin nito sandali, saka muling tumingin sa kanya. "Gusto kong makinig ka sa aking mabuti, Leina. Lahat ng sasabihin ko intindihin mong maigi..." Marahang tumango si Leina saka pinunasan ang luha sa kanyang mga mata. "Opo, Ninong Emil. Anuman po ang sabihin n'yo ay intindihin ko. Gusto ko lang po ay mabawi namin ang lahat ng nawala sa amin."NAPUNO ng mga ungol ang madilim na kuwarto. Panay ang walang habas na pagsagad ng lalaki sa kanyang kaulayaw na babae. "Fvck! Babe, ang sarap mo... ugh.." mga halinghing na sabi ni Julian Napapamura habang mabilis ang kanyang pagbaon sa malambot na katawan ni Leina. "D-Dahan-dahan naman. M-Masakit pa..." reklamo ni Leina na nakapikit ang mga mata at mahigpit na yakap ang nobyo. Walang habas ang ginagawang pag-ulos ng kanyang nobyo sa kanya. Walang pakialam kung nasasaktan na siya. Twenty-five years old na si Leina. Nagtatrabaho sa Manila bilang isang receptionist sa isang maliit na kompanya. Habang ang kanyang nobyo na si Julian ay isang admin sa kaparehong kompanyang kanyang pinapasukan. "Ano ka ba, Leina! Puro ka naman reklamo. Hindi ka ba nasasarapan?" Angil ni Julian. "M-Masarap. Kaya lang alam mong first time ko. Dapat dahan-dahanin mo." Napasimangot si inis niyang tinignan si Leina. "Hindi pala buo ang pagbigay mo ng virginity sa akin. Sana hindi ka na lang sumama sa akin
NAKAHARAP si Emil sa bintana habang panay ang kanyang buga ng usok na lumalabas sa kanyang sigarilyo. "It's just ten years ago... I will get what is mine. And I won't stop until I have her," malumanay niyang bulong sa sarili, habang ang kanyang mga mata ay nakatutok sa dilim sa labas. Napatigil si Emil nang may kumatok sa pintuan ng opisina niya. "Sir Emil, hinahanap po kayo ni Leina..." sabi ng kasambahay na nasa labas ng pintuan. Nagmamadali na naglakad si Emil papunta sa pintuan. Ano kaya ang nangyari sa kanyang inaanak? Pagkabukas niya ng pinto ay andoon pa rin ang kanyang kasambahay. "Nasaan siya?" "Nasa kuwarto po niya. Para pong umiiyak, e," sagot ng kasambahay. "Okay po, manang. Pupuntahan ko na po siya sa kuwarto niya." Napatingin ng makahulugan ang medyo may edad ng babae kay Emil. "Bakit mo ba siya dinala rito sa mansyon, Emil? Marami ka namang ibang puwedeng itira ang babaeng 'yan. Bakit dito pa?" "Manang, pasensiya na po kung hindi noyo nagustuhan ang desisyon
NAPAHIMAS si Vic sa sentido. “Sige, pero kailangan kong malaman ang eksaktong terms na gusto mo. Hindi ako puwedeng gumawa nang wala man lang akong alam sa plano mo.” Dito bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Emil. Hindi pa rin malambot ang kanyang awra pero mas nakatuon ang atensyon sa sinabi ni Vic. “Number one,” aniya, “I want full guardianship of Leina… until further notice.” Napasinghap si Vic, halatang hindi niya in-expect ‘yon. “Guardianship? Emil, pwede namang voluntary custody. Bakit kontrata?” Paano ito naisip ni Emil? Wala siyang masyadong alam tungkol kay Leina pero alam niya ang kaso ng mga magulang nito dahil kalat na rin sa news. “Because, ayokong magkaroon ng kahit sinong pwedeng umaligid o manghimasok sa kanya. Pamilya niya man, kaibigan o kahit na sino. I want everything in writing," sagot ni Emil habang nag-iinit ang tingin. Nagulat si Vic at napaatras sa upuan niya. “Holy! Emil, this is sounding more like… possession than protection.” Nanigas ang panga ni Emi
"OH, well... Mr. Vergara, sabi mo mag-uusap tayo?" Untag ni Vic na kararating lamang at naabutan niya si Emil na may kasamang babae. Napadako ang tingin niya sa babaeng kasama ng pinsan. "At sino naman ang babaeng ito, Emil?" Napaharap si Vic sa pinsan niya, may nakakalokong ngiti. "Hindi mo ba ako ipapakilala sa magandang binibini na 'to?" Nilapitan niya si Leina at bahagyang napangisi kay Emil. Natigilan si Leina, bahagyang napalingon sa kanyang ninong bago magaan na ngumiti. "H-hello po," mahinang bati niya. Bahagyang nagtaas ng kilay si Emil. Tumayo siya at hinawakan ang braso ni Leina. "Vic, siya si Leina. Kumakain lang kami, wag mo siyang istorbohin." Halatang natutuwa si Vic sa reaction ng kanyang pinsan at ngumisi lang. Parang mayroon sa pinsan niya ang itinatago sa kanya. Ito ang unang beses na nakitaan niyang nagdala ng babae sa mansyon si Emil. Knowing Emil, ang nakilala lang niyang naging karelasyon nito ay si Celeste. Hindi na nga nakapag-asawa o nagkaanak. Palagi
TAPOS na maligo si Leina at dahan-dahan niyang isinara ang pinto ng banyo. Nagulat siya na maraming paper bags ang nasa tabi ng kama. "Para kanino po ang lahat ng mga 'yan?" untag niya, na tinuturo ng tingin ang mga paper bags. "For you... I ask my secretary to buy for you," sagot ni Emil. "Nakakahiya naman po sa inyo. Naabala pa po kayo. Okay lang naman po na paunti-unti. Kapag nakakuha na po ako ng bagong trabaho ko ay bibili na rin po ako." "Don't mention it. At hindi mo kailangan na maghanap ng trabaho. Kaya kong ibigay lahat ng pangangailangan mo, Leina. Basta rito ka lang sa mansyon...." Kipkip ni Leina ang kanyang roba sa dibdib. At napasinghap. "Ano po ang gagawin ko rito sa mansyon n'yo? Gusto ko rin pong magtrabaho. Paano ko po maibibigay ang lahat ng kailangaan nina Mama at Papa sa loob ng kulungan?" Mariing napabuntonghininga si Emil. "Nabanggit ko na kanina na ako na ang bahala sa'yo. Hindi mo na po-problemahin ang lahat. Basta magtiwala ka lang sa akin..." Humi
KINUHA ni Emil ang kanyang phone sa bulsa ng pantalon niya. "Marta, can you buy clothes for a twenty five years of women?" Utos na pakiusap niya sa kanyang sekretarya sa kabilang linya. Napatitig siya kay Leina na abala sa pagtingin-tingin sa mga furniture niya sa sala. "Sir, what size?" "Ahmm..." sinuyod niya ng tingin ang mukha ni Leina. Bumaba ang mga mata niya sa balikat nito. Tila sinusukat ng kanyang mata ang tamang sukat ng katawan ng dalaga. Napalunok siya nang bahagya ng mapadaan ang tingin niya sa dibdib ng inaanak. Napaiwas siya ng tingin para hindi halatang masyado niyang tinititigan si Leina. "Small,” sagot niya sa huli, medyo paos ang boses. “And buy a few sets. Casual, sleepwear, and undergarment, ‘yung comfortable. And one decent dress. Buy also shoes and sandals. Size 8…” dagdag pa niya, na parang alam na alam talaga ang sukat ni Leina. “Yes, sir. I’ll deliver it to the mansion,” sagot ni Marta bago niya ibaba ang tawag. Pagkapindot niya ng end call, nap







