Share

Chapter 4: PAGKIKITA

Author: RIDA Writes
last update Last Updated: 2025-11-18 16:58:06

NAGLAKAD-LAKAD si Leina. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng kanyang mga paa. Wala rin siyang tutuluyan ngayong gabi. Ubos na ang pera niya, na kahit pangkain ay wala siya.

Pumasok siya sa isang eskinita, umaasang makakakita ng kahit anong puwedeng pagtaguan o maupuan man lang. Madilim na ang paligid at malamig na rin ang simoy ng hangin. Napahigpit siya ng yakap sa sarili habang pinagmamasdan ang mga dumadaang sasakyan sa kalsada.

"Anong gagawin ko ngayon?" mahina niyang tanong sa sarili, halos pabulong.

Wala na siyang ibang kakilala sa Maynila. Hindi naman siya palakaibigan noong nagtatrabaho pa siya. Ni hindi rin niya alam kung saan magsisimula. Sa bawat hakbang niya ay parang lalong bumibigat ang dibdib niya. Gutom, pagod, takot at lahat na ay sabay-sabay na bumabalot sa kanya.

Hanggang sa napansin niyang may maliit na karinderya sa dulo ng kanto. Sarado na ito, pero may bubong sa labas na may upuang kahoy. Doon siya dahan-dahang naupo, pinikit ang mga mata, at huminga nang malalim.

“Bukas na lang ulit ako mag-iisip paano ko makakausap si Ninong Emil,” mahina niyang sabi habang tinatabunan ng antok at pagod ang buong katawan.

May nakita siyang mahabang upuan na maari niyang tulugan ngayon gabi. Kahit na kumakalam ang kanyang sikmura sa gutom ay pikit-mata na lang siyang natulog. Gagawa na lang siya ng paraan bukas para makadelehensiya siya ng pagkain. Kahit mamalimos na lang siya ay gagawin niya. Wala na siyang pagpipilian para makaraos sa gutom.

"Hoy! Gising! Bawal ang matulog dito, miss!" Nagising si Leina sa malakas na sigaw ng isang lalaki.

Pupungas-pungas pa siya ng kanyang mata na bumangon. Ikinurap-kurap niya ang kanyang mata, tila inaaninag ang lalaki dahil nasisilaw siya sa sikat ng araw.

"Bawal matulog sa area na 'to. Kung mamalimos ka roon ka sa may mga tindahan doon." Taboy ng lalaki kay Leina.

"Sorry po, manong. Napagod po ako sa paglalakad kaya rito na ako nakatulog. Aalis naman po ako. Hayaan mo muna akong makapagpahinga..." pakiusap ni Leina.

Kumunot ang noo ng lalaki. "Bawal nga! Hindi ka ba nakakaintindi. Mamaya niyang maabutan ka ng boss ko rito..." asik nito kay Leina. "Saka, hindi mo ba nakikita na nasa harapan ka ng isang sikat na firm? Kaya umalis ka na bago pa kita ipagtabuyan paalis. Sige na! Layas na!"

Napilitan na tumayo si Leina, kahit na nanlalambot ang kanyang mga tuhod sa pagod at gutom.

"Pasensiya na po sa abala," hingi niya ng paumanhin habang nakayuko ng ulo.

"Okay na. Sige na umalis ka na at mayamaya ay darating na si boss. Mapapagalitan talaga ako nito, e." Kastigo ng lalaki na napapakamot ng kanyang ulo.

Dahan-dahan na tumalikod si Leina. Pero bigla rin siyang napalingon nang mabasa ang nakasulat sa taas ng maliit na opisina.

"K-Kuya, kanino po ang opisina na 'yan?" turong tanong niya na nanlalaki ang mata.

Nilingon ng lalaki ang itinuturo niya. Napangisi ito. "Hindi mo ba alam kung sino ang may-ari niyan?"

Nahihiyang tumango-tango si Leina. Pero ang lakas ng kabog ng dibdib niya.

"Kay Mr. Emil Vergara..." sagot nito na ikinagulat ni Leina. "Pero minsan lang siya pumupunta rito. May malaki kasi siyang kompanya, ang Vergara Holdings."

Natigilan si Leina. Napatulala siya sa sign board ng opisina. "V-Vergara... E-Emil Vergara ang may-ari nito?"

"Ang kulit mo, babae. Ang mabuti pa umalis ka na. Darating na ang boss ko. Dadaan iyon dito para tignan ang mga sales namin."

Nanatiling nakatulala si Leina.

"Kuya, puwede mo po ba akong tulungan na makausap siya..." pagsusumamo ni Leina, nakakahabag ang kanyang itsura pero wala na siyang pakialam.

"Isang kilalang tao ang gusto mong harapin," sabi nito na pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng dalaga. Napahawak siya sa kanyang baba at tila may naglalarong ngisi ang pumaskil sa labi ng lalaki.

"Pagbibigyan kita, pero... pagbibigyan mo rin ako. Bibigyan pa kita ng pera para makakain ka at makabili man lang ng damit mo."

Napayakap si Leina sa sarili. Kahit na hindi direkta ay parang nahuhulaan na niya ang inaalok ng lalaking kaharap.

Napatiim siya at matapang ang anyo ni Leina. "Grabe ka, Kuya. Humihingi ako ng tulong sa'yo para makausap ang Ninong Emil ko. Tapos, sasamantalahin mo ang kalagayan ko. Ang bastos mo pa!"

Humalakhak ang lalaki ng malakas. "Kilala mo na ang mga katulad mo. Pera lang tapos magpapaawa ka sa amo kong mayaman. Bakit hinahanap mo pa ang wala? E, andito naman ako, Miss. Kaya kong ibigay ang gusto mo."

"Sira ulo ka! Manyakis! Hindi ako kagaya ng mga babaeng nakakaharap mo!" Bulyaw niya. "May problema ang pamilya ko, nakakulong ang Papa ko at Mama ko! Kaya gusto kong makausap si Emil Vergara!"

"Kunwari ka pa, Miss. Alam ko na gusto mo ang matandang 'yon. Mas bata naman ako. Kaya ako na lang..."

Isang malakas na sampal ang pinadapo ni Leina sa mukha ng lalaki.

Nanlaki ang mata ng lalaking kaharap niya. Mariin itong napatiim at marahas na hinaklit ang braso ng dalaga.

"Sino ka para sampalin ako?! Umalis ka na! Bago pa mandilim ang paningin ko sa'yo at makatikim ka!"

Labis ang takot ni Leina. Marahas siyang binitawan ng lalaki at tahimik na napaiyak na lamang.

"Kuya, pakisabi po kay Mr. Emil na hinahanap ko po siya. Anak po ako ni Castor Valencia. Kung sakali po na magtanong siya.

Hindi nila namalayan, may lalaking ilang metro lang ang layo, tahimik na nakatingin sa kanila at nanonood.

Bahagyang kumunot ang noo ni Emil. Isang mahabang segundo ang lumipas bago siya sumagot.

“Castor… Valencia?” malamig niyang ulit. “Bakit mo ako hinahanap?”

Biglang napaharap si Leina sa nagsalita. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang isang lalaki. Si Ninong Emil niya. Ang presentable ng suot nitong blue suit.

Napatayo naman ng tuwid ang lalaking nambastos kay Leina. Nabanaag ito ng takot sa mukha.

Nanginig ang labi ni Leina. “N-Nakakulong po sila, Ninong. Inakusahan po sila ng kasong hindi nila ginawa. Pakiusap… tulungan n’yo po sila. Kayo na lang po ang natitirang pag-asa namin…”

Tahimik lang si Emil. Ilang segundo siyang tinitigan si Leina bago siya ngumiti. Isang ngiting hindi maipinta kung mabuti o mapanganib.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG   Chapter 23: DESISYON NATIN

    SIGURADO ka ba, Leina?" tanong ng hindi makapaniwala na si Emil. Mabilis na tumango-tango si Leina. "Opo. Sure na sure ako sa desisyon ko. Kung ano po ang alam niyo na dapat kong gawin, then kayo na po ang magdecide." Napatulala si Emil. Hindi nagsi-sink in sa kanya ang sinabi ng kanyang inaanak. "Magpapakasal ka sa akin?" "Yes po." Nangatal ang dibdib ni Emil, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa biglaang nakabuo na ng desisyon si Leina. Pumapayag na itong magpakasal sa kanya. “Leina…” mahina niyang bulong, halos hindi lumalabas ang boses. “Alam mo ba kung gaano kabigat ‘yang sinasabi mo?” Pero ngumiti si Leina, hindi nanginginig, hindi umiwas. Matatag. Parang iyon na ang pinakaklaro niyang desisyon sa buong buhay niya. “Opo, Ninong. Alam ko po ang sinasabi ko,” tugon niya. “At kung may ibang paraan, hindi na po ako lalapit sa inyo. Pero, kayo lang po ang nakikita kong makakapagligtas sa akin ngayon.” Kumunot ang noo ni Emil. Lumapit siya, marahang hinawakan ang magkabilang

  • UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG   Chapter 22: PAYAG

    “LEINA…” Umupo siyang mas malapit nang kaunti, pero hindi nakikisiksik. “May isang taong kumontak sa abogado. 'Yong mga taong nagkaso sa mga magulang mo.” Nanlamig ang batok ni Leina. “P-Po? Sino po sila?” Tumango si Emil nang marahan. “Gusto ka nilang makausap. Iyong mga taong naloko raw ni Castor.” Parang umikot ang mundo ni Leina. “A-Ako po?” hindi makapaniwalang tanong ni Leina. “B-Bakit ako? Ano’ng kailangan nila sa’kin—?” dagdag niyang mga tanong “Hindi ko alam ang buong dahilan,” sagot ni Emil. “Pero malinaw na hindi nila gustong sa abogado dumaan ang pag-uusap. Ikaw mismo ang gusto niyang kausapin.” Napahawak si Leina sa mesa. Kinuyom niya ang kamay. Hindi niya alam kung galit ba siya, takot, o pareho. “Ano pong sabi nila?” tanong niya, magaspang ang boses. Nag-angat ng tingin si Emil, diretso sa kanya. “Bibigyan nila final chance ang mga magulang mo, kung pupunta ka raw sa meeting. Gusto niyang may marinig siya mula sa’yo mismo.” Tumigil ang mundo

  • UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG   Chapter 21: THINK

    “I’M asking, not demanding,” aniya. “Kasi kung ang totoo ay takot ka lang. I can help you face that. Pero kung ayaw mo sa akin o kung ako mismo ang problema. Sabihin mo, Leina, at hindi na kita guguluhin.” Doon siya tuluyang nalito. “Hindi ko po kayo ayaw,” mabilis niyang sagot, halos nagmamadali. “H-Hindi ko lang po alam ang isasagot sa inyo. Hindi ko alam kung tama ba ‘to, kung mapagkakatiwalaan ko pa ‘yung sarili ko na tama ang desisyon ko.” Nagbago ang ekspresyon ni Emil, parang may tumagos sa damdamin niya. Hindi siya ngumiti, pero lumambot ang titig niya. “Then hayaan mo akong pagtiwalaan mo,” sabi niya, mababa ang tono. “Hindi bilang lalaki, hindi rin bilang Ninong mo. Kundi bilang taong hindi ka iiwan kahit na sa oras na may problema ka.” Natahimik si Leina. Hindi niya alam kung iiyak ba siya o lalong tatakbo. Bago pa siya makapili ay dahan-dahang inilapag ni Emil ang ballpen sa mesa, hindi niya ito inabot kay Leina. “Sa ngayon, hindi ko kailangan ng sagot. Hindi pa. P

  • UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG   Chapter 20: AYAW

    PAGLABAS ni Vic at pagsara ng pintuan, bigla pakiramdam ni Leina ay lumamig ang paligid. Kasunod niyon, napahawak siya sa laylayan ng suot niyang palda, hindi alam kung saan ilalagay ang sarili. Hindi siya makatingin ng diretso kay Emil. Takot, naiipit sa sitwasyon niya at nalilito. Unti-unting umikot si Emil paharap sa kanya, pero hindi na ito galit. Pero hindi rin kalmado, ayon sa ekspresyon ng mukha na nakikita ng dalaga. Parang may kinokontrol na emosyon. “Leina,” malumanay nitong sabi, hindi na kagaya kanina na pagalit. “Look at me.” Umangat ang tingin niya sa kanyang ninong. “Hindi kita pakakasalan dahil gusto kitang angkinin,” sabi ni Emil, dahan-dahang huminga. “I’m doing this because I don’t have a choice. Masyado kang mabait at dahil babae ka, hindi mo kayang proteksyonan ang sarili mo. Sino na lamang ba ang magiging kakampi mo at tutulong sa'yo? Ako lang 'yon, Leina. Tignan mo ang ginawa sa'yo ng ex-boyfriend mo. Sinamantala niya ang kahinaan mo. Naghirap kayo. Gu

  • UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG   Chapter 19: MAGPAPAKASAL

    "TELL me your decision, Leina. Wala itong sapilitan. Pero alam mo kung anong mawawala sa'yo sa oras na hindi ka pumayag..." sabi pa ni Emil. Pero bago pa makasagot si Leina ay may nahagip ang mata niya sa pinakaibaba ng papel. Hindi niya alam kung tama ba ang basa niya. "S-Sandali po.." sabi niya na napatingin sa Ninong Emil niya. Hindi namam siya iniwasan nito. Matatag pa rin ang tingin at seryoso ang mukha. "K-Kasal...? Totoo po ba ito?" Napatitig lang siya sa ninong niya, seryoso ang mukha nito at hindi niya mabasa kung ano ang iniisip. “Kung pipirmahan mo ang kontrata, oo,” mahinahong sagot ni Emil. “Hindi kita pipilitin, Leina. Pero kailangan kong malaman kung handa ka sa kapalit.” Nanlamig ang mga kamay niya habang hawak ang papel. Parang biglang lumiit ang mundo niya. Kasal? Hindi niya alam kung dapat ba siyang matakot o magduda sa lahat ng nangyayari. Magpapakasal sila ng kanyang Ninong Emil? Puwede ba 'yon ngayon? Ang daming tanong ni Leina sa utak niya. Hindi niya na

  • UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG   Chapter 18: PROTEKSYON AT KONTROL

    KUMATOK si Manang Nieves sa pintuan ng kuwarto ni Leina. Tulog ang bagong alaga ng kanyang amo. "Leina, bumangon ka na at mag-almusal. Ipinapatawag ka ni Emil sa opisina niya..." tawag ni Manang. Tinanghali ng gising si Leina. Dahil sa pag-iyak niya ay napuyat siya. Hindi maganda ang pakiramdam niya pero hindi niya alam kung bakit ipinapatawag siya ng kanyang ninong. "Opo. Babangon na po, manang..." sagot na sigaw niya. Bumangon na si Leina at nag-unat-unat ng kanyang nga kamay. Pagbangon niya ay sandali siyang napatigil, humawak sa sentido, at pinilit na ayusin ang sarili. Mabigat pa rin ang ulo niya, parang pagod pa ang katawan kahit mahaba ang tulog niya kagabi. Pumunta siya sa banyo, naghilamos, at mabilis na nag-ayos. Paglabas niya ng kuwarto ay naroon pa rin si Manang Nieves, nakatayo at nakahalukipkip na para bang inabangan talaga siyang bumaba. "Ay, hija, bilisan mo na. Kanina ka pa hinihintay sa taas. Alam mo naman siguro kung saan ang opisina ng ninong mo," sab

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status