Mag-log inLUMAPIT si Emil ulit nang dahan-dahan at muling hinawakan ang kamay ng asawa. Nanginginig pa rin siya, hindi dahil sa takot na mahuli, kundi dahil sa konsensya. Kahit hindi niya inamin, alam niyang nagkasala pa rin siya sa isip at damdamin at halos ibigay niya ang sarili sa ina nito. “Patawad kung tinatago ko pa ito ngayon,” dagdag niya nang garalgal ang boses. “Patawad kung hindi ako naging matatag agad. Pero pangako kahit anong manyari poprotektahan ko ang binubuo nating pamilya. Kahit sino pa ang humarang, kahit sino pa ang sumubok umagaw sa akin. Hinding-hindi ko hahayaang mawala ka sa akin. Hinding-hindi ko hahayaang sirain nila ang pagsasama.” Bumagsak ang mga luha ni Leina. Hindi pa buo ang sagot, hindi pa niya alam kung sino at kung ano talaga ang nangyari, pero naramdaman niya ang katapatan at takot sa boses ng asawa. May kulang, may tinatago, pero naramdaman niya rin ang matinding pagmamahal na pilit nitong ipinapakita. Dahan-dahang yumuko si Leina at hinaplos ang mukha n
NATIGILAN si Emil. Hindi siya nakasagot agad. Ibinalik niya ang tingin sa malayo, tila naghahanap ng tamang salitang sasabihin. "Oo, kakarating ko lang. Ayokong gisingin ka, nakita ko na masarap na ang tulog mo," paliwanag nito, ngunit may kakaibang bigat sa bawat katagang binibitawan. Tinitigan siya ni Leina nang maigi. Ang mga salita sa kanyang panaginip, ang paraan ng pagyakap nito sa kanya kanina, at ang pangakong narinig niya. Lahat ng iyon ay tila totoo at damang-dama pa rin niya. "Emil..." tawag niya ulit, mas malambot at puno ng pag-aalala. "Nanaginip ako kanina. O baka naman gising ako? Parang narinig kitang humihingi ng tawad. Parang naramdaman kong umiiyak ka." Nanigas si Emil. Unti-unting lumingon ito sa kanya, at sa sandaling magtagpo ang kanilang mga mata, parang gumuho ang lahat ng pader na itinatayo nito. Nakita ni Leina ang takot na matagal na nitong itinatago. "May ginawa ba akong mali?" tanong ni Leina, at unti-unting namuo ang luha sa kanyang mga mata dahil sa
SUMAPIT ang gabi, umuwi si Emil na gabing-gabi na. Ayaw niyang muling maalala ang kanyang pagkakasalang nagawa. Nakokonsensiya na nagawa niyang tugunin ang pang-aakit ni Lea sa kanya. Buti na lang hindi pa siya umaabot puntong may mangyayari sa kanila. Napigilan pa niya ang sarili nang makita ang magandang mukha ni Leina. Dahan-dahang isinarado ni Emil ang pinto ng kuwarto nila. Mahimbing na natutulog si Leina. Hindi siya tumawag sa asawa, ni hindi siya nagpadala ng mensahe para sabihing pauwi na siya or late siya uuwi. Dahan-dahan siyang lumapit sa gilid ng kama, maingat sa bawat hakbang na parang may takot na magising ang natutulog na anghel sa harap niya. Sa liwanag ng maliit na ilaw sa gilid, malinaw niyang nakikita ang maamong mukha ni Leina. Ang payapa, walang bahid ng dumi o kasalanan, at puno ng wagas na pagmamahal na kailanman ay hindi niya karapat-dapat tanggapin matapos ang halos mangyari sa kanila ng ina nito. Lumuhod siya sa tabi ng kama at marahang hinaplos ang pisngi
NAKITA ni Emil ang mukha ng asawa sa mukha ni Lea. Bigla siyang nahimasmasan. Kinurap-kurap ang mga mata, si Leina pa rin ang nakikita niya kay Lea. Napatayo siya bigla at iniwan si Lea na nagtataka. Animo'y nagising sa mahimbing na pagkakatulog. "Bakit?" Nakamasid si Lea kay Emil na pinulot isa-isa ang mga damit niya. "This is wrong... Lea, napakalaking kasalanan itong ginagawa mo!" Nanginginig ang buong katawan ni Emil habang mariing nakakuyom ang kanyang mga kamao. Pakiramdam niya ay nadudurog ang kanyang kalooban sa isiping halos sumuko na siya at ipagpalit ang babaeng tanging minahal sa buong buhay niya—ang sariling asawa, ang anak ng babaeng kasalukuyang nakatayo sa harap niya. “Kasalanan?” Mapait na natawa si Lea habang dahan‑dahang inaayos ang sarili at isinusuot muli ang damit. “Kasalanan ba ang ibigay sa’yo ang pagmamahal na matagal nang ipinagkakaila? Kasalanan ba ang pagnanais na mapasainyo ka, lalo na ngayong alam kong hindi na magtatagal ang buhay mo?” Lumapit siy
“HATIRAN siya ng pagkain?” ulit ni Leina na tanong. “Hindi naman niya sinabi sa akin.” Sandaling natigilan si Lea bago umiwas ng tingin. “Baka nakalimutan lang sabihin.” Tahimik na nagbaba ng tingin si Leina sa pagkain. Hindi niya maintindihan kung bakit pakiramdam niya ay may kung anong hindi sinasabi ang ina. At mas lalo iyong nagpalalim sa kutob niyang may itinatago si Emil. “Madalas po bang nagpapahatid ng pagkain si Emil sa kompanya? Kasi ilang buwan na kaming nagsasama ni minsan hindi pa ako nakapunta sa kompanya niya,” kaswal niyang tanong ngunit mariing pinagmamasdan ang reaksyon ng ina. Halos hindi makatingin nang diretso si Lea. “M-minsan lang naman.” Napansin iyon ni Leina. Simula pagkabata, kilala na niya ang ina. Alam niya kapag kinakabahan ito o may inililihim. “Ma...” mahinang tawag niya. Napahinto si Lea sa pagsandok ng sabaw. “Bakit parang may gusto kayong sabihin sa akin?” Biglang nanlamig ang pakiramdam ni Lea. Mabilis siyang napailing at pilit na ngum
SINUNDAN ni Emil ang asawa sa loob ng mansyon, diretso sa kuwarto nila. Nadatnan niya si Leina na inaayos ang mga damit nila. "Babawi ako sayo, mahal ko. Maniwala ka lang na wala akong itinatago sayo..." Napahinga ng malalim si Leina at napatigil sa ginagawa. "Babawi ka? Para saan?" "Mapatunayan na wala akong itinatago sa'yo. Mahal kita, Leina. Hindi ko kaya na saktan ka. Ikaw lang ang babaeng sobrang minahal ko sa buong buhay ko..." buong pusong sagot ni Emil sa asawa. Mariing napapikit si Leina bago niya dahan-dahang ibinaba ang hawak na damit sa kama. Unti-unti siyang humarap kay Emil. Bakas sa mga mata niya ang pagod at sakit na pilit niyang kinikimkim. “Kung wala kang itinatago, bakit pakiramdam ko unti-unti mo akong inilalayo sa buhay mo?” mahina ngunit nanginginig niyang tanong. Natigilan si Emil. Parang may kung anong sumakal sa lalamunan niya. “Mahal—” “Huwag mo munang sabihin na mahal mo ako kung hindi mo kayang maging totoo sa akin,” putol ni Leina habang umiiling
NAKAHARAP si Emil sa bintana habang panay ang kanyang buga ng usok na lumalabas sa kanyang sigarilyo. "It's just ten years ago... I will get what is mine. And I won't stop until I have her," malumanay niyang bulong sa sarili, habang ang kanyang mga mata ay nakatutok sa dilim sa labas. Napatigil s
PAGKALIPAS ng dalawang araw, mabilis na inihanda ang mga kailangan na papel nina Emil at Leina para sa kanilang kasal. Nasa loob ng opisina sina Leina, Emil, Vic at si Castro, ang driver ni Emil para maging witness sa kasal. May mga kasambahay ng mansyon at guwardiya. Si Vic lamang ang magkakas
DUMATING na si Vic, may dala-dala siyang itim na bag at dumiretso siya sa opisina ni Emil. Pinapasok siya ni Manang Nieves, ang matandang matagal ng katiwala ng mga magulang ni Emil. Inaayos niya ang kanyang polo saka huminga ng malalim bago kumatok sa pinto ng opisina ni Emil. "Come in," sagot n
KUMATOK si Manang Nieves sa pintuan ng kuwarto ni Leina. Tulog ang bagong alaga ng kanyang amo. "Leina, bumangon ka na at mag-almusal. Ipinapatawag ka ni Emil sa opisina niya..." tawag ni Manang. Tinanghali ng gising si Leina. Dahil sa pag-iyak niya ay napuyat siya. Hindi maganda ang pakiramdam







