分享

Chapter 56: NAGISING

作者: RIDA Writes
last update publish date: 2026-05-11 18:55:28

NAKITA ni Emil ang mukha ng asawa sa mukha ni Lea. Bigla siyang nahimasmasan. Kinurap-kurap ang mga mata, si Leina pa rin ang nakikita niya kay Lea.

Napatayo siya bigla at iniwan si Lea na nagtataka. Animo'y nagising sa mahimbing na pagkakatulog.

"Bakit?" Nakamasid si Lea kay Emil na pinulot isa-isa ang mga damit niya.

"This is wrong... Lea, napakalaking kasalanan itong ginagawa mo!"

Nanginginig ang buong katawan ni Emil habang mariing nakakuyom ang kanyang mga kamao. Pakiramdam niya ay na
在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP
已鎖定章節

最新章節

  • UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG   Chapter 57: KONSENSYA

    SUMAPIT ang gabi, umuwi si Emil na gabing-gabi na. Ayaw niyang muling maalala ang kanyang pagkakasalang nagawa. Nakokonsensiya na nagawa niyang tugunin ang pang-aakit ni Lea sa kanya. Buti na lang hindi pa siya umaabot puntong may mangyayari sa kanila. Napigilan pa niya ang sarili nang makita ang magandang mukha ni Leina. Dahan-dahang isinarado ni Emil ang pinto ng kuwarto nila. Mahimbing na natutulog si Leina. Hindi siya tumawag sa asawa, ni hindi siya nagpadala ng mensahe para sabihing pauwi na siya or late siya uuwi. Dahan-dahan siyang lumapit sa gilid ng kama, maingat sa bawat hakbang na parang may takot na magising ang natutulog na anghel sa harap niya. Sa liwanag ng maliit na ilaw sa gilid, malinaw niyang nakikita ang maamong mukha ni Leina. Ang payapa, walang bahid ng dumi o kasalanan, at puno ng wagas na pagmamahal na kailanman ay hindi niya karapat-dapat tanggapin matapos ang halos mangyari sa kanila ng ina nito. Lumuhod siya sa tabi ng kama at marahang hinaplos ang pisngi

  • UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG   Chapter 56: NAGISING

    NAKITA ni Emil ang mukha ng asawa sa mukha ni Lea. Bigla siyang nahimasmasan. Kinurap-kurap ang mga mata, si Leina pa rin ang nakikita niya kay Lea. Napatayo siya bigla at iniwan si Lea na nagtataka. Animo'y nagising sa mahimbing na pagkakatulog. "Bakit?" Nakamasid si Lea kay Emil na pinulot isa-isa ang mga damit niya. "This is wrong... Lea, napakalaking kasalanan itong ginagawa mo!" Nanginginig ang buong katawan ni Emil habang mariing nakakuyom ang kanyang mga kamao. Pakiramdam niya ay nadudurog ang kanyang kalooban sa isiping halos sumuko na siya at ipagpalit ang babaeng tanging minahal sa buong buhay niya—ang sariling asawa, ang anak ng babaeng kasalukuyang nakatayo sa harap niya. “Kasalanan?” Mapait na natawa si Lea habang dahan‑dahang inaayos ang sarili at isinusuot muli ang damit. “Kasalanan ba ang ibigay sa’yo ang pagmamahal na matagal nang ipinagkakaila? Kasalanan ba ang pagnanais na mapasainyo ka, lalo na ngayong alam kong hindi na magtatagal ang buhay mo?” Lumapit siy

  • UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG   Chapter 55: HATID

    “HATIRAN siya ng pagkain?” ulit ni Leina na tanong. “Hindi naman niya sinabi sa akin.” Sandaling natigilan si Lea bago umiwas ng tingin. “Baka nakalimutan lang sabihin.” Tahimik na nagbaba ng tingin si Leina sa pagkain. Hindi niya maintindihan kung bakit pakiramdam niya ay may kung anong hindi sinasabi ang ina. At mas lalo iyong nagpalalim sa kutob niyang may itinatago si Emil. “Madalas po bang nagpapahatid ng pagkain si Emil sa kompanya? Kasi ilang buwan na kaming nagsasama ni minsan hindi pa ako nakapunta sa kompanya niya,” kaswal niyang tanong ngunit mariing pinagmamasdan ang reaksyon ng ina. Halos hindi makatingin nang diretso si Lea. “M-minsan lang naman.” Napansin iyon ni Leina. Simula pagkabata, kilala na niya ang ina. Alam niya kapag kinakabahan ito o may inililihim. “Ma...” mahinang tawag niya. Napahinto si Lea sa pagsandok ng sabaw. “Bakit parang may gusto kayong sabihin sa akin?” Biglang nanlamig ang pakiramdam ni Lea. Mabilis siyang napailing at pilit na ngum

  • UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG   Chapter 54: BABAWI

    SINUNDAN ni Emil ang asawa sa loob ng mansyon, diretso sa kuwarto nila. Nadatnan niya si Leina na inaayos ang mga damit nila. "Babawi ako sayo, mahal ko. Maniwala ka lang na wala akong itinatago sayo..." Napahinga ng malalim si Leina at napatigil sa ginagawa. "Babawi ka? Para saan?" "Mapatunayan na wala akong itinatago sa'yo. Mahal kita, Leina. Hindi ko kaya na saktan ka. Ikaw lang ang babaeng sobrang minahal ko sa buong buhay ko..." buong pusong sagot ni Emil sa asawa. Mariing napapikit si Leina bago niya dahan-dahang ibinaba ang hawak na damit sa kama. Unti-unti siyang humarap kay Emil. Bakas sa mga mata niya ang pagod at sakit na pilit niyang kinikimkim. “Kung wala kang itinatago, bakit pakiramdam ko unti-unti mo akong inilalayo sa buhay mo?” mahina ngunit nanginginig niyang tanong. Natigilan si Emil. Parang may kung anong sumakal sa lalamunan niya. “Mahal—” “Huwag mo munang sabihin na mahal mo ako kung hindi mo kayang maging totoo sa akin,” putol ni Leina habang umiiling

  • UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG   Chapter 53: MAWALA ANG ASAWA

    MARIING napapikit si Emil habang mahigpit na nakakuyom ang kanyang mga kamao. Hindi niya puwedeng mawala si Leina. Hindi matapos-tapos ang pag-iisip niya kahit ilang beses niyang kumbinsihin ang sarili na kaya pa niyang ayusin ang lahat. Pero habang tumatagal, mas lalo niyang nararamdaman kung gaano na lumalayo ang asawa niya. At ang pinakamasakit doon… siya rin ang dahilan. Tahimik na lumapit si Victor at tinapik siya sa balikat. “Go home, Emil.” Napabuntong-hininga siya saka dahan-dahang tumango. Makalipas ang ilang minuto ay nasa loob na siya ng sasakyan. Tahimik ang buong biyahe niya pauwi. Tanging tunog lang ng makina at magulong isip niya ang kasama niya. Pagdating niya sa mansyon ay agad niyang hinanap si Leina. “Nasaan si Ma’am?” tanong niya sa isang kasambahay. “Sir, nasa garden po.” Hindi na siya nagsayang ng oras. Agad siyang nagtungo roon. Paglapit niya ay nakita niya si Leina na tahimik na nakaupo sa garden bench habang may hawak na tasa ng tsaa. Nakatingala i

  • UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG   Chapter 52: ITINATAGO

    MALALIM ang iniisip ni Emil. Hindi siya makapagtrabaho nang maayos. Laman ng isip niya sina Leina at Lea. Si Lea na tila hindi marunong umiwas at palaging lumalapit sa kanya, at ang asawa niyang si Leina na unti-unting naghahanap ng sariling mundo sa labas ng mansyon. Napahilamos si Emil sa kanyang mukha. Pakiramdam niya ay unti-unting sumisikip ang lahat sa kanya. Hindi niya alam kung saan siya dapat humawak nang mahigpit, sa relasyong unti-unting nagiging marupok, o sa mga sitwasyong pilit siyang hinihila palapit sa hindi niya dapat pinapasok. Tumayo siya mula sa swivel chair at lumapit sa bintana. Mula roon, tanaw niya ang malawak at malaking siyudad sa ibaba, tahimik at maayos. Pero kabaliktaran ng kaguluhang nasa loob niya. “Leina…” mahinang bulong niya sa sarili. "Mukhang malalim ang iniisip natin, ah..." napaharap bigla si Emil sa nagsalita sa kanyang likuran. Malalim siyang napabuntong-hininga. Saka naglakad papunta sa kanyang swivel chair at naupo. "Victor, I don't kn

  • UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG   Chapter 22: PAYAG

    “LEINA…” Umupo siyang mas malapit nang kaunti, pero hindi nakikisiksik. “May isang taong kumontak sa abogado. 'Yong mga taong nagkaso sa mga magulang mo.” Nanlamig ang batok ni Leina. “P-Po? Sino po sila?” Tumango si Emil nang marahan. “Gusto ka nilang makausap. Iyong mga taong naloko raw

    last update最後更新 : 2026-03-17
  • UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG   Chapter 13: BOYFRIEND

    PAGKAUWI ni Leina sa apartment ay dumiretso siya sa kanyang kuwarto. Hindi na siya kumain dahil sa sobrang pagod. Nagring ang phone niya. Kinuha niya iyon sa kanyang bag at inihagis ang bag sa ibabaw ng kanyang kama. "Ma..." sabi niya nang sinagot ang tawag ng ina. "Leina, kailan ka ba uuwi rit

    last update最後更新 : 2026-03-17
  • UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG   Chapter 8: LEGS

    TAPOS na maligo si Leina at dahan-dahan niyang isinara ang pinto ng banyo. Nagulat siya na maraming paper bags ang nasa tabi ng kama. "Para kanino po ang lahat ng mga 'yan?" untag niya, na tinuturo ng tingin ang mga paper bags. "For you... I ask my secretary to buy for you," sagot ni Emil. "Na

    last update最後更新 : 2026-03-17
  • UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG   Chapter 20: AYAW

    PAGLABAS ni Vic at pagsara ng pintuan, bigla pakiramdam ni Leina ay lumamig ang paligid. Kasunod niyon, napahawak siya sa laylayan ng suot niyang palda, hindi alam kung saan ilalagay ang sarili. Hindi siya makatingin ng diretso kay Emil. Takot, naiipit sa sitwasyon niya at nalilito. Unti-unting

    last update最後更新 : 2026-03-17
更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status