Share

CHAPTER ONE

last update Last Updated: 2025-01-07 14:23:20

THIRD PERSON:

"Mama, napakasarap po talaga ng niluluto niyo, hindi ko po mapigilang humirit pa ng isa, pahingi pa po ako ng maruya." ang masiglang hirit ng bunso ni Maricar, na natutuwa. Sa pagkakataon na walang pasok ang kanyang mga anak sa araw na iyon, na nagbibigay sa kanila ng pagkakataon na magkaroon ng masayang pagsasama-sama at ang magluto ng maruya bilang bonding activity, na puno ng tamis at saya nilang mag iina kahit wala ang kanyang asawa at busy ito lagi sa trabaho kaya bibihira lang ito magkaroon ng rest day. Ngunit hindi ito naging hadlang para makaruon parin sila ng bonding tuwing weekend.

"Naku anak nakakarami kana pero wala ka pang bayad na kiss sa akin." natatawang biro niya naman dito at ang pag pisil niya sa pisnge nito na napahagikhik naman itosa ginawa niya.

"Utang muna po Mama kapag binigyan niyo na po ako tsaka last na po ito pagkatapos ko na pong kainin ito saka po kita ikikiss ng madami." sagot ng kanyang anak na may kasamang pilyo na tawa.

"Aba mukhang kondisyon pa ata iyan' oh sige ito na po para sa cute naming bunso."

"Mama kami din po pinge ulit." Wika naman ng panganay at ang dalawa niya pang anak na nakapila na din ang mga ito sa harapan niya, natatawang napapailing na lang ito habang nilalagyan ng maruya ang mga plato ng mga ito.

"Anong amoy iyan?!! Maricar"

"Naku' nanjan po si Tita Carol, Mama!!" wika naman ni Lyca

"Salubungin niyo na doon dali!!" utos niya sa mga ito.

Ngunit ang inakala niyang mag siunahan ang mga itong lalapit sa Tita Carol nila, nanatili lamang itong mga nakatayo sa tabi niya. At nagsisiksikan pa ang mga ito sa tabi ng kanila Ina. Na pinagtaka naman ni maricar bakit ganon ang mga kilos ng kanyang mga Anak. Na para bang natatakot ang mga ito.

"Maricar?!" tawag pa nito na mas lalo namang lumipat sa kanyang likod ang dalawa paslit.

"Ate Carol!" tugon naman niya ang pag hakbang niya sana upang salubungin ang kanyang hipag ngunit di siya makahakbang dahil sa biglang may kung anong bigat sa kanyang magkabilang hita. Pagtingin niya ay ang kanyang pangatlong anak na anim na taong gulang na si Jerald at sa kabilang hita niya naman ay ang bunsong limang taong gulang na si Jacob.

"Kanina pa ako tumatawag sayo dimo ba ako naririnig?!" halatang inis na wika ng hipag niya ng makalapit na ito sa kanila.

"Sensya na po ate' di po ako makalapit agad sayo, dahil tong mga makukulit eh mga nakakapit po sa akin," ang nakangiting wika naman ni Maricar habang kanyang mga mata ay nakatuon sa kanyang dalawang anak na mga nakapulupot sa may hita niya. Pagtingin niya sa kanyang sister-in-law, ay may matalim na tingin pala ito sa mga bata na mas lalong nagpapahigpit sa pagkakayakap sa hita ng kanilang ina.

Naisip na lang ni Maricar ay marahil tinatakot lamang ito ng Tita Carol nila, subalit sa kabila ng pagkakataon na iyon, nananatili pa rin ang pag-aalala sa kanyang puso dahil ramdam niya ang pagbilis ng mga pagtibok ng puso ng mga ito, na nagpapahiwatig ng kanilang kaba at pangangamba.

Hinimas himas na lamang niya ang likod ng dalawang paslit para kahit papaano ay maibsan ang takot ng mga ito.

"Mag hi kayo at magmano sa Tita Carol niyo mga anak." Utos naman niya sa mga ito.

"Hi po Tita Carol" mahinang wika naman ng pangatlo niya anak na si Jerald at naiilang pa itong lumapit sa tita niya upang magmano. Ang kanyang mga mata'y puno ng pag-aalinlangan, na para bang natatakot na maging malapit sa mataray na anyo ng kanilang tita. Inalalayan na lang ito ni Maricar at sumunod na din ang tatlo niya pang anak.

Ngunit imbes na batiin din ang mga ito ng Tita Carol nila umikot lamang ang mga mata nitong umiwas ng tingin sa kanila pagtapos ng pagmamano nila.

"Ano ba iyan Maricar hindi mo ba kayang turuan ng magandang asal ang mga anak mo?!! Simpleng pag mano lang sa akin di pa magawa!" Galit na turan naman nito

"Sensya na po ate baka po kasi nahihiya lamang po at bihira lang po kayong bumisita dito." paliwanag ni Maricar, na nagtatangka ring pumalma sa sitwasyon. At may halong pag-aalala sa tono ng kanyang boses na nagsasalamin ng kanyang pangamba na baka nasaktan o naiinis ang kanyang tita sa reaksyon ng kanyang mga anak.

Ngunit ng makita niya ang mga anak niya ang mga tanging mga nakayuko lamang ito.

"Umuwi ba si Nathan kagabi?" bag iiba ng topic ni Carol

"Opo teh, nga po pala may pinapabigay po pala para sa birthday ni Mama Emelia."

"Akin na! Ayon nga din ang pinunta ko dito."

"Kukunin ko lang po sandali."

Pumanhik naman ito sa may sala at umupo. Habang si Maricar naman ay tumungo ng kwarto.

"Tita Carol gusto niyo po ba ng maruya?" rinig naman niyang tanong ng kanyang panganay na anak na si Eunice sa Tita nito, napa nginiti naman siya dahil kahit papano ay nakaya na ng mga ito na kausapin ang Tita Carol nila.

"Ayoko niyan!!" Mabilis na tanggi naman nito

"Ano po gusto niyo tita Carol?" tanong naman ni Lyca

"Wala' Maricar bilisan mo naman may lakad pa ako!!"

"Opo! Najan na ate Carol!" Pag mamadali naman ni Maricar nang makuha na ang sobre na naglalaman ng pera.

"Pinapasabi din ni Mama na kaylangan agahan mo daw umuwi para makapag luto ka na agad ng ibang handa dahil meron maaagang dadating na bisita si Mama." Wika naman nito habang nilalagay sa kanyang bag ang sobreng binigay ni Maricar. Di maiwasan ni Maricar na mapansin ang bag ni Carol na maganda at halatang mamahalin ito. "Ang ganda ng bag niya" tanging nasambit nito sa kanyang sa isipan niya habang ang kanyang mga mata ay nakatutok sa bag Carol.

.

"Maricar?!" tawag nito sa kanya na nagpabalik ulirat sa kanya.

"Po?! Akala ko po kukuha kayo ng magluluto, iyon po kasi sinabi ni Nathan tsaka-

"Nagbago na ang isip ni Mama ikaw na lang ang magluluto tutulungan ka naman din ni Aling Martha."

"Si-sige po."

Tumingin pa ito sa kanyang relo "Sige, alis na ako. Pasabi sa kapatid ko na salamat kamo sa ambag na binigay niya."

"Sige po Ate Carol."

Hinatid niya pa ito hanggang sa kanilang gate. At pag balik niya naman sa loob ay nanatiling parin mga nakatayo ang mga ito halatang inaatay siyang sa pagpasok, at natawa naman siya bigla ng mapansin niyang mga naka pamaywang pa nga ang mga ito.

"At para saan naman po iyan at lahat kayo ay nakapameywang pa." Natatawang tanong naman niya sa mga ito at ginaya niya din ang mga ito.

"Mama bakit di po kayo marunong tumanggi?" Tanong naman ng panganay ng Anak na si Eunice

"Sa?" kunwari di niya alam ang pinapahiwatig nito

"Na kayo mag aasikaso sa pagluluto sa birthday ni Mama Lah, pagod na nga po kayo sa pag aalaga sa amin."

Napangiti naman siya dahil naramdaman niyang concern din talaga ang kanyang mga anak pagdating sa kanya.

"Anak' okay lang iyon tsaka isang araw lang naman po iyon."

"Pero lagi na lang po kayo ang pinag luluto nila... akala ko po ba kukuha na sila ng taga luto kaya po nag bigay ng pera si Papa?" Wika naman ni Eunice

Ngunit nanatili lamang ang mga itong nakatitig sa kanya, ngumiti na lang siya niyakap ang bunsong anak niya.

"Hali nga kayo dito hug niyo nga po ako." wika niya at nag silapitan naman ang mga ito at mahigpit na yakap ang ginawad ng mga ito sa kanilang pinakamamahal na ina.

Habang mahigpit ang yakap ng mga anak ni Maricar, naramdaman niya ang init ng pagmamahal at suporta mula sa kanila. Bagama't napapagod siya sa mga responsibilidad bilang ina at sa pag-aasikaso ng pamilya, ang mga ganitong sandali ay nagpapalakas sa kanya.

"Mama, hindi po ba kayo napapagod?" tanong ni Lyca, na nakayakap pa rin sa kanyang ina.

"Napapagod din anak, pero ang importante ay masaya tayong lahat," sagot ni Maricar habang hinahaplos ang buhok ng anak.

"Ayaw ko pong makita kayong pagod, Mama. Gusto ko pong tumulong sa inyo," wika ni Eunice, na talagang nakikita ang dedikasyon ng ina sa pamilya.

"Tutulungan po kita, Mama," sabat ni Jerald, na pilit nagpapalakas ng loob kahit bata pa.

"Naku ang mga baby ko... okay lang sa akin na huwag kayong malikot doon. At kayo ate Eunice at ate Lyca bantayan niyo lang itong dalawang baby boy natin okay?"

"Oo po, Mama!" sabay-sabay na sagot ng mga ito.

"Tara na't kumain ulit ng maruya, mga anak," yaya niya sa mga ito.

"Yehey! Maruya ulit!" sigaw ng mga bata habang masiglang nagtakbuhan pabalik sa kusina.

Habang pinagmamasdan ang saya sa mga mukha ng kanyang mga anak, naramdaman ni Maricar ang pag-agos ng saya at pasasalamat sa kanyang puso. Sa simpleng pagsasama-sama at sa mga maliliit na sandali ng pagmamahalan, natutunan niya na ang tunay na kaligayahan ay hindi sa materyal na bagay kundi sa presensya at pagmamahal ng pamilya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SEVENTY-EIGHT

    THIRD PERSON:Pagpasok pa lang ni Maricar sa bahay, agad siyang natigilan. Nanlaki ang kanyang mga mata sa mga gamit na nakasalansan sa tabi ng sofa—mga kahon, dalawang maleta, at isang backpack.“Lisa?!” tawag niya sa kaibigan, lumapit habang nakakunot ang noo. “Pinapaalis mo na ba kami?” pabirong tanong niya, pilit ikinukubli ang kaba.Mula sa kusina ay lumabas si Lisa, hawak ang isang plato ng mainit-init at bagong lutong cookies“Gaga! Sa mga anak mo 'yan!” sagot ni Lisa, sabay irap at tawa.“Hah?!” napakunot ang noo ni Maricar.Biglang bumungad mula sa likod ng pinto sina Eunice at Lyca, parehong nakatakip pa ang mga mata, bago sabay-sabay na sumigaw—“Surprise, Mama!!!”“Mga anak, anong—”“Pumayag na po si Papa na dito na kami sa inyo, Mama!” sabay na sabi ng magkapatid, halos hindi mapakali sa tuwa.Hindi na napigilan ni Maricar ang mapaiyak. Mabilis niyang niyakap sina Eunice at Lyca, mahigpit, parang ayaw na niya silang bitiwan.“Hay naku! Buti naman at natauhan din iyang ex-

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SEVENTY-SEVEN

    THIRD PERSON:“Ma’am Maricar?”Nagmadaling lumapit si Bianca, hawak ang clipboard at cellphone, halatang hindi mapakali habang sinusundan si Maricar na papalabas na ng building.Agad namang huminto si Maricar sa gitna ng hallway at bahagyang lumingon sa sekretarya.“Mamaya na po kayo lumabas, Ma’am,” mariing babala ni Bianca, habol ang hininga.Napakunot ang noo ni Maricar napatingin sa kanya.“Marami pong reporter sa labas—nag-aabang po sila sa inyo.”Bahagyang ngumiti si Maricar. “Di mo pa rin ba alam, Bianca?” mahina ngunit banayad ang kanyang sagot. “Sanay na ako sa ganyan.”"Po?"“Ilang oras na silang nandoon?”tanong niya pagkatapos, habang inilalapat ang tingin sa pintuan sa dulo ng hallway“Mga... five hours na po, Ma’am,” sagot ni Bianca, bahagyang napapikit—tila naaawa.“Limang oras?...” ulit ni Maricar,. Tila binibilang sa isipan ang bigat ng panahong iyon.“Opo, Ma’am… talaga pong naghintay sila riyan hanggang matapos ang Annual General Meeting natin.”Tahimik si Maricar sa

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SEVENTY-SIX

    THIRD Person:Umigkas si Ericka mula sa pagkakaupo at galit na lumapit kay Maricar, parang sasabog anumang oras.Dalawang alalay ni Maricar ang agad na sumalubong at humarang sa kanya, pero hindi iyon naging sapat para pigilan ang galit na lumiliyab sa kanyang mga mata.Hindi niya alintana ang mga nakapaligid—wala siyang pakialam sa dignidad, sa pormalidad, o sa kung sino pa ang nanonood.Sa paningin niya, iisa lang ang may sala sa lahat ng nangyayari—si Maricar."Ang kapal naman talaga ng mukha mo, Maricar!" sigaw ni Ericka, halos maiyak sa galit habang nakaturo sa babae. "Pati ba naman 'to, inaangkin mo rin?!"Napangisi si Maricar saka humakbang siya palapit kay Ericka, mabagal ngunit tiyak, tila ba bawat yabag ay sinadyang ipaalala kung sino na siya ngayon.Ang tingin niya'y diretso, malamig, at walang bahid ng takot."Bakit, Ericka?" aniya, halos pabulong ngunit mariin. "Hindi mo matanggap na may taong piniling ayusin ang lahat ng sinira n’yo?"Di makapagsalita si Ericka."Sila an

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SEVENTY-FIVE

    THIRD PERSON:“Nandito na tayo…” mahinang sabi ni Alejandro habang nakatingin sa labas.Ngunit walang sagot. Kaya lumingon siya kay Maricar—nakasandal na ito sa bintana, bahagyang nakapikit, payapang natutulog habang nakayakap sa sarili, naka-krus ang mga braso na tila nagkukubli ng pagod.Ngumiti si Alejandro—‘yung ngiti ng isang taong masayang makita ang taong mahal niya na sa wakas ay nakakatikim ng kahit kaunting pahinga.Marahan niyang hininaan ang volume ng radyo, halos walang tunog na naiwan kundi ang ambon na marahang kumakatok sa bubong ng sasakyan.Hinubad niya ang suot niyang coat, saka dahan-dahang isinapin sa balikat ni Maricar. Saglit siyang napahinto, tinitigan ang maamong mukha nito. Ang luntiang ilaw mula sa poste sa labas ay lumalaro sa mga pilik-mata nito. Sa katahimikan ng sandali, para silang nasa sariling mundo.“Ang dami mong pinagdaanan, no?” bulong ni Alejandro, halos hindi marinig. “Pero nandito ka pa rin. Nagpapakatatag.”Saglit siyang tumigil, parang iniiwa

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SEVENTY-FOUR

    THIRD PERSON:“Bakit pa kayo pumunta ro’n, Ma?!” mariing tanong ni Nathan habang paulit-ulit na hinahagod ang buhok sa tindi ng inis. Halata sa kanyang mukha ang pagkalito, pagkabigla, at lalong higit ang pagkadismaya. Hindi niya alam kung alin sa mga nararamdaman niya ang uunahin.“Aba’y bakit? Bawal na ba kaming lumapit at pumunta sa kanya, ha? Porke’t mayaman na siya?!”Mataray ang tono ni Ginang Emelia, taas-noong nakatingin sa anak na para bang siya pa ang may karapatang magalit. Sa kanyang mga mata, hindi siya kailanman nagkamali.“Hindi naman sa gano’n!” malalim ang buntong-hiningang pinakawalan ni Nathan habang pilit kinakalma ang sarili, bagamat halata sa kanyang pananalita ang bumubukal na galit.“Pero alam niyo namang mahigpit ang mga bantay ni Maricar ngayon. Baka kung mapaano pa kayong dalawa ro’n. Ayaw kong mapahiya tayo.”“Tssk! Kung hindi pa kami kikilos, kailan ka pa kikilos, ha?!” singhal ni Carol habang padabog na tumayo.“Kapag pumuti na ang uwak? Kapag tuluyan ka

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SEVENTY-THREE

    Maricar POV:Tahimik kong pinagmamasdan ang kalakhang lungsod mula sa likod ng salaming bintana ng opisina.Sa kabila ng mga ilaw na kumikislap at sasakyang walang tigil sa pag-ikot, may malamig na katahimikan na bumabalot sa akin—hindi mula sa aircon, kundi mula sa damdaming matagal ko nang kinikimkim.Ito na ba talaga ang tinatawag nilang tagumpay?Narating ko na ang tuktok,Ngunit hanggang ngayon, parang nananaginip pa rin ako. Parang panaginip lang na nangyari ang lahat ng ito—na ako ito, na narito ako.Hindi ko kailanman pinangarap ang ganitong buhay—ang kapangyarihan, ang titulo, ang karangyaan.Ang gusto ko lang naman… ay maging isang mabuting asawa. Isang mabuting ina. Isang babaeng kayang mahalin at ipagmalaki. Isang babaeng sapat.Akala ko, kapag binigay ko ang lahat, mamahalin nila ako nang buo.Pero sa dulo, hindi pala sapat ang pagiging totoo kung ang sukatan ng pagmamahal ay pera at pangalan.Ngunit sa gitna ng lahat ng ito, nagpapasalamat ako.Sa mga taong naniwala sa a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status