Maricar POV:
Nakakailang tawag na ako sa telepono ngunit wala pa ring sagot mula kay Nathan. Cheneck ko pa ang oras sa cellphone, 9;30 am alam kong kapag ganitong oras ay oras na para sa breaktime nila. Kaya nag bakasakali akong matawagan siya para tanungin kong makakauwi ito ngayon.
'Baka busy...Last dial na'to' ang naisip ko habang pinipindot ang huling beses na pag dial sa aking cellphone. Napangiti naman ako nang biglang sagutin niya ang tawag.
"Hello?" Napakunot ang noo ko nang marinig ang boses ng isang babae sa kabilang linya, sa halip na ang inaasahang boses ng aking asawa.
"Babe?" Ang biglaang pag bilis naman ng pagtibok ng puso ko ng marinig ko ang boses na iyon at kilala ko iyon, walang iba kundi ang asawa ko. "At ano daw babe? Hindi naman babe ang tawagan naming dalawa."Kahit si Lisa ay nagulat din.
"Hello.... honey?" Ako na parang walang narinig at di nagtanong kung sino iyon. Ang pag dikit naman ni Lisa ng taynga niya sa cellphone ko.
"Ma-maricar... ba-bakit?" halos mautal utal na wika naman nito at mukhang may kinakausap pa ito ngunit di ko masyadong malinaw na naririnig ang mga sinsabi ng mga ito sa kabilang linya.
"Ahmm' Tatanong ko sana kung dederetso ka pa ba dito sa bahay?" kunway humakbang ako para makalayo kay Lisa. "hmmp!" siya na inis sa ginawa ko. Nilakihan ko na lang ng mga mata ito at siya naman ay bumalik sa kinauupuan niya.
"Di ko pa sure, bakit?"
"Para sana mag papasama ako sayong mamili para sa kakailanganing para sa mga lulutuin pang handa ni Mama."
"Papuntahin mo na lang si Aling Martha diyan para tumulong na din sayo sa pamimili."
"Si-sige"
"Sige na marami pa akong aasikasuhin." Pag sabi nito agad na binaba ang tawag
Napabuntong hininga na lamang ako. At kahit na gumugulo sa isipan ko yong babae kanina, mas pinili ko na lang huwag pansinin. "Baka katrabaho niya lang iyon"
"Sino yong babaeng sumagot sa tawag mo?" Sabi na nga ba, narinig din pala ng isa na ito. Kaya ang kulit kanina.
"Hmm' katrabaho ni Nathan.." Mabilis na sagot ko ngunit halatang di ito naniniwala.
"Hmm, Eh parang narinig ko atang may BABE' na tinatawag ang asawa mo! Alam ko naman na HONEY ang tawag sayo ng asawa mong magaling!" Umiwas na lang ako ng tingin a kanya, at pinagpatuloy ko na lamang ang pag tutupi ko.
"Baka katrabaho lang niya at kaboses lang ni Nathan."
"Ay' iwan ko sayo' masyado kang nag bibinge-bingihan!"
Napahinto naman ako sa aking ginagawa at napabuntong hininga naman ako at humarap sa kanya
"Lisa hinay hinay ka sa pagsasalita mo baka maririnig ka ng mga bata." suway ko naman sa kanya ngunit inirapan lang niya ako.
"Aytt! sorry ha' hindi kasi ako katulad mo napakahinhin magsalita, hindi makabasag eardrum hmmp!!"
Alam kong naiinis na naman ito sa asawa ko, at meron na naman siyang kakaiba gustong pinaparating sa mga tuno ng pananalita niya. Napapailing na lang akong pinagpatuloy ang pag tutupi ko ng mga damit na nilabhan ko lang kahapon.
"Mama uuwi po ba si Papa?" Ang kakagising pa lang na anak kong panganay na si Eunice. At pupungas pungas niya pa nga ang kanyang mga mata. Halatang kakamulat lang nito at dumeretso dito sa kwarto ko.
Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Lisa nag mouth talk pa nga ang pasaway sa akin.
"Hindi pa sigurado anak eh"
"Lagi na lang pong hindi umuuwi si Papa." Malungkot na wika naman niya. Kahit ako nadala din sa malungkot niyang tuno. Nagka tinginan naman kami ni Lisa. Nagkibit balikat na lamang ito.
"Busy lang ang Papa niyo, babawi din iyon kapag meron na siyang sapat na oras."
"Sasama na lang po ako sa pamimili niyo mama tutulungan ko po kayo."
"Aba ang bait bait talaga ng inaanak ko." wika naman ni Lisa
"Hmm' sige, aytt! nga pala meron akong biniling damit para sa iyong apat, wait lang kukunin ko sa kwarto."
"Dumating ito kaninang umaga, ito ang susuutuin niyo para sa birthday ng Mama Lah niyo." Excited na binuksan ko ang mga nakabalot na damit
"Saan niyo po binili ang mga iyan Mama?"
"Sa online shopping anak at alam mo ba laking discount nakuha ko kasi apat binili ko." ngunit napansin ko naman ang kanya mga mata na prang may hinahanap pa ito.
"Eh' asan po yong para sa inyo Mama?"
Napahinto naman ako sa ginagawa kong pagbubukas ng tanungin ako ng panganay ko. Oo nga pala. Tumingin pa ako kay Lisa at ngumuso lang ito
"Ahmm' hayaan mo anak titingin din ako kapag namalengke na tayo bukas."
Nabigla naman ako ng bigla niya akong niyakap
"Mama salamat po at lagi niyo po kaming inuuna kahit ikaw di pa po namin kayong nakikitang bago ang ginagamit kahit damit man lang po."
"Sus' napakalambing talaga ng anak ko, opo hayaan mo bukas bibili na ako ng bagong damit."
"Mas lalo po kayong gaganda non Mama promise."
"Hmm' bakit hindi ba ako maganda kapag hindi bago ang damit na suot ko?'
"Hindi naman po Mama, lagi na lang po kasi kayo nakapambahay naka pajama at naka longsleeve, para ma iba naman po mag dress naman po kayo."
"Kaya Maricar naku mukha ka ng bampira sa kaputian mo dahil laging naka pang overall ka na lang lagi. Alam mo mag night ties kana din minsan para iyang asawa mo-
Bigla akong lumapit dito at tinakpan ang bibig nito.
"Ikaw talaga Lisa iyang bibig mo!!" At maninipis na pag kurot naman ang ginawa ko sa kanyang tagiliran.
"Hahaha biro lang.....biro lang!!" sabi naman nito, at inirapan ko lang itong humarap naman ako sa kay Eunice.
"Opo' oo na po... sige na sukatin mo na din ito, kapag gising na din ang mga kapatid mo ibigay mo ito sa kanila huh. Papagluto ko muna kayo ng masarap na breakfast."
"Thank you po Mama, I love you.."
"Naku naman ang baby ko para saan naman ang thank you mo para ba sa bagong damit mo?" nakangiting tanong ko dito, na mas lalo pa nitong hinigpitana ng pagkakayakap sa akin.
"Hindi po Mama, Thank you po dahil kayo ang Mama naming magkakapatid."
"Natutuwa po kasi kami na kahit sa simpleng paraan ay pinapakita ninyo ang inyong pagmamahal at pag-aalaga sa amin. Hindi lang po sa bagong damit, kundi pati na rin sa inyong masasarap na luto at sa mga munting bagay na ginagawa ninyo araw-araw para sa aming lahat. Kaya po sobra-sobra ang pasasalamat namin sa inyo, Mama."
"Talaga? Maraming salamat anak, napakasarap sa pakiramdam na malaman na naa-appreciate ninyo ang mga ginagawa ko para sa inyo. Kayo ang inspirasyon ko para magpatuloy sa pagmamahal at pag-aalaga sa inyo araw-araw. Mahal na mahal ko kayo, anak."
"Kayo ang nagbibigay-saysay sa bawat araw ko, at walang anuman ang mas hihigit pa sa kaligayahan na dulot ninyo sa akin. Mahal na mahal ko kayo ng sobra-sobra."
"Mama ako din payakap din po!!" wika naman ni Lyca
"Aytt!!! sama din ako sa gruop hug niyong mag iina!!" ang natatawang pag yakap din sa amin ni LIsa
*****Napapawi ang anumang pag-aalala sa aking puso habang nasa yakap ko ang aking mga anak. Sila ang liwanag sa aking buhay, ang mga patuloy na nagbibigay-saysay sa bawat araw ko. Sa kabila ng mga pagsubok at kahit na sa gitna ng mga pagdududa, narito sila upang patuloy na magbigay ng pag-asa at ligaya sa akin. Sa mga simpleng salita ng pasasalamat at pagmamahal mula sa kanila, nararamdaman ko ang kahalagahan ng pagiging isang ina at ang kahalagahan ng pagmamahalan sa loob ng pamilya. Nangunguna sila sa aking mga prioridad, at sa kanilang mga yakap at ngiti, natatanggal ang anumang pangamba sa aking puso. Mahal na mahal ko sila, at sa bawat araw, ipinapangako ko na ako'y mananatiling tapat sa aking tungkulin bilang isang ina at magbibigay ng lahat ng aking makakaya upang mapasaya sila at mapangalagaan ang aming pamilya.
Ngunit ang nakakagambalang boses ng babae sa telepono ay patuloy na bumabagabag sa akin. Habang abala ako sa mga gawaing bahay, hindi ko maiwasang isipin kung sino siya at bakit siya ang sumagot sa tawag ko kay Nathan. Bagama't sinabi ko kay Lisa na baka katrabaho lang iyon ni Nathan, may bahagi ng isip ko na nagtatanong at nag-aalinlangan.
THIRD PERSON:Pagpasok pa lang ni Maricar sa bahay, agad siyang natigilan. Nanlaki ang kanyang mga mata sa mga gamit na nakasalansan sa tabi ng sofa—mga kahon, dalawang maleta, at isang backpack.“Lisa?!” tawag niya sa kaibigan, lumapit habang nakakunot ang noo. “Pinapaalis mo na ba kami?” pabirong tanong niya, pilit ikinukubli ang kaba.Mula sa kusina ay lumabas si Lisa, hawak ang isang plato ng mainit-init at bagong lutong cookies“Gaga! Sa mga anak mo 'yan!” sagot ni Lisa, sabay irap at tawa.“Hah?!” napakunot ang noo ni Maricar.Biglang bumungad mula sa likod ng pinto sina Eunice at Lyca, parehong nakatakip pa ang mga mata, bago sabay-sabay na sumigaw—“Surprise, Mama!!!”“Mga anak, anong—”“Pumayag na po si Papa na dito na kami sa inyo, Mama!” sabay na sabi ng magkapatid, halos hindi mapakali sa tuwa.Hindi na napigilan ni Maricar ang mapaiyak. Mabilis niyang niyakap sina Eunice at Lyca, mahigpit, parang ayaw na niya silang bitiwan.“Hay naku! Buti naman at natauhan din iyang ex-
THIRD PERSON:“Ma’am Maricar?”Nagmadaling lumapit si Bianca, hawak ang clipboard at cellphone, halatang hindi mapakali habang sinusundan si Maricar na papalabas na ng building.Agad namang huminto si Maricar sa gitna ng hallway at bahagyang lumingon sa sekretarya.“Mamaya na po kayo lumabas, Ma’am,” mariing babala ni Bianca, habol ang hininga.Napakunot ang noo ni Maricar napatingin sa kanya.“Marami pong reporter sa labas—nag-aabang po sila sa inyo.”Bahagyang ngumiti si Maricar. “Di mo pa rin ba alam, Bianca?” mahina ngunit banayad ang kanyang sagot. “Sanay na ako sa ganyan.”"Po?"“Ilang oras na silang nandoon?”tanong niya pagkatapos, habang inilalapat ang tingin sa pintuan sa dulo ng hallway“Mga... five hours na po, Ma’am,” sagot ni Bianca, bahagyang napapikit—tila naaawa.“Limang oras?...” ulit ni Maricar,. Tila binibilang sa isipan ang bigat ng panahong iyon.“Opo, Ma’am… talaga pong naghintay sila riyan hanggang matapos ang Annual General Meeting natin.”Tahimik si Maricar sa
THIRD Person:Umigkas si Ericka mula sa pagkakaupo at galit na lumapit kay Maricar, parang sasabog anumang oras.Dalawang alalay ni Maricar ang agad na sumalubong at humarang sa kanya, pero hindi iyon naging sapat para pigilan ang galit na lumiliyab sa kanyang mga mata.Hindi niya alintana ang mga nakapaligid—wala siyang pakialam sa dignidad, sa pormalidad, o sa kung sino pa ang nanonood.Sa paningin niya, iisa lang ang may sala sa lahat ng nangyayari—si Maricar."Ang kapal naman talaga ng mukha mo, Maricar!" sigaw ni Ericka, halos maiyak sa galit habang nakaturo sa babae. "Pati ba naman 'to, inaangkin mo rin?!"Napangisi si Maricar saka humakbang siya palapit kay Ericka, mabagal ngunit tiyak, tila ba bawat yabag ay sinadyang ipaalala kung sino na siya ngayon.Ang tingin niya'y diretso, malamig, at walang bahid ng takot."Bakit, Ericka?" aniya, halos pabulong ngunit mariin. "Hindi mo matanggap na may taong piniling ayusin ang lahat ng sinira n’yo?"Di makapagsalita si Ericka."Sila an
THIRD PERSON:“Nandito na tayo…” mahinang sabi ni Alejandro habang nakatingin sa labas.Ngunit walang sagot. Kaya lumingon siya kay Maricar—nakasandal na ito sa bintana, bahagyang nakapikit, payapang natutulog habang nakayakap sa sarili, naka-krus ang mga braso na tila nagkukubli ng pagod.Ngumiti si Alejandro—‘yung ngiti ng isang taong masayang makita ang taong mahal niya na sa wakas ay nakakatikim ng kahit kaunting pahinga.Marahan niyang hininaan ang volume ng radyo, halos walang tunog na naiwan kundi ang ambon na marahang kumakatok sa bubong ng sasakyan.Hinubad niya ang suot niyang coat, saka dahan-dahang isinapin sa balikat ni Maricar. Saglit siyang napahinto, tinitigan ang maamong mukha nito. Ang luntiang ilaw mula sa poste sa labas ay lumalaro sa mga pilik-mata nito. Sa katahimikan ng sandali, para silang nasa sariling mundo.“Ang dami mong pinagdaanan, no?” bulong ni Alejandro, halos hindi marinig. “Pero nandito ka pa rin. Nagpapakatatag.”Saglit siyang tumigil, parang iniiwa
THIRD PERSON:“Bakit pa kayo pumunta ro’n, Ma?!” mariing tanong ni Nathan habang paulit-ulit na hinahagod ang buhok sa tindi ng inis. Halata sa kanyang mukha ang pagkalito, pagkabigla, at lalong higit ang pagkadismaya. Hindi niya alam kung alin sa mga nararamdaman niya ang uunahin.“Aba’y bakit? Bawal na ba kaming lumapit at pumunta sa kanya, ha? Porke’t mayaman na siya?!”Mataray ang tono ni Ginang Emelia, taas-noong nakatingin sa anak na para bang siya pa ang may karapatang magalit. Sa kanyang mga mata, hindi siya kailanman nagkamali.“Hindi naman sa gano’n!” malalim ang buntong-hiningang pinakawalan ni Nathan habang pilit kinakalma ang sarili, bagamat halata sa kanyang pananalita ang bumubukal na galit.“Pero alam niyo namang mahigpit ang mga bantay ni Maricar ngayon. Baka kung mapaano pa kayong dalawa ro’n. Ayaw kong mapahiya tayo.”“Tssk! Kung hindi pa kami kikilos, kailan ka pa kikilos, ha?!” singhal ni Carol habang padabog na tumayo.“Kapag pumuti na ang uwak? Kapag tuluyan ka
Maricar POV:Tahimik kong pinagmamasdan ang kalakhang lungsod mula sa likod ng salaming bintana ng opisina.Sa kabila ng mga ilaw na kumikislap at sasakyang walang tigil sa pag-ikot, may malamig na katahimikan na bumabalot sa akin—hindi mula sa aircon, kundi mula sa damdaming matagal ko nang kinikimkim.Ito na ba talaga ang tinatawag nilang tagumpay?Narating ko na ang tuktok,Ngunit hanggang ngayon, parang nananaginip pa rin ako. Parang panaginip lang na nangyari ang lahat ng ito—na ako ito, na narito ako.Hindi ko kailanman pinangarap ang ganitong buhay—ang kapangyarihan, ang titulo, ang karangyaan.Ang gusto ko lang naman… ay maging isang mabuting asawa. Isang mabuting ina. Isang babaeng kayang mahalin at ipagmalaki. Isang babaeng sapat.Akala ko, kapag binigay ko ang lahat, mamahalin nila ako nang buo.Pero sa dulo, hindi pala sapat ang pagiging totoo kung ang sukatan ng pagmamahal ay pera at pangalan.Ngunit sa gitna ng lahat ng ito, nagpapasalamat ako.Sa mga taong naniwala sa a