Home / Romance / USOK / HOPELESS ROMANTIIC

Share

HOPELESS ROMANTIIC

Author: JJOSEFF
last update publish date: 2025-02-16 01:11:33

Makalipas ang isang taon at anim na buwan.

"Gusto ko ng Brazilian style, tapos kaunting highlight sa aking buhok."

Mahinahon ang kanyang tono, pero may hindi maipaliwanag na lamig sa boses ng napakagandang babaeng customer. Kahit ang staff ng salon ay napatuwid ang tayo, at naa-amaze hindi dahil sa utos, kundi dahil sa aura nitong parang hindi dapat kontrahin.

"Noted, Madam."

Umupo ang magandang babae ng marahan, wari’y reyna na napagod sa mahabang paglalakbay. Pero sa likod ng kanyang malamig na mukha, may kung anong tensyong gustong kumawala.

May lungkot sa mga matang hindi niya namamalayan, pero nababasa ng iilan.

"Ah, Miss… sorry ah. Pwede mo bang i-trim nang kaunti ang dulo? May split ends kasi. Ayokong may makita akong kahit isang sira."

May diin ang bawat salita, para bang ang maliit na kapintasan sa buhok ay sumisimbolo sa kapintasang desperado niyang itago sa buong mundo.

Ngumiti ang isang staff na babae, "Sure po, Ma’am."

Dalawang oras siyang halos hindi gumalaw. Pero ang isip niya? Hindi mapakali.

Hindi siya mapalagay. Paulit-ulit na parang may gumuguhit sa utak niya, mga eksenang hindi niya maalala nang buo, parang hangin na dumaraan pero nawawala din agad paglipas ng ilang sigundo, pero ang lahat ng iyon, kahit hindi pa rin malinaw ay sapat na para manggigil siya.

Lumapit ang isa sa kanyang mga bodyguard, halatang naiinip.

"Ma’am, pwede po ba ako lumabas saglit? Maninigarilyo lang ako..."

"Sa counter mo nalang iwanan ang paper bags, na mga pinamili ko..." mabilis niyang sinabi, pero may kakaibang pagod sa dulo ng boses niya.

May kabaitan pa ito sa kanyang paguutos, dahil ayaw nitong maamoy ang usok ng sigarilyo na didikit sa kanyang mga pinamili. Hindi sa maarte kung hindi sinsetibo siya sa mga bagay lalo na sa kanyang pang amoy.

Pagkaalis ng body guard, iniwan niya ang mga gamit sa counter, habang sinusundan niya ito ng kanyang mga tingin, pero hindi alam ng lahat, ay nanginginig ang palad niya na may hawak sa debit card sa loob.

Parang may hinahabol siya, o pinaplanong dapat niyang gawin.

Pagkatapos magpa-ayos ng kanyang buhok ay nagpunta siya sa nail spa. Umupo doon na napapikit ang mga mata, na parang nagpahinga.

Pero kahit nakapikit, ang dibdib niya ay kumakabog, hindi dahil sa pagod, kundi dahil sa isang pakiramdam na matagal na niyang nararamdaman:

"May kulang. May mali." yan ang pakiramdam niya.

Habang mahigpit siyang binabantayan ng dalawang bodyguard at dalawang nanny sa labas ng salon, isang tanong ang umiikot sa isipan niya.

Sino ba talaga siya?

Andrea Rosario. edad na nasa dalawampu’t dalawa. Maputi, makinis, mala-Chinita.

Pero ang tunay na Andrea ay tila matagal nang nawaglit, napalitan ng bagong bersyon na binuo para sa isilang ang isang bagong tao.

"Madam, ok na po."

Nagulat siya ng may biglang nagsalita sa likod niya. Nakatulog pala siya..

Pero bakit parang puyat at pagod siya? Parang mas lalong bumigat pa ang nararamdaman ng dibdib niya.

“Ahh… salamat.”

Tumayo siya, pero nanginginig ang tuhod niya habang inaabot ang Louis Vuitton bag. Walang nakakakita, pero sa loob niya, may takot siyang hindi niya maipaliwanag.

Habang nagbabayad siya gamit ang debit card sa counter, pilit niyang iniingatan ang sarili na kumawala mula sa kaba, upang hindi siya mahalata ng mga nakakakita sa kanya o nakakausap. Lumabas siya na may pilit na tikas ng postura.

"Guys, do you want something to eat? Nagugutom ako." tanong niya sa mga kasama niya.

Laging galante, pero lahat ng kilos niya ay parang mekanikal, hindi dahil masaya, kundi dahil iyon ang nakasanayan niya. Para mabaling ang isip sa kung anong nilalabanan niya sa loob ng kanyang sarili.

Kumain sila ng samgyup. Naglaro siya sa phone. Pero paulit-ulit niyang tine-check ang screen, na parang may inaabangan. O may iniiwasan.

At nang tumunog ang cellphone niya, halos malaglag niya ito kahit hawak pa niya. Numero ng nobyo ang nag-flash sa screen. Isang tawag na sabay nagbigay ng kapanatagan… at kaba.

"Are you done?"

Mababa, malamig, at demanding ang isang boses na halos ikalaglag ng kanyang kaluluwa.

"Oo, pabalik na ako sa unit."

"Okay. I'm waiting..."

Pagkababa ng tawag, napabilis ang lakad niya. Tatlong araw niyang hindi nakita ang nobyo, siya si Don Rafael Buenavista.

Sa bawat gabi, ay madalas siyang bina-bangungot. Na parang may nakaraan siyang dapat niyang balikan.

Hindi niya masabi sa kahit kanino..

Hindi niya alam kung bakit.. Sa ngayon wala pa siyang idea kung ano ang kanyang gagawin.

Sa loob ng kwarto, ay nakahiga silang magkayakap, hubo't hubad dahil dinaramdam pa ang init sa isa't isa. Kakatapos lang niyang makipagtalik sa nobyo. Dapat nga maging magaan na ang pakiramdam niya ngunit, hindi pa pala.

"Ilang gabi na akong nananaginip ng paulit-ulit na pangyayari," bulong niya.

"Sa tingin ko kailangan ko nang magpa-check up sa doctor… o di kaya sa isang specialist na maaring makatulong sa akin"

May diin sa boses niya. May pagmamakaawa sa nobyong tahimik na minamasdan ang kanyang mga mata, hindi nito alam na may takot si Andrea, na parang may trauma sa maraming bagay na hindi niya maipaliwanag, sino ba ang maaring makakatulong sa kanya para sa kanyang mental health?

Pero tinapik lang ni Don Rafael ang balikat niya.

"Hindi mo kailangan ng doctor," malamig na sagot ng lalaki. “Libangin mo lang ang sarili mo. Bored ka lang.”

Parang matulis na batong dumulas sa puso niya ang sinabi ng nobyo.

Batid ni Andrea na wala itong paki alam sa kanyang nararamdaman. Hindi siya pinakinggan. Hindi siya pinaniwalaan.

"Why not," sabi nito, "pumunta ka sa malaking mall. May mga bagong branded na damit. May sale. May freebies pa. Gusto mo iyon, 'di ba?" dagdag pa ng nobyo.

Hinagod nito ang buhok niyang bagong ayos, pero kahit banayad ang haplos… may bigat, may kontrol, may tahimik na pwersang nag-uutos sa kanya.

"Hmm, okay… magchi-check ako sa website. Pwede ko bang hiramin saglit ang laptop mo?" Napalunok siya matapos sabihin ito. Hindi niya alam kung bakit kabado siya sa simpleng tanong na iyon.

Tumingin si Don Rafael sa kanya... isang tingin na hindi niya mababasa kung papayag ba o magagalit ito. Isang tingin na nakakapigil ng hininga.

Ang laptop na iyon ay may mga importanteng laman, na itinatago katulad ng mga sikreto. Isa na doon ay , ang buhay na itinatago ng lalaking ayaw niyang pagdudahan pero hindi niya lubos na kilala.

At si Andrea... isang babaeng walang naaalala sa kanyang nakaraan ay lalong hindi dapat nagkakamali.

Hinalikan ni Don Rafael ang forehead nito, nang may lambing. Umaasang mapapalambot ang matigas na pagtingin.

Ilang segundong nakabitin ang sagot. Tila abot-dibdib ang kaba ni Andrea.

Hanggang sa sumagot na si Don Rafael.

"Sure."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • USOK    HANGGANG SA MULI

    Biglang natahimik ang buong sala. Maging ang batang si Gabriel ay tila hindi makahinga habang nakatingin sa kanilang dalawa. Unti-unting umurong si Jobert, ngunit nananatiling matalim ang tingin kay Andrea. “Sinungaling ka…” mahinahong boses ni Jobert pero may diin. Tumulo ang luha ni Andrea ngunit hindi siya umiwas ng tingin. “Kasi kailangan kong paalisin ka, At iyon lang ang paraang alam kong makakapigil sa’yo.” mahinang sagot ni Andrea. Napakuyom ang kamao ni Jobert. “Hindi…” umiling ito. “Hindi mo pwedeng paglaruan nang ganito ang buhay ng tao!” “Hindi ko nilalaro! Ikaw ang ayaw tumanggap!” sigaw ni Andrea. Napatingin si Gabriel sa kanyang ina, litong-lito. “Ma… ano ho ba talaga?” Napapikit si Andrea. At sa wakas, sinabi rin niya ang katotohanang ilang taon niyang itinago.

  • USOK    ANG MULING PAGPAPAKITA NI JOBERT

    Mahimbing na sana ang gabi nina Andrea at ng sampung taong gulang niyang anak na si Gabriel. Humahampas ang malamig na hangin mula sa dagat sa manipis na dingding ng kanilang maliit na bahay sa Siargao. Tahimik ang paligid, tanging lagaslas lamang ng mga puno ng niyog at mahinang ugong ng alon ang maririnig.Katatapos lamang patayin ni Andrea ang ilaw nang biglang..KRAAASH!Napabalikwas siya sa higaan.“Ma?” takot na tawag ni Gabriel habang napakapit sa kanyang braso.“Shhh…” agad na bulong ni Andrea.Iniwan niya ang anak sa loob ng kwarto at isinara ang pinto. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang marahang lumapit sa maliit na siwang ng bintanang gawa sa bakal.Madilim sa loob ng sala kaya imposibleng makita ang kanyang anino mula sa labas.Maingat siyang sumilip. At doon niya nakita, isang matangkad na lalaki na dahan-dahang naglalakad sa loob ng kanyang bakur

  • USOK    ANG PAGBABALIK NI DON RAFAEL

    Makulimlim ang langit nang tuluyang bumukas ang bakal na tarangkahan ng bilangguan. Marahang lumabas si Don Rafael Buenavista, tangan ang maliit na lumang maleta na tila ba iyon na lamang ang natitirang bakas ng kanyang dating marangyang buhay. Sampung taon. Sampung taon ng pagkabilanggo, sa likod ng kahihiyan, at katahimikan sa loob ng bilanguan. Sa dating makapangyarihang negosyante at pulitikong kinatatakutan ng marami, halos walang nakakilala ngayon sa matandang lalaking nakayuko habang dahan-dahang naglalakad palabas ng kulungan. Ang dating maitim niyang buhok ay tuluyan nang pinuti ng panahon. Mahaba ang kanyang balbas, at bakas sa kanyang mukha ang mga gabing walang tulog at mga umagang puno ng pagsisisi. Huminto siya sandali sa harap ng gate. Malaya na siya. Ngunit alam niyang hindi na maibabalik ng kalayaan ang lahat ng nawala sa kanya. Ang pangalan niyang minsang ginagalang sa buong Cebu ay nag

  • USOK    ANG LIHAM NG PAG IBIG

    To Andrea; Hindi ko na mababago ang nakaraan. Hindi ko mabubura ang sakit na idinulot ko sa iyo, ang takot na pinadama ko sa iyo. Pero susubukan kong bigyan ka ng kinabukasan, kinabukasang na maging malaya ka, ligtas, at makahihinga nang walang pader o kadena.Kalakip dito ang mga dokumento para sa isang bahay at lote sa isla ng Siargao. Natatandaan mo? ipinangako ko sa iyo noon na magbabakasyon tayo sa dagat.. ito ang dapat na surprise ko sayo. Sana magdala ito sa iyo ng kapayapaan, sikat ng araw, at kaligayahan. Sa iyo ito... at walang kondisyon, walang tali, walang inaasahan. Isang lugar lang kung saan mo maibangon mo muli ang buhay mo ayon sa gusto mo." - RAFAELNapakurap si Andrea matapos basahin ang mga salitang iyon. Hindi siya makapagsalita noong una. Mas malakas ang epekto sa kanya ng bigat ng mga salita kaysa bala na tumama sa kanya.Tiningnan niya si Jobert, na tumango lang, tahimik na hinihikayat siyang basahin ang mga dokumen

  • USOK    PAGSUKO

    Maya-maya’y umugong ang malakas na sirena ng ambulansya sa buong paligid. Ang ilaw nitong pula at bughaw ay paulit-ulit na sumasalamin sa lupang pinalambot ng dugo ng dalawang tao, sa nanginginig na katawan ni Andrea, at sa walang malay na si Jobert.Pati na rin sa wasak na mukha ni Sheila.“Parating na sila!” sigaw ng isa sa mga tauhan ni Don Rafael habang mabilis na itinutulak palayo ang mga taong nagsimulang magtipon.Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Don Rafael.Maingat ngunit nagmamadaling kinarga niya si Andrea sa kanyang mga bisig, parang natatakot na baka tuluyan itong mawala kapag binitiwan niya kahit saglit lamang.“R-Rafael…” mahina at putol-putol ang boses ni Andrea habang napapapikit sa sakit.“Nandito lang ako,” agad niyang sagot, halos hindi maitago ang panginginig ng kanyang tinig. “Huwag kang matutulog, Andrea. Pakiusap…”Mahigpit na napakapit si Andr

  • USOK    ISANG BALA SA PAGITAN NG PAALAM

    “Ikaw… na sumira sa lahat, mabubuhay ka na lang ba at basta aalis?!”Parang ang bawat salita ni Sheila ay bala ring tumatama sa dibdib ni Andrea.Napaluha si Andrea habang dahan-dahan siyang umatras.“Sheila… hindi ko ginusto ang mangyari… ”“Tumahimik ka!” muli niyang sigaw, mas basag na ngayon ang boses.Biglang humakbang si Jobert at buong katawan na hinarangan si Andrea. Matigas ang kanyang mukha habang mariing nakatitig kay Sheila.“Ibaba mo ang baril.” mahinahon niyang pagkasabi.Ngunit tila wala siyang narinig. Hindi man lang tumingin si Sheila kay Jobert. Dahil ang buong mundo niya sa sandaling iyon ay si Andrea lamang. Ang babaeng umagaw sa lalaking minahal niya. Ang babaeng dahilan kung bakit unti-unting nawala ang asawang minsang nangakong siya lamang ang iibigin habang-buhay.“At alam mo kung ano ang pinakamasakit?” nanginginig niyang bulong.Unti-unting pumatak ang luha sa kanyang pisngi. “Mas pinili ka pa r

  • USOK    ANG PAGBABAGO

    Isang taon na ang nakalipas simula ng makaranas ng mga unusual na panaginip si Andrea ay nagsimula na siyang magtanong sa sarili. Unti- hunting may mga alaalang pumapasok sa memorya niya. Ito na marahil ang resulta ng mga gastos at masarap na pagaalaga ni Rafael sa kanya. Hindi niya ito sinasabi kay

  • USOK    THE BLEAK OUT

    Malungkot ang pananaw ni Andrea dahil wala siyang maalala sa kanyang nakaraan. Kulang din siya sa pinansiyal, upang magpatingin sa isang espesyalista. Kaya heto siya, ginagawa ang lahat para kumita sa pamamagitan ng pagtatago ng pera. Ngunit malupit ang tadhana. Siya ay nasa kamay ng isang lalaki n

  • USOK    PAGKATAPOS NG LARO

    Isang mamamatay-tao, na nagtatago sa dilim pero siya ay may likas na dalisay ang kabaitan.Simple kung kumilos pero tiyak na mapapa-aray ka sa resulta ng gawa niya. Mahusay sa angking galing!Dahil malamang sa kanyang karanasan na hindi nakapagtatakang malamig siya sa ilang bagay lalo na sa usaping

  • USOK    ANG MATIKAS NA ASSASSIN

    Nagpatuloy ang sensation dala ng kamandag ng pagiging horny ng dalawa. Binilisan ng lalaki pagkadyot ngayon habang ang kanang kamay ay nakahawak sa braso ni Andrea. "Ahh" Inilapit ng lalaki ang kanyang mukha sa taenga ni Andrea at nagtanong, "Ganito ka ba pina-f*ck ng Rafael na iyon?" "Hindi!" ung

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status