"Good morning love," malambing na tinig ni Andrea na nasa tabi ni Rafael. Nauna itong nagising sa umagang ito.
Kahit nakapikit pa ang mata ay inunat ni Rafael ang kanyang kaliwang braso para bigyang diin ang paggalaw ni Andrea sa tabi niya. Alam niya na gustong-gusto nitong gawing unan ang kanyang braso tuwing matutulog sila. Dahil dito, nakatulog uli si Andrea at naunang bumangon si Rafael na hindi niya namalayan. Nagtungo si Rafael sa kusina at agad nagbukas ng kanyang laptop. Maaga pa lang ay may mga transactions na siyang kailangan sagotin bukod dito, kailangan niyang makasiguro na safe ang lahat ng accounts niya mula kay Andrea. Kahit na sarili nitong asawa ay hindi nangingi-alam ng kanyang laptop, matinding away ang mangyayari dahil sa dami ng babae ni Rafael, kaya mas pinili ng asawa na manahimik na lamang. Ngunit pagdating sa kanyang prinsesa na si Andrea, ay pumayag siya? Dino-double check din ni Rafael ang history ng "search tab" natagpuan niya doon na puro website nga ang tinitingnan ni Andrea. Mostly sa mga website ay mga branded na mga sapatos at damit. Pati ang latest fashion ng Korean style ay interested din si Andrea. May tatlong confirmation din siyang na receive sa nasabing order sa online, Ang lahat ay mai-deliver sa hotel kinabukasan na nagkaka-halaga sa 41,324.00 peso. Nakikita ni Rafael ang minuto na ginugugol ni Andrea sa website na iyon. Dahil dito, napanatag niya ang sarili na safe ang mga files niya. Maya maya pa ay nakarinig si Rafael ng hanas na pagbukas ng pinto ng kwarto. Agad naman kumilos si Rafael na di nagpahalatang ino-obserbahan niya si Andrea. Lumipat siya sa files na kunwareng may tinitingnang report. "What do you want coffee or sweet breakfast?" tanong ni Andrea na nakangiti ng makarating sa kusina. Lumapit siya kay Rafael at muli, hinalikan ito sa noo. Nahuhulog na nga ang loob ng dalaga sa lalaking ito. "Anything, pero bigyan mo muna ako ng strong coffee blend." ang utos ni Rafael. "Masusunod kamahalan," ang pabirong sagot ni Andrea. Habang ginagawa ni Andrea ang gustong taste ni Rafael na kape ay seryoso namang nakikinig ang taenga niya kay Rafael, kaya nakatali madalas ang kanyang buhok. Maingat siyang sumusulyap kay Rafael habang may ginagawa ito sa mesa. Guilty siya sa sarili na may ginagawang pagnanakaw sa bank account nito kay binabantayan niya ito para maging handa sa anuma'ng maging reaksyon. Marahil ay walang oras si Rafael para tingnan ang bank balance niya, isa pa wala siyang nakikitang email notification dahil deleted na iyon sa inbox niya, matalinong magnanakaw ang matatawag kay Andrea. Pero tunay nga bang naisahan niya si Rafael? "Ahh!" Ang biglang sigaw ni Andrea. "Bakit?" reaksyon ni Rafael at biglang napatayo. Nakita niyang napaso si Andrea ng mainit na tubig "Sorry, wala ito," sabi ni Andrea na namumula ang mukha, halatang tinitiis nito ang hapdi mula sa napaso niyang kamay. "Please be careful," sabi ni Rafael na lumapit na sa kanya. Kumuha ng telang pamunas si Rafael saka pinunasan ang nagkalat na mainit na tubig sa harap ni Andrea. "Salamat, pasensya na," Sabi ni Andrea. Tumango lang si Rafael at bumalik sa mesa para magpatuloy sa ginagawa. Makalipas ang ilang araw, dumating ang petsa de-peligro Hulyo 10, 2015 at 4:30 PM sa hapon. "Good Afternoon, sir. Your visitor is waiting in the 206 room. He wanted to go there first before your arrival today." sinabi ng isang lalaki na soot ang formal business attire. Siya ang manager ng bar at siya ang kadalasan ang unang bumati sa may-ari, ito ay si Rafael. Ang bar na ito ay siyang paboritong tambayan ng mga ilang mayayaman, bukod kasi sa mahal ang pagkain at inumin, napaka peaceful din ng lugar para sa mga gustong mag chill. Tumango si Rafael sa kanya. Pahiwatig na naririnig niya ang sinabi ng manager. Ang team leader ng kanyang mga bodyguards ay unang gumabay sa kanya sa daan. "You did an excellent job!" Pumalakpak si Rafael at binati niya ang isang tao. Habang naglalakad siya papunta sa isang master chair. Umupo siya doon kasama ang isang magandang dilag na babae na tumabi sa kanyang gilid. Ang bisita ni Rafael ngayon ay mailap at hindi mahilig makihalubilo sa ibang tao, lalo na sa mga mayayaman at kilala sa lipunan. Walang tiwala ang lalaking ito kay Rafael. Kinailangan niyang ilagay ang kanyang sarili sa isang malayang lugar upang makatakas kung ang pagpupulong na ito ay maging complicated, in that way, matalino siya. Tumabi si Andrea kay Rafael, sa unang tingin pa lang ay nahuhumaling na sa kanyang ganda ang estrangherong lalaking ito. May katamtamang tangkad, maputi, may magandang hugis na katawan at ang pinaka nakakatawag ng pansin ay ang kanyang mga titig. Nakaka akit siya kung tumingin, nakakadala ang mala-chinita niyang itsura, na may mapupungay ang pilik-mata at mala- cat-eyes ang dating. Isa rin ito sa dahilan kung bakit ang bisita ni Rafael ngayon ay parating umuupo sa isang malayang sulok , parang anino na nagtatago sa dilim. Ang lalaking ito ay madalas nang makita si Andrea, at sa pagpupulong na iyon ay ipinakita niyang hindi niya gusto ang presensya nito. Itinuon niya ang kanyang paningin kay Andrea ng walang pagkurap na titig. Paano na lang kaya kung wala si Rafael sa tabi niya? Matagal na nag isip ang lalaki. Kung pwede lang sana niyang paalisin si Rafael ay ginawa na niya, sa sitwasyon na ito si Rafael ang panalo dahil siya ang taong magbibigay ng buhay sa kanya. Dahil isa lamang siya sa mga taohan na binabayaran. "Done, i already sent my payment to your account" aniya ni Rafael at nilapag ang tablet sa mesa na nasa harapan nila. Matapos na maipadala ang pera sa kanyang account, sarado na ang deal na naaayon sa napagusapan. Walang ideya si Andrea kung ano ang pangalan ng lalaking ito. Gayunpaman, hindi niya gustong malaman, sa kasong ito naisip niya, maaaring posible, ngunit mapanganib. Inisip ni Andrea ang lalaking ito, ay assassin ni Rafael, pero sa totoo lang, hindi siya kasama sa mga regular na mga taohan ni Rafael, isa siyang secret agent, na inupahan ng kung sino mang may kayang bayaran siya. Pero, at least now, alam niyang naabot ni Rafael ang presyo ng deal. "Who really is this man?" Tanong ni Andrea sa sarili. Upang maiwasang may makapansin sa kanya, minaigi niyang pinagmasdan ang nail polish sa kanyang mga kuko sa paa. Pinili niyang lagyan ito nang umagang iyon, sa pag-aakalang ito ay mag mukhang kawili-wiling tingnan, bukod sa creamy white dress na outfit na kasalukuyang suot niya. Hindi pa sumagot ang lalaki sa kabilang kwarto, tila nag isip pa ito. "May isa pa akong ipapagawa sayo soon, ngunit pinag iisipan ko pa ito kung itutuloy ko pa o hindi, tatawagan kita agad." Ang dugtong ni Rafael Natutuwa si Rafael sa puntong ito, dahil feeling niya siya ang pinakamatalino at magaling sa lahat. At masaya siya dahil may gumagawa niyan para sa kanya. Sumunod na eksina ay naiinip ang mga daliri ni Rafael kaya inilipat niya ito sa hita ng katabi niyang magandang dilag. Hindi komportable si Andria sa ganitong eksina. Lalo pa't nasa harap sila ng isang lalaki. "Happy to serve" Ang biglang sagot ng lalaki na nakaupo sa madilim na room. Sa puntong ito, ay kabisado na ni Andria ang mood ni Rafael, pati tunay na ugali nito. Hindi naman siya takot, pero nag-iingat siya. "I'd like to offer you a bonus," ang nagagalak na sinasabi ni Rafael"Oh, Jobert how are you pre? long time no see.." Pagbati ng lalaking kakapasok pa lang sa loob ng bahay. Siya ang sinasabing asawa ng magandang babae. Ang babaeng ito ay ang unang amo ni Jobert, siya ay tinatawag na Miss Lee. Habang ang lalaking bagong dating ay may pangalang Anton Lee. Mayaman din ito, dahil sa kasalukuyang pinagkaabalahan nitong negosyo sa abroad, while doing that bihira lang ito nakakauwi ng pilipinas, sapagkat all of the time nasa trabaho siya at iyon ang alam ni Miss Lee. Paalis na sana si Jobert nang makasalubong niya sa pinto si Mr. Anton Lee. Si Jobert ay kilalang kilala ni Mr. Lee kaya pareho silang natuwa nang magkita muli. "Magandang araw sa iyo Mr. Lee.." Pagbati ni Jobert na nagkangiti. "Oh no. Ikaw pala kaibigan. Masyado kang formal ngayon. Ayoko ng ganyan gusto ko na eturing mo akong kaibigan, magtropa tayo hindi ba?" nakangiting sinabi ito ni Mr. Lee "Oo naman po. Pero nakakahiya lang kasi.." "Hayst.. Wala nang paliwanag. Halika at sabayan
"Matagal din tayong hindi nagkita Jobert. Ang akala ko ay hindi ka darating.." isang matangkad na babae ang nagsasalita. Binuhusan niya ng tubig ang isang flower vase na nilagyan niya kanina ng mga bagong pitas na mga rosas. Nasa isang private resort si Jobert ngayon, na kilala sa tinatawag na staycation area sa isang probinsiya. Malayo ito sa syudad ng Quezon City. Ang matangkad na babaeng nagsasalita, ay may magandang hubog ng katawan, maputi at makinis. Kung magbibitaw siya ng salita ay saka mo lang masasabi na isa siyang matalino, at mayamang babae. Katulad ni Jobert, ang kanyang pagkatao ay nagtatago din sa dilim, ngunit ang kaibahan lang ay hindi siya pumapatay ng tao, negosyo ang pinapatakbo niya at ito ay mga illegal na negosyo sa pilipinas, kasama na dito ang droga. "Ang totoo ay isa na akong kalaban sa mga mata ni Don Rafael. Hindi mo na ako pwedeng e-hire para sa kanya. Higit sa lahat, hindi na dapat mag cross ang landas naming dalawa. Yan ang dahilan, kung bakit nagpu
"Anong naiisip mo Gardo?" tanong ni Rick Cordial. Kilala ni Rick si Gardo, mahaba ang pasensya nito ngunit sensitibo sa mga detalye. Pareho silang nagpapataasan at nagpapagalingan sa trabaho, lalo na kapag kaharap si Don Rafael. Pinapakita nila ang kanilang galing at talino sa trabaho upang makita ng lahat kung sino ang mas superior sa kanilang dalawa, sa ngalan ng monitoring system at securities ng buong hotel. Dahil tinatanong ni Rick si Gardo. Napilitang magpaliwanag si Gardo. "Nakuhanan ng camera natin ang pagpasok niya sa kotse, at siya ay tila nakangiti. Makikita din sa buong paligid na walang tao sa baba. Ang kanyang paglabas sa oras na ito ay naganap within 25 seconds. Ito ang oras ng palitan ng mga bantay doon. Bukod pa rito, kung may laman ang kanyang pitaka, mag-tatago siya sa ibang area kung saan walang makakakita. Dahil sa pagmamadali, hindi din niya pweding iwanan ang petaka sa library dahil maraming tao doon." "Hmm. Maaaring tama ang analysis na yan Gardo. Pero
Iba ang maging takbo ng buhay ng isang tao kapag may nahahawakang pera. Kaya nitong anayin ang tiyan, sa dami na pweding kainin, at pweding gawin. Ngunit kapag nagulat ka sa biglang yaman na hindi mo naman pinagpaguran ay maaaring mawala ito ng parang bula, kapag di ka marunong dumiskarte sa buhay. Ngunit kapag dugo't pawis ang pinuhunan mo, masasabi mong masarap mahawakan ang perang pinaghirapan, kaya marami sa atin ang nagsusumikap. In reality, napabuntong hininga si Andrea, piniling huwag isipin ang tanong, at ibinaling ang tingin sa orasan. Mag aalas-kwatro pa lang ng umaga, naiinis siya sa biglang pagka-gising niya sa oras na ito. Pangatlong araw na, ngunit wala pa ring anino ni Jobert ang nagpapakita. Hanggang sa naaalala ni Andrea ang paguusap nila ni Alfred: "Ate.. kailan ba kita makakasama muli? namimiss ko na ang luto mong spicy na adobo, na may maraming patatas, at black beans." tanong ni Alfred.
"For three years na hindi ka nagparamdam, hindi mo na agad ako kilala?" halatang nagulat ang lalaking ito, kaya binalikan niya si Andrea ng tanong. Bukod pa dito, ay nagtataka siya kung bakit may hawak itong flower vase na alam niyang ebabato niya ito sa kanyang ulo. "What the heck! bakit may hawak kang flower vase, huwag mong sabihin gusto mo ako patayin?" sunod na sinabi ng lalaki. "Ang tanong ko ang sagotin mo? Sino ka?! paano ka nakapasok dito?!" sigaw ni Andrea malapit sa kanyang mukha. "Ok.ok. Magpapaliwanag na ako. Pwede ba ate ibaba mo na yang flower vase na yan! Kaloka ka naman, lasing ka ba kagabi?" "Anong ate... pinagsasasabi mo diyan?!" kunot noong sinabi ni Andrea. Nagulat siyang marinig na tinatawag siyang ate, gayong walang tumatawag sa kanya ng ganoon, kahit pa mga staff ng restaurant na kinakainan niya o kahit sa mga spa at salon na pinupuntahan niya madalas upang magpaayos. "Haler! Ate? Ate.. ako eto si Alfred, ako lang eto ang bakla mong kapatid, di mo ako
"Boogsh" Parang bombang sumabog ang malakas na paghampas ng pinto, na tumilapon sa dingding. Ang tunog ay nagpagulat nga mga taong nasa loob ng bawat kwarto. "Uuuhh!" "Itaas ang mga kamay!" sigaw ng isang leader na mga taohan ni Don Rafael. "Sino kayo? Anong kailangan ninyo sa amin?" nanlaki ang mga mata ng isang matandang lalaki na hubo't hubad pa, kasama ang kanyang babae sa kama. "Sino ang kasama ninyo dito? sagot!" "Wala ho! wala kami lang ang mag kasama dito simula kagabi, galing pa kami ng probinsiya. Ano ho ba nagawa namin bakit kayo nandito?" pag aalalang tanong ng matandang lalaki. Nagulat ito at nanginginig sa takot dahil naka-armado ang mga lalaki na biglang pumasok sa kinaroroonan nila. "Tingnan ninyo ang bawat sulok, baka nagtatago lamang siya!" sunod na utos ng leader nila. "Pasensya na.. may hinahanap lang sila.." isang babae na may kaedaran ang nagsalita ng mahinahon sa isang magka-pares na nasa kama. Ito ay ang tunay na may-ari nang nasabing hotel.